MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 38
Unedited...
"Sky?" tawag ni Taira sa asawa habang nasa kusina.
"Bakit?" naghahanda si Sky ng makakain nila.
"Kaunti lang ang mantika sa itlog," paalala niya. Wala pa silang tulog mula pa kagabi kaya naisipan nilang bumaba na lang. Walang tao sa kusina dahil namalengke ang dalawang katulong. Alas singko pa lang ng umaga at ang pagkaakaalam ng mga ito ay alas diyes pa ang pasok nila ni Aron. Si Jairah ay doon daw natulog kina tita Ann nila dahil nagpaturo ng assignment si Anndy.
"Hindi ka ba nagsasawa sa itlog? Pinapak mo na nga kaga--"
"Si Daddy!" pagputol niya sa sasabihin ni Sky.
Lumingon naman ang asawa dahil sa sobrang kaba pero walang Tyron na nakita.
"Kapag nandito ka sa bahay, pigilan mo 'yang bunganga mo. Alam mo namang pasulpot-sulpot siya," paalala ni Taira.
"Akala ko na talaga, nandito siya." Parang nabunutan ng tinik ang dibdib niya. "Sorry babymine, nakalimutan kong may iba pala tayong kasama rito." Nasanay na siya na sa condi nila ay sila lang na dalawa. "Hayaan mo, makakalipat din tayo kapag masimulan na ang pagpagawa ng bahay natin."
"Magpapagawa ka ba talaga?"
"Oo, may budget na ako. Babymine?" tawag ni Sky at lumapit sa kaniya.
"Hmmm?" Hinayaan lang niyang yakapin siya ni Sky mula sa likuran.
"Tayo ang gagawa ng design ng bahay natin ha. Tapos sabihin mo kung ano ang gusto mong kulay lalo na sa kuwarto nina Clouds at Star," malambing na sabi ni Sky at hinalikan ang batok niya. "Gusto ko, share tayo sa ideas."
"Talagang may budget ka na?" Humarap siya kay Sky at tinitigan ang mga mata nitong kumikinang at nakayakap pa rin sa bewang niya.
"Oo, malakas na ang kita ng factory natin at hindi pa natapos ang paggawa ng stuffed toys, sold-out na." Pagbalita ni Sky lalo na ang mga mukhang unggoy. Kumalat ang litrato niya sa social media noong pumunta sila sa malls na bitbit si Star kaya ang daming celebreties ang bumili para ipamigay sa asawa o kasintahan nila. Naghahanap pa nga sila ng mga mananahi pa para mapabilis ang paggawa pero priority pa rin nila ang mga disabled na may kakayahan sa ganitong bagay.
"Factory lang ninyo ni Amanda," pagtatama ni Taira.
"Ang pagmamay-ari ko ay pag-aari mo na rin. Ang akin ay sa iyo na rin dahil asawa na kita. Kahit na nga wala nang matira sa akin basta meron ka lang. Kayo ng galaxy team natin," sabi ni Sky.
"Galaxy?"
"Oo, tapos kapag magkaanak na naman tayo, si Dust na ang ipangalan natin," masayang sabi ni Sky.
"Ewan ko sa iyo, Sky!"
"Mas maganda 'yon kaysa sa Crayons family," giit nito.
"Magluto ka na ng itlog mo," pag-iiba ni Taira ng usapan. Mahirap makipag-usap kay Sky lalo na kapag ganito ang mood niya. Baka mapagalitan pa siya ng mga magulang dahil kino-consider niya ang ganitong pag-uugali ng asawa.
" Mahirap na masaya," bulong ni Taira sa sarili. Wala naman siyang magawa kahit na ano pa ang gawin niya kaya minsan, sinasakyan na lang niya ang trip ng asawa dahil kahit kailan, hindi ito magpapatalo. Hahanap at hahanap ito ng paraan para manalo sa usapan. At least, naging seryoso naman ito pagdating sa usaping pera. Pero kalokohan pa rin ang nangingibabaw. Sinuwerte lang talaga ito nang dahil na rin sa kalokohan at kinagat ng masa ang kabaliwang negosyo niya na akala nila, hindi bebenta.
Samantala...
Pababa na si Tyron kasama ang asawa na kakagising lang.
"Puntahan ko muna ang anak ko," ani Tyron na babalik pa sana sa itaas pero hinila ni Aira ang damit niya.
"Hayaan mo na sila."
"Babe? Ang anak ko, baka mapa'no. Alam mo namang kakagaling lang no'n sa pagpa-opera," naiiyak na sabi ni Tyron. Mapahamak lang siya pero never ang anak.
"Babe, masyado ka nang overprotective kay Taira. Hayaan mo siyang matuto kasama ang asawa niya," malumanay na sabi ni Aira at napapangiti na lang dahil sa reaksiyon ni Tyron. Years had passed. Ganito pa rin ang asawa pagdating sa kanilang mga anak. If may isang bagay na ipinagbago ni Tyron, iyon ay ang pagiging responsableng ama. Lahat ng bagay na makapagpasama sa loob niya, iniiwasan nito. Maybe, he's afraid na iiwan na naman niya ito.
"Pino-protektahan ko lang ang anak ko!"
"But you should accept na hindi na natin siya pagmamay-ari," paalala ni Taira at hinawakan ang kamay ng asawa. "Sooner or later, magkakaapo na tayo sa kanila. Babe? We've been there..." sila nga noon, kahit na hindi pa kasal, pinapasok din siya ni Tyron sa kuwarto nila.
"P-Pero babae si Tai-Tai..."
"Babae rin naman ako nang pinasok mo!" Nakasimangot na sagot ni Aira.
"Sky, ano ba!" Narinig nila ang boses ng anak sa kusina.
"Shit!" Mabilis na tinungo ni Tyron ang kusina.
"Kainin mo na kasi itong itlog ko," nagmamakaawang boses ni Sky kaya malalaki ang hakbang ang ginawa ni Tyron.
"Babe, relax. Baka kung nagluluto lang sila," hinawakan siya ni Aira sa kanang braso nang maabutan. Kahit siya ay napapanalangin na sana ay nasa maayos lang ang pinag-uusapan ng mag-asawa. Medyo madilim pa naman ang paligid dahil hindi pa nagising ang haring araw.
"Ayoko nga!"
"Nagsawa ka na ba sa itlog kagabi?" lalong uminit ang tainga ni Tyron sa narinig.
"Itong saging na lang ang kainin mo, babymine ko," giit ni Sky kaya tumakbo na si Tyron.
"Anong saging ang pinagsasabi mo?" galit ang boses ni Tyron nang pumasok sa kusina kasunod si Taira kaya parehong natigilan ang mag-asawa.
"Ahm... I-Itong saging po, daddy. Ipakain namin kina baby Clouds at baby Star?" nauutal na sagot ni Sky.
"Opo, ipapakain namin sa mga unggoy?" isang ngiting pilit ang ibinigay ni Taira sa mga magulang habang hinawakan ang tatlong pirasong saging na ibinigay ni Sky.
Hindi kumikilos si Tyron. Pinag-aralan niya ang mukha ng mga batang nasa harapan pero mukhang wala naman talagang ibang meaning ang pinag-uusapan nila. Napadako ang paningin ni Taira sa ibabaw ng mesa na may scrambled eggs kaya nakahinga siya ng maluwag.
"Dad? Saan kayo pupunta ni Mommy?" tanong ni Taira at pasimpleng pinigilan ang kamay ni Sky na aakbay sana sa kaniya.
"Magjo-jogging," sagot ni Aira dahil hindi na nagsasalita pa si Tyron.
"Sama kami," excited na sabi ni Sky.
"Akala ko ba, nag-exercise kayo kagabi?" Kumulo na naman ang ulo dugo niya nang naalala ang nangyari. Hindi siya puwedeng magkamali. May nangyari ang mga ito kagabi.
"Let's go, babe," yaya ni Tyron at lumabas na sa kusina.
"Babymine? Bakit kaya mukhang galit na naman ang daddy mo?" curious na tanong ni Sky.
"Iniwan mo kasi kagabi ang tsinelas mo sa labas!" naiinis na sagot ni Taira.
"Hala, ayaw ko lang kasing makalikha ng ingay dahil baka magising sila," depensa ni Sky. Nang pinihit niya ang seradura, ibinaba muna niya ang tsinelas pero dahil sa na-e-excite siya, nakalimutan niyang dalhin sa loob.
"Babymine? After pala ng klase natin mamaya, pupunta tayo kina Blue sa studio nila," pag-iiba ni Sky ng usapan.
"Bakit?"
"Kasi gagawa tayo ng tv commercial para sa pag-endorse ng product natin," masiglang pagbalita ni Sky.
"Sino ang gaganap? Si Blue ba?"
"Hindi ah. Tayo at sina Amanda. Tutal, tayo naman ang may-ari kaya tayo na para makatipid sa pera," sagot ni Sky.
Matapos kumain ay umakyat na sila sa kuwarto para magpahinga kahit saglit lang tapos nagbihis at nang mag-alas-otso ay tumungo na sa paaralan.
"Lester!" tawag ni Taira sa binata nang makitang nasa unahan nila ito kasama ang kapatid.
"Tai, huwag mo ngang pansinin ang Letse na iyan," bulong ni Sky.
"Hi, Taira." Tumigil ang mga ito at hinintay sila.
"Hello," masiglang bati ni Taira. "Kamusta, Grace?"
"O-Okay lang," naiilang na sagot ni Grace at inayos ang salamin. Ni hindi siya makatingin ng diretso kay Sky dahil hanggang ngayon, may paghanga pa rin siya sa binata. Lahat naman ng babae ay iniidolo ito.
"Sky? Puwede ba tayong mag-usap?" napalingon sila kay Amanda na nasa likuran na pala nila. Hindi pa halata ang tiyan lalo na't hindi body fit ang suot. "Para sa gagawin natin mamaya."
"Babymine? Iiwan muna kita ha. Mauna ka na sa classroom," paalam ni Sky at humarap kay Lester. "Tandaan mo, asawa ko na si Tai-Tai at magkakanaak na kami kaya kung ako sa iyo, dumistansiya ka!" paalala niya na may halong pagbabanta. Hindi puwedeng maagaw nito ang asawa niya dahil handa siyang magbayad ng hitman para ipatumba ito kung sakali.
"Psh!" inirapan lang siya ni Lester kaya gumati rin si Sky bago umalis.
"Mahal mo ba talaga ang lalaking iyon?" nagdududang tanong ng binata habang naglalakad na sila.
"Bakit mo naman naitanong?" nakangiting tanong ni Taira.
"Hindi halata sa iyo."
Nakikinig lang si Grace sa usapan nila dahil ayaw niyang mapagalitan ng kapatid. Alam ni Lester na isa siya sa mga nagkakagusto kay Sky kaya palagi itong nagagalit sa kaniya. Hindi raw dapat na hangaan ang barumbadong iyon.
"Mahal ko siya pero hindi lang halata," sagot ni Taira.
"Ano ba ang nakita mo sa kaniya?" usisa na naman ni Lester kaya tumawa si Taira sa reaksiyon nitong labi na nagtataka. Nasanay na siya sa ganitong katanungan mula pa noon. Sa pamilya niya at kahit sa mga Villafuerte.
"Ewan ko. Ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama ko siya kahit na minsan, nakakapikon na," she honestly answered.
"Pag-ibig nga naman..." Napailing na lang si Lester at naiinggit kay Sky dahil napakasuwerte nito kay Taira. Alam niyang impossibleng mahalin siya ni Taira. Siguro mabait lang ito sa kaniya dahil hindi ito mapanghusga sa panlabas na anyo ng kapwa.
Nang pagpasok niya ay kaunti pa lang ang mga kaklase nila. Si Julie ay tahimik na nakaupo na tila ba may malalim na iniisip.
"Nasaan ang kuya mo? O-Okay lang ba siya?" nag-aalalang tanong ni Julie.
"Bakit? Nag-away ba kayo?" usisa ni Taira. Mula pa kagabi ay hindi sila nakapag-usap ng kapatid dahil matapos ang hapunan, nagpaalam na itong magpahinga.
"W-Wala," naiilang na sagot nito.
"Babymine!" Hindi pa nga uminit ang puwet niya nang pumasok si Sky.
"Oh? Kamusta ang pag-uusap ninyo ni Amanda?"
"Hindi na ako nakipag-usap. Mamaya na lang." Naupo ito sa tabi niya.
"Bakit?"
"Dahil kasama mo si Letse. H-Hindi ako mapakali kapag kasama mo siya!" prangkang sagot ni Sky.
"Pero kaibigan ko siya!" paalala niya sa asawa.
"Kaibigan o kapamilya, wala akong pakialam! Basta akin ka lang!"
"Nagseselos ka?" paunti-unti ay sumilay ang ngiti Sa kaniyang mga labi. Namula si Sky at umiwas ng tingin. "Nagseselos ka, Sky?"
"Oo na. Mahal lang kita," mahinang sabi nito habang nakayuko na para bang bata na napipilitan lang. Nilalaro pa nito ang laylayan ng damit.
"Hmm? Huwag kang mag-alala, nagseselos din naman ako kapag kasama mo si Amanda," mahinang sagot ni Taira na sila lang ang makakarinig. Umiwas siya ng mukha nang umangat ang ulo ni Sky at biglang lumiwanag.
"T-Talaga? Nagseselos ka?" Hinawakan ni Sky ang kamay niya at inilagay sa dibdib. Ramdam ni Taira ang malakas na pagtibok ng puso nito. "See? Ganiyan siya kapag..." naiilang si Sky at ito naman ang hindi makatingin sa kaniya. Pati ilong at tainga nito ay sobrang pula na.
"Kapag?"
"W-Wala..." binitawan na nito ang kamay niya at umayos sa pagkakaupo.
"Kapag ano, Sky?" pagpupumilit niya. "Hindi kita papansinin kapag hindi mo ako sagutin!" pananakot niya.
"K-Kapag... K-Kinikilig ako. Letse talagang buhay 'to!" Pagmumura ni Sky. Kinikilig talaga siya kapag maramdaman ang pagmamahal ni Taira. Hindi naman siya ganito noong bata pa sila.
Napatakip si Taira ng bibig para walang makarinig sa pagtawa niya.
"Babymine naman! Huwag mo nga akong pagtawanan!" Nakasimangot na saway ni Sky sa asawa dahil sa pagkapahiya.
"Tayo lang naman ang nakakaalam na kinikilig ka," bulong ni Taira at pasimpleng pinisil ang kamay ng asawa.
"Kahit na!" biglang sumimangot ito kaya pilyang ngumiti si Taira.
"Sky?" malambing na tawag niya sa asawa at yumakap sa braso nito.
"W-What?" nauutal na sagot ni Sky dahil naramdaman niya ang pagdampi ng mainit na labi ng asawa.
"I love you, babymine ko!" natigilan si Sky sa narinig. Firstime siyang tinawag ng asawa na "babymine".
"Ayaw mo?" nakataas ang kilay nito nang tumingala kay Sky.
"H-Huh? Hindi ah. Gusto ko," mabilis na sagot ni Sky. "I love you too, babymine ko. Kayo ng magiging anak natin," seryosong saad ni Sky at mabilis na ginawaran ng halik ang asawa. Bahala na kung may makakita. Tutal, mag-asawa na sila.
