4

1.3K 45 0
                                    





My Trip Buddy ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

"Hi, puwedeng pahiram ng notes natin mula noong isang araw?" tanong ni Jerome nang maupo sa tabi ni Taira.
"Sige, ipaphoto copy mo na lang para hindi ka na mahirapan," sagot ni Taira. Hindi niya ito nakilala dahil magkaiba naman sila ng school nina Sky noong high school pero dahil ka close ito ng triplets, nakipagkaibigan na rin siya. Isa pa, nakiusap sa kaniya si Keana na bantayan ito kung may girlfriend na.
"Ahm, mabuti naman dahil naisipan mong bumalik sa pag-aaral?" wika niya nang maupo ito sa tabi niya. Ang dalawang nerd niyang kaibigan ay tahimik na naupo at nagbabasa ng makakapal na libro sa isang tabi pero paminsan-minsan ay napapansin niyang napapasulyap si Jack sa kaniya.
"Oo. Education is the passport to the future kaya heto, nagtatiyaga." Sagot nito.
"Ahm... Mabuti naman dahil pumayag ang girlfriend mo?" napamura siya sa sarili. Sana huwag lang mahalata nito na nagtatanong siya kung may girlfriend na ito o wala.
"Wala pa akong girlfriend. Well, wala pang sineryoso." Pagtatama nito kaya pasimpleng tumaas ang kilay niya.
"Magkaibigan nga talaga sila nina Sky!" Bulong niya.
"Ah, kayo talagang mga lalaki..." saad niya. Ngayon, may ire-report na siya kay Keana. Ang kulit kasi ng pinsan. Cellphone number na lang nito ang kailangan niyang makuha para tumahimik na si Keana.
"SKY!" Bati ni Anjie at napa flip pa ng hair nang pumasok si Sky sa classroom nila. "K-Kamusta ka na?" tanong ni Anjie. Wala pa ang tatlo niyang kaibigan kaya masaya siya dahil masosolo na niya ang binata. Humarap si Sky sa kaniya at ngumiti kaya halos malaglag ang panty niya sa kaguwapuhan ni Sky. Para sa kaniya, ito na ang pinakaguwapong nilalang sa balat ng lupa.
"Do I know you?" napatawa si Taira sa tanong ni Sky kay Anjie.
"H-Huh? K-Kaklase ako nina Taira..." napahiyang sagot niya.
"Oh..." tumango-tango si Sky.
Si Grace naman ay mas isinubsob ang mukha sa libro tapos inayos ang salamin. Ganito siya kapag makasalubong niya si Sky. Kinakabahan!
"Babe? Namiss mo na ba ako? Bakit nandito ka?" malambing na tanong ni Amanda saka pinandilatan si Anjie.
"Napadalaw lang." Sagot ni Tai saka napatingin sa gawi ni Taira na iniwan na ni Jerome.
"Tai? Sabay na tayong umuwi mamaya. Dala ko ang sasakyan ko," wika ni Sky saka nilagpasan si Amanda at lumapit kay Taira.
"Babe? Hindi ko dala ang sasakyan ko," sabat ng kasintahan.
"Ipadala mo sa driver ninyo," sagot ni Sky kay Amanda.
"Makisabay na ako sa iyo," giit nito.
"Wala ka bang pang gasolina? Bigyan kita," pinandilatan ni Taira si Sky sa mga sagot nito kay Amanda pero dedma lang ang binata at naupo sa tabi niya.
"Tai? Punta ka sa bahay. Namimiss ka na nina Mommy," pakiusap ng binata.
"Busy ako. Ang dami naming assignments," tanggi ng dalaga.
"Tutulungan kita sa assignments mo."
"Assignment mo nga na sa Filipino lang, hindi mo magawa, assignments ko pa kaya?" panunuya ni Taira.
"Bakit ba ang suplada mo sa akin?" tanong ni Sky.
"Alin ang suplada roon?"
"Tai naman. Sorry na nga. Hindi ko na alam ang gagawin ko," nahihirapang sabi ni Sky.
"Ano ba kasi ang problema mo, Sky?"
"Ikaw!" Nakipagtitigan ang binata sa kaniya. "Hindi ko na maintindihan kung bakit ganito ang turing mo sa akin kahit na wala naman akong maalalang kasalanan ko. Bakit ganito ka sa akin? Bakit iniiwasan mo ako? Bakit ayaw mo na sa akin?" naguguluhang tanong ni Sky at sinalubong ang mga mata ni Taira.
" Halikan ko kaya 'to?" napailing siya sa naisip. Mas lalong magagalit si Taira sa kaniya.
"Hindi kita iniiwasan o ano pa man diyan gaya ng mga pinagsasabi mo!" Tanggi ni Taira.
"Pero iyon ang nararamdaman ko!" Mabilis na sagot ng binata. Wala siyang makialam sa masamang titig ni Amanda. Ang mahalaga sa kaniya ay si Taira.
"Kuya?" napalingon si Taira kay Grace na nakatingala kay Lester.
"Pinadala ni Mommy kanina. Makakalimutin ka talaga," sabi ni Lester at ibinigay ang lunch box ng kapatid.
"Sorry." Paumanhin ni Grace at ngumiti sa kapatid. Kahit na suya ito sa pagiging nerd niya ay alam naman niyang mahal siya ng kapatid. Nararamdaman niya.
"Wala iyon. Kapatid kita, eh." Ginulo ni Lester ang buhok ni Grace.
"S-Salamat, Kuya..." naiilang si Grace sa mga nakatingin sa kanila.
"Hi, Lester!" Tumayo si Taira para sana puntahan si Lester pero mabilis din na tumayo si Sky at pinigilan siya sa braso.
"Dito ka lang," mahinang pakiusap ng binata at iniharang ang katawan kay Taira para hindi ito makalapit kay Lester..
"Hello. Kamusta ang nursing course?" nakangiting bati rin ni Lester na sinisilip si Taira sa likuran ni Sky.
"Okay lang. Medyo naka-adjust na."
"Bumalik ka na sa klase mo, Lester! Hindi ka kailangan ni Taira rito!" Sabat ni Sky. Napangiwi ito nang kurutin ni Taira sa tagiliran.
"Ikaw din. Bumalik ka na sa klase mo dahil hindi naman dito ang classroom mo," napipikon na sagot ni Lester. Ilang beses na niyang pinalampas ang pang-iinsulto sa kaniya ni Sky noon.
"Aba, hoy, wala kang karapatan para sawayin ako sa paaralang pagmamay-ari ko!" Galit na sagot ni Sky.
"Pagmamay-ari ninyo pero nagbabayad ako!" Palabang sagot ni Lester kaya natahimik ang mga maiingay na estudyante sa loob ng classroom.
"Tama na," pakiusap ni Taira sa dalawa at hinawakan si Sky sa braso dahil mukhang susugurin na nito si Lester.
"Psh! Mauna na ako, Taira." Paalam ni Lester at lumabas na ng classroom nila.
"Tai-Tai? Inaaway ka ba nila rito? Nahihirapan ka ba?" umiling si Taira bilang tugon kay Sky.
"Sabihin mo lang kung may nang-aaway sa iyo, ako ang bahala." humarap siya sa mga kaklase ni Taira.
"HOY, KAYO! ORAS NA MALAMAN KONG PINAPAIYAK O INAAWAY NINYO ANG BESTFRIEND KO, AKO MISMO ANG MAGPAPATALSIK SA INYO SA PAARALANG ITO!" Pagbabanta niya kaya tumahimik ang mga ito. Si Rosalie ay nanghihinang napaupo sa silya.
" Ba't hindi mo kaya patalsikin ang sarili mo? Tutal, ikaw naman ang rason kung bakit tumutulo ang mga luha ko." sigaw ng isip ng dalaga.
Nang dumating ang professor nila ay lumabas na si Sky habang naiwan si Amanda na sobrang sama ang loob dahil hindi man lang pinapansin ni Sky.

A/N:

Life's too short to DEAL with other people's insecurities. Let your hater hates you more and more and more. Be happy. Be you!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon