40

1.3K 44 0
                                    






MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 40

Unedited...

"Sky? Kamusta na ang pag-aaral ninyo?" tanong ni Kimberly sa anak.
"Okay lang naman po," sagot ni Sky.
Nasa resort sila ng mga Rodriguez sa Batangas nagre-reuniong magbarkada at magpamilya.
"Mom? Nakita mo ba si Babymine ko?" tanong niya dahil kanina pa nito hinahanap si Taira.
"Kasama ang kakambal niya, nag-swimming." Inaayos niya ang mga handa sa mesa kasama si Aira at Yna.
"Tita Yna? Nasaan na po sina Keana?" tanong ni Sky.
"Hindi ko alam. Sinundan yata sina Taira," sagot ni Yna na busy sa paglalagay ng niluto ng katulong nila sa mesa. Nagsikaniya-kaniya silang baon.
"Pakilagay naman ng beef steak sa mesa," pakiusap ni Ann nang lumapit sa kanila kaya nagkatinginan ang tatlong babae.
"Huwag kayong mag-alala, ang dalawang yaya ng qudruplets ang nagluto niyan!" nakasimangot na sabi ni Ann dahil mukhang maipinta ang mga mukha ng kaniyang mga kaibigan.
"Mom? Alis muna ako. Hanapin ko lang si Tai-Tai," paalam ni Sky.
"Sky?" tawag ni Kimberly nang makalayo na ang anak. Tumigil si Sky saka humarap sa kaniya.
"Bakit Mommy?"
"Huwag kang lumayo ha. Kapag makita mo sila, sabihin mong bumalik na kayo dahil kakain na."
"Okay po."
Naupo si Kimberly sa tabi ng mga kaibigan.
"Akala mo 'yon? Sina Sky pala talaga at Taira ang magkatuluyan?" ani Yna.
"Oo nga e. Akala ko, wala nang pag-asang sila nga ang magkatuluyan," pagsang-ayon ni Kimberly.
"Excited na akong magkaapo." Bakas sa mukha ni Aira ang excitement.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo rito ah?" tanong ng mga lalaki nang lumapit sa kanila at nagsitabi sa mga asawa.
"Nag-uusap lang," sagot ni Ann.
"Bakit mo ba isinama 'yang asawa mo?" tanong ni Skyler na mukhang hindi masaya nang makita si Dylan.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin maka-moveon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tyron.
"Wala kayong pakialam! Wala kayong alam kung ano ang pinagdaanan kong hirap! Wala kayong alam kung gaano kasakit ang magpatalo nang hindi man lang lumalaban!" sagot ni Skyler nang maalala na naman ang championship noong college sila. "Tayo ang dapat na nag-champion noon!"
"Tigilan na nga 'yan Skyler! Tanggapin mo na. Utang na loob, matatanda na tayo. Malapit na rin tayong magkaapo tapos ikaw? Nabubuhay ka pa rin sa nakaraan natin?" saway ni Kimberly sa asawa.
"Pero honey, ang daya nila noon!"
"Tigil na sabi!" tumaas na ang boses ni Kimberly kaya tumahimik na si Skyler pero bubulong-bulong pa rin.
"Psh! Isip bata," bulong ni Dylan pero tumahimik din naman dahil kinurot ni Ann sa tagiliran.
"Tito!" masayang tawag ni Venella nang lumapit sa kanila.
"Hello, Bunso." Sabi ni Kyler at binuhat ang cute na bata para kumandong sa kaniya.
"Tito? Bili mo ako ng doll," paglalambing ng bata at niyakap ito sa leeg.
"Ikaw Ven, tama na ang pang-uto sa Tito Kyler mo," saway ni Kevin sa nag-iisang anak at inalalayan si Ella na maupo.
"Hubby ko? Nakita mo ba ang anak natin?" paglalambing ni Yna sa asawa at nginitian si Dylan nang magkasalubong ang mga mata nila.
"Hindi e," sagot ni Kyler.
"Excuse me lang," paalam ni Ann at tumayo tapos pumasok sa loob ng resthouse nila.
"Sundan ko lang si Ann," paalam ni Dylan.
"Baby!" tawag niya pero tuloy-tuloy ito sa itaas.
"Ann?" lumapit siya sa asawa. Nasa tapat ito ng bintana at nakaharap sa kulay asul na dagat. Niyakap ito mula sa likuran.
"I-I'm sorry," paumanhin niya at hinigpitan ang pagkakayakap.
"W-Wala iyon. Naintindihan ko," pinaharap siya ni Dylan at pinahidan ang mga luha niya.
"Ikaw na ang mahal ko and believe me, wala na akong naramdaman sa kapatid mo mula nang umuwi ako galing sa ibang bansa." Ilang taon na ang nakaraan kaya sigurado siya sa pagmamahal niya rito pero hindi maiwasang nagtatampo ang asawa.
"Sorry, hindi ko lang maiwasan." Ngumiti si Dylan at hinalikan ito sa noo.
"Past ko na si Yna at kahit na ano man ang mangyari, hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba at kapag may pagkakataong baguhin ang tadhana, wala akong babaguhin kundi ang panahong pansinin at mahalin ka sa halip na si Yna." Masuyong hinaplos niya ang maamong mukha ni Ann. Mahal niya ito. Walang pero, pero at walang bakit, bakit.
Hahalikan na sana niya ang mga labi ng asawa nang biglang bumukas ang pinto.
"Dad? Utang na loob! Itigil mo na ang community service!" galit na pakiusap ni LL.
"Haist! Kahit ba naman sa party, iyan pa rin ang pinapakiusap mo? Umalis ka na nga! Storbo!" pagtataboy ni Dylan. "Kailangan ninyo iyon para magtanda kayong apat!"
"Matanda na kami! Alam na naman ang tama at mali. Ang liit lang ng kasalanan namin para palinisin mo kami ng buong paaralan!" reklamo ng anak na nakasalubong na ang kilay.
"Matanda? E hindi ka pa nga marunong pumunta sa banyo para umihi kapag hating gabi!" Natigilan ang anak sa sinabi ng ama at biglang namula ang tainga.
"Marunong akong pumunta ng banyo para umihi!" Padabog na lumabas si LL. Galit talaga siya sa ama dahil sa servicing nila.
"Pinsan? Kain na," sabi ni Keana kasama sina Anndy at Jairah nang makasalubong niya kaya lumabas na sila. Nasa mahabang mesa na ang iba pero may mga kulang pa rin.
"Kim? Ang anak mo!" bulong ni Aira nang makita si Sky kasama ang tatlo sa quadruplets na papalapit sa kanila.
"Sky," sambit ni Kimberly at kulang na lang ay takbuhin ang anak at ilayo sa kanila.
"Mommy!" tawag ni Sky kaya napatingin silang lahat sa mga ito lalo na kay Sky na naka-white sando at bakas ang labis na kasiyahan sa mukha. Daig pa nito ang naka-jackpot sa lotto.
"Look! Nakita namin sa likuran. Hindi ba, magluluto kayo ni Tita Ann ng pinakbit mamaya?" masayang sabi ni Sky at ipinakita sa mga ito ang bitbit niyang buko na panggata. Narinig niya kaninang nagrereklamo ang mga ito dahil walang nabiling panggata kaya niyaya niya sina Matthew, Jacob at Patrick na maghanap ng buko.
Tahimik silang lahat at napatingin kay Skyler na hindi na maipinta ang mukha.
"B-Black? Pakikuha ako ng palakol! May bibiyakin lang ako!" mahina pero may diin sa bawat salita ni Skyler. Lahat na yata ng maligno sa bawat punong nakatira sa ilalim ng bukonay sumanib sa kaniya.
"Itak po?" ulit ni Erika na kasama si Lyn. Nagbakasyon ito ng one week lang.
"Palakol! Gusto ko palakok!" hiyaw ni Sky, "Hindi makakaya ng itak ang bibiyakin ko!" Na ang mga mata ni Skyler ay sa anak na ngayon ay namumutla na.
"K-Kuwan, itatapon ko na pala itong buko." Kinakabahan na sabi ni Sky saka binitiwan ang buko at pasimpleng humahakbang paatras sa ama.
"Nasaan na ang palakol?" sigaw ni Skyler.
"Takbo square!" sigaw ni Sky na nasa malayo na pero ang apat ay hindi tumakbo dahil hindi naman nila alam kung ano ang nangyayari. Clueless sila.
Mabilis na tumakbo si Sky pabalik sa tabing dagat. Nakalimutan niyang ayaw pala ng ama na makakita ng buko.
"Walang hiya! Nakalimutan ko!" Sambit niya habang tumatakbo. Nakita pa niya ang ama na niyayakap ng ina para pigilan sa paghabol sa kaniya.
"Oh? Ba't parang hinahabol ka ng multo?" tanong ni Blue nang makasalubong niya sa tabing dagat. Kasama nito ang anak na bitbit ni Avery.
"Si Daddy, hinahabol niya ako."
"Ano na naman ang kalokohang ginawa mo?"
"Wala. Hi, Red. Hello, Avery!" nakangiting bati ni Sky.
"Hi," nakayukong sagot ni Avery.
"Taliw?" tawag ni Sky.
"Hmmm?"
"W-Wala." May itatanong pa sana siya pero hindi na niya itinuloy dahil tinitigan siya ni Blue ng masama. "Nakita mo ba si Taira?" pag-iiba niya.
"Nasa batuhan," sagot ni Blue.
"Sige, maiwan ko muna kayo. Puntahan ko lang babymine ko," paalam ni Sky.
Nakita niyang nakaupo ang asawa sa batuhan habang hinahayaang tangayin ng hangin ang mahabang buhok. Naka- black two piece ito na tinakpan ng white see through.
"Babymine?" tumabi siya sa asawa at inakbayan. Tinitigan niya ang minamasdan ng asawa. "Bakit nandito ka?" Kahit tanghaling tapat ay hindi naman masyadong mainit dahil walang sikat ang araw. Nagbabadyang uulan ang kalangitan.
"W-Wala, may iniisip lang."
"May problema ba? Sabihin mo sa akin para mapag-usapan natin," nag-aalalang tanong ni Sky. Kahapon pa ito hindi umiimik. Kahit nga sa biyahe, hindi ito nakipagkulitan sa mga pinsan. Family bus ng mga Villafuerte ang dinala nila para sabay-sabay na sila.
"Wala." Sabay iling ni Taira.
"Babymine naman. Alam kong mayroon. Nararamdaman ko," pagpupumilit ni Sky saka kinuha ang kanang kamay nito. "Huwag kang matakot. Asawa mo ako at pakikinggan kita kahit na ano man iyon. Bibigyan natin ng solusyon."
Malamlam ang mga matang pinagmasdan na naman ni Taira ang malawak na karagatan. Payapa pero hindi katulad ng kaniyang kalooban.
"Ang ganda ng view. Nakakawala ng lungkot," sambit niya at napangiti. "Ang sarap din maligo, nakakapawi ng lumbay." Niyakap niya ang sarili nang lumakas ang ihip ng malamig na simoy ng hangin. Nang basain niya ang mga labi, nalalasahan niya ang
"Oo nga, tingnan mo si Blue, masaya kasama ang pamilya niya." Turo ni Sky sa kapatid na pinagmamasdan lang si Avery na nasa tubig buhat ang kanilang anak. "Babymine? Kailan kaya tayo magkakaroon ng baby? Kailan kaya mabuo si baby Clouds natin?" tanong ni Sky na nakangiti. Pangarap talaga niya na magkaroon ng anak. Mula nang ikasal sila ni Taira at nagkaroon siya ng toy factory, palagi na lang niyang iniisip kung ano ang ibibigay sa anak o anong desinyo ang gagawin niya para iregalo araw-araw sa first baby nila.
"Ano kaya ang hitsura nila? Siguro maganda't guwapo dahil magmamana sila sa akin. Babymine? Gusto ko maraming anak ha. Dapat mas marami kina Ate, Black at Blue!" Humarap siya kay Taira na nakangiti pero ang mga ngiting iyon ay paunti-unting naglaho nang mapansing umiiyak ang asawa.
"B-Babymine?" usal ni Sky. Kahit hindi pa man niya alam ang dahilan ng pagluha nito ay niyakap niya ang asawa para bigyan ng comfort. "Tahan na. Sabihin mo sa akin ang problema para pag-usapan natin. Huwag mong solohin." Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahidan ang mga luha ng asawa na hanggang ngayon ay masagana pa ring umaagos.
"A-Ano ang problema natin?" Ngayon pa lang ay nalulungkot na siya. Basta. Nalulungkot talaga siya sa kung ano mang sasabihin ng asawa.
"S-Sky?" Muling humagulgol si Taira ng iyak. Sa lahat ng bagay, ito ang pinakanakakatakutan niyang ipaalam kay Sky. Natatakot siya dahil baka iiwan siya nito. Baka ipagpalit siya sa iba at baka iiwan siyang mag-isa.
"Ano iyon?" ani Sky. Tila may itim na usok na bumalot sa kaniyang puso nang pagmasdan ang inosenteng mata ng asawa. Puno ng lungkot. Paghihinagpis at pagdurusa?
"S-Sky?" niyakap siya ng mahigpit ni Taira na tila ba natatakot itong mawala siya. Na ano mang oras ay kunin ito ng iba sa kaniya.
"P-Promise me, h-hindi mo ako i-iiwan..." isinubsob niya ang mukha sa malapad na dibdib ni Sky. Baka sakaling ito na ang huling yakap niya sa asawa. Baka sakaling hindi nito matatanggap ang lahat.
"Hindi kita iiwan kahit na ano pa man. Walang makapagbabago sa pagmamahal ko sa iyo, babymine ko," bulong ni Sky at hinalikan ang noo nito.
"S-Sky? H-Hindi..." pinahidan niya ang mga luha. Gusto niyang makita ang reaksiyon ng asawa kahit na alam niyang masasaktan lang siya.
"H-Hindi na kita kayang bigyan pa ng anak..." luhaang pag-amin niya. Ilang segundo ang lumipas. Walang namuong reaksiyon sa mukha ng asawa hanggang sa may tumulong mga luha sa mga mata ni Sky. It really breaks her heart!

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon