Finale

2.4K 48 6
                                    



MY TRIP BUDDY (U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

UNENDING FINALE

Unedited...

"Anak? May problema ba sa inyo ni Sky?" tanong ni Aira nang umuwi ang anak sa kanilang bahay. Bitbit nito ang mga importanteng gamit niya.
"Wala, gusto ko nang magpa-annul," mahinahong sagot ni Taira. Ilang araw na niya itong pinag-iisipan.
"Ano ba ang problema ninyo?" galit na tanong ni Tyron nang pumasok. Kasunod nito si Sky.
"Daddy Tyron, hindi ko naman siya iiwan. Siya lang naman ang nagsasabing iiwan ko siya," naiiyak na sumbong ni Sky kay Tyron. Paulit-ulit na lang niyang sinasabi sa asawa na mahal siya nito kahit na wala silang anak.
"Ano ba kasi ang talagang nangyari?" tanong na naman ni Tyron. Walang ni isang nagsasabi sa kanila ng problema. Parati na lang uwi-sundo ang drama ng mag-asawa.
"Letse! Ayaw ninyong magsabi?" tumaas na ang boses ni Tyron. "Puwes, umuwi ka sa condo ninyo Taira at huwag na huwag ka nang umuwi rito sa pamamahay ko!"
"D-Dad," naiiyak na sambit ni Taira.
"What?"
"H-Hindi na ako magkakaanak. Hindi na ako puwedeng mabuntis," parang batang sumbong ni Taira. Nang muli niyang makausap ang doctor niya, ipinagbawal nito na mabuntis siya dahil baka mapanganib din ang buhay nila ng bata dahil sa severe bleeding o internal hemorrhage.
"Eh ano naman? Hindi naman kita inasawa para magkaroon lang ng anak. Pinakasalan kita dahil mahal kita. Kung walang maibigay si God na anak para sa atin, e di tanggapin ko." Sabat ni Sky. "Gaya ng sinabi ko, mahal kita, kahit na wala hindi ka pa magkakaanak. Hindi ba sabi ko, ikaw lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko?"
"H-Hindi, Sky! A-Alam kong gusto mong magkaanak! A-Alam kong pangarap mo iyon pero hindi ko kayang ibigay sa iyo!" Umiiyak na sabi ni Taira.
"Tapos?" napipikon na tanong ni Sky. Ilang araw na silang ganito. Ni hindi na siya pinapansin ng asawa at palagi na lang sinasabi na maghiwalay na sila. "Tapos ka na ba sa pag-drama? Uwi na tayo," yaya ni Sky na binalewala lang ang pag-iyak ng asawa.
"A-Ayoko na ngang umuwi! M-Maghiwalay na tayo!" Si Tyron ay naupo sa tabi ng asawa at nakikinig lang sa dalawa.
"Sige, maghiwalay kung maghiwalay!" sagot ni Sky. "Pero puwede kapag nami-miss mo ang katawan ko, i-text mo lang ako," sagot ni Sky kaya napaubo si Tyron.
"Umalis na nga kayong dalawa sa harapan ko! Pinapainit lang ninyo ang ulo ko!" pagtataboy ni Tyron.
"Oh, alis na raw sa harapan ni Daddy, uwi na tayo Babaymine ko," yaya ni Sky.
"Puwede ba, Sky, umalis ka na!" singhal ni Taira.
"Umalis na kayong dalawa!" sabat ni Tyron na kanina pa sumasakit ang ulo sa dalawa. Bago pa sila pumasok ay kinausap na siya ni Sky ng masinsinan.
"Ano ba! Ibaba mo ako!" reklamo ni Taira at pinaghahampas si Sky sa likod pero tila nagmistula siyang sako ng bigas na walang magawa kundi ang magpapasan sa malakas na bumubuhat sa kaniya.
Walang imik na nagmamaneho si Sky patungo sa mansion ng mga Villafuerte. Ayaw rin magsalita ni Taira at hinayaan na lang ang asawa. Nang makarating na sila ay dumiretso siya sa hardin. Wala siyang balak na pumasok dahil nahihiya na siya sa mga magulang nito. Excited pa naman ang mga ito naman magkaroon ng apo sa kanila ni Sky. Expected na ng lahat pero sa kasamaang palad, napurmada ang pangarap ni Sky na magkaroon ng maraming anak.
"Babymine?" Niyakap siya ni Sky mula sa likuran. "Huwag ka nang malungkot. Nakausap ko na ang parents ko tungkol sa kaso mo," paglalambing ni Sky at niyakap siya ng mahigpit. "Okay lang sa kanila kahit na hindi na tayo magkaanak."
"S-Sky, marami pa naman ang babae diyan na kayang ibigay ang gusto mo." Hinarap niya ang asawa at pinagmasdan sa mukha. She has to sacrifice just let him happy.
"Pero ikaw lang ang babaeng makakabigay ng gusto ko," seryosong sagot ni Sky at kinuha ang magkabilang kamay niya. "Babymine? Sabi ni Lolo Ian, puwede pa tayong magka-baby," bakas ang saya sa mukha ni Sky kaya napakunot ang noo ni Taira. "We've talked to your doctor and she explained us about your case."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" Ang pagkakaalam niya ay hindi na siya puwedeng mabuntis dahil kapag ipinilit pa nila, manganganib ang buhay niya. Will they take a risk? Itataya ba nila ang buhay niya para lang magkaapo? If iyon ang makapagpasaya sa mga Villafuerte lalo na sa asawa niya, then, she's willing to sacrifice her life for the baby.
"Puwede naman tayong magka-baby. Mag-undergo tayo ng In Vitro fertilization. Basta iyong akin ang sperm tapos sa iyo ang egg pero sa ibang sinapupunan siya titira hanggang sa mailuwal na sila," pagbabalita ni Sky. Natigilan si Taira. Hindi iyon pumasok sa isip niya. Ang tanging naisip lang niya ay ang wala na siyang kakayahan na mabuntis pa. "Basta iyong kagaya ng ginawa nina Lolo Ryan kay Lolo Ian. Basta alam mo na 'yon. Matris mo lang naman daw ang may problema but not your ovaries kaya puwede pa tayong magkaanak. May pera naman tayo babymine." Kahit na wala siyang ipon, siguradong tutulungan sila ng pamilya, financially.
"S-Sky." Tumulo na naman ang mga luha niya dahil sa naintindihan niya ang ipinupunto ng asawa.
"Ikaw kasi, nagdrama ka na kaagad." Nakangiting sabi ni Sky at hinapit siya sa bewang. "Babymine? Kahit na wala tayong anak, mamahalin pa rin kita. Kung hindi ikaw ang magiging ina ng mga anak ko, ayaw ko nang maging 'ama. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, 'di ba? Lagpas hanggang galaxy." Ngumiti si Taira. Hindi niya inaasahang sa oras ng kadiliman, si Sky ang magbibigay ng liwanag sa kaniya. Ito ang magiging mahinahon para mag-isip ng tama para sa ikabubuti nilang dalawa.
"Isang anak lang, sapat na. Kahit na si Cloud na lang, Babymine ko," malambing ang boses ni Sky saka masuyong hinalikan siya sa noo. "I love you." Pababa ang mga labi nito sa ilong niya kaya ngumiti si Taira. Kung alam lang ni Sky kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito. Kung gaano siya ka-proud na ito ang napangasawa niya.
Parehong ngumingiti ang kanilang mga mata't labi nang magpantay ang lahat sa kanila. Mata sa mata. Ilong sa ilong. Labi sa mga labi.
"Sky, salamat."
"Wala iyon, Babymine ko. Ang mahalaga, nagmamahalan tayo," napalunok ng laway si Sky. Sa mga mata niya, si Taira ang pinakamagandang babae sa buong mundo at ito lang ang kayang magpakatino sa kaniya. Ito lang ang babaeng isinisigaw ng kaniyang puso.
"I love you, Sky." Hinawakan ni Taira ang pisngi nito para maramdaman ang presensiya ng asawa. Kahit ang mainit na mga hininga nila ay nagkakasalubong na rin. "Babymine ko," dagdag ni Taira kaya kahit ang tainga ng asawa ay malakas na pumalakpak sa labis na galak.
"U-Ulitin mo, Babymine ko." Pakiusap ni Sky at mas lalong idinikit ang kanilang mga mukha. Kahibla na lang ay maghahalika na sila. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang nito.
"Babymine? I love you," gusto nang matawa ni Taira. Ang corny na nilang mag-asawa pero nag-e-enjoy siya lalo na kapag si Sky ang kausap.
"Eh, kinikilig ako, Babymine. Ang sweet natin," namumula ang mukhang sabi ni Sky at hindi alam kung ngingiti ba dahil sa nagustuhan niya ang sinabi ng mahal na asawa.
"Oo na, halata naman." Piningot niya ang matangos na ilong ni Sky.
"I love you, Tai-Tai. To the Sky and galaxy." Niyakap siya ni Sky at pareho silang nakangiti. "Kayo ng magiging anak natin. Mahal ko kayo."
"Thank you, Sky. Kahit na ganito ka, mahal kita. Mahal ka ng mga taong nakakakilala sa iyo."
"Hmp? Ikaw lang naman ang nagmamahal sa akin pero okay lang," sagot ni Sky at pumikit para namnamin ang mainit na yakap ng asawa.
"Hmp? Marami kami. Hindi mo lang alam," ani Taira at ipinikit din ang mga mata.
"Marami nga kayo pero ikaw lang ang makakatiis na makasama ako sa buong araw. Ikaw lang ang handang makinig at willing na makinig sa akin."
"May mga fans ka naman," biro ni Taira.
"Fans? Gusto lang nila ako dahil guwapo ako," pilyong sabi ni Sky, "Pero kapag makasama na nila ako ng matagal, magsasawa rin sila sa akin. Hindi kagaya mo, nasa tabi talaga kita kahit na awayin man ako ng buong pamilya ko."
"Sky? Sorry pala kung minaliit kit--uhm..." nanlaki ang mga mata niya nang takpan ni Sky ang mga labi niya.
"Wala iyon. I love you." Muli siyang niyakap ni Sky ng sobrang higpit na para bang natatakot itong mawala siya o agawin ng iba.
"Basta, huwag ka nang lumapit kay Letse!"
"Friends kami ni Lester. Isa pa, naaawa lang talaga ako sa kaniya noon dahil wala siyang friends," pagtatanggol ni Taira sa kaibigan. Nunca naman na ipagpalit pa niya si Sky sa iba.
"Kahit na. Basta akin ka lang, Tai-Tai ko."
"Possesive!" natatawang wika ni Taira at hinila na ang asawa papasok sa mansion.
Napagkasunduan ng parehong partido na mag-IVF sina Sky para magkaroon ng apo. Dagdagan pa ang pangungulit ni Sky sa mga magulang kaya ayun, kumuha ang doctor ng egg at sperm sa kanilang mag-asawa. Nakailang beses pa nga silang nagbigay para sigurado. Tuloy pa rin ang pag-aaral ng mag-asawa. Ang factory nina Sky at Amanda ay mas lalong nag-expand pero dahil lumipat na sina Amanda sa ibang bansa kasama ang asawa para roon na mag-settle, ibinenta nila ang shares kay Sky kaya solo na nito ang toy factory.
Malapit na ring matapos ang pinapagawang bahay ni Sky para sa kanilang mag-asawa. May tagapangasiwa lang sa negosyo nila para hindi na mahirapan si Sky. Mga piling tao na pinagkakatiwalaan ng pamilya ni Tyron.
"Sky? Hindi ba matambakan ang anak natin dito? Ang daming toys," bulalas ni Taira nang pumasok sila sa kuwartong para sa baby nila. Ang dami namang vacant rooms sa mansion ng mga Villafuerte.
"Hmmm? Gusto ko kasi mag-enjoy si Baby Clouds," sagot ni Sky. Nang i-arranged nila ito kahapon, hindi naman ito ganito kadami pero lingid sa kaalaman ni Taira, nagdala pa ng mga stuffed toys ang asawa.
"May ibinibenta ka pa ba sa factory natin?"
"Oo naman. Hindi tayo malulugi kaya huwag kang mag-alala," natatawang sagot ni Sky. "Let's go?" Ngayon nila kukunin ang anak sa hospital. Sapat na sa kanila ang isa basta ang mahalaga, may anak sila na bigay ng nasa Itaas.
Excited na minaneho ni Sky ang sasakyan. Pagdating nila sa hospital, agad na kinuha ni Sky ang anak sa nurse at ito na mismo ang bumuhat sa sanggol. Puwede na raw na i-bottle feed ang bata pero mas pinili nilang kunin na yaya na lang ang nagsilang sa kanilang anak para fair na rin sa side ng babae.
Minsan, naiinggit si Taira lalo na noong nakikita niyang iba ang nagdadalang-tao sa anak nila ni Sky pero nandiyan ang huli para umalalay sa kaniya. Ni minsan, wala itong ipinaramdam na may kulang sa kaniya.
"Babymine? Ang pogi ni Baby Clouds!" Proud na sabi ni Sky habang papasok sa mansion. Nandito naman ang lahat ng pamilya nila.
"Hala, ang pogi ng baby namin!" bulalas ni Lyn at maingat na hinaplos ang pisngi ng bata.
"Oo naman! Mana sa akin," taas noong sabi ni Sky.
"Mabuti naman dahil hindi nagmukhang unggoy," biro ni Erika.
"Oo nga, buti na lang," pagsang-ayon ni Aron at nakangiting pinagmasdan ang pamangkin.
"Kuya? Ikaw na ang susunod," tukso ni Jairah kay Aron kaya natahimik ang binata at lumungkot ang mukha.
"Magpahinga muna kayo," wika ni Kimberly. Mamayang hapon ay may welcome party na darausin. Saktong isang buwan na si Baby Clouds at malusog na ayon sa doctor. Hindi nila ito kaagad nakuha dahil nagkakasakit. Ang yaya naman ay nagpaalam para umuwi sa probinsya at sinabing babalik next week.
Masayang dinala ni Sky ang mag-ina niya sa kuwarto. Ngumiti naman si Clouds na para bang nasisiyahan sa mga kulay na nakikita sa paligid.
"Babymine? Kahit na mag-isa lang si Clouds, masaya na ako." Kinuha ni Sky ang stuffed toy na si Star at ipinakita kay Clouds. "Ito na lang ang kapatid mo, Clouds," parang batang saad ni Sky.
Alas dos ng hapon nang magising ang anak kaya binihisan nila ito at pumababa. Marami na ang mga tao na nakaupo sa hardin. Halos lahat ay may mga bitbit na sanggol.
"Ang dami mong kalaro, Clouds! Ang daming chicks!" bulong ni Sky kaya pinandilatan ni Taira.
"Biro lang. Magmahal ka pa rin ng isa lang balang araw." Iniwan na siya ni Taira para harapin ang iba pa nilang bisita.
"Pero turuan kita kung paano maghanap ng chicks," pilyong bulong ni Sky sa anak na nakadilat ang mga mata at nakatitig sa mukha niya. Kamukha niya ito.
Napadako ang mga mata niya sa limang babae na kakababa lang ng kotse. May mga bitbit na bata at lumapit kina Kimberly. Hindi sila kilala ni Sky kaya lumapit siya sa mga ito.
"Clouds? Mukhang magkakaroon ka na ng mga katropa ah," wika niya habang papalapit sila. Kumunot ang noo niya nang mapansing pare-pareho ang damit ng mga bata.
"Dad? Sino sila?" tanong ni Sky at inginuso ang apat na batang nasa kani-kaniyang stroller na. Ibinigay niya muna sa ina si Clouds.
"Mga apo ko," sagot ni Skyler.
"Mga apo?" kinakabahang ulit ni Sky.
"Oo. Mga apo ko."
"K-Kanino?"
"Sa iyo," sagot ni Skyler na parang wala lang.
"S-Sa akin?" sabay turo ni Sky sa sarili at hindi kumukurap ang mga matang nakatitig sa limang batang nakahilera sa harapan niya.
"May iba pa ba? Ayan na ang mga anak mo. Gusto mo ng marami, 'di ba? Ayan, magsawa kang mag-alaga sa kanila." Lingid sa kaalaman ni Sky, anim na bata ang nabuo sa ibinigay nila ni Taira kaya anim na babae rin ang nagdadalang tao noon. Alam ng lahat maliban sa kaniya dahil gustong gumanti ni Skyler sa anak dahil sa pagbitbit ng buko noon sa Batangas.
"H-Hindi ka nagbibiro, Dad?" napalunok si Sky ng laway.
Umiling si Skyler, "Hindi ako nagbibiro. Ikaw ang bumili ng mga gatas nila at mag-alaga sa magdamag!"
"SKY!" sigaw ni Kimberly nang mawalan ng malay ang anak.
Binuhat ito nina Black at Blue para pahigain sa mahabang sofa. Matapos ang ilang minuto ay nagmulat ng mga mata ni Sky. Ilang beses pa siyang kumurap ng makita ang anim na sanggol na bitbit ng mga ina at si Clouds ay hawak ni Taira. Hindi siya puwedeng magkamali! Anim na sanggol talaga.
"S-Sky? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Taira. Tumango si Sky para hindi na umiyak ang asawa. Kumuha siya ng buwelo para makapagsalita.
"S-Sa susunod, paki-inform naman sa akin na anim pala ang anak ko. Diyos ko naman, mabuti na lang dahil nagising pa ako!" Napahawak siya sa dibdib. Nagulat talaga siya. Ni sa panaginip, hindi niya naisip na magkaroon ng anim na anak na sabay-sabay.
"G-Galit ka ba, babymine?" Nag-aalala siya. Ang totoo, masaya si Taira dahil kahit hindi siya pwedeng mabuntis, anim talaga ang inagkaloob sa kanila ni God.
"H-Hindi, Babymine ko. Nagulat lang ako dahil anim pala sila. Dinaig ko pa ang mga Lacson!"
Ngumiti siya. Masaya siya dahil marami ang anak nila ni Taira. "Kita n'yo na? Marami na ang tatawag sa akin na 'Daddy'. Marami na kaming anak ni Tai-Tai ko!" Buong pusong pagmamalaki niya na ikinatawa ng iba. Mula ngayon, mas lalo pa siyang magsisipag para sa lumalaking pamilya ng asawa. Siya si Sky Villafuerte at kahit na maloko, sisiguraduhin niyang hindi niya pababayaan ang mga anak niya at higit sa lahat, maging responsable at mapagmahal sa kaniyang asawa't mga anak!
"Anim talaga? Bakit hindi na lang kaya nila ginawang sampu? Para decagon," bulong ni Sky at masamang tiningnan ang ama. Masaya pero naiinis siya!
Biglang tumayo siya nang mag-absorb sa utak na anim talaga ang anak nila ni Taira at sa hindi inaasahan ng lahat, sumayaw si Sky ng sarili nitong version ng "Budot at Ostrich"

dance.
~~~~~~~~~~~~~~~END~~~~~~~~~~~~~

A/n:

Thank you sa lahat. See you sa story ni Blue.
Sa mga nagbabalak tumambay sa Wattpad account ko.

Sequel nitong series.

-My Jealous Little Boss(Hannah and Ryan) lolo at lola-

-My Jealous little bossings(Ian and Sunshine) anak nina Ryan at Hannah.

-Ang Asawa Kong Nerd na, T-Boom pa(Skyler and Kimberly)-triplets nina Ian.

My Hard to Get Hubby- (Kyler at Yna) triplets ulit nina Ian at Sunshine

-Destiny's Game- (Ella and Kevin)

-triplets ulit nina Ian and Sunshine

-University Princes-Intro ng mga anak nina Skyler, Kyler at Kevin.

-Beki si Black- anak nina Skyler at Kimberly.

-My Trip Buddy-Sky and Taira.

-My Superstar Daddy-(Blue and Avery)

Side stories

Accidentally Married to Mr.Famous- parents ni Kimberly na asawa ni Skyler.

Childish Wife- tita ni Kim na kapatid ng dad niya.

Ang Ambisyosang Palaka- (Tyron and Aira) parents nina Taira, Jairah and Aron.

Psychologically Sex Addict

The Masochist Revenge

Lacson series:

1.Sorority Queen- (lola Patch and Lee) kasabayan nina Ryan and Hannah sa Villafuerte.

2.The Assasin and Her Hot Professor- anak nina Patch at Lee.(Demetrio and Regine) pero supporting lang sila. Basta!

3.Fraternity King- (Ann and Dylan) kapatid nina Tyron at Yna.

4.University Prince series

1: SheMan (Lance Leonard) isa sa quadruplets nina Ann at Dylan. -on going.

Side stories:

-Bobo Pero Hot na Killer si Inday

-Seducing Her Hearthrob Husband

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon