9

945 30 4
                                    



MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

"Dad? Paano ho ba manligaw?" napabuga bigla si Skyler ng mainit na kapeng iniinom. Nasa veranda siya at nakatingin sa malayo habang nagmumuni-muni at nakatingin sa kalangitang puno ng bituin. Natutulog na si Kimberly pero siya ay hindi pa rin makatulog.
"Bakit mo natanong? Sino ba ang manliligaw?" muli siyang uminom ng kape.
"Ako po..."
"FUCK!" Reklamo niya nang nabulunan na talaga siya ng kape. Lumabas pa nga sa ilong niya. "Shit! Ang sakit!" Reklamo niya habang nakahawak sa ilong. Agad namang inabutan siya ng anak ng panyo.
Naupo si Sky sa tabi niya at napabuntong hininga. Nakatitig lang si Skyler sa anak. Walang kakurap-kurap.
"Anak?" tawag ni Sky nang hindi makatiis.
"Dad?" seryoso ang mukha nito kaya si Skyler na naman ang napabuntong hininga.
"Ibinibigay naman namin ng mommy ninyo ang allowance ninyo. Minsan pa nga, kinukupitan ninyo ang wallet ko, 'di ba? Binibili ko naman ang mga sasakyang gusto ninyo. May credit cards pa nga kayo para sa pagsa-shopping ninyo, 'di ba? Saan pa ba kami nagkulang?" naiiyak na tanong ni Skyler.
"Bakit, dad?" nagtatakang tanong ni Sky.
"Anak, bakit ka nagsa-shabu?" napanganga si Sky sa tanong ng ama.
"DADDY NAMAN! Hindi ako nagsa-shabu!" Malakas na ang boses ni Sky at tumayo ito.
"Anak naman. Huwag kang maingay. Maupo ka..." saway ni Sky at hinawakan sa kanang kamay ang anak para muling maupo. "Marinig ka pa ng iyong ina. Baka mabuko ka..."kinakabahang pakiusap ni Skyler. Aayusin nila ng anak ang problema nito kontra droga.
"Hindi ako nagsa-shabu. Kahit na ipa-drug test mo pa ako!" Giit ni Sky.
"Eh, ano ang natira mo?" bulong ni Skyler sa anak.
"Dad naman!"
"Bakit ka kasi manligaw? Ano ang nahithit mo? Ikaw ba talaga ang anak kong si Sky?" inilapit pa niya ang mukha sa anak para mas lalong matitigan. Nanindig bigla ang balahibo niya nang mapansing seryoso ang mga mata nito.
"S-Sky..." sambit niya.
"Manliligaw ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko!" Napipikon na siya. Sana pala ay hindi ang ama niya ang kaniyang nilapitan. "Nahihirapan na talaga ako sa babaeng iyon!"
"Manligaw ka ba talaga?" ulit ni Skyler.
"Oo nga! Paano mo ba niligawan si Mommy?" usisa ni Sky.
"Ha? Ah... Eh..."
"Hindi mo siya niligawan, noh?" panunuya ng anak. Sa pagkakaalam nila ay arranged marriage lang ang mga ito.
"Basta nag totot lang kami ni Kim, iyon na 'yon!" Hindi nga niya alam kung paano niya minahal ang asawa kahit na tomboy at nerd ito noon.
"Eh bakit nag boom boom paw naman kami, mas lalo siyang lumayo?" bulong ni Sky.
"Nag boom boom pow na pala kayo eh. Bakit kailangan mo pang manligaw? Hayaan mo na nga ang babaeng iyon! Ang dami-dami diyan, eh!" Wika ni Sky at muling hinawakan ang cup. Nilalamig siya sa pagdampi ng malamig na hangin sa balat.
"Eh, mahal ko siya pero mukhang ayaw niya sa akin..." nahihirapang sumbong ng anak.
"Babae lang 'yan! Natikman mo na kaya let go na!"
"Baka kasi papatayin ako ng ama niya," nag-aalinlangang sagot ni Sky.
"Natatakot ka sa ama niya? Hanggat buhay ako, walang puwedeng manakit sa anak ko! Aba, kasalanan na ng anak nila kung bakit sila bumukaka! Sino ba ang babaeng 'yan at makausap ko ang ama niya?" tanong ng ama saka muling uminom ng kape.
"Si Taira po, da--"
"Si TAIRA?" napabuga na naman siya at mulagat ang mga mata. "Anak ni Tyron?"
"O-Opo, si Tai-Tai..."
"WALANG HIYA KA!" Singhal ni Skyler saka malakas na binatukan ang anak.
"Masakit, daddy!" Reklamo ni Sky.
"Ginalaw mo ang anak ni Tyron? Anak ng!"
"Daddy naman, secret lang natin 'to. Please naman." pakiusap ni Sky saka hinawakan ang kamay ng ama.
"Letse ka! Itatakwil na talaga kita!" Naggagalaiting sabi ni Skyler. Hindi lang ang anak ang mapahamak kundi pati siya rin kay Tyron kapag malaman nito ang nangyari.
"Pakasalan mo siya!"
"Papakasalan ko naman talaga siya pero ayaw niya!" Giit ni Sky.
"Aaminin ko kay Tyron na may nangyari na sa inyo!" Suhestiyon ni Skyler. "Tiyak, papayag 'yon!"
"H-Hindi kaya papatayin ka muna niya bago kami ikasal?" tanong ni Sky kaya natigilan ang ama. Kilala naman nila si Tyron kapag magalit.
"Haist! Bakit ba kasi ginalaw mo?" napasipa si Skyler sa silyang nasa harapan.
"Hindi ko na kasi napigilan, t-tumigas na..." nahihiyang sagot ng anak at napayuko. "P-Pero dad, maniwala, sinubukan ko naman talaga. S-Si Taira kasi..."
"Ano si Taira?" masakit ang mga tingung ipinukol niya sa anak.
"U-Umungol kaya ayun, n-natuloy talaga..." sa kanilang magkapatid, si Sky ang maloko pero ito rin ang prangka pagdating sa nararamdaman.
"Oh, paano mo makukuha si Taira?"
"Hindi ko alam. Ayaw niya sa akin, eh."
"Baka mahina ka sa kama?" nagdududang wika ni Skyler.
"Daddy naman. Hindi kaya!" Todo tanggi naman ni Skyler.
"Ano na ang gagawin natin? Eh, kung buntisin mo na lang kaya?" suhestiyon ni Skyler.
"Double dead ang matitikman mo kay Tito Tyron!" Sabi ni Sky. Kapag magkaproblema sila ni Taira, ang mga ama nila ang nag-aaway.
"Kasalanan mo talaga 'to!"
"Daddy naman! Tulungan mo na kasi ako..."
"Oo na. Mag-iisip ako! Bakit pa ba kasi naging anak kita?" reklamo ni Skyler.
"Huwag ka nang magtaka. Iyan din ang palagi kong tinatanong sa sarili ko, kung bakit ikaw ang ama ko," ani Sky.

A/N:
Kung balikan ninyo ang story, wala nang patayan. Nag-iba na ang genre.

The REAL PLOT...
Actually, magkakaroon ng party si Jerome sa Batangas tapos marami ang aquarium sa resthouse. Doon mahuhulog sa pinakamalaking aquarium at sinusubukan ng mga bisita na palabasin siya pero nahulugan ng chandelier at malunod etc... Next na mamatay si Amanda dahil nakita siya ng killer na nakita niya ang ginawa nito kay Gina. Remember? Lumabas si Amanda sa classroom para sana sundan si Sky? Ang katawan ni Gina ay inilagay ng killer sa tambayan ng magbarkada since kakuntiyaba niya si Ate Yana dahil yaya niya ito noon. (Wala namang pwdng pagtaguan ng katawan sa school na wlang makakita) Binlackmail lang niya si Ate Yana para tulungan siya nito dahil kung hindi, papatayin niya ang pamangkin ni Yana na nasa probinsya.
Next, madudukot niya sina Sky, Taira, Black at Nathalie dahil habang nagmamaneho, nilagyan niya ng pampatulog ang sasakyan pero siya, naka mask dahil may sakit "kuno". Bakit mahilig sa medical? Simple lang. May laboratory sila dati. Mahilig sila mag opera ng mga isda. Bakit niya pinatay si Rosalie? Dahil crush nito si Black. Bakit sina Gina at Agatha? Dahil malakas ang panghuhusga nito sa mga Bakla... Bakit babae ang Pov ng killer kapag magsulat ako? Dahil bakla ang killer. Oo, kay Black siya obssess. Hindi kay Nathalie o Sky.
Makikita nina Blue at Alwyn ang mother ni Jerome at may itatanong. Nagtataka ang ina nito kung paano nila nakausap si Jerome since patay na ito. Namatay noong naaksidente! Yes, si Jerome ang killer...
Paano? Simply lang. Si Jerome at Spencer ay IISA since wala naman akong sinabing patay na talaga siya. Nagpaplastic surgery lang dahil alam niyang malapit ang pinsang si Jerome sa magbarkada.
Balikan ninyo ang story, kay BLACK siya palaging tumatabi.
**iyan sana talaga ang plot ng story na ito...*** but anyways, move on...




My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon