33

905 41 2
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...

"Nasaan na ang asawa mo?" tanong ni Tyron nang pumasok sila nina Skyler, Aira at Kimberly.
"Nasa labas po, kinakausap ang doctor," sagot ni Taira at naupo sa kama. Palabas na sila ngayon ng hospital matapos ang isang linggong admission. Kahit na nakakaramdam siya ng tampo kay Sky, sinisikap niyang huwag ipahalata sa mga magulang.
"Anak? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Aira.
"I'm fine, Mom," sagot niya at napabuntong hininga. "Dad? Puwede bang sa bahay na lang muna ako di-diretso?"
"Bakit? May problema ba kayo ng asawa mo?" nagdududang tanong ni Tyron. Ama siya kaya alam niyang may hindi magandang nangyayari sa mag-asawa.
"W-Wala ho."
"Hija, aminin mo sa amin ang totoo!" sabat ni Skyler at naupo sa tabi ni Kimberly.
"Wala ho," ulit na sagot ni Taira.
"Hindi tayo lalabas ng hospital na ito kapag hindi mo aminin ang totoo. Ano ang nangyayari sa inyo ni Sky?" tumaas na ang boses ni Tyron kaya napayuko ang anak at nilalaruan ang bracelet na ibinalik ni Lester.
"Baby? Sabihin mo sa amin ang totoo," malumanay na wika ni Aira at naupo sa tabi ng anak niya. "Ayusin natin ito."
"W-Wala nang pag-asang maayos pa ang lahat, Mommy." nakayukong sagot ni Taira at pinipigilan lang ang umiyak. Hinawakan siya ng ina sa baba para makita ang kaniyang mukha. Nagtitigan sila kaya halos mawasak ang puso ng ina sa sobrang lungkot na bumabalot sa bilugang mata ng anak.
"M-Mommy," sambit ni Taira at niyakap ang ina ng sobrang higpit. "S-Si Sky," umiiyak na wika niya kaya si Aira ay napaiyak din.
"Ano ang tungkol kay Sky?" galit na tanong ni Tyron.
"N-Nakabuntis si Sky," sumbong niya sa mga magulang.
"What?" bulalas ni Skyler at tumayo sa narinig. "N-Nakabuntis siya?" Tumango si Taira.
"S-Si Amanda po," humihikbing sagot niya kaya naikuyom ni Skyler ang kamao. Nakita na nila si Amanda noon.
"Nasaan na ang hayop na iyon?" galit na tanong ni Tyron at ilang beses na napamura.
Bumukas ang pinto at pumasok si Sky na may hawak na papel.
"Babymi--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang suntukin ni Tyron sa mukha.
"Ano ba ang--shit!" Natumba siya nang sinugod ni Skyler at muling sinuntok kaya dumugo ang ilong niya. Tatayo pa sana siya pero sinipa siya ni Tyron sa sikmura.
"T-Tama na," umiiyak na pakiusap ni Kimberly, "Tama na, p-please..." hinila niya ang asawa palayo sa anak nila. Si Aira ay niyayakap din si Tyron para pigilan.
"A-Anak, bumangon ka..." kahit umiiyak ay tinulungan ni Kimberly na makabangon ang bunsong anak at niyakap ito ng mahigpit. Tulala pa rin si Sky pero sa umiiyak na asawa nakatingin.
"T-Tai? Bakit ka umiiyak?" imbes na indahin ang sakit sa pambunugbog ng ama nito ay mas inuna pa niyang punain ang asawa. Kumalas siya sa ina para sana lapitan si Taira.
"Huwag mong lapitan ang anak ko! Tarantado ka!" Pagpigil ni Tyron.
"H-Huwag kang umiyak, a-ang sugat mo," paalala ni Sky.
"Nagawa mo pang mag-alala sa kaniya gayong may nabuntis kang iba?" sumbat ni Skyler sa anak kaya sa kaniya ibinaling ni Sky ang atensiyon.
"Totoo bang buntis si Amanda?" tanong ng ina.
"Sino ang may sabi sa inyo niyan?" malungkot na tanong ni Sky.
"T-Tama na, Sky, alam kong buntis si Amanda." sabat ni Taira at mas lalong umiyak. "A-Alam kong f-fifty-f-fifty na mabigyan kita ng anak kaya..." lalong tumulo ang mga luha niya. "K-Kaya kung hihilingin mo, i-ibibigay kita sa kaniya p-para..." nilunok muna niya ang bumabara sa lalamunan at pinilit na sabihin ang pinakamasakit na salitang bibitawan niya. "P-Para mabuo kayong magpamilya."
Lahat sila ay natahimik. Tanging mga hikbi ni Taira ang naririnig sa buong silid.
"Oo, buntis si Amanda..." mahinang sagot ni Sky kaya niyakap ni Aira ang anak na humahagulgol sa pag-iyak para maprotektahan ito sa kung sino man ang gustong manakit.
Malungkot na tinitigan ni Sky ang asawa. "Pero ni minsan, tinanong mo ba ako kung ako ang ama?" naikuyom niya ang kamao.
"Matagal nang gusto ni Amanda na magkaanak sa akin pero hindi ko siya pinagbigyan dahil..." isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Ikaw lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko." Palagi silang magkasama ni Amanda dahil bago pa man sila nagpakasal ni Taira, nagpatayo na sila ng maliit na negosyo na ang dalaga ang nagma-manage at ngayon ay nagkakaroon na ng branches dahil magaling magpatakbo ng negosyo ang dalaga. Lahat ng allowance niya at mga mamahaling gamit ay ipinagsapalaran niya sa negosyo. He doesn't have a choice kundi ang sumugal. Business is a gamble 'ika nga.
Tumingala si Taira sa asawa at napalunok ng laway. Naguguluhan.
"Iyon pala ang iniisip mo noong isang araw pa kaya hindi mo ako pinapansin," napapansin niyang umiiwas lang si Taira sa kaniya dahil nagtatampo ito pero hindi dahil sa buntis si Amanda. "Kaya pala na mas inuuna mo pa si Lester kaysa sa akin..."
"H-Hindi ko siya inuuna kaysa sa iyo. Nagkataon lang na s-siya ang nandoon noong panahong nagkasakit ako! Siya ang nandiyan noong umiiyak ako dahil sa iyo!" sabat ni Taira. Ang mga magulang ay nakikinig lang sa kanila.
"Hindi mo inuuna? Noong panahong umakyat ako sa rooftop, nakita kitang umiiyak at nakayakap sa kaniya! Umalis ako dahil alam kong okay ka lang na kasama siya. Selos na selos ako noon pero nakarinig ka ng sumbat? Pinipilit ko na iwaksi ang masamang nasaisip ko dahil alam kong hindi ka ganoon kasama para ipagpalit ako! Dahil may tiwala ako sa iyo! Alam mo ang rason kung bakit umalis ako noon? Kung bakit wala ako noong panahong sinugod ka sa hospital? Wala, dahil hindi ka naman nagtatanong," galit na sabi ni Sky. Wala siyang pakialam kung nakikinig man ang mga magulang nila basta nasasaktan siya dahil sa maling paratang ng asawa.
"H-Hindi ka n-naman nagsasabi," umiiyak si Taira and at the same time ay nagu-guilty.
"Sinubukan ko. Oo, sinubukan kong sabihin sa iyo pero una pa lang, ayaw na ninyo maniwala sa akin. Una pa lang, iniisip na ninyo na hindi ko kaya. At alam mo kung ano ang masakit?" tumingala si Sky sa kisame pero tumulo na ang mga luha. Sa lahat ng bagay ay ito ang pinakaayaw niya. Ang makitang umiiyak ng ibang tao lalo na ng pamilya nila. Kapag kasi umiyak siya, sa tingin niya ay hindi na siya si Sky Villafuerte.
"N-Na mas inuna mo pang p-pumunta sa party ni L-Lester g-gayong gusto ko sanang mag-celebrate ng wedding m-monthsary natin. Ni h-hindi mo man lang naalala nang bigyan kita ng bulaklak. T-Tinanong mo pa ako kung b-bakit may flowers. A-Ang sakit no'n! Nagpa-reserve pa ako sa restaurant p-para lang i-surpresa ka sana p-pero hindi mo naalala." Napahilamos na siya ng mukha dahil hindi na niya nakikita ang nasa paligid dahil sa mga luha. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga ito. Ngiting puno ng hinanakit.
"Wala namang naniniwala sa akin dahil una p-palang, sinasabi nna ninyong hindi ko kaya. U-Una pa lang, hinuhusgahan na ninyo ang k-kakayahan ko. P-Paano ko iyon magagawa kung kayo mismo, s-sinasabing wala a-akong kuwentang tao? W-Walang kuwentang a-asawa at anak? L-Lahat kayo ay m-minamaliit ang k-kakayahan ko pero kahit na d-down ako, sinusubukan kong ipakita sa inyo na k-kaya ko. Na mali kayo d-dahil kahit ganito ako, kaya ko rin! Kaya mong pagpakaseryoso para sa babaeng mahal ko. P-Para sa magiging pamilya ko!"
Walang ni isang nagsalita para ipagtanggol ang sarili. Walang gustong sumalungat sa kaniya.
"Mabuti pa si Amanda, kahit na hindi ko siya pinili, naintindihan niya ako. Siya lang ang nakakaunawa sa akin. Kahit na nahihirapan siya dahil buntis siya, sinisikap niya akong tulungan pero kayo na pamilya ko, hindi man lang naisip na sana, tulungan din akong magbago. Puro na lang kayo paghuhusga sa akin. Bakit?dahil ba masayahin ako, hindi ko na kayang magseryoso?" Kinakailangan niyang magtake-over kay Amanda sa negosyo nila dahil maselan ang pagbubuntis nito at nasa ibang bansa pa ang kasintahan.
Hindi na nagsalita pa si Sky. Napasandal siya sa dingding dahil sa sobrang sama ng loob. Gusto niyang sumbatan at murahin si Taira pero hindi niya iyon magagawa dahil ayaw niyang saktan ang asawa.
"K-Kung gusto mong umuwi sa bahay ng ama mo, doon ka na dumiretso," mahinang saad niya kahit na labag sa kalooban.
"S-Sky," sambit ng asawa sa pangalan niya.
May kumakatok kaya inayos nila ang mga sarili bago pa mabuksan ng nasa labas.
"Good morning po," bati ng babaeng nurse. "Sir, magbibigay lang ako ng home meds at discharge clearance," magalang na sabi nito at ipinaliwanag sa kanila ang mga gamot na iinumin ni Taira at kung ano pa ang gagawin kapag nasa bahay na siya.
"Miss," tawag ni Tyron nang palabas na ito.
"Yes, sir?"
"Saan na po ba ang hospital bill?" tanong ni Tyron.
"Ay, nabayaran na po, sir. Okay na ang lahat," sagot nito at lumabas na.
Lahat sila ay napatingin kay Sky na naupo sa tabi ng ina. Hindi na ito umiiyak at pinapakalma na lang ang sarili.
"Saan ka kumuha ng ipinambayad, Sky?" tanong ni Skyler sa anak. Mahigit tatlong daang libong piso rin ang lahat-lahat dahil mamahaling hospital ito. Kasama pa ang gamot at doctor's fee.
"Huwag niyo nang isipin iyon. Ang mahalaga, nabaya--"
"Saan ka kumuha?" tumaas na ang boses ni Skyler kaya isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Sky bago sumagot sa ama.
"I-Ibinenta ko ang isang kidney ko," halos pabulong na sagot ni Sky.

A/n:

Bakit ba kapag si Sky ang mag-drama, imbes na maawa, natatawa ako? Hahahaha my ghad!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon