11

959 31 1
                                    




My Trip Buddy ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited...

Kakapasok lang ni Sky sa bahay nila. Si Blue ay umalis at pumunta sa trabaho.
"Daddy? Ayoko nang umuwi! Dito na lang ako. Hindi mo ba ako mahal?" paiyak na sabi ni Erika at yumakap pa sa ama.
"Umuwi ka na sa asawa mo! Hindi habang panahon ay nandito kayo. Mag-aasawa kayo ag iiwan din ninyo kami ni Kimberly," sagot ni Skyler. Kung puwede lang sana na magkasama sila ng mga anak habang buhay, mas naisin niya pero alam niyang panandalian lang ang mga anak sa piling nila. Mag-aasawa at hahanap ang mga ito ng makakasama hanggang sa pagtanda kagaya nila ng asawa. Masakit man pero iyon ang katotohanan. Hindi nila pagmamay-ari at hawak ang buhay ng mga anak. Magulang lang sila na tiga-gabay at alaga sa mga ito. Ang pagiging magulang ay mahihintulad ni Skyler sa isang puno. Sila ang namunga, sila ang pinagmulan pero iba ang pipitas at kakain ng kanilang mga prutas.
"Eh, naguguluhan na ako!" Reklamo ni Erika.
"Naguguluhan saan?" tanong ng ama.
"W-Wala. Basta, matutulog ako rito mamaya!" Giit ni Erika. Kung ano man ang nangyayari sa kanila ng asawa, sa kaniya na lang iyon dahil tiyak, magagalit ang mga magulang. Hanggang ngayon ay confused pa rin siya sa nararamdaman niya.
"May problema ka ba, Erika?" tanong ni Kimberly sa anak. Napansin niyang ilang araw na itong pabalik-balik sa mansion nila. Inilapag niya ang nilutong spaghetti.
"W-Wala ho. Hindi lang kami magkasundo sa bahay," nahihiya niyang tugon.
"Kung may problema kayo, pag-usapan ninyo." Suhestiyon ni Kimberly.
"Gusto na ba ninyo magpakasal? Sabihin mo--"
"NO, DAD!" Mabilis na pagsagot ni Erika. Hindi siya puwedeng magpakasal kay Drei. "I m-mean, hindi pa ngayon. Basta, bigyan ninyo ako ng time."
"Mom? Pahingi ako ng spag," ani Skyler at naupo sa tabi ng ina tapos kinuha ang platong iniabot ni Kim at nilagyan niya ng spaghetti.
"Sky? Kamusta na anak?" usisa ni Skyler.
"Ang sarap niyo po talagang magluto, Mommy!" puri ni Sky sa ina.
"Anak," tawag ni Skyler. "Kamusta na ang ginawa mo? Ano'ng balita?"
"Mom? Ano ang isinahog mo rito? Bakit kakaiba ang lasa?" inakbayan niya ang ina na napataas ang kilay sa kaniya.
"Anak," muling tawag ng ama.
"Mommy? Nakaka-proud ka talaga. Masarap nang mag-alaga, masarap pang maglu--SHIT!" Bulalas niya nang lumipad ang isang tsinelas sa mukha niya.
"Walang hiya ka! Kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba?" naggagalaiti na sa galit na sabi ni Skyler.
"Ako ho ba ang tinatawag mo?" inosenteng tanong ni Sky.
"Letse! Ano ang problema mo?" kulang na lang ay lumabas na si Skyler sa katawan dahil sa inis sa anak. Wala naman siyang natatandaan na nag-away sila. Tinulungan pa nga niya ito kagabi para sa panliligaw kay Taira.
"Wala! Naririnig kita. Pero ang anak mo ang tinatawag mo at hindi ako!" Sabat ni Sky.
"Bakit? Hindi ba kita anak?"
"Bakit? Ama ba kita?" balik-tanong ni Sky. "Hindi ko kasi ramdam eh!"
"Wala kang galang ah! Kimberly, naririnig mo ba kung paano sumagot-sagot ang anak mo?" sumbong ni Skyler sa asawa.
"Sky naman, hindi ganiyan ang tamang pagsagot sa ama mo. Matuto ka namang gumalang, anak!" Saway ni Kimberly. Ang pinakaayaw niya sa mga anak ay ang mawalan ng galang o respeto ang mga ito sa mga matatanda.
"Mommy naman kasi... Kasalanan niya naman!" Sumbong din ni Sky.
"Ano na naman ang kasalanan ko? Pasalamat ka pa nga, tinulungan kita. Pinagpuyatan ko kaya iyon!" Sabat ng ama.
"Pinagpuyatan? Nahiya naman ako sa pagpupuyat mo! Lyrics naman 'yun ng kanta! Alam mo bang mas lalong nagalit sa akin si Taira sa ginawa mo?" kumukulo talaga ang dugo niya kapag mapasulyap sa mukha ng ama.
"Wala na kasi akong maisip. Ang hirap kaya gumawa ng linya! Pasalamat ka pa nga, naisip ko iyon!" Depensa naman ni Skyler sa anak. Ilang oras siyang hindi nakatulog sa pag-iisip lang ng mga salitang iyon pero nang marinig niya ang kanta ni Ogie Alcasid ay isinulat na niya.
"Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?" naguguluhang tanong ni Kimberly sa mag-ama niya.
"Wala!" Sagot ni Sky.
"Nanliligaw siya kay Taira. Nagpapaturo sa akin," sagot ni Skyler kaya mas lalong nagalit ang ama.
"Nililigawan mo si Taira?" bulalas ni Kim. Hindi siya makapaniwalang manligaw ang anak sa kababata.
"Ba't parang gulat na gulat ka? May problema ba sa panliligaw ko, Mommy?" napipikon na siya sa pamilya dahil ayaw talaga maniwala ng mga ito.
"Oo, nanliligaw 'yan." Sabat ni Erika pero hindi natutuwa sa pinaggagawa ng kapatid. "Sabay walked out!"
"Hindi kaya!" Ani Sky. "Ayaw kasi niyang sumagot. Kitang seryoso ang tao tapos ang mukha niya parang joke. Ayaw maniwala!" Napapadyak pa ng paa si Sky dahil sa sobrang inis. "Wala na ba talagang maniwala sa akin na mahal ko si Taira?"
"May maniniwala naman sa 'yo. Kaming lahat!" Pagsang-ayon ng ina. Obvious naman kahit noon pa. Ayaw lang umamin ni Sky. Siguro dahil sa pride.
"Oo nga, naniniwala kami sa iyo, kapatid! Ang tanong, seryoso ka nga ba?" dagdag ni Erika.
"SERYOSO NGA SABI EH!"
"BAKIT KA SUMISIGAW? Sigaw din ni Erika.
"Eh kasi kayo... Ayaw niyong maniwala," parang batang sagot ni Sky at napasandig sa likuran ng sofa.
"Sino ba naman kasi ang maniniwala sa iyo?" panunuya ni Skyler sa anak.
"Oo nga PO, walang maniniwala sa akin lalo na kapag malaman nilang ikaw ang AMA ko!" Pamimilosopo ng anak.
"HOY! PINAGSASABI MO DIYAN?" bulalas ni Skyler at dinuro ang anak.
"Nang nagpatulong ako sa iyo, mas lalong lumala ang sitwasyon!"
"Aba, pasalamat ka pa nga't may ama kang handang magpuyat para lang sa panliligaw mo!"
"Tama niyo na nga 'yan! Sumasakit ang ulo ko!" Saway ni Kimberly at napahilot sa sumasakit na sintido. Pasalamat na lang siya dahil wala ang dalawang lalaki at si Lyn dahil kapag nagkataon, maho-hospital siya dahil sa high blood.
"Siya kas--"
"TAMA NA, SKYLER!" Saway niya sa asawa at humarap sa anak.
"Sky naman, seryoso ka ba talaga kay Taira? Bakit ngayon lang?"
"Oo nga, Mom. Mahal ko talaga siya at gusto ko siyang makasama pero ayaw niya." sumbong ng anak.
"Sino ang maniniwala sa iyo, eh nandiyan si Amanda!" Sabat naman ni Erika. Napabuntong hininga si Kim at desperadang pinagmasdan ang anak. Guwapo ito. Nang-aakit ang biloging mata at mapupula ang mga labi. Mas lalong nagpadagdag sa karisma ng anak ang matangos nitong ilong na bumagay sa medyo pahaba at baby face niyang mukha.
"Sky, umayos ka kasi sa panliligaw mo." Ani Kim.
"Maayos naman, ah. Umaakyat na nga ako ng ligaw eh."
"Akyat-bahay ang ginagawa mo! Hindi akyat-ligaw!" Sabat ni Skyler. Palagi na lang silang nag-aaway ni Tyron dahil sa pag-akyat bahay ni Sky sa kanila.
"Sa kuwarto pa talaga siya dunidiretso, daddy!" Wika rin ni Erika.
"Pakialam ninyo? Close naman kami ni Tai-Tai," ani Sky.
"Feeling close!" Sagot ni Erika.
Pumasok si Blue at pasalampak na naupo sa tabi ng ina kaya napagitnaan na si Kim ng dalawang binata.
"Pagod na pagod ka ah," puna ni Kim. Tahimik na yumakap si Blue sa ina.
"May problema ba, Blue?" nag-aalalang tanong niya. Napapansin niyang matamlay ang anak kaninang umaga pa.
"Pagod lang ako, Mom. Kagabi pa ako walang tulog," sagot ni Blue at mas lalong isiniksik ang mukha sa dibdib ng ina.
"Umalis ka nga sa Mommy mo! Para kang MAMASANG!" Saway ni Skyler sa mag-ina niya.
"Selos ka lang, daddy. Yakap na lang kita," paglalambing ni Erika at niyakap din ang ama.
"Blue, alam mo na ba kung ano ang sagot sa tanong ni Nathalie?" tanong ni Sky. Iyon na lang ang pag-asa niya para mapasagot si Taira.
"Pearl nga!" Wala sa mood na sagot ng kapatid. Inaantok na talaga siya.
"Hindi nga eh." sagot ni Sky.
"Ano nga ulit 'yon?" tanong din ni Erika.
"Ano'ng klaseng bato ang makikita mo sa gitna ng dagat?" sagot ni Sky. Nagre-research na siya sa internet pero hindi naman niya masagap ang tamang sagot.
"I think, hindi siya talaga knowledgeable na sagot." Napapaisip si Erika at tumingala sa ama. Kinuha niya ang hawak nitong cellphone para tumigil sa pagtext kay Ella. "Dad? Ano po ang tawag sa batong makikita mo sa gitna ng dagat?" tanong niya sa ama.
Poker face na tumingin si Skyler sa anak.
"Psh, wala naman 'yang alam. Pahamak lang," bulong ni Sky.
"Malay ko sa batong 'yan!" Sagot ni Skyler at kinukuha kay Erika ang cellphone. "Akin na! Kitang tini-text ko si Tita Ella mo eh!"
"Ano munang bato ang nasa gitna ng dagat? Sige na, dad, baka alam mo." pagpupumilit ni Erika.
"Bakit ba pati ako, dinadamay ninyo? Wala akong maisip! Basang bato." napipikong sagot ni Skyler. Busy siya sa pagtetext kay Ella para kamustahin ito at ang pamangkin niya.
"WAAAAH! DADDY! TAMA KA!" Sigaw ni Erika. Ngayon lang niya lubusang na gets ang sagot sa tanong ni Nathalie. "DADDY, may kuwenta ka rin pala!" natatawa si Erika. Kapag walang sagot sa walang kuwentang tanong, tumatalino ang ama nila.
"Akalain mo 'yun, magiging girlfriend mo na si Taira?" nakangising wika ni Skyler sa anak.
"Psh! Salamat!" Napipilitang pasalamat ni Sky.
"Napipilitan ka lang, eh." Ani Skyler.
"Hindi ah!" Mabilis na sagot ni Sky.
"Hindi eh. Napipilitan ka lang talagang magpasalamat, kita sa mukha mo!" nagdududang wika ni Skyler. Si Blue ay tulog na sa kandungan ng ina.
"HINDI SABI EH. Proud nga ako dahil ama kita. Ang laki ng natutulong mo sa buhay ko!" may sama ng loob na sagot ni Sky.

A/N:

Salamat daw do'n sa tumulong kay Sky. Saan man tayo dadalhin ng kuwentong ito, sakay lang sa biyahe at TRIP ni Sky.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon