14

960 29 1
                                    





My Trip Buddy ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

"Tatalunin natin ang yellow team!" Wika ni Kean kay Black habang nasa locker room sila. Mamaya na ang championship game. Black team versus Yellow team.
"Oo nga, dude!" Pagsang-ayon ng isa nilang kasamahan habang naghuhubad ng damit. Sakto namang huhubad na sana si Black nang may kumatok sa pinto.
"Wala talaga! Si Sky na lang ang bantayan ninyo!" Ani Kean kaya napatawa si Black. Naalala na naman niya Kung paano ang laro ng kapatid.
"Becks? Tapos ka na?" tanong ni Nathalie nang makapasok.
"Hi, Natty!" Bati ni Kean sa girlfriend ng pinsan.
"Hi." Nakangiting bati ni Nathalie.
"Tapos na. Mauna na kami. Kita na kang tayo mamaya sa court," paalam ni Black at inakbayan ang kasintahan palabas.
"Mas bagay sa iyo kapag itali mo ang buhok mo kapag ganiyan ang suot mong damit." Wika ni Black nang mapansin ang suot nitong black t-shirt at pantalon.
"Ayoko! Ang lamig sa gym." Sagot ni Nathalie.
"Bakit hindi mo pinalantsa ang damit mo?" nakasalubong ang mga kilay ni Black.
"Ang hirap talaga kapag may history ang boyfriend mo," bulong ni Nathalie.
"WHAT?" bulalas ni Black.
"Wala. Ang sabi ko, macho ka!" Puri ni Nathalie pero tinaasan lang ng kilay ni Black. "Machong bakla!" dagdag ni Nathalie. Kapag sinusumpong ito ng pagka oc-oc ay kung ano ang napupuna sa kaniya. Kesyo ganito, kesyo ganiyan pero mahal naman nila ang isa't isa. Hindi lang talaga maiwasan na maselan si Black sa mga gamit lalo na sa loob ng kuwarto nila.
"Nat?" tawag ni Black nang kaunti na lang ang mga tao.
"Hmmm?"
"Naalala mo pa ba ang utang mo?" bulong ni Black.
"WALA AKONG UTANG!" Naiinis na sagot ni Nathalie. Palagi na lang siyang sinisingil na hindi naman niya alam kung paano siya nagkautang dito.
"Sige na... Mamayang gabi," tukso ni Black.
"Hindi ka ba titigil?" tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya kaya napakamot na lang ang binata.
"Eh, hanggang ngayon, beki talaga ang tingin mo sa akin! Halos lahat na nga ng posisyon, ginawa na natin tapos ganiyan pa ang iniisip mo sa akin? Lalaki ako at never na akong nagkagusto o kahit crush sa lalaki!"  Paliwanag ni Black. "Baka gusto mo, araw-arawin pa natin ang mag-sixty nine?"
"Nakakainis ka!"
"Biro lang, becks!" Wika niya saka hinabol ang kasintahan. Ang sarap nitong asarin.
"Black!" Tawag ni Sky nang makasalubong siya.
"Oh?"
"Nasaan na ang ama mo?" tanong nito.
"Ama mo rin naman siya. Ewan ko," sagot ni Black.
"Haist! Ang girlfriend ko? Nakita mo?" tanong ni Sky.
"Malay ko. Hahabulin ko muna si Nathalie!" Mabilis na iniwan siya ni Black kaya nag-ikot-ikot pa si Sky. Kanina pa niya hinahanap si Taira pero hindi niya makita hanggang sa nakarating siya sa tree park.
"Psh! Nandito lang pala ang babaeng 'to!" Naiinis na saad niya nang makitang nakipagtawanan si Taira kasama ang dalawang nerd nitong kaibigan. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing makakita siya ng nerd lalo na itong dating kaklase ng kababata.
"TAI!" Tawag niya habang palapit. Napatingin ang tatlo sa kaniya pero kay Taira lang talaga ang mga mata niya. "Tawag ka ni Daddy Tyron!"
"Bakit daw?" tanong ni Taira. Nagku-kuwentuhan pa nga silang tatlo nina Jack at Grace pero heto si Sky, 'storbo!
"Ewan ko. Basta pinapahanap ka niya sa akin," tugon ni Sky at masamang sinulyapan si Jack. Naalala na naman niya noong bata pa sila at ipinagpalit lang siya ni Taira sa isang nerd.
"Maiwan ko muna kayo, puntahan ko lang si Dad," paalam ng dalaga saka mabilis na pinuntahan si Tyron.
"Saan nga pala si Daddy?" tanong niya kay Sky nang nasa hallway na sila.
"Ewan ko. Diyan lang 'yan." Nakasimangot na sagot ng kababata.
"Hindi naman talaga ako pinatawag ni Dad, 'di ba?" salubong na ang mga kilay niya.
"Ayaw mo kasing umalis sa nerd na iyon!"
"Mas naisin ko pang sila ang kasama ko kaysa sa iyo!"
"Grabe ka naman! Hindi ka naman magiging masaya sa kaniya! Ako lang ang magdadala sa iyo patungong langit!" Wika ni Sky.
"Tigilan mo nga ako sa green na utak mo!" Singhal ni Taira.
"Deny ka pa! Noong nasa province tayo nina Nat-Nat, lahat na nga ng santo, nakilala mo dahil ilang beses kitang dinala sa langit tapos naulit pa nga iyon sa bahay, 'di ba?"
"Masasampal na naman kita!" Napipikon na wika ni Taira. Pasalamat siya dahil walang nakakarinig sa kanila. "HUWAG MO AKONG SUNDAN!"
Badtrip si Sky! Pumunta muna siya sa tambayan para kumain. Sakto namang wala ang iba kaya natulog muna siya.
"SKY!" Napabalikwas siya dahil sa pagtampal ni Aron sa kaniya.
"Oh?"
"Second quarter na! Kanina ka pa namin hinahanap!"
"Hala, nakatulog pala ako?" hindi makapaniwalang sabi niya saka tumayo.
"Ano na ang lamang?"
"Tayo..." sagot ni Aron. Kakampi sila nina Alwyn.
Malayo pa ay mga sigawan at hiyawan na ang naririnig ni Sky kaya mas lalo siyang na-e-excite sa laban. Nang nakaraan basketball ay hindi siya pinapalaro ng ama. Nakapasok siya pero ilang minuto lang dahil palagi silang nag-aaway ng ama.
Pagkapasok niya ay bumulaga sa kaniya ang mga estudyanteng may hawak na balloons at pompoms. Nasa itaas din ng court ang balloons na handa nang malaglag anumang oras na matapos ang championship.
"Nandito na ako!" wika niya nang lumapit sa team mates.
"OUCH!" Reklamo niya nang hampasin ng ama ng bottled water sa ulo pero wala namang laman kaya hindi ganoon ka sakit!
"Saan ka galing? Kanina ka pa namin pinapahanap?" galit na tanong ni Skyler. Injured na ang dalawang star players. Si Alwyn ay pansamantalang pinaupo niya para mamaya sa fourth quarter. Nasa third quarter na sila. Lamang ng pito pero mahaba pa ang oras para mahabol. Magaling si Black at si Lester. Sila ang nagdadala ng laro. Kanina ay nasa kinse ang lamang pero agad na nakahabol nang magsimula na ang second quarter.
"Nakatulog ako. Psh! Huwag kang mag-alala, mananalo tayo! Nandito na ang star player!" Proud na sabi ni Sky.
Sumenyas na ang referee para magsimula ang third quarter.
"Anak ng! Makakalaban ko naman ang Lester na 'to?" bulalas ni Sky nang makitang pumasok si Lester sa court. "Shit! Bakit may NERD sa court?" mulagat na tanong niya nang pumasok si Jack na nakasalamin pa. Noong game nila laban sa Black team ay hindi niya nakita si Jack na naglaro dahil wala naman siya. Absent at doon sa bahay nina Taira, nangungulit!
"Panliligaw kasi ang inaatupag mo kaya wala kang alam!" Panunuya ni Skyler sa anak. "PASOK NA!" Tinulak niya si Sky papasok sa court.
"Lalaro na ako?"
"Ayaw mo?"
"Oo na!" Wika niya at kumaway kay Taira nang makita ito sa likuran nila.
"BABYMINE KO! PARA SA 'YO ANG MGA TIRA KO! I LOVE Y--" Sigaw niya pero binatukan ng ama.
"PASOK NA SABI!" Galit na sabi ni Skyler dahil kanina pa sila hinihintay ng referee. Baka matawagan pa sila ng violation dahil sa pag delay ng game.
"Kapag manalo kami dahil sa akin, paganti naman ng batok, DADDY!" Reklamo niya at tumakbo sa loob.
Sa kanila napunta ang bola. Si Aron na ngayon ang may hawak. Si Alwyn ay bench player pa rin dahil sa laban kanina.
"Bakit sa akin?" tanong ni Sky habang nagdi-dribble ng bola. Si Lester ang dumidepensa sa kaniya. Wala siyang makitang kasama na open. Lahat ay may nakabantay. Hindi naman niya malusutan si Lester.
"ARON!" Tawag ni Sky saka ipinasa ang bola. Mabuti na lang dahil kaagad na nakuha ni Aron. Napapamura siya sa isip dahil sa pagtawag ni Sky. Sa pagkabigla ng dumi-depensa sa kaniya ay agad niyang i-shinoot ang bola kaya pero mintis. Mabuti na lang dahil kaagad na nakuha ng rebounder nila at muling ipinalik kay Sky. Ito lang kasi ang walang bantay.
"LARRY!" Tawag ni Sky sa kasamahan saka ipinasa ang bola pero bago pa man mahawakan ni Larry ang bola ay nakuha na nito ni Lester.
"Walang hiya ka! Kay LARRY 'yun!" Galit na sabi ni Sky saka mabilis na hinabol ang black team sa kabilang linya. Pinasa ni Lester kay Black ang bola. Nag-step backward si Black saka siguradong i-shoot ang bola kaya naghiyawan ang lahat.
"Kaasar!" Sambit ni Sky. Siya ang naglabas ng bola pero ipinasa pabalik sa kaniya ni Aron.
"BLACK!" Wika niya nang mapadaan ang kapatid sa harapan saka ibinigay dito.
"Thanks, bro!" Nakangiting tugon ni Black saka itinakbo pabalik ang bola sa court nila. Muling umingay ang mga estudyante. Pababa na ang lamang nila.
"Punyeta ka, Sky!" Napapamura si Aron ng wala sa oras.
"Nakalimutan kong kalaban pala natins si Black," ani Sky at galit na hinarap ang kapatid saka sinigawan. "MANG-AAGAW!" pero naka poker face na si Black. Inaasahan na niyang magwawala ang kapatid.
Humingi ng full time out si Skyler.
"OUCH!" Reklamo ni Sky nang batukan na naman ng ama.
"Huwag mo kasing sabihin kung kanino mo ipapasa!" Labas na nag ugat niya sa leeg. Kahit nasa bench sila ay dinig na dinig nila ang sigaw ni Sky.
"Nalilito ako! Isa pa, hindi sila nakatingin sa akin!" Depensa ni Sky sa sarili.
"Huwag kang maglaro!" Galit na sabi ni Skyler at ang isa nilang team mate ang ipinasok ni Skyler. Humarap ito sa natitirang player. "Sacrifice your body! Close out shooters. Block the way of baseline! Screen in position for rebound! Do not let the black team gain their points," mataman namang nakikinig sa kaniya ang players niya.
"Psh! Ako pa ang masama?" bulong ni Sky at lumapit kay Taira. Wala naman siyang pakialam sa laro.
"Tai?" sila ang pinagtitinginan sa paligid.
"Lumayo ka sa akin, Sky!" Naiinis na sabi ni Taira. Kitang-kita nila ang panggulo ng binata sa gitna kanina. Yellow team din siya kaya ang galit niya kay Sky ay abot hanggang ulap.
Naupo si Sky sa tabi niya at tahimik na nanonood ng laro. Fourth quarter na. Last four minutes pero biglang nasugatan si Alwyn sa kilay.
"BLUE!" Tawag ni Sky sa kakarating lang na kapatid.
"Talo kayo, noh?" matapos malaglag ang team nina Blue sa championship ay sumali ito sa volleyball game at ngayon din ang laban nila.
"Kami ang champion!" Sagot ni Blue.
"Naka number three "3" ka rin pala?" puna ni Sky.
"Oo. Gayagaya ka talaga!" Sabat ni Blue.
"Hala, ikaw kaya! Wala ka kay Black! Naka double three "33" siya!" At napasulyap kay Black na nasa kabilang court.
"Dapat ikaw na lang nagparaya sa atin! Dapat triple three "333" ka!" Wika ni Sky. Paborito nilang tatlo ang number "3" dahil triplets daw sila. Isa pa, 3 ang birthday nilang tatlo.
"Ang dami mong alam!" Wika ni Blue at iniwan ang kapatid para pumunta sa tatlong tiyo. Kina Tyron, Kyler at Kevin na nanonood ng game.
"SKY! Pasok ka na!" Tawag ng ama.
"AYOKO!" Sagot niya. Hindi siya nasasaktan sa laro pero sa mga sapak at batok ng ama ay mukhang mapipilayan siya.
"PESTE!  Bilisan mo! HINDI KITA BIBIGYAN NG ALAWANS KAPAG MATALO TAYO!" Pagbabanta ni Skyler. Wala siyang choice. Puro maliliit ang natitira. Pagod na rin si Aron. Ang iba ay nakikipag pisikalan pa. Kailangan nilang matalo ang team ni Dylan. Parang rematch na nila ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang pandaraya nito sa laban. Nadaya talaga sila noon kaya dinala niya sa matinding sapak para kahit paano, nakaganti naman siya.
"Oo NA!" Napipilitang tumayo si Sky.
"UTANG NA LOOB! Ayusin mo naman ang paglalaro!" pakiusap ng ama.
"Maayos naman, ah!" Sagot niya. Pumito na ang referee kaya pumasok na sila.
"Sky, tandaan mo: The one who controls the rebound, controls the game!" Bilin ni Skyler sa anak.
Matindi ang habulan at pisikalan sa laro pero madalang na lang nakakatanggap si Sky ng bola.
"Mentis!" Bulong ni Sky nang itira ni Aron ang bola. Nakatingala siya sa ring. Nasa harapan niya si Jack pero wala siyang pakialam! Kukunin niya ang bola sa kahit ano mang paraan. Sa tamang tiyempo ay tumalon siya para kunin ang bola. Tinatamad siyang mag-dribble dahil baka pagagalitan na naman siya ng ama. Pakiramdam niya ay nakabangga siya sa pader dahil hinarangan pa siya ng katawan ni Jack pero wala siyang balak na magpatalo kaya idinakdak niya ang bola. Pabagsak na nag-landing siya kaya sumakit ang kaniyang balakang. Mayamaya pa ay narinig niyang pumito ang referee.
"Defensive foul!" tawag ng referee.
Lahat ng yellow team ay naghiyawan. Tinulungan siya ni Aron na makatayo. Pagtingin niya kay Jack ay namimilipit ito sa sakit ay basag ang salamin kaya lumapit ang first aider saka pinaupo na ito sa bench nila. Nang mai-shoot ni Sky ang bonus free throw ay nagtatalon-talon ang mga fans niya.
"KITA MO 'yon? SLAM DUNK YON, SLUM DUNK! IYON TALAGA ANG TUNAY NA SLAM DUNK!" Pagmamayabang ni Sky kay Lester. "Hindi mo 'yun KAYA!" Sumayaw-sayaw pa ito ng budots steps niya habang nakakagat sa ibabang labi kaya mas lalong kinilig ang mga babae.
"I love you, SKY!"
"Sky, I LOVE YOU!"
Humarap si Sky sa mga ito at sumigaw. "I LOVE YOU, TAIRA!" Sigaw niya kaya napasimangot ang mga babae lalo na si Taira.
Hindi nai-shoot ni Lester kaya nakuha ni Sky ang rebound. Mabilis na tumakbo siya. Nandoon na sa unahan niya sina Aron at Larry.
Nawawalan na sila ng oras dahil forty seconds na lang ang natitira sa fourth qiarter at may sampung minuto pa sa shot clock nila. Lamang sila ng dalawa pero ayaw niyang makampante.
"ARON, SALUHIN MO!" Malakas na sigaw ni Sky na lahat na yata ng tao sa loob ng gym ay nakarinig sa sigaw niya. Lahat ng players ng black team ay dumipensa kay Aron. Nagulat sila nang hawak na ni Larry ang bola dahil sa kaniya ipinasa ni Sky.
"SHIT! Kay Larry ko pala ipapasa!" Panghihinayang ni Sky. Kay Larry talaga niya ipapasa ang bola pero pangalan ni Aron ang nasambit niya.
Nagtilian na naman ang mga yellow team nang nai-shoot ni Larry ang three points na tira. Kaya five points na ang lamang nila sa black team.
Humarap siya sa ama. "DADDY, KAY ARON Ko TALAGA ipapasa!" Paliwanang niya.
"LINTIK! DUMEPENSA KA NA!" Sigaw ni Skyler sabay turo sa mga kasamahang tumatakbo dahil tumigil ang anak at walang nagbabantay kay Black. Point guard pa naman si Black at three pointer ito.
"Waaaah! I love you, BLACK!"
Napanganga si Skyler nang maka-shoot si Black sa kabilang court.
"WALANG HIYA KA TALAGANG BATA KA! SABING DUMEPENSA KA, EH!" Galit na sinugod niya ang anak at binatukan ito kaya natahimik ang buong paligid nang pumito ang referee.
"Sir, bawal po pumasok sa court." Saway nito.
"SASAPAKIN KO LANG ANG ANAK KO!" Galit na sabi ni Skyler at kinuha ang upuan saka itinapon kay Sky pero hindi ito natamaan. Pareho silang napanganga ng tawagan sila ng technical foul at binigyan ng dalawang bonus free throws ang sa kabila. Si Lester na ang gumawa ng free throws pero mentis ang isa kaya lamang pa rin ang yellow team ng one point. Sina Black at Blue ay halos ilubog na ang lupa sa tinatayuan dahil sa sobrang kahihiyan sa ginagawa ng ama't kapatid!
"Psh! Wala talaga siyang pinagbago!" Panunuya ni Tyron na nakatingin sa mag-ama. Si Kevin na ang pumalit kay Skyler bilang coach sa remaining time.
"Sinabi mo pa!" Pagsang-ayon ni Kyler. Sa awa ng Maykapal, parehong walang naka-shoot kaya nanalo ang yellow team sa abanseng one point.
"SA WAKAS! NATALO RIN NATIN SI DYLAN!" Masayang wika ni Skyler kay Kevin.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon