36

948 33 0
                                    





MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  36

Unedited...

"Tai? Si Sky?" tanong ni Black nang maupo sa tabi niya. "Softdrinks?" sabay alok ng isang sprite in can sa dalaga.
"No, thanks. Sumama kay Blue. May pupuntahan daw," sagot ni Taira.
"Saan?"
"Kukuha ng bago niyang design na stuffed toy," sagot ni Taira. Sa totoo lang, magaganda ang design na ibinibenta nina Sky. Ang cute nga iyong uwi niyang disney land character. Pati family nila ay tumulong na rin sa mga kakilalang gustong umorder. Hindi naman masasayang ang pera mo dahil matibay talaga. Ayaw sana niyang itabi ang pasalubong nito noong isang linggo na si 'Coulds' daw pero baka magtampo si Sky. Pasulpot-sulpot pa naman ito sa bahay nila. Isang buwan na nga silang hindi nagsasama ng asawa kaya alam niyang pareho lang nilang nami-miss ang isa't isa lalo na si Sky. Panay ang reklamo nito sa tawag kapag umuulan. May mga times na niyaya siyang mag-phone sex pero pinapatay niya ang tawag. Mayamaya ay tatawag na naman ito at sabihinh "biro lang".
"Mabuti naman at tumino na siya?" Hindi nila inaasahang makapagpatayo ito ng business. Sino ba naman ang mag-aakala, 'di ba?
"Ewan ko. Para siyang bipolar, hindi mo maintindihan minsan," sagot ni Taira at napapangiti na lang.
"Ganoon talaga siya. Intindihin mo na lang," sabi ni Black. Sa lahat ng tao, si Taira lang talaga ang nakakatiyaga sa kalokohan ng kapatid niya.
"Palagi naman eh. Nakatatak na yata sa kaniya ang ganoon. Bakit ba sa inyong tatlo? Parang nasalo yata niya ang lahat ng kalokohan?" napapatanong na lang si Taira dahil hindi rin naman ganito ang dalawang ka-triplets.
Tumawa si Black. "Hindi mo lang alam. Maloko rin kami. Kahit si Blue, alam mong maloko rin 'yon mula noon. Nagbabago lang si Blue kapag si Avery ang nasa tabi niya," ani Black. "Isipin mo na lang sina Ate Erika at ate Lyn. Mas may tupak pa iyon," dagdag ng binata.
"Oo nga, hindi ko ma-imagine sina Tita Kim kapag magkasama kayong lima."
"Ganoon talaga. Mabuti nga at wala na kami sa bahay at si Blue na lang ang natira. Kawawa si Mommy noon," ani Black.
"Sinabi mo pa. Kay Tito Skyler pa lang, kawawa na si Mommy Kimberly." Naalala niya noong bata pa sila na halos lalabas na ang ugat ni Kim sa kakasakay kay Skyler noong nalasing.
"Kawawa rin naman si Dad sa aming lima," sagot ni Black. Sina Lyn at Erika ay maki-Ama talaga ang kambal. Pero si Skyler din ang nakakadisiplina sa kanila minsan lalo na kapag pahirapan nila ang ina. Ayaw na ayaw pa naman ni Skyler na maghirap ang asawa.
"Saan si Nathalie?" tanong ni Taira dahil hindi niya nakita ang dalaga mula pa kanina.
"Duty. P.M shift siya ngayon," sagot ni Black. Graduating na si Nathalie kaya double kayod na rin sila. Mabuti na lang dahil mabenta ang negosyo nilang grocery store at magaling mag-budget si Nathalie.
"Mabuti naman. Kailan ninyo balak na magka-baby?" tanong ni Taira.
"After ng graduation niya, puwede na."
"Oo nga, mabuti pa kayo, magkakaanak. Samantalang kami--"
"Huwag ka ngang negative diyan! Magkaanak kayo ni Sky. Tiwala lang," pagputol ni Black sa sasabihin ng dalaga. "Manalig ka lang. Parang maliit lang na myoma ang nakuha sa iyo. Mabuti nga at naagapan kaagad."
"Sana nga." Napabuntong hininga siya, "Takot talaga ako na baka hindi mabuntis at hindi mabigyan ng anak si Sky. Alam kong sabik na sabik pa naman ito sa bata. Kita mo, pati unggoy, inako na niyang anak namin," hinilot niya ang sumasakit na sintido. Naalala na naman niya ang nangyari sa zoo at ang pagdala nito ng newest design daw pero unggoy naman.
"Alam mo, may sira kasi ang utak ni Sky. Maluwag ang pagkakaturnilyo kaya intindihin mo na lang," pakiusap ni Black.
"Ano pa nga ba?"
Pareho silang natahimik nang mawalan ng sasabihin.
"T-Tai?" tawag ni Black. Umingay na rin ang paligid dahil sa mga nagsidatingan na first year college.
"Hmmm?"
Uminom muna si Black ng softdrinks bago magsalita. "I'm sorry sa nangyari noon. Sana--"
"Wala na iyon. Ang mahalaga, okay na tayo. Masaya at nahanap na natin ang tamang tao para sa atin. I'm sure, masaya na rin siya." Tumingala si Sky sa kalangitan at napangiti. Alam niyang kung nasaan man si Jigs ngayon, masaya na ito para sa kanila. At least, nabigyan nina Black at Nathalie ng hustisya ang pagkamatay nito.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Black. Matagal na silang nag-uusap pero walang nag-openup.
"Friends?" sabay lahad ng binata ng kanang palad.
"Again," ani Taira. Tinanggap niya ang pakikipaghandshake nito. Parehong gumaan ang kanilang kalooban dahil sa nangyari.
"Punta tayo sa mall? Nandoon sina Kean," yaya ni Black.
"Pero hinihintay ko pa sina Sky," baka magalit na naman ito kapag malamang iniwan niya.
"Sa mall mo na papuntahin. Tawagan na lang natin para hindi magduda," suhestiyon ni Black kaya tinawagan ni Taira.
[Babymine ko! Pasensiya na dahil kakatapos lang tahiin ang new design ko. Magugustuhan mo ito, promise!] masayang sabi ni Sky sa kabilang linya.
"Talaga?" napangiti si Taira.
[Oo, may kapatid na si baby Clouds natin. Iuwi ko na mamaya si Star] nai-imagine niya ang ngiti ni Sky na abot hanggang ulap. Halata naman sa boses nito.
"Oo na. Magkasama pala kami ni Black. Puwede bang sa mall na lang kayo dumiretso ni Blue? Nandoon daw sina Keana at Kean," wika ni Taira dahil naiinip na rin siyang maghintay sa tree park. Gusto nga sana niyang sumama pero ayaw pumayag ni Sky dahil malayo raw ang biyahe at baka mapagod siya.
[Okay, doon na lang. Pakiusap muna kay Itim]
Ibinigay ni Taira kay Black ang cellphone para makausap ang kapatid. Nang matapos na ay sumunod na silang dalawa sa kambal na nasa mall na raw.
"Ang tagal nina Sky," reklamo ni Keana.
"Magpapalibre lang naman kayo," wika ni Erika nang sumunod din. Saktong pauwi na siya nang tumawag ang kambal kaya nagpahatid na lang siya sa driver nina Drei. Ayaw naman niyang tumambay sa mansion ng mapapangasawa niya. Nasi-stress siya.
"Haist! Sunduin ko lang," sabi ni Black dahil nasa entrance na raw ang mga kapatid pero kailangan pang mag-disguise ni Blue dahil baka makilala. Bumili muna si Black na jacket na may hood.
"Ang tagal ninyo," reklamo ni Black.
"Oh, pakibigay kay Becks mo," sabay abot ni Sky ng stuffed toy kay Black.
"Salamat," pasalamat ni Black at niyakap ang bigay ni Sky. "Para kanino 'yan?" tanong ni Black sa kapatid nang kunin nito ang isang pink na stuffed toy sa backseat.
"Kay Babymine ko," seryosong sagot ng binata at niyakap ang bagong dinisenyong toy. "Para lang ito kay Tai-Tai ko," parang batang maramot na sabi nito. "Ito na lang muna ang baby namin. Relationship goal, pupunuin ko ng stuffed toys ang kuwarto namin."
"Loko ka talaga! Push mo 'yang relationship goals ninyo," natatawang sabi ni Black at napasulyap kay Blue na may bitbit ding stuffed toy pero magkaiba ang disenyo sa kanila ni Sky.
"Halina nga kayong dalawa," yaya ni Sky. Excited na siyang ipakita sa asawa ang baby 'Star' daw nila.
"Star ba talaga ang ipapangalan mo sa next na baby ninyo?" tanong ni Blue.
"Oo nga. Ang kulit ninyo," sagot ni Sky habang bitbit ang stuffed toy. Babae man o lalaki, Sky at Clouds ang ipapangalan nila. Nakayukong pumasok naman si Blue at medyo itinakip ang sombrero sa mukha.
"Nasaan na pala sila?" tanong ni Blue at sumakay sa escalator.
"Third floor, naglalaro sa World of Fun," sagot ni Black. May mga napapalingon sa kanila lalo na kay Sky. Ang cute nito tingnan sa bitbit. Wala naman silang pakialam sa mga matang nakatutok dahil taken na silang tatlo.
"Di ba, mga Villafuerte iyan? Baka si Blue ang nakasombrero?" wika ng isa nang mapadaan sila.
"Shit, makikilala yata tayo," ani Blue at itinakip sa mukha ang stuffed toy.
"Psh, tuloy lang ang lakad." Wika ni Black at pinasuplado ang mukha pero itong si Sky, ngingiti-ngiti habang nakatingin sa bitbit para sa asawa.
May iilang nakasunod sa kanila at kumukuha ng litrato.
"Babymine!"sigaw ni Sky sa asawa kaya napalingon din ang iba. Nakangiti ito at walang puwedeng maikumpara ang sayang nakaukit sa mukha niya.
"Sky!" Bulalas ni Taira at napanganga nang makita ang may kalakihang kulay pink stuffed toy na bitbit ng asawa. Napahawak siya sa kamay ni Erika para hindi matumba.
"Babymine! Nandito na si Star! May kapatid na si Clouds natin!" Excited na sabi ni Sky dahil alam niyang matutuwa talaga ang asawa sa dala niya. Gusto niyang kahit na wala siya, may kayakap ang asawa. Okay lang na itong mga stuffed toys na pasalubong niya basta 'wag lang iba dahil talagang magseselos siya.
"I love you, Sky!" Tili ng babaeng nasa gilid lang niya.
Hinarap siya ng binata nginitian. "Pero si Taira na po ang mahal ko at magkakaanak na kami," proud na sabi ni Sky na tila sigurado talaga na magiging ama na siya.
"Babymine, ito na ang bunso natin, si Star." Sabay lahad ng stuffed toy na kulay pink pero ang mukha ay unggoy pa rin. Medyo malaki lang ng kaunti kay Clouds pero ang mukha, unggoy talaga.
"S-Sabihin ninyo na hindi tama ang nakikita ko," nagmamakaawang pakiusap niya kina Erika at Kean. "H-Hindi naman unggoy ang bitbit na stuffed toy ni Sky, 'di ba?" naiiyak na tanong niya pero ang tahimik na sagot ng mga ito ang nagpagising sa kaniya sa isang hindi magandang panaginip.
"Babymine? Ayaw mo ba kay Star?" humarap siya kay Sky na lukot ang mukha. Nalulungkot ito dahil magdamag niyang pinag-isipan ang magiging mukha ni Star at ang magiging kulay nito pero mukhang ayaw ni Taira.
"N-Nagustuhan naman. Sobrang nagustuhan ko talaga. Ang cute nga eh. Kamukha mo," parang natataeng sagot ni Taira at kinuha ang inaabot ng asawa. Ang lambot nito at tila kay sarap na yakapin kahit na unggoy ang mukha. Hindi naman sa ayaw niya pero nagtataka lang talaga siya kung bakit unggoy ang napagtripan nitong magiging kamukha ng anak nila. Puwede namang sina Pooh at Kitty.
"S-Sky? Puwede ko bang malaman kung bakit ganito ang mga mukha nila?" pabulong na tanong niya para hindi marinig ng mga kasamang busy na sa paglalaro ng basketball.
"N-Naaawa kasi ako sa dalawang unggoy sa zoo. Gusto talaga nilang sumama sa akin pero hindi naman papayag ang may-ari na bilhin ko kaya ito na lang," malungkot na sagot niya sa asawa. Alam kasi niya ang pakiramdam nang nakakulong. Noong magtitigan sila ng dalawang unggoy, naramdaman niya ang lungkot at lumbay sa mata ng mga ito kaya pinakawalan niya. Nang hawakan siya ng mga ito sa kamay, may kung anong sayang bumalot sa kaniyang puso. Masarap sa kaniyang pakiramdam dahil nakatulong siya sa mga nangaingailangan.
"G-Ganoon ba?" nagu-guilty naman siya dahil sa masamang iniisip kay Sky. Isa pa, ang saya talaga ng mukha nito habang nagku-kuwento sa kaniya. Hindi naman niya ito masisisi kung bakit naaawa roon sa mga unggoy. Tao lang si Sky at kahit ganito, may puso rin.
"Ang cute nina Clouds at Star noh?" malambing na wika ni Sky at niyakap siya mula sa likuran. Naiilang siya na nahihiya sa mga naiinggit na babaeng nakatingin sa kanila.
"Oo..." pagsang-ayon na lang niya.
"Kamukha natin," bulong ni Sky sa tainga niya kaya napapikit siya. Pinakiusapan niya ang sarili na kumalma dahil ang guwapo ng kaniyang napangasawa at marami ang babaeng naiinggit sa kalagayan niya dahil siya ang piniling mahalin ni Sky kahit na mukhang unggoy ang mga anak nilang sina Clouds at Star. Huwag naman sana.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon