12

1K 34 0
                                    




MY TRIP BUDDY ( U-Prince 2 )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited...

"Tai? Tayo na, 'di ba?" masiglang wika ni Sky nang makapasok sa tambayan nila. Pagdating niya sa classroom ay wala nang tao dahil umalis na ang mga kaklase. Wala raw silang pasok kaya dumiretso siya sa tambayan.
"Hindi ka ba talaga susuko?" wala sa mood na sagot ni Taira saka inabot ang remote na nasa center table at binuksan ang tv.
"Hindi kita susukuan. Gano'n kita kamahal," sagot ni Sky. "Basta, girlfriend na kita at may deal tayo!"
"Ganito ka ba manligaw? Paano kung hindi kita mahal? Makukuha mo lang pala ang gusto mo sa isang bait?"
"So? Basta tayo na, iyon ang mahalaga!"
"Eh paano nga kung hindi kita mahal? Unfair 'yun sa side ko!" Sagot ni Taira pero ang mga mata ay nasa tv.
"Mahal mo ako!"
"Paano mo nasabi?"
"Dahil kung hindi mo ako mahal, tatanggalin mo ang salitang "paano" sa tanong mo." Sagot ni Sky.
"Bakit ba nag kulit mo, Sky?" ilang taon din ang pagsakripisyo niya sa pagmumukha ng kababata. Wala na nga siyang ibang nakikita palagi kundi si Sky. Bago siya matulog at pagkagising niya, literal na mukha nito ang nakikita ng kaniyang mga mata. Kung puwede na nga lang na nasa bahay na nila ito titira, malamang, matagal nang lumipat si Sky.
"Dahil hindi ako titigil hanggat hindi ka naniniwala sa akin!" Determinadong sagot ni Sky.
"Alam ba ito ni Amanda?"
"Para ano? Wala na kami," sagot ni Sky at naupo sa tabi niya. Tumaas bigla ang kilay ni Sky.
"Kailan pa?"
"Wala naman talagang kami. Sexmate ko lang siya," parang balewala na sagot ng binata na ikinulo ng dugo ni Taira. Napansin ni Sky ang pag-iba ng mukha ng binata kaya inakbayan niya si Taira.
"Confused lang ako noon kaya nagka girlfriend ako ng iba. Pero ang totoo, mahal na pala talaga kita noon pa. Basta! Naiinis talaga ako kapag may kasama kang iba lalo na si Jigs noon..." parang batang wika ni Sky. "Sumalangit nawa ang kaluluwa niya..." dagdag nito.
"Tigilan mo ako! Ayoko nang makarinig ng mga gano'n!" Saway ni Taira at nilakasan ang volume ng tv. Ganito si Sky, kapag may gusto, talagang sasabihin sa kaniya at hindi rin nahihiyang aminin ang mga sikreto nito sa buhay.
"Nasaan na pala ang mga KULAY kong kapatid?" tanong ni Sky na ang tinutukoy ay sina Black and Blue.
"Malay ko... Bakit hindi pa naging kulay ang pangalan mo? Bagay sa iyo, si Green..." napipikon na sagot ni Taira.
"Oo nga noh? Paano kaya kapag manganak na sila?" napaisip na tanong ni Sky. "Siguro, ipapangalan ni Blue sa mga anak: Red, Violet, Orange." natatawang sabi ni Sky.  "Tapos kapag si Black, dahil bakla siya, Pink, Orange at Yellow ang ipapangalan niya sa mga anak nila." Ani Sky tapos tawa ng tawa sa naisip.
"Tapos kapag magsama silang lahat, ang tawag sa kanila, "The Walking Crayons!" Tumahimik si Taira. Wala siyang makitang nakakatawa sa sinabi ng kababata pero tawa ito ng tawa.
"Kapag ba magkaroon sila ng mini-series na drama, ang tawag sa kanila, 'The Crayons Family' series."
"Bakit hindi ka sumali sa kanila? Triplets kayo, 'di ba?" napipikong suhestiyon ni Taira. Nabibingi siya sa pagtawa ni Sky.
"Ayoko. Gusto ko ang mga pangalan ng babies natin, Clouds, Star, Moon o Satellite." Sagot ni Sky at napangiti na para bang nangangarap. Tumahimik si Taira. Sa pagkakatanda niya, ayaw nitong magkaanak. Nang magsawa si Sky sa pagtawa ay hinarap niya si Taira.
"Tai?" tawag niya sa dalagang nakatutok ang mga mata sa tv.
"Ano ba!" Naiinis siya dahil sa pangungulit nito. Mabuti sana kung nagsasalita lang pero kinakalabit pa si Sky sa balikat niya.
"Tai? Wala namang tao." Bulong ni Sky. "Kiss tayo..."
Napanganga si Taira. Ilang beses pa siyang pakurap-kurap dahil sa sinabi ng kababata. "Sige na... Na miss kit-- FUCK!"  Reklamo ni Sky nang dumapo ang kanang palad ni Taira sa kaliwang pisngi niya. "Problema mo, Taira?" hindi makapaniwalang tanong ni Sky habang nakahawak sa pisngi. Wala naman siyang nagawang kasalanan para sampalin ng kababata. "Damn, namingi ako sa sampal mo, ah!" Ang tainga na naman niya ang hinawakan niya.
"Wala ka na ba talagang hiya?" bulalas ni Taira at tumayo.
"Ano ba ang nakakahiya? Kung mali man ang ipagsigawan kong mahal kita, e di, mali na kung mali! Ba't ka mananampal?" kung hindi lang niya mahal ang nasa harapan, kanina pa niya ito binalibag sa pader pero si Taira 'to eh. Ang babaeng mahal niya noon pa.
"Oh, ano ang nangyayari rito?" tanong ni Jerome nang makapasok kasama sina Julie at Aron.
"Inaaway ka ba ni Sky, Taira?" galit na tanong ni Aron sa kapatid saka masamang tiningnan si Sky.
"Wala ah." Mabilis na sagot ng binata. "Minamahal ko 'yang kapatid mo!"
"Bakit namumula ang pisngi mo?" tanong ni Julie.
"Wala! Dinapuan ng malaking paru-paro na nagngangalang Palad." Sagot ni Sky saka tumayo. Badtrip na siya! Hindi talaga siya makapaniwala na sinampal siya ni Taira.
"Kapag ako ang mainis, isusumbong na talaga kita kay Tito Tyron!" Pagbabanta ni Sky sa kababata.
"Isumbong mo! Para makita mo ang lupit ng daddy ko!" Panggagatong ni Taira.
"Salamat sa idea! Isusumbong ko na talaga sa kaniya ang mga pinaggagawa natin!" Natameme si Taira. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Sky.
"Oh? Kala mo ha! Tingnan natin. Kahit balatan pa niya ako, okay lang! Kung alam ko namang sa kasalan papunta ang pagtitiis ko, walang problema. Magpapabalat ako ng buhay!" Matapang na sagot ni Sky. "Pero wala namang sampalan. Ang sakit talaga!" Reklamo niya dahil pakiramdam niya ay lumabas yata ang kaluluwa niya sa lakas ng pagkakasampal ng kababata. May gigil eh.
"Corny mo! Umalis ka na nga!" Utos ni Aron. Walang problema kung si Sky ang mahalin ng kapatid niya. Ang problema lang talaga ay nag-aalala siya sa magiging buhay ni Taira sa piling ni Sky kung sakaling sila ang magkatuluyan. Baka maaga siyang mawalan ng kapatid.
"Bahala kayo! Alis na nga ako!" Ani Sky at padabog na lumabas sa tambayan. Naisip niyang pumunta sa gym dahil magpa-practice siya ng basketball. Sa monday na pala mag-uumpisa ang U-week nila.
"ATE!" Tawag niya nang makita si Erika na sungay na lang ay masasabi niyang kampon ito ni Satanas dahil sa mukha.
"Huwag mo akong kausapin! Badtrip ako!" Sagot ni Erika. Naiinis talaga siya sa katropa ng mapapangasawa.
"Ano ang problema?" usisa ni Sky habang sinusundan ang kapatid patungo sa canteen dahil baka makapatay ito ng tao.
"Basta! Akala mo, maganda! Matitikman talaga niya ang sampal ng isang Villafuerte!" Nanginginig na sabi nito. Nilait siya ng babae at sinabihang pangit. Nabasa niya sa message ni Drei. "Dibdib lang ang maipagmalaki niya!"
"Sus, akala mo naman ang tapang mo." Panunuya ni Sky. "Sige, magsampalan daw kayo gamit ang dibdib! Panigurado, nagkakadugo na 'yang nguso mo pero ikaw, ni hindi man lang nakaganti sa kaniya kahit isang sampal lang."
"Iniinsulto mo ba ako, Sky?" tanong ni Erika. Galit na nga siya tapos ito pa ang sasabihin ng kapatid.
"Hala, hindi, Ate. Huwag mo nang dibdibin ang sinabi ko, wala ka namang dibdi--OUCH!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanan niyang pisngi.
"Isa pang sabat at pang-iinsulto, Sky!" Pagbabanta ni Erika.
"Psh! Bakit ba ang hilig ninyong manampal? Peste! Mabuti pa ang sampal ni Taira, nagkaasawa na!" Reklamo ng binata saka iniwan ang kapatid. Nagtatampo siya sa mga ito.
Maghapon silang hindi nagpapansinan ni Taira. Pag-uwi niya ng bahay ay nasa sala ang mga magulang. Nagkasabay lang silang magkapatid sa pagdating.
"Ang cute naman ng baby," nanggigigil na sabi ni Erika. "Daddy? Sino ang ama nito?"
"Oo nga, mommy. Bakit may sanggol dito?" tanong ni Sky nang madatnan nila ang batang natutulog sa crib.
"Honey, isauli na lang natin 'yan sa magulang niya o hindi kaya ay ibigay na lang natin sa bahay ampunan!" Nakasimangot na suhestiyon ng kanilang ama. Walang imik na lumapit si Blue sa sanggol na mahimbing na natutulog at hinaplos nito ang mala-anghel na pisngi.
"Tumigil ka nga, Skyler! Dito na siya..." saway ng kanilang ina.
"Ayoko talaga sa bata! Sino ang mag-aalaga niyan? Ako? Ikaw? Mag-alaga na lang tayo ng tuta kaysa sa alagaan 'yan--pero lang," mabilis na bawi ng kanilang ama nang masamang tinitigan ng asawa.
"Mom? Kanino pong baby ito?" tuwang-tuwa na tanong ni Erika habang magiliw na pinagmamasdan ang baby.
"H-Ha? Aampunin namin, kawawa naman. Iniwan sa labas ng bahay," paliwanag ni Kimberly sa mga anak.
Napabuntong hininga si Blue at hinarap ang pamilya. "Bakit hindi na lang ninyo aminin sa na ako ang kaniyang ama at anak ko siya?"
Natahimik silang lahat. Ang mga kapatid ay napanganga sa sinabi niya.
"Anak ko siya. Anak namin siya ni Avery, tama ba ako?"
"Sabi sa iyo, mali ang pagkuha natin sa batang 'yan. Isauli na lang natin sa ina niya!" Si Skyler ang unang natauhan sa sinabi ng anak.
"Hindi ako makakapayag! Dito siya sa bahay at bibigyan ko siya ng pangalan."
"Pero masisira ang career mo kapag malaman nilang may anak ka na," nag-aalalang sabat ng kaniyang ate Erika.
"Wala akong pakialam! Hindi ko siya itatago sa publiko! Tatanggapin nila ako o hindi, hinding-hindi ko ikakahiya ang kadugo ko!" Giit ni Blue. "Anak ko siya! Anak namin ng babaeng minahal ko ng sobra!"
"Anak mo siya? Kanino?" nagtatakang tanong ni Sky.
"Hindi mo siya anak. Aampunin lang talaga siya ng mommy mo," sabat ni Skyler. "Kim, isauli na natin ang batang iyan!" Pangungumbinse niya sa asawa.
"Tama na, Dad! Huwag na tayong maglokohan pa!" Napipikon na sagot ni Blue. Base sa reaksiyon ng ama ay alam niyang anak nila ito ni Avery. Noong nawala ang kasintahan, malakas na ang kutob niyang nagdadalang-tao ito. Oo, may nangyari sa kanila noon sa probinsya nina Nathalie. Kasabay nina Sky at Taira sa kabilang tent.

My Trip BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon