My Trip Buddy ( U-Prince 2 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
[Jerome Pov]
Kakalabas ko lang sa classroom nang makita ang kambal. Sina Keana at Kean.
"Hi, morning Jerome." Nakangiting bati ni Keana.
"Morning," wika ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. Ang bilis pumula ng pisngi ni Keana kaya mas lalo akong napapangiti. Okay, aaminin ko, ang cute niya. Maganda ang mukha at katawan niya pero siya ang tipo ng babaeng well... May gatas pa sa labi. Iyong babaeng may pagkaisip bata. Alam kong crush niya ako. Hindi naman ako manhid para hindi mahalata iyon.
"Saan ka pupunta?" inosenteng tanong ni Keana.
"Sa next subject ko. Nakita mo ba sina Sky?" sagot ko.
"Hindi eh. Baka nasa tambayan," sagot ni Keana. Hindi talaga siya makatingin sa mga mata ko. Napag-alaman kong wala pa itong naging kasintahan. Sa ganda niya, malamang, ang daming nagkakagusto rito. Natakot lang siguro na manligaw ang iba dahil isa itong Villafuerte at kapag lokohin lang, talagang malalagot sa mga lalaki ng pamilya. Ang hirap pa naman kalabanin ng mga ito.
"Ah, punta na lang ako roon mamaya." Sabi ko.
"Jerome? Kamusta na pala si Amanda?" tanong ni Kean.
"Ewan ko..." Sagot ko. Kahit na magkaklase kami ni Amanda, hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko dahil wala akong pakialam. Hindi ko nga gusto ang kursong ito pero pinilit lang ako ng mommy ko. Ayaw ko rin naman mag-nursing kaya next year, lilipat na ako ng course.
"Baka kasi guluhin niya si Taira..." nag-aalalang wika ni Kean. Nakita raw nito ang galit sa mga mata nito at pagsampal nito kay Sky nang makababa sa back stage.
"Ganoon talaga ang mga girls, nasaktan lang siya ng sobra. Alam niyo na, umasa rin siya." Sagot ko. Kahit paano, naaawa ako kay Amanda. Babae rin ito at kung kapatid ko lang ito, makakatikim talaga si Sky ng matinding suntok galing sa kamao ko. Wala naman akong magawa dahil pareho lang kami ni Sky. Palikero at maraming babae sa buhay pero lingid sa kaalaman ng magbarkada, nagmahal naman ako ng sobra pero mas inuna ko lang ang pakipagkarera kaysa babaeng iyon at naging kampante akong may babalikan pa ako. Iyon nga lang, ang minahal ko ay pag-aari na ng iba.
Napabuntong hininga ako. Hanggang tanaw na lang ba ako? Hanggang tingin na lang ba ako sa babaeng iniibig ko at kahit kailan ay hindi nawaglit sa aking puso't isipan kahit na nasa malayo ako? Pagmasdan ko na lang ba na masaya siya sa piling ng iba kahit na durog na durog na ako?[TAIRA POV]
💜💖💚💖❤💚💖💚💖💚💚💖💚💖💚
Kakatapos lang ng klase namin kaya uwian na naman.
"Blue? Kamusta ka na?" tanong ko. Isang matinding pasabog ang ibinalita ng isang reporter tungkol sa kaniya. Actually, blind item pa lang iyon tungkol sa isang sikat na actor/singer/dancer na may anak na raw. Alam naming si Blue iyon dahil ilang beses na nitong isinama si Red sa mall na silang dalawa lang.
"Okay lang..." tipid na sagot nito. Next week na ang binyag ni Red kaya lahat kami ay imbitado.
Hindi ko alam kung paano nila nagawan ng paraan na iparehistro ang bata gayong wala ang ina nito. Nahihiya naman akong itanong sa kanila dahil baka isipin nila na napaka-chismosa ko. Kay Sky sana dahil madaldal 'yun pero huwag na! Baka isipin pa ng loko na close na kami.
Galit talaga ako sa walang hiyang iyon! Alam na tuloy ng lahat na magkasintahan kami.
"Mauna na ako, Natty. May ginagawa pa akong indie film..." paalam niya.
"Ingat, Blue!" Naaawang pinagmasdan ko siya habang papalayo. Naging saksi kami kung paano siya tumino kapag kasama si Avery. Hindi nga namin inaasahan na may nangyari pala sa kanila dahil matindi ang respeto ni Blue sa kababata namin.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa parking lot.
"Hi," bati ko sa dalawang magkasintahan na nag-uusap habang nakasandal sa sasakyan namin.
"Hello..." bati ni Julie. Nauna itong lumabas sa akin kanina dahil hinihintay ni Kuya.
"Sure kang hindi ka sasakay, sweethreat?" tanong ni Kuya Aron.
"Oo, sunduin ako ni Daddy."
"Ingat kayo, sweetheart..." hinalikan siya ni Kuya sa pisngi. Nag goodbye kiss din ako sa kaniya. Para na nga siyang miyembro ng pamilya namin. Wala akong maipintas kay Julie.
Nang makasakay na kami ay inilagay ko ang headset at nakinig ng music. Sa pagod na pag-iwas kay Sky sa buong maghapon ay nakatulog ako. Nagising na lang ako nang nasa tapat na kami ng CTU.
"Wala pa ba si Jairah? Tawagan mo nga po, kuya!" Wika ko at inayos ang sarili. Nasa backseat ako kaya palaging nagmumukhang driver si Kuya Aron kapag wala si Julie.
"Hindi sinasagot!" Napipikong sagot nito habang nakahawak sa cellphone. Forty five minutes na pala akong tulog kaya mahigit kinse minutos na kaming naghihintay dito.
"Baka naman may pasok pa," wika ko at pinatay ang iphone saka ipinasok sa shoulder bag.
"Alas tres pa tapos ang klase niya..."
"Oh, 'ayan na pala siya!" wika ko nang palabas na ito kasama ang isang babaeng may mahaba ang buhok, nakasuot ng black pants at blusa na kita ang pusod. Maganda ito at matangkad na nasa five seven yata ang height. Balingkinitan ang katawan at magaling magdala ng sarili. Maarte pero sopistikada. Binuksan ni Kuya ang bintana niya at naiinis na sinigawan si Jairah para bilisan ang paglalakad.
"Mauna na ako, sis!" Paalam ni Jairah sa babaeng namumukhaan ko na kung sino.
"Bakit ang tagal mo?" nakasalubong ang mga kilay na tanong ni Kuya.
"May ginawa lang pong project, kuya." atubiling sagot nitong katabi ko.
"Iyon ba talaga ang klase ng mga barkada mo? Sa pagkakatanda ko, may uniporme ang Cresantemun!" Sinasabi ko na nga ba, mapupuna niya iyon. Kaya nga ayaw na ayaw niyang mag-aral kami rito dahil mga bad influence lang daw ang mga estudyante.
"Nakasabay ko lang siyang maglakad," palusot ni Jairah. Mabuti na lang dahil hindi na nag-usisa si Kuya Aron at pinaandar na ang sasakyan pauwi.
"Bumalik na pala siya?" bulong ko kay Jairah.
"Oo, dito na raw siya mag-aaral sabi ng parents niya dahil muntik na raw sumali sa mga gangster..." pabulong na sagot niya.
"Hindi talaga siya nagbabago. Spoiled brat pa rin siya," saad ko. Suwerte lang namin dahil hindi ito namukhaan ni Kuya Aron.
"Huwag ka na ngang maingay. Baka marinig tayo ni Kuya," saway ni Jairah kaya tumahimik na ako. Pustahan, sorority member na ito.
"Lagot ka kina Kuya at Daddy..." pananakot ko.
"Psh! Huwag mo nang ipaalam!"
"Gaano ka importante ang usapan ninyo para ayaw pa ninyong iparinug sa akin?" para naman kaming mga batang nahuli dahil may sikretong pinag-uusapan nang magsalit si Kuya.
"Girls talk!" Sabat ni Jairah.
Pagdating namin sa bahay ay nadatnan namin si Sky.
"Bakit nandito ka?" Nakasimangot na tanong ni Jairah.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito!" pabalang na sagot ni Sky. "Babymine, flowers." Nakangiting wika ni Sky saka ibinigay ang pumpong ng rosas. Ilang beses na niya akong binibigyan pero palagi kong itinatapon sa basurahan.
"Kung may balak kang itapon na naman ito, sana inilalagay mo na lang sa flower vase dahil galing sa hardin ni Mommy ang mga ibinibigay ko sa iyo..." malungkot na sabi niya.
Kahit na naiinis ako ay tinanggap ko na lang ang mga bulaklak na inaabot niya. Binasa ko ang nakasulat sa card.
I love you, Tai-Tai.
Iyon na lang parati ang nakasulat. Ayaw na raw niyang dagdagan pa dahil wala na siyang maisip. Binibigyan din niya ako ng chocolates araw-araw pero palihim kong binibigay kay Ate Yana sa tambayan para ibigay nito sa pamangkin.
"Alam ko ring kay Ate Yana mo binibigay ang chocolates na pinaghirapan kong ipaLBC galing sa Norway." wika nito.
"Ang corny ninyo!" Wika ni Jairah at sumunod na kay Kuya sa itaas.
"Umuwi ka na. Salamat sa flowers mo," sabi ko at umakyat sa kuwarto ko. Hinayaan ko lang siyang sumunod sa akin dahil hindi ko na yata matataboy pa ito lalo na't welcome na raw siya sa pamilya sabi ni Mommy.
"Tai? Pakasal na tayo..." napatigil ako sa pagbukas ng pinto sa sinabi niya. "Doon din naman papunta ang relasyon natin."
"Magpakasal kang mag-isa mo!" singhal ko. Hindi ko talaga mai-imagine ang buhay ko kasama siya sa iisang bahay.
"Bakit? Ano pa ba ang kulang sa atin?" tanong nito kaya tiningnan ko siya ng masama. Alam ko na kung saan na naman patungo ang usapang ito.
"Kung ang iniisip mo ay tungkol sa pagbigay ko ng pagkababae sa iyo ng dalawang beses, kalimutan mo na iyon! Wala iyon sa akin! Hindi mo na kailangan pang obligahin na panagutan ako! It was just a sex!" Napipikong sabi ko. Mas mabuti nang magkaliwanagan kami.
"Pero mahal talaga kita..." giit nito.
"HINDI NGA KITA MAHAL!" Pasigaw na sagot ko.
"Tama ba ang narinig namin, TAIRA?"
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang boses ni Daddy sa likuran namin. Kasama nito si Mommy na kakalabas lang sa kuwarto nila.
"Ang alin po? Wala naman akong sinabi," kunwari ay hindi ko alam ang tinatanong nila. Sana lang ay wala silang narinig at hindi naging klaro ang mga sinabi ko. Pinandilatan ko si Sky na nakatulala at mukhang nagulat din sa pagsulpot nina Daddy.
"W-Wala naman akong i-inamin tungkol sa nangyari sa amin..." depensa ni Sky na nakaharap sa parents ko. "Sikreto lang po namin 'yon ni Tai-Tai..." dagdag niya kaya halos lumubog na ako sa kinatatayuan ko. Hiyang-hiya sa parents ko at gusto nang maiyak.
"Kung hindi mo siya mahal, bakit kailangang humantong pa sa pagbigay mo ng sarili mo sa kaniya?!" seryoso ang boses at mukha ni Daddy kaya tila napako ako sa kinatatayuan ko. Kahit ang mga dila ko ay umurong na at hindi ko na kaya pang depensahan ang sarili ko.
"Ipapatawag ko sina Skyler! Kailangang panagutan ng anak niya ang ginawa ninyo!" Galit na sabi ni Daddy kaya nawawalan na ako ng hangin kaya nahihirapan akong makahinga.
"Noong isang araw pa hinihintay ni Daddy ang tawag mo, Daddy Tyron!" Sabat ni Sky kaya napasandal ako sa wall ng pasilyo dahil baka himatayin ako. Narinig ko ang mga yabag nina Mommy na papalayo na sa amin.
"Tai-Tai..." tawag ni Sky habang sinusundot ang tagiliran ko. "Pakasal na raw tayo," Nakangising wika ni Sky na mas lalong ikinadilim ng mukha ko kaya mabilis na gumalaw ang kanang kamay ko para sampalin siya pero mabilis naman niya itong napigilan.
"Kapag maging asawa na kita, hahayaan kong sampalin mo ako pero katumbas naman no'n ay isang araw sa ibabaw ng kama!" seryosong pagbabanta nito at sa gulat ko ay mabilis na ginawaran niya ako ng halik sa labi. Mabilis lang pero kung anu-ano na ang mga eksenang bumabalik sa balintataw ko kaya biglang nagulo ang utak ko.
"Hindi kita pipilitin na mahalin ako..." seryosong saad nito.
"Pero isa lang ang nasisiguro ko, habang buhay na naisin mong sakyan ang mga trip ko!"