20

930 28 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-PRINCE 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

"Kuya, kanina ka pa ba?" tanong ni Jairah.
"Mga fifteen minutes pa lang kami," sabat ni
Taira. Ganito palagi ang kakambal, late.
"Sorry, busy lang..." paumanhin ni Jairah.
"What the--" Reklamo ni Aron nang may
malakas na sumalpok sa likuran ng kotse.
Agad na bumaba siya. Ganoon din ang
kambal na kapatid.
Wasak ang likuran ng kotse nila dahil sa
pagkakabangga ng black toyota sa likuran.
"BABA! BUMABA KA!" Utos niya habang
malakas na kinakatok ang nagmamaneho.
Bumukas ang pinto at lumabas ang babaeng
nakasuot ng black dress na hanggang tuhod
ang haba kaya kitang-kita ang makinis na at
maputing balat nito. Simple lang kaya litaw
ang natural na ganda. Naka-shades ito at
maarteng lumapit sa kanila kaya biglang
sumalubong ang mga kilay ng binaba.
Pinakaayaw talaga niya ay ang maarteng
babae!
"Hindi ka ba marunong magmaneho?" galit
na tanong ni Aron. Ang ilang estudyanteng
napadaan ay napatigil at nakikiusyoso sa
nangyaring aksidente.
"Ki babae mong tao, napakataklesa mo! May
driver's li--"
"WAIT!" Pagputol nito ng sasabihin at nag
hand sign pa na tumigil siya sa pagsasalita.
"Let me explain first! Shit, wala pa akong
makeup!" maarteng sabi niya. Pupunta siya
sa party ng kaibigan kaya binura niya ang
makeup kanina dahil gusto niyang subukan
ang makeup artist ng kaibigan ng mommy
niya.
"Kainis! Ang eyebags ko, makikita ng mga
tao," maiiyak na talaga siya sa sobrang inis.
Panira talaga ng araw niya itong si Aron. Sa
dinami-dami ng sasakyan, sa lalaki pang ito
siya mabangga.
Busy siya sa pakikipag-usap sa ina kaya hindi
niya napansin ang nakaparadang sasakyan
dahil hindi siya nakatingin sa daan. Makulit si
Aron kaya napilitan siyang lumabas.
"Una, hindi ko nakita ang sasakyan mo--"
"HINDI MO NAKITA?" sigaw ni Aron at
napahampas sa sasakyan nila dahil sa inis.
"Patapusin mo muna ako. Chill lang, Aron,
chill lang." Mahinahong pakiusap ng dalaga
at napahawak sa dibdib. Kunwari ay ayaw
niya ng gulo at sobrang mahinahon siya.
"Pangalawa, busy ako at hindi ba dapat,
tanungin mo muna ako kung okay lang ba
ako? Kung buhay pa ba ako sa loob ng
kotse?" napasulyap siya kina Taira at Jairah
na parehong nag-aalala ang mga mukha.
Walang pagbabago, takot pa rin ang mga
ito kay Aron.
"Paano mo ako nakilala?" mahinahon na
pero halatang galit pa rin ang boses ng
binata.
"ATE MANDY!" Tawag ni Lee Patrick nang
makita siya kaya nanlaki ang mga mata ni
Aron.
"Thanks God at dumating ka, Lee Patrick!"
Tila nabunutan ng tinik si Mandy nang
makita ang nakakabatang pinsan. "Ikaw
muna ang makipag-usap kay Aron.
Nagmamadali ako!" Pakiusap niya.
"Kinakausap pa kita!" singhal ng binata pero
mabilis na nakasakay na ito sa sasakyan at
minaneho palayo sa kanila.
"BASTOS TALAGA NIYA KAHIT KAILAN!"
lahat na yata ng init ng katawan ay umakyat
sa ulo niya lalo na nang malamang si Mandy
ang babaeng iyon.
"Ihahatid ko na lang po kayo, kuya." Saad ni
Lee Patrick dahil mukhang matindi ang
pinsalang naidulot ng pagkakabangga ng
pinsan sa mga pinsan din niya. First cousin
niya si Mandy sa father side at first cousin
din niya ang mga Rodriguez sa mother side.
"Pakisumbong sa ama niya!" Wika ni Aron.
"Hindi ba siya dini-disiplina ng mga
magulang?"
"Kilala mo naman po siya mula pa noon,"
napakamot si Lee Patrick sa ulo.
"Kilala ko nga siya noon pa," ani Aron, "Kaya
alam kong pahiya lang siya sa mga
magulang niya!"
"Kuya, pagpasensiyahan mo na po si Ate
Mandy." Pakiusap ni Taira. Naglakad sila
palapit sa kotse ni Lee Patrick na nasa
parking lot ng chowking.
"Huwag ka ngang sumasa sa kaniya palagi,
Jairah!" Saway ni Aron sa kapatid habang
nakaupo silang tatlo sa backseat. "BI lang
siya sa 'yo!"
"Matagal nang masama si Jairah kahit na
hindi sila magkakilala si Mandy!" Sabat ni
Jairah.
"Nahiya naman ako sa iyo! Kaya sa ating
dalawa, ikaw ang maunang magpakasal!
Buntis ka na kay Sky, ano?" panunuya rin ni
Jairah.
"Ikakasal na kayo ni Kuya Sky, ate Taira?"
usisa ni Lee Patrick habang nagmamaneho.
"Hind--"
"Oo, lahat kayo imbitado!" Pagputol ni
Jairah. "OUCH!" Hiyaw niya nang nanggigigil
na kinurot ni Taira ang kaniyang hita.
"Huwag kang maniwala diyan, Lee!"
"Maniwala ka sa akin 'insan, magpapakasal
na talaga sila ni Sky. Next month na!" Giit ni
Jairah.
"Tumigil na nga kayo! Kanina pa kayo ah!"
Saway ni Aron na nabibingi na sa dalawa.
Pagdating ng kanilang bahay ay nadatnan
niya si Sky.
"Ilipat mo na kaya mga gamit mo at dito ka
na tumira!" Suhestiyon ni Jairah.
"Salamat pero nextime na lang. Kapag kasal
na kami ni Taira." Sagot ng binata at
napasulyap kay Taira na paakyat na ng
hagdan kasama si Aron.
"Hindi ko talaga ma-imagine ang buhay ng
kakambal ko kapag maikasal na sa iyo!"
Nagdududang wika ni Jairah.
"Huwag kang mag-alala, magkaiba tayo ng
imaginations!" Sabat ni Sky at iniwan na ito
para sundan ang kasintahan. Pakialam niya
sa sasabihin ng iba? Basta para sa kaniya,
kaya niyang buhayin si Taira. Hindi nga lang
niya alam kung paano pero bubuhayin talaga
niya ito, payat nga lang.
"Tai, sandali!" Mas nauna pa siyang pumasok
sa dalaga sa kuwarto.
"Ano ang kailangan mo, Sky?"
"Hindi mo ba ako na-miss?" tanong ng
binata.
"Mahal mo ba talaga ako?" usisa ni Taira.
"Yes," walang gatol na sagot ng binata.
Napabuntong hininga si Taira. Hinubad niya
ang sapatos at kumuha ng damit sa closet.
Napasulyap siya kay Sky. Hindi pa ito
nakabihis. Ganoon pa rin ang suot na damit
kanina. Pumasok siya sa shower room para
mag half bath. Hinayaan niyang umagos ang
malamig na tubig sa hubad na katawan pero
sinigurado niyang hindi nababasa ang
mahabang buhok.
Nang magsawa ay pinatay na niya ang
shower at nagpalit ng damit.
Paglabas niya ay tumayo si Sky, bitbit ang
pamalit na damit at pumasok sa shower
room. At home na naman ito kagaya ng
dati.
Kinuha niya ang cellphone. Napangiti siya
nang nabasa ang text message ni Lester.
"Paano kaya kapag malaman ni Sky na si
Lester ang nakaaway niya noon?" tanong
niya sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi ito
maka-move on sa nangyari noong mas
kinampihan niya ang nerd na bata kaysa sa
kaniya. Nahiga siya habang nagre-reply kay
Lester.
"Tai?" tawag ni Sky kaya inilapag niya ang
cellphone sa bedside table. Mahirap na
kapag mangungulit ito.
"Matulog na tayo?" nahiga ito sa tabi niya at
kinumutan ang mga katawan.
"Hindi ka ba uuwi?"
"Dito na lang ako matulog, para masanay ka
na..."
"Sky?" seryosong humarap siya sa binata at
nakipagtitigan dito. "Gaano ka ka-seryoso sa
akin?"
"H-Hindi ko alam..." seryoso ring sagot ng
binata at nakatitig lang sa maaami niyang
mukha. "Pero isa lang ang masisiguro ko sa
iyo, I will love you to the best I can."
Hindi makapagsalita si Taira. Alam niya.
Nararamdaman niya. Seryoso si Sky pero
takot siya! Takot siyang sumugal!
"T-Tai?" hinawakan nito ang baba niya.
Pareho lang silang nakatitig sa mga mata ng
isa't isa. Mga matang pagmamahal ang
isinisigaw. "K-Kinakabahan ako..." sambit ni
Sky at hinawakan ang kamay ng dalaga
tapos dinala sa kumakalabog na dibdib niya.
Nang maramdaman ni Taira ang mabilis na
pagtibok ng puso ni Sky, nakipagkarera rin
ang pintig ng kaniyang puso.
Napalunok ang binata habang nakatitig sa
mapupulang mga labi ng dalaga. Paunti-
unting ibinaba niya ang mga labi palapit sa
kumikibot na labi ni Taira.
Habang palapit ang mukha ni Sky, naaamoy
din niya ang mabangong hininga nito.
Parang first time nila ito pero na-blangko
ang lahat ng brain cells niya nang
maramdaman ang mainit na mga labi nitong
nakalapat sa mga labi niya at ang kanilang
mga mata ay tanging mga reflection ang
nakaguhit. Unang napapikit si Sky at
ninamnam ang matamis na mga labi ng
kasintahan. Kahit sinong babaeng iharap sa
kaniya, ay walang makakapantay sa tamin ng
mga labi ni Taira. Gusto niyang namnamin
ang oras at pagkakataon na inaangkin niya
ang mga labi ng kababata. Na sa kaniya lang
at pagmamay-ari niya!
Napapikit na rin si Taira dahil sa sensasyong
gumagapang sa buong katawan niya.
Maingat ang bawat pagkilos ng labi ni Sky.
Puno ng pagmamahal kaya tinugon din niya
ito na hindi nag-iisip. Basta ang alam niya,
gusto rin niya ang ginagawa nila. Nagtataka
siya nang tumigil ito kaya napamulat siya ng
mga mata.
"Kain na tayo," wala sa modong sambit ni
Sky na nakadilat na ang mga mata...
"K-Kakain na tayo ng kanin..." wala sa
sariling saad ni Taira.
"Oo, kakain na lang ako ng kanin!" Umiba na
ang tono ng pananalita nito.
"S-Sky? May problema ba?" nagtatakang
tanong niya.
"Wala! Tara, kain na tayo..." yaya ng binata
at nauna nang lumabas.
"Problema no'n?" nakakunot ang noong
tanong niya dahil bigla na lang umiba ang
timpla ng modo nito. "BIPOLAR!"

A/N:

Alam niyo ang haba na pala
Pag mag-update mas hahaba pa
Hinahabol niyo'ng bawat kong update

Ngunit ito'y 'di ko eni-edit🎶 🎶
Wala akong maipagmamayabang 🎶
Stories ko ay sobrang simple lang 🎶
Sino ba ako walang dating sa inyo 🎶
Di ako bagay na maging writer..🎶
Author lang...🎶 🎶
Di ko alam kung hanggang saan
tayo 🎶
'Di ko alam ang takbo ng story na ito 🎶

Charot! pakshit! Walang plot. Hahaha!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon