6

1.5K 47 0
                                    



MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited...

"Mommy? Padagdagan pong allowance," nakalabing pakiusap ni Jairah.
"Naku, wala na. Umalis na nga kayong tatlo!" Napipikon na sagot ni Aira. Ganito na lang parati si Jairah. Hingi ng hingi ng dagdag sa allowance. Mabuti pa sina Aron at Taira, kapag may project lang nagpapadagdag.
"Daddy, kulang ito. Wala naman akong mahihiraman sa CTU eh," sagot ni Jairah.
"Huwag mo nga kaming lokohin! Alam kong palagi kang humihingi sa Tita Ann mo. Mahiya ka naman," saway ni Tyron. Sa tatlo niyang anak, si Jairah ang pinakapasaway. Ang suwerte nga niya kay Aron dahil mabait ito kahit na medyo spoiled kay Ann noon. Sila kasi ang nag-alaga sa panganay niya noong nasa depression pa siya dahil sa paghahanap kay Aira.
"Halika na, Jai-Jai." Yaya ni Aron nang bumaba sa hagdan. "Kanina pa tayo hinihintay ni Taira sa kotse."
"Jairah, tandaan mo, BAWAL SUMALI SA SORORITY!" Bilin ni Tyron. Kung ang mga Lacson ay puro fratenities, sororities at frasorites, sila naman ay ayaw niyang ma involve sa ganito ang mga anak niya. Kahit nga si Aron ay ayaw na ayaw sa fraternities kaya medyo nakakahinga siya ng maluwag.
"Opo, dad!" Padabog na lumabas na ito.
Pagdating nila ay nakasimangot si Taira sa loob ng sasakyan.
"Nakakainis kayo! Late na tayo!" Si Jairah muna ang uunahin nila tapos dadaanan pa ni Aron si Julie dahil off daw ng driver nila. Napasulyap si Taira sa bracelet na suot ni Jairah sa kanang kamay. Noong bata pa sila, binigyan sila ng first gift ng ama. Nagkahiwalay kasi ang parents niya noon pero nawala niya ang sa kaniyang bracelet. Hindi niya maalala kung nasaan niya naiwala. After ng ilang minuto biyahe ang kapatid.
"Kuya, mahal mo talaga si Julie, ano?" nakalabing sabi ni Jairah. Paliko na ito sa paaralan nila.
"Yes, siya na ang mapapangasawa ko kung papayag siya," Sagot ni Aron at itinigil ang sasakyan.
"Mauna na ako, sis!" Nakipagbeso-beso si Jairah sa kakambal.
"Bawal ang sororities, okay?" bilin ni Aron.
"Okay..." tumakbo na ito papasok sa eskuwelahan kaya sila na lang ni Taira ang natira sa sasakyan. Nagmaneho siya papunta sa bahay nina Julie. Napangiti siya nang malayo pa lang ay nakita na niya itong naghihintay sa kaniya sa labas ng gate. Mahal niya si Julie at hindi rin biro ang buwang panliligaw niya rito. Tumayo ito nang makitang paparating na siya.
Bumaba siya at hinalikan ito sa pisngi saka binuksan ang pinto sa front seat.
"Good morning!"Bati ni Taira sa likuran. Mabait si Julie at naging kaklase niya ito noon kaya okay siya rito.
"Morning!" Tipid na sagot ng dalaga. Sina Aron at Julie ang nag-uusap habang si Taira ay nagsa-soundtrip. Binuksan niya ang text messages ni Sky. Puro good morning, good night, musta? At kung anu-ano pang single o two words. Wala namang interesadong basahin.
"Kuya, mauna na ako." Paalam niya sa mga ito nang nasa parking lot na sila. Dali-dali siyang naglakad patungo sa classroom.
"Dahan-dahan lang, baka madapa ka!" Nakangiting sabi ni Lester nang makasalubong siya.
"Good morning. Nasa classroom na ba si Grace?" bati ni Taira.
"Morning. Oo, kanina pa. Alam mo naman iyon, masyadong maaga pumasok kaya kapag ma-late siya, magtaka ka na." Natatawang sagot ni Lester.
"Kung sabagay, hindi pa nangyari na nauna ako sa kaniya." Nakangiting sagot ni Taira. Si Grace yata ang palaging nauuna sa first subject nila kaya napaisip siya kung anong oras kaya ito nagigising?
"T-Tai?" naiilang na tawag ni Lester sa kaniya habang sinasabayan siya sa paglalakad.
"Ano iyon?"
"Salamat pala sa pakipagkaibigan sa kapatid ko. Alam mo bang ikaw lang ang nagta-tiyagang kausapin siya sa classroom ninyo? Dahil sa iyo, natuto na siyang magbiro sa bahay." Pasalamat ni Lester. Bilang kapatid, masakit sa kaniya na nakikitang nasasaktan ang kapatid niya dahil sa pambubully. Bumaba rin ang self-confidence nito at minsan na lang nakikisalamuha sa iba. Kahit nga sa family gatherings nila ay minsan lang si Grace dumadalo.
"Wala iyon. Mabait naman si Grace," sagot ni Taira.
"Salamat. Siya nga pala, kinuha ko ang number mo kay Grace. Okay lang ba sa iyo na i-text o tawagan kita?" umaasa siya na pumayag si Taira. Nahihiya kasi siyang mag-text dahil baka isipin nito ay feeling close na siya dahil kaibigan ng dalaga ang kapatid niya.
"Sure. Friends naman tayo kaya walang masama kung magtawagan tayo. Pakilala ka lang," sagot ni Taira at pasimpleng pinag-aralan ang mukha ni Lester. Maamo ang mukha at mukhang mabait ito. May pagkakahawig sila ni Grace lalo na sa mata.
"Salamat. Ang bait mo talaga. Sana dumating ang araw na masuklian ko ang kabaitan mo sa aming magkapatid," pahayag ni Lester.
"Naku, wala iyon. Ano nga pala ang nangyari sa braso mo?" napansin niyang namumula ito.
"Ito ba? Ang kulit kasi ni Grace kagabi kaya aksidenteng nahulog ang frame kaya sa braso ko tumama. Suwerte ko lang dahil hindi nabasag dahil kung nagkataon, nasugatan sana ako." Nakangiting sagot ni Lester.
"Ah, nandito na pala ako." paalam ni Taira nang nasa tapat na sila ng classroom.
"Ingat ka..." sagot ni Lester at dumiretso sa classroom nila.
Dumiretso si Taira sa kaniyang upuan katabi nina Grace at Jack na ngayon ay nag-uusap na.
Natahimik ang mga maiingay nang pumasok si Jerome at tahimik na naupo sa gilid. Siya ang pinakaguwapong lalaki sa classroom nila kaya ang dami ring babaeng nagpapansin rito. Halos lahat naman ng lalaking kaklase nila ay bakla.
Dumating si Amanda sa classroom. Nanglalalim ang mga mata nito at halatang walang tulog. Ni hindi nga nakapag-makeup. Sinamaan niya ng tingin si Taira nang masulyapan ito.
"Ang pangit mo pala, Amanda. Mukha kang bakla kapag walang makeup!" Prangkang sabi ni Gina kaya kumulo bigla ang dugo ng dalaga.
"Ayusin mo 'yang talas ng dila mo!" Pagbabanta ni Amanda.
"Bakit? Totoo naman, ah. Siguro, bakla ka noon!" Sabat ni Agatha at nakipag-apir pa kay Gina.
"Kayong apat, matagal na akong nanggigigil sa inyo, ha!" Galit na sagot ni Amanda. Badtrip na nga siya kagabi, binabadtrip pa siya ngayon! Ayaw lang niyang kumprontahin si Sky tungkol kay Taira dahil baka lalayo ito sa kaniya.
"Saan ka nagpasex change? Mabuti naman at nakalusot ka sa Binibining Pilipinas?" natatawang tanong ni Gina. "Ewww! Nakakadiri kang bakla ka!"
"Oo nga, girl! Yuck! Baklang nakakahiya! Salut sa lipunan!" Sabat ni Agatha. Tahimik si Anjie na nakikinig sa kanila. Wala siya sa mood na pakipagtalo kay Amanda kaya ang dalawa na lang niyang kaibigan ang bahala rito. Naiinis nga siya kay Amanda dahil girlfriend daw ito ni Sky pero sa nakikita niya, mukhang nagkakalabuan ang dalawa. Ayaw lang niyang may kaagaw sa idop niya. Kahit nga itong dalawa niyang kaibigan ay napipikon siya minsan lalo na kapag maunahan siya ng mga ito ng balita tungkol sa kaniyang iniidolo. Matagal na siyang fan ni Sky pero hindi niya magawang makipaglapit sa binata dahil mailap ito.
"Beauty queen na bakla!" Pang-aasar ni Gina at nagtawanan sila ni Agatha. Magaganda naman sila at kahit paano ay may sinabi rin sa buhay kaya hindi mo sila madadala sa kasikatan mo kung babae ka lang dahil para sa kanila, ordinaryong tao ka lang katulad nila.
"Ano ang masama sa pagiging bakla? Kayong apat..." dinuro-duro sila ni Amanda. "Huwag ninyo akong inisin kung ayaw ninyong sa inyo ko ipatikim ang galit ko!"
Pagdating ni Miss Nova, tumahimik silang lahat. Habang nagsusulat ang mga estudyante sa essay na pinagawa niya about sa human anatomy, isa-isa niyang pinagmasdan ang mga ito. Iba't ibang estudyante. Iba't ibang personality. Napangiti siya sa naisip. "Kakayanin kaya nila ang operating room?"
Registered nurse siya. MAN (Master of Arts in nursing) degree holder at nag-work bilang OR nurse sa Singapore ng dalawang taon. Marami ang ayaw sa operating room pero para sa kaniya, ito ang pinakapaborito niya. Nakatayo lang at nag-a-assist sa doctor tapos, tapos na. Mas toxic para sa kaniya kapag nasa emergency room o medical/surgical ward dahil mas marami ang pasyenteng inaasikaso. Mas ayaw niya sa pedia ward. Hindi kasi niya alam kung bakit umiiyak ang bata dahil hindi naman ito nakakapagsalita. ICU nurse ang second choice niya.
"Ma'am?" Tiningala niya si Jack na nasa harapan.
"Puwede ho bang magtanong?"
"Ano iyon?"
"Bakit lumiliit ang bilang ng bones kapag nagiging adult na tayo? I have heard na may around three hundred bones ang baby while two hundred six na lang kapag adult na?" tanong nito. Napangiti siya. Si Jack ang isa sa mga paborito niya kahit na tahimik lang ito sa klase ay matataas ang marka nito sa quizzes.
"Well, same question when I was at your age," sagot ni Nova. "Habang tumatanda ang baby, nagfo-fuse or grow together ang bones nila at nagfo-form ng iisang bones na lang hanggang sa lumiliit ang bilang at naging two hundred six na lang ang natira." Sagot niya. Before, ayaw pa nga niyang maniwala na mas marami ang bones ng babies kaysa sa adult but when she took up nursing, doon niya nalaman ang lahat. Lalo na noong napasabak siya sa operating room dahil kitang-kita niya ang lahat ng laman ng tao. Nakakangalay nga lang ang tumayo lalo na noong ang kaso na in-assist niya ay complicated intracanial middle cerebral artery- internal carotid anastomosis na umabot ng mahigit eighteen hours. Bawal pa maupo, magpahinga o pumunta sa CR dahil magiging unsterile ka.
"Ah, hindi po ba, OR nurse ka? Bakit ka naggive-up?" tanong ni Jack. Busy ang mga estudyante sa ginagawang pagsagot ng exercises nila. Pictures ng different types of bones at alamin nila kung ano'ng pangalan ng mga ito.
"Dahil pangarap kong makapagturo rito sa Westbridge," diretsahang sagot ni Nova. "Ikaw, Jack? Bakit nursing? Why not try some other courses?"
"Like you, pangarap ko rin ang maging OR nurse," walang emosyon na sagot ni Jack saka tinalikuran ang guro.
"Marami pa kayong bigas na kakainin," bulong ni Nova at itinuon ang atensyon kina Taira at Grace na busy sa ginagawa. Napupuna niyang mabait si Taira. Hindi ito gaya ng inaasahan niyang magiging pasaway o spoiled brat dahil sikat at kilala ang pamilya. Dagdagan pa na barkada nito ang mga Villafuerte at pinsan ang mga Lacson. Babalik siya sa pagiging OR nurse kapag matapos ang two years contract niya rito sa Westbridge.
Matapos ang anatomy class ay nagsilabasan na sila. From 7am-10am ang klase nila. Pero mas maaga lang sila pinalabas ni Miss Nova.
"Taira?" Tawag ni Jerome sa kaniya nang palabas na ito.
"Puwede bang magpaturo sa Anatomy? Nahihirapan ako, eh. Kung okay lang?" tanong ni Jerome.
"Sure. Okay lang iyon dahil nahihirapan din ako. Para dalawa tayo ang nag-aaral," sagot ni Taira. Si Grace ay may pupuntahan daw. Nahiya naman siyang kausapin si Jack. Mamayang alas diyes 'y medya pa ang next subject nila.
"Sa tambayan na lang ninyo tayo para walang istorbo," suhestiyon ni Jerome. "Kung okay lang?"
"Sure!" Lihim na napangiti si Taira. Sa pagkakatanda niya, walang pasok si Keana ngayon.
Pagdating nila sa tambayan, nakaupo nga ang mga barkada sa maliit na sala. Napasimangot si Taira nang makita sina Sky. Lingid sa kaalaman niya, tinext ni Jerome si Sky kung nasaan sila kaya noong sinabi ni Sky na nasa tambayan ay niyaya niya si Taira na pumunta rito.
Lumapit si Jerome kay Black na nasa mahabang sofa katabi si Keana pero umusod si Black sa gilid kaya ang space na natira para sa kaniya ay sa gitna nila. Naupo siya. Hindi naman mapakali si Keana dahil katabi niya si Jerome. Gusto sana niyang batukan si Black sa ginawa nito dahil naiilang siya sa katabi at hindi niya alam kung mabaho ba siya o mabango? Baka ma turn off si Crush niya. Ang hirap kaya kapag katabi mo ang crush mo!
"Gusto mo?" narinig niyang binibigyan ni Jerome si Black ng mentos.
"Thanks," kumuha ng isa si Black. Wala pa si Nathalie kaya naiinis ang binata.
"Ikaw, Keana, gusto mo ng mentos?" Alok ni Jerome na ngayon ay nakaharap na sa kaniya at ngumiti ng ubod ng tamis kaya namutla si Keana. Nabibingi talaga ang tainga ng kaniyang puso sa lakas at bilis ng tibok nito. Napagmasdan niya ang mukha ni Jerome nang malapitan. Ang guwapo! Dati ay sa tv lang niya nakikita pero ngayon ay nasa harap na niya kaya hindi siya makahinga ng maayos!
Heto na naman naririnig. Kumakabakaba itong dibdib. Lagi na lang sinasabi
Puwede ka bang makatabi
Kahit sandali lang sige na
Sana pagbigyan puwede ba
Mukhang tinamaan yata ako...
Kanta ni Sky. Bigla na lang itong sinabayan nina Blue at Black.
" Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito," kanta ng triplets habang pasayaw-sayaw pa si Sky ng sariling steps na parang budot o ostrich dance. " Kapag tumibok ang puso, lagot ka na. Siguradong huli kaaaaa..."
Tumawa sina Blue at Jerome dahil sa sayaw ni Sky. Kahit kailan ay puro kaliwa talaga ito sumayaw. Pinandilatan siya ni Keana bago inabot ang mentos ni Jerome. "S-Salamat." Tumayo siya bigla saka hinila si Sky.
"Bakit ka ba nanghihila?" reklamo ni Sky nang nasa kusina na sila. Si Ate Yana ay busy sa pagluluto ng tanghalian nila mamaya.
"'Insan," kinuha ni Keana ang kamay ni Sky saka inilagay sa tapat ng kaniyang puso.
"Ang lakas ng heart beat ko. Ito ba ang tinatawag nilang chuvachuchu?" nataranta niyang sumbong tapos sinilip sina Jerome sa labas. Nang magsalubong ang mga mata nila ay bigla siyang nagtago sa likutan ni Sky.
"Masyado ka talagang halata, Keana!" Natatawang saway ni Sky.
"Itatago ko ito," bulong ni Keana at pasimpleng inilagay sa bulsa ang menthos na may plastic pa. Lahat ng ibibigay o makukuha niya sa ultimate crush niya ay iipunin at itatago niya. Remembrance.
"Baliw ka na!" Panunuya ni Sky.
"Grabe ka naman! Tulungan mo akong mapalapit kay Jerome!"
Napataas ang kilay ni Sky sa pakiusap ng pinsan.
"Sige, basta tulungan mo akong makipagbati kay Taira," pagba-bargain ni Sky.
"Hmp, 'wag na. Kaya ko namang mapalapit kay Jerome." Sabay bawi ni Keana.
"Seryoso ka, Keana? Wala kang balak na tulungan ako kay Tai-Tai?" hindi ma-explain ang mukha ni Sky na pinag-aaralan ang mukha ng pinsan kung seryoso ba ito o nagbibiro lang? Pero nakipagtitigan lang ito sa kaniya.
"Ang sama mo talagang pinsan!" Nangigigil na saad ni Sky. Akala pa naman niya ay sa kaniya kakampi si Keana.
"Pinsan ko rin si Taira at ayaw kita para sa kaniya!" Naiinis siya kay Sky lalo na kapag nakikita niyang kasama nito si Amanda.
"Pero gusto ko siya para sa akin!" Giit ni Sky.
"Gusto mo si Taira?" usisa ni Keana at nanlaki pa ang mga mata.
"Wala ka na roon!" Naiinis na sagot ni Sky at bumalik sa sala para kulitin si Taira.

A/N:

Ang haba na. Bukas naman. Hehehe! Again, SERIES po ito. Pakibasa ng University Princes at Beki si Black... kung ayaw ninyo, keribels lang. Hehehe

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon