30

866 26 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30

Unedited...

"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ni Sky sa asawa nang makauwi na sila sa condo. Mabuti na lang dahil hindi na sumama pa ang mga magulang nila.
"Wala..."
"Babymine naman, mas lalong magkasakit ka niyan," reklamo ni Sky.
"Umalis ka nga sa harapan ko! Mas lalong umiinit ang ulo ko!" Pagtataboy ni Taira.
"Ako rin, umiinit na ang ulo ko," wika ni Sky at naupo sa tabi ng asawa. Kinuha nito ang kanang kamay ng nakahiga na asawa saka inilagay sa pagitan ng mga hita niya. "See? Uminit na siya, 'di--AW!" hiyaw niya nang piniga ito ni Taira.
"B-Babymine! Ang sakit!" naiiyak na sabi niya saka tumayo. Ang sakit talaga!
"Wala ka na bang ibang gawin at isipin kundi ang kabastusan mo?" singhal ni Taira. Kanina pa niya gustong bugbugin ang asawa dahil parang wala lang dito ang mga nangyari. Hindi na niya napigilan ang umiyak. Paano nagagawa ng asawang maging kalmado at magkukunwaring wala lang ang lahat gayong para na siyang sinaksak ng ilang beses sa puso.
"S-Sorry, alam kong may mali ako kanina," pumanhin ni Sky at muling naupo sa tabi niya. "I-I'm sorry kung wala ako sa tabi mo nang mahimatay ka. P-Pero babymine, nagseselos ako kay Lester," napangiwi si Sky nang makita niyang si Lester ang nasa loob ng hospital. Sana ay sina Blue na lang.
"Bakit mo siya pagselosan? Gayong sinalo lang naman niya ang bagay na tinalikuran mo?" tanong ni Taira. Mas lalong tumulo ang mga luha niya nang marahang pinahidan ito ni Sky gamit ang mga daliri nito.
"Mahal kita at ayaw kong may iba kang kasama. May ibang humahawak sa iyo at may ibang nag-aalaga sa iyo. Nagseselos ako," parang batang pag-amin ni Sky. Kung alam lang ni Taira na labis siyang nasasaktan.
"Pero ikaw? Naisip mo bang nasasaktan din ako kapag may kasama kang iba? Sa tingin mo, nasisiyahan akong kasama mo si Amanda?" naikuyom ni Taira ang kamao. Kung puwede lang na itaboy niya si Amanda ay talagang gagawin niya.
"T-Tai..." sambit ni Sky. Naguguluhan siya sa mga nangyayari.
"Huwag ka nang magpaliwanag. Alam ko namang naguguluhan ka sa akin. Alam ko namang hindi ako importante sa iyo kahit na mag-asa--"
"Hindi iyan totoo!" pagpigil ni Sky, "Ikaw ang pinaka-importante sa buhay ko. Kayo ng magiging anak natin."
"Sky? Puwede bang tigilan mo na ang pagsabi tungkol sa anak? Ayaw ko pang magka-baby!" Prangkang sabi ni Taira kaya natigilan si Sky.
"Hindi pa ako handa lalo na ngayong wala pa tayong ipon. Hindi pa natin kaya. Bata pa tayo kaya kung puwede, huwag muna!" Paalala ni Taira. Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Sky.
"P-Pero gusto ko na talagang gawin si Baby 'Clouds' natin. A-Ayaw mo bang magkaanak na tayo?" naiiyak na tanong niya. Kung alam lang ni Taira kung gaani niya kagustong magkaroon na sila ng anak.
"Hindi ka pa puwede maging ama!" Iniwas ni Taira ang mga mata para hindi maawa rito. Tama naman. Ang dami nilang magagastos kapag may baby na silang binubuhay. Nag-aaral pa sila pareho at kapag mabuntis siya, hindi malayong patitigilin siya ng mga magulang sa pag-aaral. Hindi niya kaya iyon.
"Ano ba ang sukatan para matawag ko ang sarili kong 'Ama'?" pabulong na tanong ni Sky sa asawa. "Hindi ba puwedeng mahal lang natin ang isa't isa?"
"Sky naman! Mag-asawa na tayo! Hindi ba puwedeng mag-isip ka naman? Alam kong gusto mo na maging ama pero ako? AYOKO ko! Hindi mo kami mabubuhay ng pagmamahal lang!" Giit ni Taira at tumalukbong ng kumot.
"Nag-iisip naman ako. Alam ko namang mahina ako mag-isip pero nag-iisip ako!" Giit ni Sky.
Hindi na sumasagot si Taira kaya tumayo siya. Magluluto lang ako para may makain ka tapos makainom ka na ng gamot mo."
Tumungo siya sa kusina. Wala siyang alam na lulutuin pero sinubukan niyang magluto ng kung ano mang puwedeng maluto. Dahil desperado na siya, humingi na siya ng tulong sa kakilala.
Matapos ang isang oras, ginising niya ang asawa. "Babymine? Kain ka na." hinalikan niya ito sa pisngi para magising.
"Ano ba!" Tinulak siya ni Taira.
"Kumain ka na kasi, baka lumamig na ang niluto ko." Bago pa makareklamo si Taira ay binuhat na siya ni Sky palabas ng kuwarto.
"Kain na, babymine ko." Masayang sabi ni Sky nang mailapag si Taira sa upuan. Kinuhaan niya ito ng plato at nilagyan ng kanin.
"Subuan kita?" alok niya.
"Huwag na! Ako na," biglang kumulo ang tiyan ni Taira nang maalalang hindi pa sila naghahapunan. Mabuti na lang dahil bumaba na ang lagnat niya.
"Masarap 'to, kain ka ng marami." Masayang sabi niya habang inaalok ang ulam sa asawa.
"Saan mo kinuha ito?" nagtatakang tanong ni Taira.
"Niluto ko," proud na sagot ni Sky.
"Salamat..." na-touch siya sa ginawa ni Sky dahil never pa itong nagluto. Wala siyang natatandaang nagluto ito.
Kumuha siya ng beef steak at kinain pero mayamaya ay napadura siya.
"O-Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sky at agad na binigyan ng tubig ang asawa. Actually, kakaiba nga ang lasa ng niluto niya pero iyon 'daw' talaga ang sinabi sa kaniya ng tinawagan niya. Wala naman siyang binago.
"May sakit ako! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" tanong ni Taira at tumayo. Nawalan na siya ng gana.
"S-Sorry, iyon naman ang sabi ni Tita Ann." Giit ni Sky. Nang mamasyal sila sa mga Lacson, sarap na sarap si Tito Dylan nila sa niluto nitong beef steak pero ayaw siyang pakainin ng mommy nila.
Napanganga si Taira sa narinig. "Sa dinami-dami ng pagtanungan, si Tita Ann pa talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Taira.
"Masarap naman sabi ni Tito Dylan!" Giit ni Sky.
"Bakit hindi mo tikman?"
"K-Kuwan... Magluluto na lang ako ng itlog," natarantang sabi ni Sky. Ayaw niyang kumain ng beef steak na menu ng tita Ann nila. Akala pa naman niya, siya lang ang nasusuka sa lasa nito. "Dito ka lang, magpi-prito ako ng itlog."
Hinintay ni Taira na matapos ito sa pagluluto.
"Kain na, sorry sa paghihintay." Paumanhin ni Sky.
Hitsura pa lang ng itlog, mantika na.
"Pakiabot ako ng asin." Pakiusap ni Taira, "Nalunod sa mantika pero ni isang pirasong asin, hindi mo nilagyan?"
"S-Sorry..." Napakamot si Sky sa ulo. "Nilalagyan pa pala iyon ng asin?"
"Sana nag-order ka na lang. Huwag ka na ngang magluto lalo na kapag may sakit ako!" Kumuha siya ng de lata at binuksan para makakin ng maayos.
"Babymine? Pahingi..."
Hinati na niya tapos ibinigay kay Sky ang kalati ng meat loaf.
Pagkatapos nilang kumain, si Sky na ang nagligpit ng mga plato.
"Ako na ang maghugas, mahiga ka na, babymine ko," sabi ni Sky at binuksan ang gripo. Never pa siyang nakapaghugas ng plato kaya bahala na.
Nauna nang pumasok si Taira dahil bumalik ang sakit ng ulo niya. Pumasok siya sa shower room at ginawa ang mga ritwal tapos paglabas ay sinuklay niya ang mahabang buhok at nahiga na sa kama. Wala pa rin si Sky. Tumunog ang cellphone nito pero hinayaan niya lang. Nang hindi tumitigil ay inabot na niya. Si Amanda ang tumatawag kaya para siyang binagsakan ng langit. Nakatitig lang siya sa cellphone ng asawa. Nag-iisip kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi?
Mayamaya pa ay tumigil na ang pagtawag pero tumunog ang mesaage tone nito. Nabitawan niya ang cellphone nang mabasa ang mensahe.
"Sky, I know you will be happy, I'm pregnant."
Narinig niya ang mga yabag ng asawa kaya nagtalukbong siya ng kumot at nagkunwaring tulog na. Pumasok ito sa shower room. Pasimpleng kinagat niya ang mga labi nang lumabas ang asawa para hindi nito marinig ang kaniyang mga hikbi.
Narinig niya ang pagtunog ng keypad nito. Binabasa na ng asawa ang text ni Amanda kaya kinagat na niya ang kamay para hindi humagulgol. Sinubukan din niyang huwag gumalaw sa ilalim ng kumot. Naramdaman niyang hindi ito mapakali.
"Tai?" tawag ni Sky pero hindi siya sumasagot.
Palabas na mga yabag ni Sky ang narinig niya kaya ang mga hikbing kanina pa niya pinipigilan ay kumawala na nang tuluyan na itong lumabas sa kuwarto. Alam niyang tinawagan nito si Amanda. Buntis ito at magiging ama na ang asawa niya!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon