29

983 38 1
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29

Unedited...

"Babymine? Huwag ka nang magalit. Ikaw naman ang sumampal kay Amanda," pakiusap ni Sky. Kanina pa ito humihingi ng tawad sa asawa pero walang sagot o kahit na ano mang salita na namutawi sa bibig ni Taira.
"Bakit ka galit?" naguguluhang tanong na naman ni Sky.
"Saan ka galing?" seryosong tanong ni Taira.
"S-Sa CR..." sagot ni Sky na hindi kayang salubungin ang mga mata ng asawa.
"Umalis ka sa harapan ko!" Mahina pero puno ng galit na sabi ni Taira.
"P-Pero--"
"Huwag mo akong sundan!" Tumayo si Taira at lumapit sa pintuan. Sila lang ang tao rito dahil namalengke pa si Ate Yana. Malapit na siya sa pinto pero tumigil siya sa paglalakad at nilingon si Sky na nasa likuran niya.
"Huwag mo akong sundan kung ayaw mong umuwi ako sa mga magulang ko!" Pagbabanta niya saka malakas na isinara ang pinto. Galit siya rito! Obvious naman na nagsisinungaling lang ito at may itinatago sa kaniya.
Naglalakad siya paakyat sa hagdan at pinilit niyang huwag tumulo ang mga luha! Ganito pala kasakit ang may dalahin sa dibdib! Ang hindi niya kayang ipakitang umiiyak sa harap ng maraming estudyante.
"Taira!" Tawag ni Lester pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siya sa rooftop.
Naupo siya at hindi na napigilan ang umiyak. Tutal, wala namang nakakakita sa kaniya.
"If you need a shoulder to cry on, feel free to use mine." Napatingala siya kay Lester na nakatayo sa kaniyang harapan.
"L-Lester..." parang batang pinahidan niya ang kaniyang mga luha at napayuko. Umupo si Lester sa tabi niya at hinawakan siya sa ulo para ipasandal sa balikat niya. "Huwag ka nang mahiya. Wala ka namang dapat na ikahiya sa harapan ko."
"L-Lester..." bigla na lang siyang napasubsob sa dibdib nito at niyakap ang kaibigan ng mahigpit.
"A-Akala ko, mahal niya ako. A-Akala ko, ako na dahil pinakasalan niya ako..." parang batang pagsumbong niya kaya niyakap din siya ni Lester.
"Tama na, hindi ka dapat umiiyak." Kahit na wala siyang alam pero alam niyang sa mga oras na ito ay kailangan siya ni Taira.
"A-Ang sakit eh! Ang sakit na n-nagsisinungaling sa akin ang asawa ko!" Sumbong niya sa pagitan ng mga hikbi. Dahil sa yakap ni Lester, nakaramdam siya ng kapayapaan.
"Subukan mo munang pakinggan ang panig niya. Malay mo, may mabigat siyang dahilan..." pagbibigay payo ng binata. Masakit na nga ang kalooban niya dahil sa pag-iyak ng babaeng matagal na niyang minamahal, iiyak pa ito dahil sa ibang lalaki. Masakit din para sa kaniya ang lahat. Ilang gabing pinagsisisihan niyang hindi siya kaagad nagpakilala kay Taira. Baka sakaling nagkaroon pa siya ng pagkakataon para ligawan ito at magtapat ng kaniyang pagmamahal. Naduwag siya!
"H-Hindi! Kung mahal niya ako, h-hindi siya magsisinungaling! H-Hindi niya uunahin ang iba kaysa sa akin." Kumalas siya sa pagkakayakap kay Lester at pinahidan na naman ang mga luha gamit ang daliri niya.
"Pasensiya ka na, naabala pa tuloy kita dahil sa mga kadramahan ko." pinilit niyang ngumiti kay Lester. Nakakahiya dahil ito pa ang nakakitang umiiyak siya dahil sa asawa.
"Wala iyon. Basta para sa iyo, tandaan mong nandito lang palagi ako."
"Lester? Pasensiya ka na talaga. Masama lang ang loob ko," paumanhin ni Taira. Medyo um-okay na ang pakiramdam niya.
"Again, wala iyon." Hinayaan lang niyang hawakan ni Lester ang kanang kamay na nakapatong sa lap niya.
"Tara, may pasok pa kami." Yaya ni Taira at tumayo na. Sumunod na rin si Lester.
"Ihatid na kita..." ani Lester.
Pagdating nila sa kuwarto ay wala pa si Sky. Bumalik na rin si Lester sa klase nito.
"Nasaan si Sky?" tanong ni Black.
"Hindi ko alam," walang ganang sagot ni Taira. Ayaw niyang ipahalatang may nangyaring away sa kanila ng asawa. Kung puwede lang niyang itago ay ililihim niya.
Nang mag-umpisa ang next subject ay wala pa rin si Sky. Ni tawag ay hindi man lang nito ginawa.
"Okay ka lang? Mainit ka," puna ni Julie nang hawakan siya sa kamay.
"Okay lang," kagabi pa hindi mabuti ang kaniyang pakiramdam. May sinat na nga siya pagkagising niya.
"No, may lagnat ka. Dalhin kita sa clinic," ani Julie na halos mataranta na. Papalabas na sila sa classroom at nauna na sina Black. "Nasaan na ba ang asawa mo?"
Lalong nahilo si Taira nang marinig ang pangalan ng asawa. Kanina pa niya hinihintay na bumalik ito pero ni anino ay nawala.
" Baka kay Amanda na naman," bulong niya pero mas minabuting huwag nang sumagot. Narinig niya ang pagtawag ng kaibigan kay Blue at bago pa man nandilim ang lahat ay naramdaman niya ang mga kamay na sumalo sa kaniya.
"Nasaan na si Sky?" narinig ni Taira na tanong ng kaniyang ina. Tinatamad siyang magmulat ng mga mata. Nilalamig siya.
"Hija?" tawag ni Aira sa anak. Dahan-dahang dumilat ang mga mata ng anak.
"M-Mom?" nanghihinang sambit ni Taira. Una niyang nakita ay ang mukha ni Lester kaya napangiti siya.
"S-Salamat, Lester..." nanghihinang pasalamat niya. Kahit hindi na siya magtanong ay alam niyang ito ang sumaklolo sa kaniya kanina.
"Wala iyon, magpahinga ka muna..." ani Lester.
"Nasaan na ba ang asawa mo? Bakit ibang tao pa ang tumulong sa iyo?" tanong ni Aron. Sa upuan na nasa tabi ng pintuan ay nakaupo ang mga magulang ng asawa.
"M-Mommy!" Umiiyak na wika niya. Pinipilit niyang huwag ipakita sa mga ito ang sama ng loob pero hindi niya napigilan. Gusto niyang magsumbong sa mga ito pero si Sky ang mapapahamak.
"Baby? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Aira.
"Nag-away ba kayo ni Sky?" tanong ni Kimberly.
"Sinasabi ko na nga bang pasakit lang ang pagpakasal ninyo!'Galit na sabat ni Tyron na parang manuntok na ng tao.
"No, dad. Masakit lang ang ulo ko kaya hindi iniiyak ko na lang." Lalo pang tumulo ang mga luha sa naalalang mga pinagsasabi ni Amnda. Gusto niyang huwag paniwalaan ang mga sinabi nito pero nakikita niya ang mga ebidensiya . Pumasok ang doctor at inusisa ng mga magulang kung magkakaapo na raw ba sila?
"No, she's not pregnant. Kulang lang siya sa tulog at pahinga. Over fatigue lang ang nangyari sa kaniya.
Ayaw pa sana siyang pauwiin ng doctor pero nakiusap siya na uuwi na kaya niresitahan na lang siya ng mga home meds.
"BABYMINE!" Hinihingal si Sky na pumasok sa pintuan. Alalang-alala ang buong mukha.
"Saan ka galing?" hinarangan siya ng ama para hindi makalapit sa asawa.
"M-May pinuntahan lang," sagot ni Sky at nagi-guilty dahil wala siya sa tabi ng asawa. Hindi niya inaasahan na may masamang mangyari rito dahil okay naman ito kanina nang umalis siya. Tinawagan lang siya nina Blue kaya nagmamadaling pumunta siya sa hospital.
"Mas importante pa kaysa sa asawa mo?" pinipigilan lang ni Aron na masigawan ito dahil sa mga nurse at doctor na nasa loob pa ng silid.
"Mas importante ang babymine ko!" Seryoso ang mukha ni Sky habang kaharap ang ama ng babaenga minamahal niya.
"Dad? Gusto ko na pong umuwi," mahinang pakiusap ni Taira. Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila mamaya.
"Sige, saan mo gustong umuw--"
"Sa condo namin siya uuwi!" Giit ni Sky. "Aalagaan ko ang asawa ko."
"Aalagaan pero kaninang kailangan ka niya, nasaan ka?" Kung walang tao ay masasapak na naman siya ng ama dahil sa sobrang inis. Dagdagan pa nitong si Tyron na siya ang sinisisi sa kapalpakan ng anak.
"Yung babayaran pala sa bill?" Tanong niya sa mga ito.
"Bakit? Babayaran mo?" balik-tanong ng ama sa kaniya.
"K-Kuwan, ikaw na lang muna dad, para makatipid kami." Nakangising sagot ni Sky sa ama.
"Ano pa nga ba ang aasahan namin sa iyo? Nagpakasal ka pa na kahit hospital bill, kami pa ang babayad!" Sabat ni Tyron kaya napakagat sa ibabang labi si Taira.
"Hayaan mo, utang lang po muna, daddy Tyron." Kalmadong sagot ni Sky para pagtakpan ang pagkapahiya sa mga nakarinig lalo na kay Lester. Baka isipin ng mga ito na sobrang iresponsable siyang asawa kay Taira. Kahit ganito siya, marunong din naman siyang mahiya.
"Kanina pa bayad!" Singhal ni Skyler sa anak.
"Ako na ang bubuhat sa asawa ko," ani Sky dahil baka buhatin pa ito ng iba lalo na ni Lester. Nalulungkot siya nang wala siya kanina sa tabi nito at ibang tao pa ang sumaklolo sa asawa.
Hindi na tumutol pa si Taira nang buhatin siya ng asawa. Malapit na sila sa pinto nang magsalita ang doctor.
"Sir, padating na ang stretcher. Hintayin na lang natin dahil baka mapagod ka sa kakabuhat ng asawa mo," pagpigil nito.
"Bakit hindi ninyo sinabing may stretcher pala?" Muling ibinalik niya ang asawa sa kama dahil ang bigat nito.


My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon