26

820 25 0
                                    



MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited...

"Ano ba ang gagawin natin sa zoo?" tanong ni Blue sa kapatid. Nasa sasakyan sila. Si Black at Nathalie ang nasa unahan habang silang apat ang nasa likuran. Si Taira, Sky, Erika at siya.
"Ipapasyal nga natin si Baby Red," sabat ni Erika. Inaayos niya ang kilay niya dahil hindi pantay ang pagkakaguhit.
"Akala ko kung saan na tayo pupunta. Sana pala natulog na lang ako," reklamo ni Blue. Kakauwi lang niya nang pinabihis siya ng mga kapatid dahil may pupuntahan daw sila.
"Sus, bigyan mo rin ng time na mamasyal ang bata. Alam mo namang gusto niyan mamasyal noh!" Sabat ni Erika at itinago na ang maliit na makeup kit sa pouch.
"Oo nga, hindi ka puro trabaho." Sagot ni Black habang nagmamaneho.
"Palibhasa mga wala pa kayong anak kaya nasabi ninyo 'yan!" Sabat ni Blue at inayos ang pagkakahiga ng anak sa bisig niya.
"Akin na si Red, Blue." Wika ni Sky.
"Huwag na! Alam mong natutulog eh." Niyakap niya ang anak at hinalikan a noo.
"Ang damot mo naman sa anak mo!" Reklamo ni Erika. Kapag dumating ito at hindi pa nagpapahinga, hindi sila makakahawak sa pamangkin. Baka raw mabitawan nila.
"Gumawa kayo ng anak ninyo! Humingi ka na kasi sa ka live-in mo." na ang tinutukoy ni Blue ay si Drei.
"Oo nga ate, gumawa na kayo ng baby ninyo ni Kuya Drei." Sabat ni Black.
"Eh kung kayo kaya ang gumawa? Tutal, may mga kinakasama naman kayo?" nakasimangot na sagot ni Erika. Ayaw na ayaw niyang marinig ang pangalan ng kasama sa bahay dahil naririndi siya. Madalas na nga siyang umuuwi sa mansion dahil idinadahilan niya sa mga Bautista na walang mag-aalaga sa pamangkin niya dahil wala itong ina.
"Gagawa kami ni Taira. Baka nandiyan na nga eh," sabat ni Sky at inakbayan ang asawa. Posisyon nila sa likuran mula sa kanan, si Taira, si Sky, si Erika at si Blue. "Baka puso pa lang ang nagawa namin. Sa susunod na ang ilong, kamay, kung ano man diyan."
"Ano 'yon? Installment?" sarcastic na tanong ni Black.
"Oo, paisa-isa hanggang umabot sa nine months para gabi-gabi ang pagco-construct ko, 'di ba, babymine?" nakangiting sabi ni Sky.
"Umusog ka nga roon! Ang init!" Napipikong sabi ni Taira. Hindi pa siya naka getover sa nakita noong isang araw at masama pa rin ang loob niya sa asawa.
"Ayaw mo ng baby?" pangungulit ni Sky at nilalaro ang kaliwang kamay niya.
"Gumawa ka mag-isa mo!"
"Sinubukan ko na 'yon noon pero hindi naman nabubuntis si Maria," napatingin si Taira sa asawa. Walang bahid ng pagngisi ang mukha nito. Seryoso talaga ito sa sinagot kaya nanggigigil na kinurot niya sa hita.
"OUCH!" reklamo niya dahil ang haba ng kuko ni Taira. "OUCH ULIT!" Muling reklamo niya nang sapakin ni Blue.
"Ang ingay mo! Natutulog ang anak ko!" Kapag kasama nila ito, hindi na nila kailangan ang radyo.
"Huwag ka nang gumawa ng anak. Subukan mo munang buhayin ang asawa mo. Mahal ang gatas, Sky. Baka sina Mommy pa ang papabilhin mo ng panggatas?" paalala ni Black kaya tumahimik si Sky.
"Kaya ko namang buhayin ang asawa ko," mahinang sagot ni Sky at sumandig sa balikat ng asawa at niyakap ito sa bewang.
"Payat nga lang," sabat ng ate nila. Nakikinig lang si Taira pero deep inside, nasasaktan siya. Bakit pakiramdam niya, siya na ang pinakakawawang asawa sa buong mundo dahil si Sky ang pinakasalan niya?
"Kahit payat, at least mahal ko siya!" Depensa ni Sky sa sarili.
"Mabubuhay kayo sa pagmamahal mo. Push mo 'yan, 'wag na kayong kumain!" pambabara ni Erika.
Pagdating nila sa bagong bukas na zoo ay saka naman nagising si Baby Red. Pagkapasok nila, tuwang-tuwa ang bata.
"Blue, hindi ka ba nangangalay diyan? Ako na ang bibitbit kay Red," pagbo-boluntaryo ni Sky habang nakatingin sila sa maliit na leon.
"Huwag na! Humanap ka ng magiging anak mo!" Sabat ni Blue. Si Erika ay nasa dulo na kasama sina Nathalie at Black.
"Kami ang dapat na bibitbit kasi kami ang mag-asawa. Ayaw mo pa no'n, experience naman ng bata ang buong pamilya." Pasimpleng kinurot ni Taira si Sky at pinandilatan. Alam niyang hindi madali para kay Blue ang maging single dad kaya sana naman ay maging sensitive rin ang asawa.
"Sorry, Blue. Biro ko lang iyon. Sana huwag mong dibdibin. Alam mo namang mahal kita at kahit ganito ako, mahal ko naman kayo ng anak mo." Seryosong wika ni Sky. Naging careless siya sa sinabi. Ni hindi muna niya naisip ang magiging resulta bago magsalita.
"Ilagay mo ang biro mo sa tamang tao at tamang sitwasyon," walang emosyong sagot ni Blue at sumunod na kina Black.
"Umayos ka!" Bulong ni Erika kaya tahimik na si Sky.
"Tai? Gusto ko talaga magkaroon tayo ng baby," bulong ni Sky at inaakbayan siya.
"Gumawa kang mag-isa mo!" Nakukulitan na siya kay Sky dahil wala itong bukambibig kundi ang gumawa ng bata.
Dahil last week lang na-open ito sa publiko ay marami ang namamasyal. Dagdagan pa na walang pasok dahil sabado.
"Mommy! Siya po ba si Blue?" wika ng babaeng bata habang nakatunganga kay Blue na bitbit ang anak.
"Oh my! Siya nga mommy!" Bulalas ng nakakatandang kapatid nitong babae at itinutok ang camera sa binata saka pinicturan ito.
May iilan na ring nakakapansin sa kanila kaya nagpaalam kung puwede bang magpa-picture rito na tinanggap naman ni Blue.
"Puwede ho bang isama ko na ang baby ko?" tanong ni Blue sa mga taong nakapalibot sa kaniya.
"SURE! Ang cute naman ng baby mo!" Pagpayag ng mga fans niya at isa-isa na silang kumuha ng litrato.
"Babymine? Halika, doon tayo." sabay turo ni Sky sa kabilang bakod. Curious siya kung ano ang mga hayop na naroon.
"Mamaya na," ani Taira. Hindi nila puwedeng iwan si Blue dahil baka umiyak si Red. Mabuti na lang dahil hindi pa nagrereklamo ang bata.
Ilang minuto na ang nakalipas ay ganoon pa rin kadami ang nagpapa-picture kay Blue at ang iba ay kay Black na.
"Nasaan si Sky?" tanong ni Nathalie na napipikon na sa mga babaeng dumidikit sa asawa.
"Ewan ko," palinga-linga si Taira pero wala si Sky. Ngayon lang niya napansing wala na pala ito sa tabi niya.
"Naku, baka humanap na iyon ng iba!" Sabat ni Erika nang lumapit sa kanila. Wala rin pala silang privacy dahil sa mga fans ng kapatid at pati si Black ay nadamay pa.
"Si Black, kunin mo na." Utos ni Erika kay Nathalie kaya lumapit si Nathalie kay Black.
"Miss, puwede bang tumabi ka muna? Magpapa-picture pa kami. Mamaya ka na. First come first serve," sabi ng babaeng nakayakap sa braso ni Black kaya dumikit ang mga kilay ni Nathalie.
"Miss, kasintahan ko siya kaya pasensiya na." Paalam ni Black nang mapansing hindi na maipinta ang mukha ni Nathalie. Magsusungit man siya o hindi, wala siyang pakialam dahil hindi naman siya artista at wala siyang iniingatan na pangalan. Iyon nga lang, nagre-reflect din kay Blue.
"Akala ko, hindi ka pa aalis."
"Puwede ba iyon? Eh mas mahalaga ka sa akin. Takot ko lang na hindi mo ako papasukin mamaya sa kuwarto," bulong ni Black at inakbayan si Nathalie.
"Mabuti naman at alam mo, BECKS!" Mahina pero sinadya niyang diinan ang endearment sa kasintahan para malaman nitong galit siya!
"SKY!" Bulalas ni Taira nang makita ang asawa kaya lahat sila ay napatingin kay Sky na papalapit sa kanila. Nakangiti ito at may bitbit na unggoy ang magkabilang kamay. Ang nasa kanan niyang unggoy ay pasayaw-sayaw pa habang nakangisi sa mga chicks.
"Babymine!" Tawag ni Sky kay Taira. "Nahanap ko na ang mga anak natin!" nakangiting sabi nito.
Napahawak si Taira sa dibdib nang napako ang mga mata ng tao sa kaniya. Ang iba ay tumatawa at kinuhaan ang asawa ng litrato. Ang cute kasi nito tingnan habang hawak ang dalawang unggoy na nakapantalon pa at parang chickboy kung umasta.
"SIR! BAWAL HO 'YAN!" Sigaw ng bantay at tumatakbong lumapit sa kanila.
"Ibalik ho natin sa cage nila," pakiusap ng boy.
"Shit! Balik na kayo, hoy!" Wika ni Sky sa bitbit na mga unggoy dahil parang mga batang yumakap ang mga ito sa magkabilang binti niya.
"Babymine, tulong muna!" Tawag niya sa asawa. Kinukuha ng taga-alaga pero humigpit ang pagkakakapit ng mga hayop. Nang ayaw ni Taira kanina ay lumapit siya roon at binuksan ang malaking cage. Tumalon naman bigla ang dalawang unggoy at hinawakan ang mga kamay niya at ayaw nang bumitaw kaya isinama na niya.
"Bahala ka!"
"Waah. Black, tanggalin mo 'tong mga kapatid natin!" Naiiyak na pakiusap ni Sky kina Blue at Black.
"Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at pinalabas mo sila?" lumapit na rin si Black at tinatanggal ang mga kamay ng dalawang hayop sa binti ni Sky.
"Hindi ko sila pinalabas. Kusa silang lumabas!" Depensa ni Sky at nakahinga ng maluwag nang matanggal ang mga kamay ng dalawang ungoy sa paa niya.
"Sir, kakausapin lang po kayo ng nagma-manage nitong zoo," sabi ng isa pang tigabantay na lumapit sa kanila.
"Gulo lang talaga ang dala mo!" Naiinis na sabi ni Erika at sumunod sa boy para kausapin ang management.
"Babymine? Sorry." Bulong ni Sky habang naglalakad sila pero hindi na umiimik ang asawa dahil sa sobrang inis!
"Ang cute niya kanina."
"Oo nga, walang arte sa katawan."
"Aw, nakaka-inlove!"
"Sana gano'n din ang boyfriend ko!"
"Nakakainggit naman ang asawa niya!"
Narinig ni Taira na bulungan ng mga babaeng nadadaanan nila. Hindi lingid sa iilan na mag-asawa na sila dahil ibinalita sa diyaryo ang kanilang kasal.
" Kung alam niyo lang," bulong ni Taira. Sa mga mata ng mga ito, ang suwerte niya kay Sky.



My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon