3

1.1K 33 0
                                    





MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 3

Unedited....

"Aray ko naman! Nextime, tumingin ka sa--" napanganga si Keana nang makita ang guwapong mukha lalaking nasa harap niya. Bitbit ang libro ay nabangga siya nito.
"S-Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," natarantang paumanhin nito. Two weeks na ang pasukan kaya nagtataka siya dahil mukhang ngayon lang niya nakita ang kaharap dahil kapag guwapo, wala itong pinapalampas. Pero familiar sa kaniya ang mukha nito. Hindi lang niya matandaan kung saan niya nakita.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Keana dahil napahawak ito sa dibdib niya.
"I-I'm fine..." bakas ang kirot sa mukha nito.
"Oh my ghad! Si Jerome Palomo!" Tili ng isang babae at nakatingin sa kanila.
"Oo nga! Waaah. Huwag niyong sabihin na mag-aaral siya rito?" tinitigan ni Keana ang kaharap. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mamukhaan ito. Si Jerome Palomo nga! Sikat na drag racer sa Canada. One hundred percent pinoy pero sa Canada lang lumaki. Kamakailan lang ay ibinalitang naaksidente ito pero tikom ang bibig ng buong pamilya.
"Kaya pala wala nang balita sa kaniya dahil uuwi siya rito sa Pilipinas," bulong ni Keana at pasimpleng napahawak sa dibdib niya. Ang heart niya ay parang sports car na gamit ni Jerome. Ang bilis tumakbo!
"Ehem!" Tikhim ni Jerome at binigyan ng matamis na ngiti ang dalaga. "Aalis na ako. Baka ma late pa ako. See you!" Paalam niya at dumiretso sa classroom na papasukan niya.
Pagdating ni Jerome sa classroom ay siya namang dumating ang guro nila.
Biglang tumahimik ang lahat nang pumasok si Nova Patibo. Mabait naman ang clinical instructor nila. Sa katunayan ay malalapitan mo ito at hindi ka maiilang. Kabaliktaran ni Miss Legaspi na terror talaga ang huli.
"May bago pala kayong kaklase. Kilala niyo ma siguro si Jerome Palomo?" tanong niya sa estudyante. Ang mga babae ay napasinghap nang pumunta ito sa gitna.
Nagpakilala si Jerome sa lahat.
"Mabuti naman at magaling ka na?" maarteng tanong ni Anjie.
"Oo, kaya late ako sa klase." Sagot ni Jerome at napakamot sa batok. Mukhang ngayon pa lang ay marami na ang nagpapacute sa kaniya.
Tumabi siya kay Amanda. Matamis ang ngiting itinugon nito nang magkasalubong ang kanilang mga mata.
Matapos ang first subject ay dumiretso si Taira sa tambayan nila. Saktong wala pa sina Sky kaya nauna na siyang kumain.
"Ang sarap mo talaga magluto, Ate Yana." Puri ni Taira sa tigaluto nila. Mula nang pumasok sila rito sa Westbridge ay nandito na ito at sinisilbihan silang magkaibigan.
"Salamat. Kaya nga palagi ko kayong binubusog dahil palagi ninyo akong pinupuri," nakangiting tugon ni Yana habang nagdidikdik ng bawang. Adobong manok kasi ang menu na pinakiusap ng triplets sa kaniya. Sinasarapan talaga niyang magluto dahil masaya siya kapag maubos ng magbarkada ang kaniyang niluluto. Para na ngang anak ang turing niya sa mga ito.
"Bakit wala ka pang asawa?" tanong ni Taira habang kumakain ng niluto nitong pancit.
"Ayoko. Masaya na ako na pagsilbihan kayo."
"Sus, iba pa rin po ang may pamilya ka."
"May pamangkin naman akong babae na pinapaaral sa probinsya kaya okay lang na hindi ako makapag-asawa." Sagot ni Yana. Bago pa siya nakapasok dito sa Westbridge ay isa siyang katulong noon sa Taguig.
"Kamusta kayo ni Sky?" pag-iiba niya ng usapan. Natutuwa talaga siya sa dalawang ito.
"Huwag na nga nating pag-usapan ang lalaking iyon!" Nakasimangot na sagot ni Taira kaya malakas na tumawa si Yana.
"Nag-aalala na iyon sa iyo." Ani Yana. Palagi na lang nagtatanong si Sky kung kumain o pumunta raw ba si Taira rito.
"ATE YANA!" Sigaw ni Sky nang pumasok sa tambayan at tuwang-tuwa na lumapit sa kanila kaya nawalan na naman ng gana si Taira sa kinakain. "Ano'ng ulam?"
"Adobo..." sagot ni Yana at napasulyap sa pinto nang nagsidatingan ang mga magbarkada.
"Wow, sarap!" Sabi ni Sky.
"Namiss kita, Ate Yana. Ikaw ba, namiss mo ako?" tanong ni Sky at inakbayan ang cook nila pero ang mga mata ay kay Taira.
"Oo naman," natatawang sagot ni Yana. "May bago na naman yata kayong kaibigan?"
"Oo. Si Jerome. Kaibigan ko noong bata pa ako," sagot ni Sky at tinawag si Jerome saka ipinakilala kay Yana.
"Naku, ang ga-guwapo ninyong mga bata kayo!" Puri ng Ale kayamas lalong lumapad ang mga ngiti ni Sky.
"Magkaklase tayo, 'di ba?" tanong ni Jerome kay Taira na ngayon ay nakatayo na.
"Oo. Hi," nakipagkamay si Taira sa bagong kaklase at nagpaalam para lumapit kina Nathalie at Black.
"Magkaklase kayo ni Taira? From drag racer to nursing? Pambakla!" ani Sky.
"Walang magawa eh. Napilitan lang. Sabi ni Mommy, para magtino raw ako."
"Ulol! Kailan ka pa tumino?"
"Baka ngayon lang?" patanong na sagot ni Jerome.
"Secret lang pala ang pag-uwi mo rito sa Pilipinas. Naku, baka dumugin tayo ng fans mo!" Biro niya.
"Sus, mas marami ang fans club mo. Nag-away nga kanina ang mga kaklase ko," at ikinuwento niya kay Sky ang nangyari. Lumapad naman ang ngisi ng loko dahil sa nalaman.
"Guwapo ko talaga!" pagmamayabang niya. Lumapit sila sa sala at nakipag-usap sa mga ito.
"Jerome? Puwede bang pakibantayan mo si Taira?" mahinang pakiusap niya sa kaibigan.
"May gusto ka sa kaniya?"
"W-Wala ah." Todo tanggi ni Sky. "Bantayan mo na kasi! Kunin ko ang number mo ha." Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at nakipagpalitan ng cellphone number sa dating kaibigan.
"Kailan ang kasal ni Black?" tanong ni Jerome na ang mga mata ay kina Black at Nathalie na nag-uusap.
"Matagal pa. Mauna raw muna ako," natatawang sagot ni Sky. Lumapit si Keana sa kanila at humarap kay Sky.
"Sky? Usap muna tayo," hinila ni Keana ang pinsan palayo sa mga kaibigan.
"Ano na naman?" tanong ni Sky. Baka kasi magpapalibre na naman itong pinsan niya. Puro na lang "palibre" ang bukambibig nitong kambal.
"K-Kuwan..." napataas ang kilay niya dahil sa namumula ang mukha ni Keana.
"Ano?"
"Pahingi ng number nung kaibigan mo," sa wakas ay nasabi rin niya.
"King ina! Crush mo si Jerome?" bulalas ni Sky kaya napayuko ang pinsan.
"Huwag kang maingay! Ano ka ba!" Sabay hampas ni Keana sa braso ni Sky.
"Kung makuha mo ang number niya? Itetext mo siya? Ikaw ang maunang magtext sa kaniya?" tanong ni Sky.
"H-Hindi ah. Kunwari ay wrong send lang?"
"Luma na 'yan. Ki babae mong tao, ikaw ang nagfi-first move? Mahiya ka naman! Hintayin mong siya ang maunang hihingi ng number sa iyo!" Bigay payo ni Sky.
"Ah kasi..."
"Lagot ka, playboy din ang crush mo... Good luck sa iyo..." Pananakot ni Sky kaya nasimangot si Keana.
"Insan naman!" Reklamo niya kaya malakas na tumawa si Sky.
"Uy, si Keana, magkakalove life na!" Tukso pa nito na mas lalong ikinainis ng pinsan. "At least, may manlilibre na sa iyo." Pagod na ang bulsa nilang tatlo sa panlilibre rito sa kambal.
"May gusto ka ba talaga sa kaniya?" usisa ni Sky. Kilala niya ang kaibigan. Ang daming chicks nito sa Canada.
"N-Naramdaman ko kasi sa kaniya ang chuvachuchu..." nahihiyang sagot ni Keana.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon