18

917 32 0
                                    





MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

"Oh," iniabot ni Keana ang roses kay Taira.
"Bakit hindi mo isinauli?" tanong ni Taira.
"Ayoko nga! Alam mo naman ang mapapangasawa mo, wala sa dictionary ang salitang pagsuko." Sagot ng pinsan. "Saan ka pala pupunta?"
"May date," tipid na sagot ni Taira pero napahakbang siya pabalik nang makita si Sky na nasa likuran niya at nakasalubong ang mga kilay.
"Sino ang ka-date mo? Si Letse na naman?"
"Letse who?"
"Yung pangit na kasama mo kahapon sa gym ng kapatid ko!" Parang kakainin na niya ng buhay si Taira. Nagseselos talaga siya kay Lester.
"Lester ang pangalan niya. Hindi Letse!" Sagot ni Taira.
"Tama ako, Letse nga!" Inosenteng sagot ni Sky.
"Les... Ter..." dahan-dahang pagbigkas ng dalaga.
"Let... Se!" Ulit din ni Sky. "See? Letse talaga, Tai-Tai..."
"LESTER!" Galit na sigaw ni Taira kaya napadungaw si Ate Yana sa kanila na nasa kusina.
"Hindi ko kayang bigkasin ang AR. LETSE na lang!" Giit ni Sky. "May date kayo ni Letse?"
"Umalis ka na sa harapan ko, Sky!" padabog na tumalikod si Taira. Bubuksan na sana niya ang pinto pero nauna nang nagbukas si Aron mula sa labas kasama sina Julie at magkasintahang Black at Nathalie.
"Bakit ganoon na naman ang mukha ni Taira?" tanong ni Nathalie.
"Psh! Mahal mo ba talaga nag kapatid ko?" seryosong saad ni Aron at ibinigay kay Julie ang bitbit niyang shoulder bag nito. Kapag magkasama sila, siya ang tigadala ng bag ng kasintahan.
"Oo naman. Kailangan pa bang itanong iyon?" naiinis na sagot ni Sky. Hindi siya mapakali kapag naiisip na may ibang kasama si Taira.
"Puwes, iwan mo siya. Pabayaan mo siyang makapag-isip para kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa iyo," suhestiyon ni Aron.
"Ayoko! Mahal niya ako. Ayaw lang niyang aminin pero alam ko talagang magal niya ako!"
"Bahala ka!" pagsuko ni Aron sak inakbayan ang kasintahan. "Gusto mo ng juice, sweetheart?" tanong niya kay Julie.
"Yes, please..." pakiusap ng dalaga.
"Kami rin, Aron. Pakidala ng juice," pahabol ni Black nang tumungo ito sa kusina para kumuha ng maiinom.
"Buntis ka na ba, Nat-Nat?" usisa ni Sky.
"Hindi pa. Hindi pa kami ready," sabat ni Black. Naiilang ang kasintahan kapag pag-usapan ang ganitong bagay.
"Okay, sabi mo eh! Kailan ko kaya maramdaman na sa paggising ko sa umaga, si Taira ang katabi ko?" tila nangangarap na wika ni Sky at ngumiti sa naisip.
" Mag sixty nine tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing umaga. Mag sisty nine tayo tuwing umaga. Upang katawan natin ay sumigla!" kanta niya habang sumasayaw-sayaw na naman ng budot dance niya. Naalala kasi niya ang kanta ng isang radio station kanina nang binuksan niya ang stereo mg kotse.
"Iniinsulto mo ba kami?" nakasalubong ang kilay ni Black.
"Bakit naman kita insultuhin?" balik-tanong ni Sky at napataas ang kilay. "Nagsi-sixty nine kay-- ouch!" Reklamo niya nang walang sapakin siya ni Black.
"Bakit ba ang hilig ninyo ni Daddy manapak?" Reklamo niya habang kinakamot ang ulo. "Mabuti pa si Blue, hindi ako sinasaktan ng kapatid ko! Si Ate Erika, ang lakas din manampal!"
"S-Sky," tawag ni Keana at napahawak sa braso niya nang pumasok si Jerome.
"Tigilan mo nga ako! Alam naman ni Jerome na crush mo siya!" Wika ni Sky kaya namula si Keana at hindi makatingin kay Jerome. Sa sobrang pagkapahiya ay tumakbo siya palabas ng tambayan habang umiiyak. Napahiya siya! Hindi niya inaasahang ibubuko siya ng pinsan. Oo nga't obvious na may crush siya rito pero hindi sa ganoong pangyayari na mapahiya siya!
"Saan ka pupunta, Keana?" tanong ni Taira nang makasalubong ang pinsan pero para itong bingi at tuloy-tuloy ang pagtakbo papunta sa roof top.
"Hi, Taira!" Bati ni Jack nang makasalubong niya kasama ng magkapatid.
"Hello, Jack. Hello, Letser at Grace." Bati rin ni Taira.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Grace sa kaibigan at inayos ang salamin. Kahit na hindi na sila magkaklase, nanatiling mabait ito sa kanila ni Jack.
"Sa library..." sagot ni Taira. Mas mabuti pang sa library siya maglagi dahil tahimik pa ang buhay niya.
"Ganoon ba? Sabay na tayo. Sa library din ang tungo ko," ani Lester.
"Sure..." sagot ni Taira.
"LUBAYAN MO NGA AKO!" Napalingon silang apat kay Miss Legaspi na ang bilis ng lakad. Nakasunod si Sir Victor dito.
"Hindi kita lulubayan hanggat hindi mo ako kinakausap!" Giit ng guro na wala nang pakialam sa mga estudyanteng nagpapa-cute sa kaniya.
"Wala akong panahon para sa isang manlolokong katulad mo!" nilagpasan sina Taira ng guro.
"Suplada!" Bulong ni Victor na patuloy ang paghabol sa dating kasintahan. Gusto lang naman niyang magpaliwanag dito pero nagmamatigas si Elsa.
"VICTOR!" Tawag ng clinical instructor nina Grace.
"Nova, bakit?" nakangiting tanong ni Victor sa co-teacher.
"Puwede bang magpaturo ng--"
"AKALA KO BA, GUSTO MO AKONG MAKAUSAP?" singhal ni Elsa. Mabuti na lang dahil sina Taira lang ang tao sa hallway dahil may pasok na ang mga estudyante.
"Nextime na lang, Miss Nova..." natarantang wika ni Nestor at hinabol na naman si Elsa. "Pakipot!"
"Mauna na kami, Taira. Nandoon na si Miss Nova," paalam ni Grace.
"Sige. Text-text na lang," ani Taira at dumiretso na rin sila ni Lester sa library. Kaunti lang ang mga estudyante kaya sa pinakadulo sila ng library pumuwesto ni Lester. Hindi sila humiram ng aklat dahil wala siya sa mood magbasa.
"Totoo ba ang balita na ikakasal na kayo ni Sky?" tanong ni Lester. Magkaharap sila sa isang table.
"S-Sino ang may sabi sa iyo?" nakasalubong ang kilay na tanong ng dalaga.
"Si Sky," may bahid ng lungkot sa boses ng binata.
"Naniwala ka naman sa kaniya? Binibiro ka lang no'n." Mahinang bulong ni Taira. Kung nasa katabi lang niya si Sky, mababatukan na naman niya ito.
"Hindi ba totoo?"
"Wala pa akong plano na magpakasal," honest na sagot ni Taira.
"Talaga?" puno ng pag-asa na tanong ng binata.
"Oo," pagbibigay assurance ng dalaga. Bahala na ang pamilya nila pero hindi siya mapipilit na magpakasal sa kababata.
"Tai? May sasabihin ako sa iyo..." seryosong wika ni Lester kaya nagtatakang napatingin si Taira rito.
"Ano iyon?" usisa niya dahil mukhang seryoso ang usapan nila. Malayo ang ibang estudyante kaya okay lang na mag-usap sila. May dinukot ito sa bulsa niya.
"I think, this belongs to you..." inilagay niya sa ibabaw ng mesa na nasa pagitan nila.
"P-Paano... P-Paanong napunta sa iyo ang bracelet ko?" nauutal na tanong ni Taira nang makita ang bracelet niya na matagal nang nawawala. Ngumiti si Lester.
"Pasensiya ka na kung hindi ko nabalik sa iyo. Hindi na kita nakita matapos ang party..." napanganga si Taira.
"I-Ikaw? Ikaw ang batang nerd na iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya. Isang matamis na ngiti ang iginanti ni Lester bilang sagot sa tanong nito.
"Oh, my ghad! Bakit hindi mo sinabi? Bakit ngayon lang?"
"Nahihiya kasi ako. Baka hindi mo ako pansinin at baka nakalimutan mo na ako..."
"Hindi ah! Kahit kailan, hindi kita nakalimutan!" Masayang sabi ni Taira at muling isinuot ang bracelet na matagal nang nawala. Kung dati, medyo maluwag pa ito pero ngayon, kasyang-kasya na talaga sa kaniya.
"Salamat pala noon. Ikaw ang naging rason kung bakit binago ko ang sarili ko," ani Lester. Mula nang lumapit si Taira noon, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili. Nakiusap siya sa ina na magpatingin sa eye specialist para ayusin ang sarili hanggang sa naayos na nga ang sarili niya at nagkaroon ng self-confidence.
Masayang nag-usap ang dalawa pero kontrolado ang boses.
"Hala, may pasok na pala ako..." wika ni Taira nang mapatingin sa wrist watch.
"Ihatid na kita sa classroom ninyo," pagbo-boluntaryo ni Lester. Pagkalabas nila sa library ay nakasalubong nila si Sky at Amanda.
"Tai? Saan ka galing?" usisa ng kasintahan pero nilagpasan lang ni Taira. "Huwag mo nga akong sundan, Amanda! Magagalit si Taira!" Saway ni Sky at pinigilan si Lester sa braso. "Ikaw, lubayan mo nga ang fiancee ko! Humanap ka ng babaeng pakasalan mo. Huwag ang babymine ko!" Sita ni Sky.
"Magkaibigan lang kami ni Taira. Bakit? Natatakot ka bang maagaw ko siya?" nakangising wika ni Lester.
"Hindi mangyari iyon dahil ako ang mahal niya! Masyado tirik ang araw para managinip ka!" Matapang na sagot ni Sky saka binitawan ang braso nito at sundan si Taira.
"SKY! Kausapin mo ako!" Napipikon na wika ni Amanda pero nagbibingi-bingihan si Sky. Nang makapasok siya sa classroom ay tuloy-tuloy siya sa kababata at tumabi rito.
"Babymine? Galit ka?"
"Bakit nandito ka? Akala ko ba, doon ka kay Amanda mo?" galit na nakipagtitigan siya kay Sky. Paano siya maniniwala rito gayong nalingat lang siya ay kasama na naman nito si Amanda.
"Siya ang sumunod sa akin." Depensa ni Sky.
"Tumahimik nga kayo!" Saway ni Blue. Natutulog siya pero na-istorbo dahil ang ingay ng mga ito.
"Teka lang..." napangiti na pinagmasdan niya ang mukha ng kababata.
"What?" pinandilatan siya ni Taira.
"Nagseselos ka ba?" todo ngiti si Sky.
"Excuse me? Ako? Magseselos? Mangarap ka!" Tanggi ng dalaga.
"Selos ka eh." Parang batang giit ni Sky.
"Nangangarap naman ako..." seryosong sagot ng binata at kinuha ang kaliwang kamay ni Taira saka inilagay sa kaliwang dibdib niya. "Kasama ka sa mga pangarap ko, mula noong bata pa tayo..." mabilis na hinatak ni Taira ang kamay niya at napayuko. Heto na naman si Sky! Nagiging makata na naman kaya kinakabahan na naman siya na hindi niya maintindihan.
"S-Sky..." sambit ni Taira nang hinawakan ng binata ang baba niya para makipagtitigan sa kaniyang mga mata.
"Mahal kita, babymine ko. At kapag sinabi kong akin ka, AKIN ka na talaga!" may diin na wika ni Sky na para bang nagmamarka ng teritoryo nito.
"M-May sarili rin akong buhay, Sky. May desisyon at may pakiramdam..." pinipilit ni Taira na maging normal sa kaharap kahit na ang totoo, nahihirapan na siyang huminga sa presensiya ng kababata.
"Kahit gaano mo man ka-deny, alam kong pareho lang ang  isigaw ng ating mga puso..." unti-unting lumapit ang mukha ni Sky sa kaniya habang nakahiyang ang kanilang mga mata. Sa sobrang kaba, napapikit si Taira.
"Tai?" napamulat siya nang sinundot-sundot siya ni Sky sa tagiliran. Lahat ng mga kaklase nila ay sa kanila na ang mga mata. Kanina pa sila tinatawag ng guro dahil kanina pa pala ito dumating.
"MR. VILLAFUERTE AT MISS RODRIGUEZ, LUMABAS KAYO SA KLASE KO KUNG MAGLALAMPUNGAN LANG KAYO!" Ani Miss Legaspi. Sa pagkamalas, teacher na naman nila dahil inilipat ng ina.
"Mamaya na lang babymine ko, sa bahay ninyo..." bulong ni Sky kaya nanggigigil na kinurot ni Taira sa kamay. Napahiya siya!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon