15

1.1K 44 0
                                    





MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

"Ahm... Tao?" tanong ni Taira.
"Hindi!"
"Hayop?"
"Hindi rin, babymine ko!" Pinandilatan ni Taira ang kaharap. Sila ang representative ng pinoy henyo ng kanilang team.
"Lugar?"
"OO!" Bulalas ni Sky.
"ASIA?"
"Hindi!"
"Amerika?" tanong ni Taira.
"Hindi!"
"Australia?"
"Hindi rin!"
"Ano ba?" naguguluhang sagot ni Taira. "Ahm... Africa?"
"HINDI!" Bulalas ni Sky.
"Europe?"
"Hindi talaga, Tai-Tai."
"ASIA?"
"Hindi nga Asia!" Giit ni Sky na sigurado siya sa sinasabi.
"Philippines?" wala. Nanghula na lang siya.
"Hindi!"
"France?"
"Hindi!"
"Cambodia, Germany, Thailand, Korea, Shri Lanka, Israel, Peru, Italy, New Zealand, California, France?" sunod-sunod na tanong ni Taira.
"HINDI!" napipikon na sagot ni Sky hanggang sa maabutan sila ng two minutes.
"Walang hiya!" singhal ni Taira nang makita ang Saudi Arabia.
"Sabi mo hindi Asia!"
"Hindi naman talaga, Taira!" sagot ni Sky. "Nasa Middle East 'yon eh!"
"Anak ka talaga ng tatay mo!" napipikon na sagot ni Taira. Talo sila dahil sa katangahan ni Sky.
"Bakit? Tama naman ako, ah. Part ng Middle East naman talaga ang Saudi!" Kahit ano ang mangyari, hindi siya puwedeng magkamali. Sakop talaga ito ng Middle East. "Talo tuloy tayo!"
"Ewan ko sa 'yo!" Naiinis na iniwan ni Taira si Sky dahil matutuyuan siya ng utak kapag makasama pa niya ito. Kahit nang tinawag siya ng binata ay hindi niya pinansin.
"Jack!" Tawag niya nang makitang naglalakad si Jack. "Kamusta ka na? Napilayan ka ba?"
"Okay lang. Nabigla lang ako sa pagkakabagsak pero wala iyon," nakangiting sagot ni Jack at inayos ang makapal na salamin. Matigas lang talaga ang katawan ni Sky nang magkabanggaan sila.
"Ang galing mo palang maglaro ng basketball," puri ng dalaga.
"Talaga?"
"Oo. Nakita kaya kitang maglaro," mula nang game one ay nanonood siya basketball kaya alam niyang may potential si Jack. "Dati ka bang naglalaro?" sa tree park ang tungo nila.
"Oo, mahilig ang mga pinsan ko sa basketball kaya napipilitan akong maglaro." Ani Jack. Wala naman sigurong masama kung maging crush niya si Taira. Mas lalong humanga siya rito dahil ang bait pa nito.
Nang makapasok sila sa tree park ay naupo sila sa isang mahabang bench.
"Taira? Bakit ang bait mo sa akin?"
"Bakit? May masama ba? Ayaw mo ba?" tanong ni Taira nang humarap sa kaniya.
"Hindi naman. Ang ibang kagaya mo, ayaw mamansin at parang diring-diri sa mga kagaya ko."Malungkot na sabi ni Jack.
"Hindi naman kayo nakakatakot. Isa pa, I had a friend na nerd din kagaya mo noong bata pa ako," pagku-kuwento ni Taira at naalala ang batang dumalo sa birthday party ng ama.
"Talaga? Saan na siya?" tanong ni Jack na tila interesado sa pakikinig.
"Hindi ko alam. Hindi ko na siya nakita matapos ang party," malungkot na sagot niya. Dahil kay Sky ay nagkakagulo sila noon.
"Huwag kang mag-alala, makikita mo rin siya. Malay mo, ako pala iyon!" Biro ni Jack.
"Talaga? Baka ikaw nga iyon!" Bulalas ni Taira at pinagmasdan ito sa mukha kaya mabilis na napayuko ang binata dahil naiilang ito.
"Kaso, hindi ko na siya siguro mamumukhaan dahil bata pa kami noon," malungkot na sabi ni Taira.
"Kung sabagay, kahit ako, wala ring masyadong matandaan noong bata pa ako." Ani Jack at umaasa siya na sana ay siya ang batang iyon pero mukhang malabo.
"Malay mo, baka ikaw nga iyon!" Natatawang sabi ni Taira at tumayo. "Pupunta lang ako sa tambayan. Hinahanap na nila ako," paalam niya dahil nag-text si Keana na kakain na raw sila.
Pagdating niya ay naabutan niya si Aron sa sala habang ang iba ay nasa mesa na.
"Kuya? Tapos ka na?" tanong niya.
"Hindi pa. Hinihintay ko si Julie. Wala pa eh," sagot ni Aron. Kanina pa nawawala si Julie at kahit ang text niya ay hindi nito sinasagot.
"Tara, kain na tayo." Yaya ni Taira sa kapatid.
"Mauna ka na, hintayin ko pa si Julie."
"Puro ka Julie!" Wika ni Taira. Wala namang masama pero parang kay Julie lang umiikot ang buhay ni Aron.
"Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka na," seryosong sagot ni Aron.
"Ang boring mo sigurong boyfriend..." wala sa sariling sambit ni Taira.
"What?"
"Wala. Biro lang," nag peace sign siya sa kapatid. Parang walang ka thrill-thrill ang buhay magsyota nila ni Julie.
"Puntahan mo na nga si Sky mo! Iyon, baka makahanap ka ng thrill na hinahanap mo!" Naiinis na utos ni Aron.
"Huwag na!" Lumapit si Taira sa mga ito.
"Nasaan si Jerome?" tanong niya.
"Ang dami namin dito, 'yung wala pa talaga ang hinahanap mo?" sagot ni Sky.
"Pakialam mo? Kahit isang taon ka pang mawala, walang maghahanap sa 'yo!" Sagot ni Taira at naupo sa tabi ng ni Kean.
"Nasaan ang mong si Jerome?" tanong niya sa kay Keana.
"Hindi ko alam. Ang huling kita ko, nasa field siya kanina," sagot ni Keana. Nasa harapan niya sina Sky, Keana at Blue.
"Ano ba 'yan! Nawawala si Julie tapos wala rin si Jerome? Ikaw, Sky? Kailan ka maglaho sa paningin ko?" biro ni Kean.
"Ikaw, Kean, kailan ka maglaho sa mundong ito?" balik-tanong ni Sky.
"Sky? Puwede ba, kapag lumabas ka mamaya, huwag kang sumayaw?" pakiusap ni Blue. Malakas ang kutob niyang sasayaw ng budot dance si Sky kapag nasa gitna na ito ng entablado.
"Ano ang masama sa sayaw ko? Natatakot ka lang na sapawan kita!" Panunuya ni Sky. Siya ang nanalo bilang best in dunk kaya bibigyan siya ng certificate mamaya sa ceremony.
"Huwag ka na kasing sumayaw! Bigyan mo naman kami ng kahihiyan!" Seryosong sabat ni Black na katabi ni Nathalie.
"Oo na! Ang bi-bitter ninyo!" Napipilitang sagot ni Black.
"Oh, kumakain ka pero tumutunog ang tiyan mo?" tanong ni Sky sa katabing si Keana.
"Ewan ko. Hindi naman ako nagugutom," sagot ni Keana at napahawak sa tiyan. Ang lakas pa ng tunog nito.
"Bakit kaya?" tanong ni Black kay Nathalie.
"Hindi ko alam, becks!" Sagot ng kasintahan.
"Ikaw lang talaga ang nursing na walang alam," panunuya ni Black.
"Hiyang-hiya naman ako sa 'yo!" Nakasimangot na wika ni Nathalie.
"Alam ko 'yan!" Sagot ni Sky. "Kaya tumutunog dahil umutot ang mga bulate sa loob ng tiyan!"
Lahat sila ay napatigil sa pagkain at napatingin kay Sky. "Bakit? Totoo naman ah!" Depensa na niya bago pa may makapagsalita sa mga ito.
"Sino ang nagturo sa 'yo no'n?" blangko ang mukhang tanong ni Black.
"Si Daddy!" Sagot ni Sky sa kapatid.
"Mag-ama nga talaga kayo!" Bulong ni Kean.
"Tai? Ito ba ang magiging ama ng anak mo, payag ka?" tanong ni Blue.
"Oo naman!" sabat ni Sky. "Ang daming babaeng nangangarap na malahian ko!" Proud na sabi ni Sky.
Matapos nilang kumain ay nagsihanda na sila para dumalo sa awarding ceremony. Si Aron ay MVP player. Pumunta si Sky sa back stage para kapag tawagin ang pangalan niya ay madali lang sa kaniya ang lumabas.
"And our best in slam dunk!" Anunsiyo ng lalaking emcee. "SKY VILLAFUERTE!"
Naghiyawan ang lahat nang lumabas si Sky. Sasayaw pa sana siya habang palabas pero pumormal nang makita ang ina sa mga audience.
Rumampa siya sa gitna na parang isang modelo at todo ngiti pa sa mga school mates kaya nagtilian ang mga babae. Bagay dito ang formal attire na nakadagdag sa karisma niya.
Nang matanggap niya ang certificate ay kinuha niya ang mic at nagsalita.
"Wala akong masasabi kundi salamat. Gusto ko lang sabihin sa lahat na ahm..." pagbibitin niya sa sasabihin kaya nakatutok ang mga mata sa kaniya at naghihintay ng karugtong ng sasabihin niya. "Mahal ko po si Taira at seryoso ako sa kaniya!" Seryosong sabi niya kaya napanganga si Taira. Kahit ang parents niya ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Sky.
"Magpapakasal na kami kaya mag-iisip pa ako kung paano mag-propose sa kaniya. Basta, papakasalan ko siya!" Nakangiting wika ni Sky at ibinigay ang mic sa emcee saka iniwan ang stage. Bahala na kung may maniniwala sa kaniya. Ang mahalaga ay maipakita niyang seryoso talaga siya sa kababatang si Taira.
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya nang bumaba siya sa back stage.
"HAYOP KA! MANLOLOKO!" Sigaw ni Amanda saka galit na tinalikuran siya.
"Nagpakatotoo lang ako," bulong ni Sky.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon