35

1K 34 0
                                    



MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  35

"Nakakainis sila!" bulong ni Sky nang maupo sa tabi ni Amanda.
"Ano ang problema mo? Alam mo bang kahapon pa kita hinihintay?" tanong nito habang inaayos ang bagong design niya.
"Alam mo namang na-ospital ang asawa ko kaya kailangan niya ako," nakasimangot na sagot ni Sky.
"Bakit hindi ka masaya?" nakataas ang kilay na tanong nito at lumiwanag ang mga mata nang makita ang asawa. Sikat na fashion designer ang kaniyang asawa sa Europe at guwapo rin ito. Fil-Am-German kaya hindi na siya lugi. Plus, nagkakasundo pa sila dahil sa gusto.
"Hmm? Sometimes, i wanna get jealous kapag kayong dalawa lang ang magkasama," wika ng kasintahan at hinalikan siya sa pisngi tapos naupo sa tabi ni Amanda.
"Psh! As if na may gusto ako sa asawa mo," ani Sky kaya tumaas na naman ang kilay ni Amanda. "Okay, slight lang noon pero mas mahal ko talaga si Taira ng trillion times."
Kinuha niya ang bagong gawa nila at niyakap. "Akin na lang 'to, ireregalo ko kay Taira," pakiusap niya.
"Bahala ka," sagot ni Amanda. Personal na dinesenyo ito ng binata. Nagpatayo sila ng toy factory at lahat ng mananahi ay may mga kapansanan na mahilig sa pananahi. Noong una, sinubukan nilang gumawa ng mahigit isang libo at dahil nga sikat din naman si Amanda dahil sa pagsali sa pageant at mga kakilala ng pamilya, may mga bumili. Iyong mga friends niya na may foundation ang mga bumibili para ipamigay sa mga bata hanggang sa may mga nakakakita at nagtatanong kung saan binili.
Maganda ang quality ng mga stuffed toys kaya dumadami ang suki nila hanggang sa naging supplier na sila sa mga malls at ang iba ay ini-export na nila dahil na rin sa tulong ng kasintahan ni Amanda sa Europe. They started sa five hundred thousand pesos na pera ni Sky hanggang sa lumago at pina-renovate nila ang dating factory nina Amanda na matagal nang inabandona ng pamilya. Mula nang maisipan niyang magpakasal na kay Taira ay nagtitipid na siya at ibinenta rin niya ang mamahaling alahas na ibinili niya. Magaling si Amanda humawak ng pera kaya walang problema. Si Sky naman ay sinusubukan niyang kausapin ang nakikipag-negotiate sa mga kliyente. Ang iba ay nadadaan niya sa sales talk at ang iba lalo na sa babae ay nadadaan niya sa karisma.
Nadadala rin ang mga nakakausap niya dahil maliban sa maganda ang quality, mura pa ito. Dagdag din sa pang-engganyo ang mga special child o may mga kapansanang trabahador nila. Napansin ni Amanda noon na magagaling gumuhit at magdesinyo ang mga nasa charity na tinutulungan niya lalo na ang mga special child kaya pumasok sa isipan niya na sayang lang ang mga talento nito. Minsan naikuwento niya kay Sky kaya ito ang nangumbinse sa kaniya na gumawa ng ganoong bagay. Sa una, ayaw niya dahil baka babagsak o malugi sila pero iba si Sky mag-isip. Positibo ito sa lahat ng bagay.
"Amanda? Sinabi mo ba kay Taira na ako ang ama ng baby mo?" tanong ni Sky.
"Bakit? Huwag mong sabihing iniisip niya na ikaw ang ama nito?" tanong ng dalaga.
"Kuwan..."
"Sinasabi ko na nga ba eh," kaya pala palagi siyang pinandilatan ni Taira ng mga mata sa tuwing magkasalubong sila.
"Tatanga-tanga naman ang asawa mo," ani Amanda. Naalala niya noong pinagsabihan siya ni Taira na kasal na sila ni Sky. "Kaya pala iyon ang naging reaksiyon niya?"
Flashback ...
" Ano ang kailangan mo?" pagtataray ni Amanda nang humarang si Taira.
"Tapatin mo nga ako! May gusto ka ba sa asawa ko?" napataas ang kilay niya nang humalakhak si Amanda.
"Ex ko ang asawa mo at MINAHAL ko. Sa tingin mo, nawala na ang pagkagusto ko sa kaniya?" pabalik na tanong ng dalaga, "Ilang buwan pa lang ang nakalipas, girl!"
"Puwes, dapat mong itanim sa kukote mo na HINDI ikaw ang pinakasalan at ako ang pinili niya!" Buong tapang na paalala niya rito. Wala namang taong nagawi sa gym dahil class hour ngayon.
Namewang din si Amanda. "Bakit hindi mo rin itanim sa kukote mo iyang mga pinagsasabi mo? Natatakot ka ba na baka bumalik sa akin si Sky?"
"Hindi iyon mangyayari!" Giit ni Taira. "Ako ang mahal niya!"
"Ows? Bakit sa nakikita ko? Parang nate-threaten ka?"
"Pakiramdam mo lang iyon!"
"Wee? Gusto ko lang ipaalala sa iyo, MRS. VILLAFUERTE! Asawa ka niya pero minahal din niya ako at ilang taon kaming naging magkasintahan bago ka pa niya pinakasalan!" isang pang-insultong tingin ang ginawa ni Amanda kay Taira.
"Ano? Napipi ka, Mrs. Villafuerte? Kasal kayo pero marami ang paraan kung gusto ni Sky na ipawalang bisa iyang kasal ninyo kapag na-realize niya na hindi ka niya mahal."
"Mahal ako ni Sky!" Giit ni Taira, "Alam kong mahal ako ng ASAWA ko!"
"Talaga? Kung mahal ka niya, bakit ka niya iniiwan? Bakit may iba siyang ka-chat kapag tulog ka?" natameme si Taira kaya natatawa ang kalooban ni Amanda.
"Sinasadya mong i-chat si Sky dahil alam mong magkasama kami at makikita ko iyon!" Galit na sabi niya.
"Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?"
Pak!
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Amanda.
"Oras na lapitan mo pa ang asawa ko, hindi lang sampal ang abutin mo!" Kulang pa ang isang sampal para ma-satisfy siya sa galit kay Amanda!
End of flashback...
Sumimangot siya nang maalala ang ganoong eksena. Gusto lang talaga niyang inisin si Taira para kahit sa ganitong paraan ay makaganti man lang siya pero hindi niya inakalang iniisip nito na si Sky ang ama ng dinadala niya. Hindi naman siya ganoon ka desperada para mang-agaw ng may asawa na. Marunong siyang mag-moveon at maghanap ng ka forever niya. Kaya nga sa tuwing mag-uusap sila, palagi niyang idinidiin ang salitang "Mrs.Villafuerte" para maalala ni Taira na sa kaniya na si Sky at ito ang nagwagi pero waley, iba ang interpretasyon ng babae. Hindi kasi siya gano'n mag-isip. Selosa siya pero kapag nakatali na ang manok, wala siyang balak na angkinin.
"Huwag mo na ngang sabihing tatanga-tanga siya. Alam ko namang iyon talaga siya," saway ni Sky kaya tumawa si Amanda habang ipinapakita ang bagong design ng teddy bear sa kasintahan.
"Isumbong kita kay Taira."
"Biro lang. Pero seryoso, huwag mong pagsabihan ang asawa ko nang ganiyan," seryosong sabi ni Sky. Ayaw niyang insultuhin o maliitin si Taira ng iba.
"Okay po."
Pagkatapos nilang gumawa ay umuwi na si Sky. Naisipan niyang dalhan ng bagong laruan ang pamangkin kaya sa mansion na siya natulog.
"Hello, Red." masiglang bati niya sa pamangkin. Pasado alas otso na ng gabi siya nakarating.
"Ano 'yan?" tanong ni Blue na nakahiga sa tabi ni Red nagpapadede sa anak.
"Laruan."
"Salamat. Mapupuno mo na ang kuwarto niya sa teddy bear na dala mo." Araw-araw ay may dala itong laruan sa pamangkin. Tuwang-tuwa naman si Red. Kahit sina Black at Erika ay palaging may pasalubong din kapag dumalaw.
"Kaninong mga gamit 'yan?" sabay nguso ni Sky sa malalaking maleta sa tabi ng closet.
"Amin ni Red," sagot ni Blue.
"Bakit? Hindi pa naman ayos ang bahay ninyo, ah." Nagpatayo ng bahay si Blue sa katabi ng mansion nina Lolo Ryan nila.
"Lilipat na kami sa condo."
"May iba pa bang rason?"
Niyakap ni Blue ang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog na at hinalikan sa noo.
"You found her?" usisa ni Sky. Tahimik pa rin ang kapatid pero bakas sa mukha ang lungkot. Mukhang hindi ito masaya sa mga nangyayari.
"Mabuti naman at buo na ang pamilya mo," tumayo siya, "Matutulog na ako, may pasok na tayo bukas."
Hindi siya umuuwi kay Taira pero tini-text o tawagan niya ito kung nasaan siya at kung saan siya matutulog. Wala siyang balak na umuwi sa condo nila dahil malulungkot lang siya. Balak na rin niyang magpatayo ng bahay katabi ni Blue at alam niyang nagbabalak na rin si Black dahil kakabukas lang ng grocery mall nito. Magaling din si Nathalie. Mga taga probinsyang walang trabaho at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kinuha nito para makatulong. Ang mga nakaapak sa kolehiyo ay ginawa niyang cashier, ang mga high school grad lang ay saleslady at ang mga elementary o hindi nakaapak sa paaralan ay bagger. Depende sa kakayahan ng mga ito. Physically and mentally.
Kinaumagahan, maaga pa siyang pumasok. Sinalubong niya ang asawa sa gate at hinila patungo sa tambayan dahil wala pang tao roon.
"Bakit?" nakangiting tanong ni Taira dahil pinagmasdan lang niya ito sa mukha.
"Sky, ano ba!" Reklamo ni Taira at tinulak siya nang siilin siya nito ng halik.
"Grabe ka naman. Ayaw mo nang magpa-kiss," nagtatampong sabi ni Sky.
"S-Sorry, ang sakit kasi ng lips ko dahil parang lalamunin mo na!" sabat ni Taira. Magkakasugat na yata ang mga labi niya sa halik ng asawa.
"Sorry na," paumanhin ni Sky at napakamot sa ulo. "M-Masarap kasi ang lips mo," honest na sagot niya.
Mayamaya pa ay hindi na talaga siya mapakali kaya niyakap na niya ang asawa ng mahigpit. "Na-miss kita, babymine," naluluhang sabi niya at isiniksik ang mukha sa mabango at malambot na leeg ng asawa.
"S-Sky, masakit na," reklamo ni Taira. Mas lalo pang diniinan ni Sky ang pagkakayakap kaya ramdam na niya ang katigasan nito.
"Hmmm? Mas masakit sa puson, babymine. Parang awa mo na, sex na tayo," pakiusap ni Sky.
"Hindi pa nga puwede. Sariwa pa raw ang sugat ko," ani Taira.
"Palagi na lang akong nagfa-flag ceremony, wala man lang panatang makabayan," reklamo ni Sky. Hindi siya nagbibiro.
"S-Sorry na," naaawang sagot ni Taira.
"Okay lang, basta hindi ka mapahamak." Muling hinalikan niya sa mga labi ang asawa. "Maghalikan na lang kaya tayo hanggang sa labasan ako?" prangkang wika niya na ikinalaki ng mga mata ni Taira. "Biro lang. Ikaw lang talaga ang babaeng umaga pa lang, pinapasakit na ang puson ko."
"Sky naman. Huwag kang ganiyan, nagu-guilty ako," naaawa na siya rito. Alam naman niyang nahihirapan na ang asawa dahil ilang linggo na silang hindi nagsasama.
"Huwag ka nang ma-guilty. Ay, wait lang," wika ni Sky nang may naalala. Tumakbo siya sa silid nila at may kinuha.
"Ano 'yan?" tanong ni Taira dahil may itinago ito sa likuran niya.
"Si Clouds," nakangiting sabi ni Sky. "Dahil wala pa tayong baby at wala pa ako sa tabi mo, ito muna ang itabi mo at yakapin. Hindi ako magseselos dahil ako mismo ang nag-design nito," taas noong sabi ni Sky.
"Talaga? Patingin?" na-touch siya sa effort ng asawa. Everyday ay pinapadalhan siya nito ng newest design nila.
"Charaaan! May anak na tayo." Ipinakita ni Sky ang nasa likuran kaya napatulala si Taira. Ni hindi niya alam ang magiging reaksiyon.
"Babymine? Siya si Clouds, ang baby natin. Clouds, siya si Babymine ko, ang mommy mo!" Masayang pagpakilala ni Sky at hinalikan pa ang hawak na stuffed toy na unggoy.
Mahigit isang daan na yata ang ginawang pagkurap ni Taira dahil baka nananaginip lang siya. Kinusot na niya ang mga mata pero hindi siya dinadaya ng paningin. Kulay brown talaga na unggoy ang stuffed toy na hawak ng asawa at may pink headband pa.
"Ayaw mo ba?" tanong ni Sky. Kung pagmasdan mo ang mukha nito ay inosente talaga. Kahit saang anggulo, hindi ito nagbibiro.
"Siya si Clouds?" panigurado ni Taira.
"Oo, babymine. Siya si Clouds. Siya muna ang baby natin," napalunok siya sa sagot ni Sky. Bakas talaga sa mukha ang kasiyahan kaya ang mukha ni Taira ay natatae na.
"H-Hindi kaya mukhang unggoy ang magiging panganay natin?" nag-aalalang tanong niya.
"Hala, ang pogi ko kaya. Malabong maging mukhang unggoy ang mga anak natin," depensa ni Sky, "Isa pa, ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Impossibleng magiging kamukha ng unggoy ang mga anak ko iyo," hinapit siya ni Sky sa bewang at mariing hinalikan sa mga labi.
"At kung mukhang unggoy man sila, wala akong pakialam. Magiging proud daddy pa rin ako dahil alam kong ikaw ang ina ng mga anak ko," namamaos na sabi ni Sky at muli siyang siniil ng matamis na halik sa mga labi. Si Sky ang tipo ng taong nang-iinis pero agad namang bumabawi at alam niya, paulit-ulit na mamahalin niya ito kahit ito pa ang pinaka-inosenteng maloko sa buong mundo. Ang kailangan lang niyang gawin ay sakyan ang mga trip nito.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon