My Trip Buddy ( U-Prince 2 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 8
"Magtatapat tapos lalayas? E di, shing!" Wika ni Taira nang matauhan. Umaasa siya na biglang bumukas ang pinto at muling papasok si Sky para bawiin o aminin ang sinabi nito pero wala.
Si Jerome na katabi ni Black ay napapahawak sa tiyan dahil sa kakatawa kaya masama niyang tiningnan.
"Sorry, nakakatawa naman talaga!" Paumanhin nito at pinipigilan na huwag matawa.
"Seryoso ba talaga siya?" parang batang tanong ni Keana.
"Ewan..." naguguluhang sagot ni Kean.
"Nakahithit ba ng marijuana si Sky?" tanong ni Black kay Blue.
"Ewan ko! Mukhang nagshabu. Ano ang drama no'n? Kailan ka nakakita ng lalaking nagtatapat na bigla na lang nag-walked-out?" sagot ni Blue. Kung nasa harapan pa nila si Sky ay malamang, nasapak na niya.
"Siya lang talaga ang nakakagawa no'n!" Sabat ni Jerome saka napailing. Inaasahan pa naman niya na magda-drama si Sky at kung ano ang sasabihin pero bigla na lang itong lumabas na walang pasabi.
"Huwag mong patulan ang mga pinagsasabi ng tarantadong iyon! Kawawa ka lang kay Sky!" Pagbibigay payo ni Aron sa kapatid.
"Opo, Kuya." magalang na sagot ni Taira. Hindi niya inaasahan ang pagtatapat ni Sky dahil kilala niya ito at alam niya kung nagsisinungaling lang ito pero kanina, seryoso talaga ito pero hindi siya makapagsalita dahil sa pagkabigla.
"Kumain na muna kayo," yaya ni Ate Yana sa mga bata. Luto na ang adobong sitaw at tinolang manok na pinaluto ng magbarkada.
"Wow, mukhang masarap po." Natatakam na sabi ni Jerome at naupo sa tabi ni Black na kaharap naman niya si Keana.
"Oo, dito ka na kumain kapag lunch time para tumaba ka," sagot ni Blue.
"Patay, tataba nga talaga ako rito." Ani Jerome. Napansin niyang hindi ginagalaw ni Keana ang plato. "May problema ka ba, Keana?" nag-aalalang tanong niya.
"W-Wala. May naiisip lang," sagot ni Keana. Nahihirapan siyang kumain sa harapan ng crush niya. Firstime niyang maging conscious sa pagkain dahil lang kay Jerome.
"Huwag mo nang isipin iyon, gusto ka rin no'n," pabirong sabi ni Jerome at nginitian siya kaya ramdam na naman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi.
"May gusto rin daw siya, Keana kaya don't worry na. May pag-asa ka," makahulugang sabat ni Blue. Si Black ay walang imik na kumakain. Busy si Nathalie ngayon kaya hindi makakasabay sa kanila.
"Jerome? Ano'ng team ka sa U-Week?" tanong ni Blue habang kumakain.
"Blue team ako," sagot ni Jerome. By color ang team ng bawat grupo para patas ang laban dahil ang tema ng U-week nila ay pagkakaisa at pagpapakilala sa bawat isa kaya sa bawat team, iba't ibang year at course ang magkakasama.
"Pareho tayo, Blue team din ako." Sabi ni Blue. "Sama ka sa amin, practice tayo sa basket. Kulang pa kami ng tatlo," ani Blue.
"Ang aga naman ng U-Week," reklamo ni Taira.
"Para raw hindi maiilang ang freshmen sa atin," sabat ni Black. Nasa Black team siya at si Sky naman ay yellow team kasama sina Aron.
"Sige. Pero may klase pa kami," sagot ni Blue at humarap kay Taira.
"Minor subject lang iyon mamaya, 'di ba?" tanong niya.
"Oo, aabsent ka?" sagot ng dalaga.
"Oo. Ang boring naman kapag minor lang," sagot ni Jerome.
"Tiyak, dudumugin na naman ang gym nito." Natatawang wika ni Blue kaya napasimangot si Keana.
"Pero sure ka na kaya mo nang mag-basket?" nag-aalinlangan na tanong ni Blue. Matindi ang pagkaka-aksidente nito. Napanood pa nga nila ang huling laban ng karera ni Jerome.
"Oo, sa labas lang ako. Masyadong pisikalan ang laro sa loob. Pwede namang bench player lang ako," sagot ni Jerome. Tama nga si Blue, hindi pa niya kaya dahil tiyak, malalaki ang mga katawan ng makakalaban nila.
"Aksidente lang ba talaga ang nangyari sa iyo?" usisa ni Aron dahil hindi siya naniniwalang aksidente lang ang salpukang nangyari sa race.
"I hope so," sagot ni Jerome.
"Hindi aksidente," sabat ni Black. "Pina-iimbestigahan nina Tito Dylan ang insidente dahil mukhang may foul play na nangyari."
"Paano napasok sina Tito Dylan sa laban ni Jerome?" nagtatakang tanong ni Blue.
"Racer sila, 'di ba?" sagot ni Black.
"Malamang, may miyembro silang sumali at baka may kinalaman sa fraternities ang gulo." Apat na racer ang nawalan ng preno at isa na rito si Jerome. Ang nasa unahan nila ay na flat ang gulong kaya biglang tumigil. Sakto namang si Jerome ang sumunod kaya sumalpok ang minamaneho niya sa tumigil na sasakyan. Sinundan pa ng dalawang sasakyan sa likuran niya na nawalan din umano ng preno kaya naipit siya pero nailabas naman ang katawan bago sumabog ang mga sasakyan.
"Oo nga pala, nakita ko na minsan ang quadruplets na lumalaban," sagot ni Jerome. Nang mapadpad siya sa Tagaytay ay saka niya nakitang nakipagkarera ang apat na Lacson at aminado siyang magagaling ang mga ito.
"Wala rin naman kaming pasok mamaya kaya manood kami ng practice ninyo," wika ni Keana.
"May quiz tayo." Paalala ni Kean at sinamaan ng tingin ang kapatid.
"Kill joy mo talagang kakambal ka!"
"Huwag nga kalandian ang atupagin mo! Sumbong kita kina Daddy," pananakot ni Kean.
"Sumbong din kita na nagjajakol ka!"
"What? Ulitin mo nga ang sinabi mo?"
"WALA!"
Saka lang napansin ni Keana na nasa sala na pala sina Jerome dahil kanina pa tapos kumain.
"Huwag kang umasang mapapansin ka ng crush mo dahil para mo na ring sinabing uulan ng yelo sa disyerto. Napaka-impossible!"
"Bakit? Si Mommy nga, minahal naman ni Daddy," nakalabing sagot ni Keana.
"Ginamit mo pa si Mommy? So, gusto mo,maparehas din sa kaniya na siya ang naghahabol sa lalaki kahit na napapahiya siya?"
"Ay, nandoon ka ba noong panahong dalaga pa siya?"
"Narinig ko lang," sagot ni Kean. May mga naririnig siya kapag nag-uusap ang parents nila at mga barkada nito na ang mommy nila ang humahabol sa daddy Kyler nila. Ni-rape pa nga raw ng mommy nila si Kyler pero hindi nila napatunayan kung totoo nga ang haka-haka.
"Tumahimik na nga kayong dalawa. Bilisan niyo na diyan at kayo rin ang maghugas ng plato!" Wika ni Taira saka tumayo at lumabas sa dining area.
Wala na ang magbarkada kaya nag-ayos siya sa silid nila ni Aron saka pumunta sa classroom nila. Naabutan niya si Sky na nasa tabi ni Amanda.
"Tai?" tumayo ito pero tinaasan lang niya ng kilay. Diretso siya sa upuan niya. Lumipat naman ito sa tabi niya.
"Tai? Sasabihin ko kina Mommy na mag-nu-nursing ako next sem," saad nito. Inayos niya ang bag at kunwari ay wala ang binata sa tabi.
"Tai? Seryoso ako sa sinabi ko kanina," bulong ni Sky. "Mahal talaga kita." Humarap si Taira sa kaniya para ipakita na kumukulo ang dugo niya sa sinabi nito. Sino ba ang babaeng hindi magagalit? Matapos magtapat, heto ito at kasama pa ang kasintahan. Sino ang maniniwalang seryoso nga ito?
"Makipaghiwalay ako kay Amanda, promise." Mahinang bulong nito.
"Ginawa mo pa akong mang-aagaw?" pinipigilan lang niyang tumaas ang boses pero gigil na gigil na talaga siya kay Sky. Wala pa ang nerd niyang mga kaibigan.
"Hindi ka naman mang-aagaw dahil mula noon, ikaw naman talaga. Mahal kit--"
"Tell that to the marines, Mr.Villafuerte!" Natigilan si Sky sa reaksiyon ni Taira. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit!
"Bakit sa mga marines ko pa sasabihin? Diretso na nga ako sa iyo." sagot ni Sky pero hindi umimik si Taira. "Papatunayan ko sa iyo na seryoso ako." Determinadong wika niya bago tumayo at lumabas ng pinto at kahit na ano pa ang tawag ni Amanda sa pangalan niya ay hindi talaga siya lumingon.
Napabuntong hininga si Taira. Kahit na hindi na siya lumingon pa ay alam niyang nakakamatay ang mga titig na ipinupukol sa kaniya ni Amanda.