25

915 28 0
                                    





MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited...

"Nathalie?" lumapit si Taira sa kaibigan. Nasa tambayan sila at naghihintay ng iba pang kasama.
"Ano iyon, Tai?" tanong ni Nathalie at ngumiti rito.
"Bakit hindi ka pa nabubuntis?"
Pinagmasdan siya ng maigi nu Nathalie sa mukha. "Bakit? Gusto mo na bang mabuntis?" umiling si Taira. Kung siya lang ang masusunod, ayaw niya pang magkaroon ng anak dahil nag-aaral pa sila at wala pang savings. Dumidepende pa nga sila ni Sky sa kanilang mga magulang.
"Coitus interruptos," sagot ni Nathalie.
"Ano 'yon?"
"Withdrawal..." sagot ni Nathalie. Hindi na siya naiilang kay Taira dahil alam niyang pareho na silang open sa ganitong bagay.
"Hmp? Effective ba?"
"'Di ko alam pero sa amin, effective naman. Pero hindi naman safe dahil may pre-ejaculation ang mga lalaki pero iyon ang gamit namin. Ayaw kasi ni Black na gumamit ng condom," ani Nathalie.
"Paano kung mabuntis ka?" usisa ni Taira.
"Handa naman si Black pero ako, ayaw ko pa..."
"Mabuti pa kayo, may savings na si Black." Malungkot na wika ni Taira. Sila ni Sky, wala talagang kahanda-handa. Basta ipinakasal na lang sila. Natatakot siya sa mga susunod na mangyayari sa buhay nila bilang mag-asawa. Kagaya ng kinakatakutan ng lahat, natatakot din siya na baka hindi sila ng mga anak niya mabubuhay ni Sky.
"Mas mabuti kayo dahil kasal na kayo ni Sky..." nalulungkot si Nathalie. Iba pa rin kapag kasal na kayo bago magsama. Iyong may blessing ng nasa Itaas at pamilya ninyo ng kinakasama mo. Hindi naman sila puwedeng magpakasal dahil sukob kaya kailangan pa nilang maghintay ng susunod na taon. Puwera na lang kung magpapakasal din sina Erika, Blue at Lyn.
"Babymine!" Masiglang tawag ni Sky nang pumasok ito kasama sina Blue at Black. "Ano ang gusto mong kainin? Ipaluto natin kay Ate Yana."
"Wala..." sagot ni Taira at pasimpleng sinulyapan ang mukha ng asawa. Guwapo, matangkad, matangos ang ilong at mas lalong dumagdag sa karisma nito ang palangiting mukha na kinababaliwan ng lahat pero ang totoo, walang alam kapag 'buhay pamilya' na ang pag-uusapan. Ang alam lang nito ang maging masaya at kung ano ang gusto ay ginagawa nang hindi man lang nag-iisip ng consequences.
"Hindi ka pa naglilihi?" nagtatakang tanong ni Sky.
"Buntis ka, Taira?" tanong ni Blue.
"Hindi ah!" Galit na tinitigan niya si Sky. Baka isipin naman ng mga ito ay may nangyari na naman sa kanila bago ang kasal.
"Pero ilang araw na tapos pinasok ko naman lahat," muntik na siyang mahulog sa sinabi ni Sky. Oo nga't mag-asawa na sila pero hindi man lang ba siya bigyan ng kahihiyan nito? Naiilang pa siya sa ganitong usapin.
"Psh! Agad-agad? Ano ang sperm mo? Upgraded?" sambit ni Black. Hindi pa talaga siya naka-recover sa kasal ng kapatid dahil ito lang ang lalaking nakita niyang hinimatay sa oras mismo ng kasal dahil lang sa kinakabahan.
"Wala pa ba 'yon? Excited pa naman ako." Nakalabing sagot ni Sky at naupo sa tabi mg asawa.
"Tai?" hinawakan niya ang kamay ng asawa na nasa lap nito at hinalikan pero napakunot ang noo niya nang makita ang bracelet nito.
"Saan mo nakita ito?" tanong niya. Ang pagkakaalam niya ay nawawala ito noong bata pa sila. Hinila ni Taira ang kamay niya.
"Sa bahay lang. Nakita ko noong nagliligpit na ako ng gamit," palusot ni Taira at lihim niyang ipinalangin na sana ay huwag maging makulit si Sky. Mahirap na.
"Napakaburara mo talaga!"
"Grabe ka naman makapagsalita sa asawa mo!" Sabat ni Blue.
"Biro lang naman 'yon. Tai? Biro lang 'yon, babymine ko." Paglalambing ni Sky. Takot lang niya sa asawa.
"Kumain na nga tayo!" Tumayo na si Taira at iniwan ang mga ito. Kanina pa siya nagugutom. Sakto namang dumating ang iba pa nilang kasamahan kaya sabay-sabay na silang kumain.
"Sky? Puwede bang pabili ako ng ice cream?" pakiusap ni Taira habang nakaupo sila sa sala. Mamayang alas dos pa ang pasok nila.
"Anong ice cream?" tanong ni Sky.
"Kahit ano. Puwedeng double dutch na lang? O kapag wala, iyong rocky road."
"Ayaw mong sumama?" tanong ni Sky.
"Ikaw na lang. Tinatamad ako," sagot ni Taira. Sino ba ang sipaging maglakad dahil sa ginawa nila ni Sky kagabi?
"Sige. Kiss muna," parang batang sabi ni Sky pero bago pa maka-decide ang asawa ay ginawaran na niya ng halik sa mga labi.
"Nagpapainggit kayo, Sky?" naiinis na tanong ni Keana.
"Inggit ka?" nakangising sagot ni Sky. "Sagutin mo na nga ito, Jerome, para hindi na mainggit sa amin ng babymine ko!" Sabi ni Sky na nakatingin kay Jerome na busy sa pakikipag-usap sa cellphone.
"Tumigil ka nga, Sky! Hindi ka na nahiya!" Saway ni Keana at sinamaan ng tingin ang pinsan.
"Sus, nahiya ka pa. Huwag kang mag-alala, paunti-unti, matutunan ka rin niyan mahalin. Tiwala lang," pangungumbinse ng pinsan na ikinasimangot ni Keana.
"Hindi naman ako desperada!"
"Hindi ba? E di, humanap ka na ng iba." suhestiyon ni Sky.
"Tama na ngang daldal! Umalis ka na!" Pagtataboy ni Aron na katabi si Julie. Ayaw talaga niyang sa bahay nila titira sina Sky at Taira dahil magiging maingay na ang buong bahay nila.
"Maiwan muna kita rito, babymine ko." Paalam niya sa asawa.
"Sasama na lang pala ako," ani Taira.
"Huwag na. Dito ka lang, ayaw kong mapagod ka." hinalikan niya ito sa noo bago umalis.
Pagkalabas ni Sky ay dumiretso siya sa canteen pero ubos na raw ang ice cream kaya naisipan niyang sa 7/11 na lang bumili.
"SKY!" Napahinto siya nang makasalubong si Amanda.
"Hi." Nakangiting bati niya sa dating kasintahan.
"Congrats pala, kasal ka na." bati nito.
"Salamat. Bakit hindi ka pumunta sa kasal?" ang pagkakatanda niya ay pinadalhan niya ito ng invitation letter.
"I'm sorry, dumating kasi ang kasintahan ko..."
"May bago ka nang kasintahan?" tanong niya. Parang kailan lang, sinampal pa siya nito tapos ngayon, may kasintahan na naman ang babae.
Tumaas ang kilay ni Amanda. "Bakit? Ikaw lang ba ang lalaki sa buong mundo?" napakamot si Sky sa ulo at ngumiti.
"Sabi ko nga. Mabuti na lang dahil may boyfriend ka na, bilis ah!"
"Oo naman. Pero mas mabilis ka, alam mo 'yan!" Makahulugang sagot ni Amanda.
"Sorry talaga. Mahal ko pala si Taira, noon pa." paumanhin ni Sky.
"Wala iyon. Gano'n talaga ang buhay. Kailangan nating tanggapin na ang taong minahal natin ay hindi puwedeng mapasa atin." nakangiting sagot ni Amanda.
"Salamat at naintindihan mo ako. Sinubukan ko namang mahalin ka..."
"Iyong totoo?" nakataas ang kilay ni Amanda at naka crossed-arms pa.
"Ahm, baka sinubukan ko nga pero hindi ko lang matandaan." Nag-aalangang sagot nito. Paano niya subukan e noon pa lang, si Taira na talaga ang laman ng puso't isipan niya. Ayaw lang niyang tanggapin.
"Hmp, bahala ka na nga sa buhay mo! At least, natikman kita!" Nakangising sagot ni Amanda at makahulugang tiningnan ang kaharap mula ulo hanggang paa.
"Shit! Huwag mo nga akong hubaran sa isip mo! Magagalit si Taira. Isa pa, kalimutan na natin iyon, pakiusap! Para na lang talaga ito kay babymine ko!" Bulalas niya na para bang may nagawang kasalanan sa asawa.
"Oo na, friends na tayo." Napailing na sagot ng dalaga saka inilahad ang kamay kay Sky.
"Sure, friends tayo!" inabot ni Sky ang kamay nito pero sa gulat niya ay niyakap siya ni Amanda ng mahigpit.
"A-Amanda..." naiilang na sambit niya. Gusto sana niyang itulak ito pero nakakahiya sa mga dumadaang tao.
"Mahal pa rin kita... H-Hanggang ngayon, mahal pa rin kita pero s-susubukan kong magmahal sa iba..." naiiyak na saad ni Amanda at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa binata. Umasa siya. Umasa talaga siya na makakaya niyang mapaibig si Sky pero nagkakamali siya. Mas mahal nito si Taira at ngayon ay wala na siyang magagawa dahil kasal na ang mga ito.
"S-Sana, nandiyan ka pa rin para sa akin..." kahit na ganito ito, si Sky ang nag-alaga sa kaniya noong minsang nagkasakit siya dahil busy ang mga magulang sa kani-kanilang buhay. Buhat nang maghiwalay ang mga ito ay si Sky na lang ang palagi niyang karamay kaya hindi niya maiwasang umasa noon.
"TAIRA!"Agad na itinulak ni Sky si Amanda nang makitang paparating ang asawa pero huli na ang lahat. Nakita na sila nito.
"Maiwan muna kita!" Natarantang sabi niya at hinabol ang asawa.
"Babymine ko!" Tawag niya pero hindi tumigil si Taira. Sa rooftop ito dumiretso kaya sinundan niya. Kailangan niyang magpaliwanag dito.
"Tai?" mahinang sambit niya at naupo sa bench katabi ng asawa.
"Ang nakita mo--"
"Nakita ko nga ang hindi ko dapat na makita. Kaya pala ayaw mo akong sumamang bumili," naiinis na wika ni Taira. Nang makita niyang may kayakap si Sky, nasaktan siya! Hindi naman siya bato para hindi magdamdam lalo na't naging kasintahan ito ng asawa at minsan nang pinagtuunan ng pansin ni Sky. Higit sa lahat, may nangyari sa mga ito.
"Nakikipagkaibigan lang siya sa akin. Masaya na siya sa bago niyang kasintahan..." pagpapaliwanag niya sa asawa. Iyon naman talaga ang sabi ni Amanda sa kaniya.
"Nakikipagkaibigan?" ulit ni Taira. "Sky naman! Sa tingin mo, maniniwala ako? Asawa na kita at kakakasal lang natin! For Pete's sake! Sino ang maniniwala sa inyo gayong kitang-kita ng dalawang mga mata ko na nagyayakapan kayo at may mga nakakakita pang iba!"
"Iyon naman talaga ang totoo, babymine. Nakikipagkaibigan lang ako sa kaniya dahil nasaktan ko naman siya."
"Alam mo naman sigurong masasaktan ako, 'di ba?" tanong ni Taira. Gusto na niyang maiyak. Ngayon pa lang nga na kakakasal pa nila, ito na ang kinakaharap nila. Paano na kaya kapag tumagal pa sila?
"Malinis naman ang intensiyon ko at alam mo namang loyal na ako sa iyo. Mahal kita at hindi na ako maghahanap pa ng iba. Pangako iyan!" Nagtaas pa ng kanang kamay si Sky at nag-promise sign.
"Lahat ng pangako, napapako!"
"Sa kanila lang pero sa akin, tutuparin ko iyon. Ikaw lang talaga..." kinuha ni Sky ang mga kamay niya pero hinila niya ito.
"H-Hindi ka naniniwala sa akin, 'di ba?" malungkot na tanong ni Sky sa asawa. "Hindi ko naman inaasahan na yayakapin niya ako. Kahit ako, nagulat din sa ginawa niya."
"Bumalik na tayo sa classroom, baka ma-late pa tayo sa next subject." Tumayo si Taira at nauna nang naglakad pababa ng rooftop. Napabuntong hininga si Sky habang nakasunod sa asawa.
"Pati ba naman ikaw? Ayaw maniwala sa akin na kaya kitang panindigan?" malungkot na tanong ni Sky na siya lang ang nakakarinig.



My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon