Last-last Chapter

2.2K 54 31
                                    

Gusto kong idedicate ang storyang ito sa mga taong walang pagod na sumusuporta kay Samantha kahit na minsan ay sobrang tagal kong mag-update! I love you guys!




------


8 years after



Sam's POV

"Welcome Baby Ericka, welcome sa mundo ng mga Kristyano!" nakangiting sabi ko sa 6 months old baby girl ko. Tumitig lang siya sa akin na para bang kinikilala kung sino ang may karga sa kanya at pagkatapos ngumiti siya sa akin. Aww... Nakilala niya na ang diyosang ina niya ang kumakarga sa kanya. Nangigigil na hinalikan ko siya. Humagikhik lang siya! Napangiti na lang ako. Ang cute talaga ng anak ko. Syempre nagmana sya sa akin noh! Bigla akong napapikit nang may sumiko sa akin. Asar! Kinarga ko nang maayos ang anak ko at inis na napatingin sa may gilid ko.

"Sam, umayos ka nga riyan." sita ng mahal kong asawa. Binelatan ko lang sya. Sinamaan lang nya ako ng tingin. "Hindi ka ba nahihiya nasa harapan ka ng pari at nasa simbahan tayo..." napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano naman ang problema nun? I'm just happy. Christian na ang baby Ericka namin. Tsk! Minsan talaga mukhang ewan 'tong si Andrew. Tumingin lang ako sa harapan ko at nakita ko ang lalaking nagpangiti at nagpaiyak sa akin.

Si Simon...

Nakangiti siya sa akin 'tapos tumingin sa anak ko. Lumapit sya sa akin at tinitigan ang anak ko. "Kamukha mo ang anak mo, Sammy..." sabi nya.

I know right!

"Pareho kaming maganda noh..." mayabang na sabi ko sa kanya. "Atsaka, anak namin 'to ni Andrew. Kaya talaga na maganda siya. Ang ganda kaya ng lahi namin." nakangiting sabi ko sa kanya sabay sulyap sa lalaking katabi ko na hindi maipinta ang mukha. Tsk! Napailing na lang ako.

Naramdaman kong inakbayan ako ng asawa ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

Asus!

Ang lalaking 'to!

Dalawang taon na kaming kasal ni Andrew. At nabiyayaan kami ng isang malusog na baby girl. Si Ericka. Kamukha ko siya and thankful ako doon. Kasi gusto kung itsura lang niya ang makuha ko at 'yung ugali niya ay maging katulad kay Andrew. Okay naman kasi ng very very slight ang ugali ni Andrew kumpara sa akin.

Napangiti ako.

Si Andrew. Sinong mag-aakala na kami pala ang magkakatuluyan?

Ang totoo niyan maraming nangyari 8 years ago. Pagkatapos ng insidenteng 'yun. Umuwi ako ng Maynila. Nagpagaling ako doon. Nawalan ako ng kontak kina Andrew at Simon. Kay tito lang ako nakakakuha ng  balita tungkol sa kanila pag bumibisita siya.  Si tito naman nasa Davao doon na assign at si Simon... Siya ang pumalit kay tito sa San Vicente.

Maayos na kami ng pamilya ko. Kinasal si Alicia at Dylan five years ago at dalawa na ang anak nila. Si Andrea at si Adrian ang bunso nila. Dumadami na ang lahi namin.

Anong ganap ko?

Well may school ako para sa mga batang mahilig sa arts. Minsan nag e-exhibit din ako. May exhibit nga ako sa New York last week eh. 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga bagay na naabot ko ngayon. Nang gumaling kasi ako sa pilay ko agad akong pumunta sa New york at nag-aral sa isang paaralan dun para ipursue ang kursong Fine Arts! May nag offer kasi sa isang school doon at full scholarship doon. Grinab ko 'yun kaya nakapagtapos ako at naging sikat na pintor.

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon