21

1K 36 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

Unedited....

"Ano ba ang problema ng lalaking 'yon?" naiinis na tanong ni Taira sa sarili nang nagpaalam si Sky sa mga magulang niya na uuwi. Akala pa naman niya ay dito ito matutulog.
"Nag-away ba kayo?" tanong ng ina habang kumakain sila.
"Hindi ko po alam." Sagot ni Taira, "Nasaan po si Kuya Aron?"
"Nasa kuwarto, may lakad daw." Sagot ni Jairah habang kumukuha ng pritong isda.
"Saan?"
"Ewan ko. Doon na raw siya kakain," sagot ng kakambal.
"Okay..."
Napansin niyang hindi nagsasalita ang kaniyang ama. Malamang, galit pa rin ito sa kaniya. Matapos nilang kumain ay nilapitan niya ang ama na nasa mini library nila.
"D-Dad?" natatakot siya pero alam naman niyang hindi siya nito papatayin. Naupo siya sa harapan nito. Tumigil si Tyron sa pagtitipa ng keyboard sa laptop at hinarap siya.
"May kailangan ka?" malamig na tugon ng ama.
"I-I'm sorry, alam kong mali ako. Sana, mapatawad mo po ako." Paumanhin niya. Hindi siya sanay na galit o nagtatampo ang kanilang mga magulang sa kanila. Ni minsan, hindi ito nagkulang sa pagbigay ng payo sa kanilang magkapatid.
Narinig niya ang malalim na buntong hiningang pinakawalan ng ama.
"Tapos na iyon, wala na akong magagawa pa. Ang akin lang, masyado pa kayong mga bata. Si Sky, ano ang magagawa niya kapag mabuntis ka? Naisip ba ninyo ang puwedeng kahihinatnan ng mga actions ninyo? Hindi ko sinasabing tutol ako sa relasyon ninyo pero Tai, alam mong bilang ama, nag-aalala lang ako sa future mo." Madamdaming saad ng kaniyang ama. Napayuko ang dalaga at nilalaro ang sariling mga daliri sa kamay.
"D-Daddy, p-pinigilan ko naman, eh. S-Sinubukan ko naman pero si S-Sky kasi..." naiiyak na sagot niya at halos hindi alam kung paano mag-explain sa ama.
"PINILIT KA BA NI SKY?" tumaas bigla ang boses ng ama kaya todo iling ang ginawa niya.
"H-Hindi po, h-hindi po niya ako pinilit..." umiiyak na sagot ni Taira. Isa pa ito sa kinaiinisan niya, kusa niyang ipinagkaloob ang sarili kay Sky. She has the right to refuse him pero hindi niya nagagawa dahil kapag si Sky na ang mag-insist ng gusto, palagi siyang napapasunod nito. Katulad na lang kanina, muntik na naman niyang ibigay ang sarili.
"Tahan na..." pinagmasdan niya ng maigi ang mukha ng anak. Kilala niya si Taira, palaging galit ito kay Sky pero alam niyang para naman itong tuta na sunod-sunuran lang sa anak ng kaibigan kahit na kapag ginusto nito ay kaya naman niyang tanggihan.
Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang anak at nakipagtitigan sa mga nata nito. Napangiti siya, mga mata ng asawa ang kaniyang nakikita
"Do you love him?" seryosong tanong niya.
Bumuka ang bibig ni Taira sa tanong ng ama pero walang mga salitang namutawi mula sa lalamunan niya.
"H-Hindi ko po alam, dad." Naguguluhang sagot niya.
"Just yes or no, baby..." malumanay na sagot ng ama para ipaalam dito na hindi siya magagalit sa kung ano man ang isasagot ng anak. Ilang segundong napaisip ang anak bago nakapagsalita.
"Y-Yes, maybe..."
"Then, mahal mo nga siya." Kahit na naguguluhan ito, alam niyang kahit paano, mahal ng anak si Sky. "Matulog ka na, mag beauty rest ka muna..." utos niya sa anak.
"Palagi naman po akong maganda," biro ni Taira na ikinangiti ng ama.
"Yes, I know, baby. But tomorrow is different, you must be the most beautiful woman on earth..."
"Bakit bukas pa?" tanong ng dalaga.
"Nakalimutan mo na? Tomorrow will be your prenuptial photoshoot," ani Tyron.
"Prenuptial?" bulalas ni Taira na halos lalabas na siya sa kaluluwa niya.
"Yes, hindi mo ba alam? Saan ka ba noong namanhikan sina Kimberly dito?" nang ipatawag niya ito sa katulong ay wala raw si Taira kaya sila-sila na lang ang nag-usap tungkol sa kasal. "Don't tell me, hindi mo rin alam na next week na ang wedding day ninyo?"
"DADDY? Hindi ko alam!" Napahawak si Taira sa naninikip na dibdib. Sino ba ang babaeng magulat na ikakasal pala siya next week at hindi niya alam?
"Ask your brother, siya ang binilinan naming ipaalam sa iyo!"
"Eeeeeh?" tumayo si Taira at padabog na tinungo ang kuwarto ni Aron.
"KUYA!" Sunod-sunod na pagkatok ang ginawa niya. "OPEN THIS DOOR!"
Mabilis na binuksan naman ito ni Aron na halatang hindi pa tapos sa pagbibihis dahil bukas pa ang lahat ng butones ng damit.
"Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Aron sa kapatid na hindi na maipinta ang mukha.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nextweek na ang kasal ko?" napapadyak pa si Taira dahil sa inis.
"Sorry, nakalimutan ko. I thought, you already know when it is," depensa ni Aron.
"Puro ka kasi Julie! Wala kang ibang ginawa kundi Julie, Julie, JULIE!" Singhal ni Taira.
"Huwag mong idamay si Julie rito!" Saway ni Aron.
"Paano ko siya hindi idadamay kung palagi na lang siya ang laman ng isip mo! Pati yata sa panaginip mo, siya na lang palagi! Sa kaniya na umiikot ang buhay mo na dapat sa amin muna dahil hindi mo pa siya asawa!" Sumbat ni Taira. Mula nang makilala nito si Julie, nakakalimutan na nitong makipag-bonding sa kanila ni Jairah.
"Please, huwag mong idamay dito si Julie, sis, wala siyang kasalanan." Malungkot na pakiusap ni Aron.
"Mahal mo ba talaga si Julie?" seryosong tanong ni Taira.
"Oo, alam ninyo kung gaano ko siya kamahal!"
"Eh ikaw? Mahal ka ba talaga ni Julie?" balik-tanong ni Taira.
"Oo, mahal niya ako..."
"Talaga? Sabi mo eh," pinagmasdan niya ng maigi si Aron. Matanda lang ito ng ilang buwan sa kanila ni Jairah. Guwapo, maganda ang pangangatawan at kamukha ng kanilang ama pero kung pumorma, parang ewan. May abs nga pero hindi man lang ipinapakita kagaya ng ibang lalaki. Tanging sa bahay lang nila ito naghuhubad. Ang seryoso pa ng mukha kahit na may pagka-badboy naman.
"Minsan, pagbigyan mo rin namang maging masaya ang buhay mo." Mahinang wika ni Taira, "Walang masama kung lumabag ka sa mga rules mo sa buhay." Makahulugang wika ni Taira.
"Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot na ang noo ng binata.
"Hindi porket nagkamali si Daddy noon, magkakamali ka rin." tinalikuran niya itong naguguluhan. Kahit siya ay hindi rin maipaliwanag kung bakit iyon ang nasabi niya sa kapatid. Nararamdaman niyang may itinatago pa itong pagkatao. Takot lang na magaya sa ama nilang minsan nang nagkamali at muntik nang mawala ang tunay na minamahal sa buhay dahil sa nagawang kalokohan.
Kinabukasan, nasa sala na si Sky nang bumaba siya. Pasado alas nuwebe na nang magising siya. Kung hindinpa siya ginising ng ina ay hindi pa siya babangon.
"Ano'ng oras ang photoshoot?" tanong niya kay Sky na nakaupo sa sala.
"Alas otso..."
"Alas otso? Alas diyes na, ah!" Bulalas niya. Magmi-makeup pa siya.
"Alam ko," sagot ng binata.
"Bakit hindi mo ako ginising?"
"Para ano?" pagsisinuplado nito.
"Galit ka ba sa akin, Sky?" usisa niya sa binata habang nakapamewang.
"Hindi ah. Halika na nga!" Tumayo ito at walang pasabing hinila siya palabas ng mansion.
Habang nasa biyahe ay wala silang kibuan kaya hindi mapakali si Taira. Nakakapanibago.
"Sabihin mo lang kung ayaw mong ituloy ang kasal. Hindi ka kawalan!" siya na nag bumasag ng nakakabinging katahimikan.
"Para ano? Para malaya kayo ng LESTER MO?" sagot ni Sky at pinabilisan ang pagpatakbo ng sasakyan.
"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?"
"Huwag ka ngang mag-inarte na para bang wala kayong relasyon ng tarantadong iyon!" Galit na sagot ng binata at napahigpit ang paghawak sa manibela. Kagabi pa mainit ang ulo niya dahil nang naghalikan sila ni Taira kagabi ay tumunog ang cellphone nito at nakita niyang si Lester ang tumatawag kaya biglang kumulo ang dugo niya! Sa sobrang inis ay iniwan na niya si Taira bago pa siya tuluyang magwala!
"Wala naman talaga!"
"ANONG WALA? HUWAG MO NGA AKONG LOKOHIN!" tumaas na ang boses ni Sky kaya nagulat si Taira.
"G-Galit ka ba sa akin?"
"Kasintahan kita at ikakasal na tayo, sa tingin mo, masaya ako kapag malaman kong may gusto ka pa sa iba?" malumanay na ang boses ni Sky kahit na ang totoo ay sobrang init na ng ulo niya.
"Wala kaming relasyon ni Lester at magkaibigan lang talaga kami," sagot ni Taira. Kapag hindi pa ito maniniwala ay tatalon na talaga siya sa kotse dahil baka patayin siya ni Sky.
"S-Sure ka?"
"Oo," napalunok siya ng laway nang binagalan nito ang pagpapatakbo tapos inihimpil ang sasakyan sa tabi ng daan.
"Wala talaga?" ulit na tanong nito habang nakatitig sa mga mata niya.
"O-Oo, wala talaga..." inilipat niya ang paningin sa unahan ng sasakyan. Lately, napapansin niyang para siyang nahi-hipnotized sa tuwing makipagtitigan siya kay Sky.
"Promise, Tai-Tai?" napapitlag siya nang hawakan nito ang baba niya para iharap ang mukha sa kaniya.
"Wala talaga kayong relasyon ng Letseng iyon?" pangungulit nito.
"W-Wala nga!" Napalunok siya ng laway. Nahihirapan siyang huminga. Para siyang kandila na unti-unting natutunaw sa harapan ng binata.
"Kiss me!" utos ni Sky subalit hindi kayang gumalaw ng kaniyang katawan. Nakapako lang ang mga mata niya rito. Pareho silang nagulat nang may malakas na bumusina sa likuran nila.
"Sina Daddy!" Napipikong wika ni Sky at inayos ang sarili.
"Wala pala kayong relasyon ng Letse na 'yon, sana, itinuloy na natin ang kagabi!" Reklamo nito at muling pinaandar ang sasakyan. Namula naman ang dalaga nang maalala ang nangyari.
Pagdating sa venue, agad na inayusan si Taira. Ang ganda ng paligid. Puti ang lahat ng gamit. Dito ang magiging reception nila, beach wedding. Bagong patayo ng mga Villafuerte na kakatapos lang last month. Kahit na ang mga haligi ay may disenyo ring puting tela at puting bulaklak. Ang gagara pa ng mga mamahaling gamit. Halos lahat ay made of crystals. In a short period of time ay naasikaso kaagad ng mga magulang ang lahat.
"Okay, perfect!" Bulalas ng babaeng makeup artist niya. "Kaway sa camera!"
Kumaway naman si Taira sa baklang nagvi-video sa kaniya. Tumayo siya sa harap ng salamin at pinagmasdan ang kabuuan na naka-wedding gown. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, ang ganda niya! Bumagay sa kaniya ang suot na diamond jewelries. Para siyang isang prinsesa na nakatira sa pinakamagandang white castle sa fairytale story.
Nang lumabas siya ay nasa sala sina Sky kasama ang mga magulang at mukhang naiinis sa paghihintay ng paglabas niya. Paghanga ang unang sumilay sa mata ng mga ito.
"Ang ganda mo, babymine ko!" Puri nito nang makalapit sa kaniya.
"S-Salamat, ikaw din, ang guwapo mo." puri niya kay Sky kaya todo ngiti na naman ito. Pero totoo naman ang sinabi niya. Bagay na bagay rito ang suot na gray tuxedo.
Pinapuwesto na sila para sa photoshoot. Nasa likuran niya si Sky at maingat na hinawakan siya sa bewang. Pareho silang nakangiti.
Hinawakan siya ni Sky sa balikat at iharap. "Ngayon pa lang, ang ganda mo na, paano pa kaya kapag araw na ng kasal natin?" hindi mapigilang purihin ni Sky si Taira. Sobrang ganda nito sa paningin niya.
"K-Kanina ka pa!" naiilang na saway ni Taira at nanigas nang paunti-unting inilapit ni Sky ang mukha sa kaniya. Hinapit siya ng binata at masuyong hinalikan sa mga labi. He can't help it but to kiss his bride to be. Pareho silang napapikit habang nakalapat ang mga labi.
"Ehem! Kasama pa ba ito sa photoshoot?" tikhim ni Tyron na kakarating lang kaya napahiwalay ang dalawa.
"Utos ng photographer!" Sabat ni Skyler sabay turo sa may hawak ng camera. "Ayaw nga ng mga bata pero pinilit talaga nila. Kailangan daw para mas maganda ang magazine ng mga anak natin."
"Opo, daddy Tyron. It's a MUST daw," Sabat ni Sky na para bang napipilitan lang.
"Totoo ba?" tanong ni Tyron sabay baleng sa photographer.
"O-Opo," kinakabahang sagot ng photographer dahil baka magkarambulan pa ang mga ito.
"Ah..." tumango si Tyron at naupo sa tabi ni Kimberly.
"Tai?" kinalabit siya sa tagiliran ni Sky at niyakap mula sa likuran.
"Hmm?" tumingala siya rito.
"Nabitin ka, ano?" pabulong na tukso nito.
"Heh!" kunwari ay galit siya.
"Huwag kang mag-alala, babymine, bawi na lang tayo sa honeymoon." Paglalambing ni Sky.
"Tigilan mo nga ako, loko ka!" Bulong niya at kinurot sa tagiliran ang fiance. Mabuti na lang dahil busy ang mga magulang sa pag-uusap kaya hindi napapansin ang bulungan nila.
"Tai?" muling bulong ni Sky at niyakap siya ng sobrang higpit para mas dumikit ang katawan nito sa kaniya pero pareho silang nakangiti sa photographer.
"Na-miss ka NIYA!" Makahulugang bulong ni Sky. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang maramdaman ang matigas na bagay sa likuran niya. "See you raw sa honeymoon, sabi NIYA!" Pilyong sabi ni Sky at mabilis na ginawaran siya ng halik sa pisngi. Iniisip pa lang niya ang honeymoon ay nahihimatay na siya!




My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon