Five

5.5K 157 9
                                    

SAM



"SAMANTHA, ano naman 'yang iniisip mo?" tanong sa akin ni tito. Tumingin lang ako sa kanya at nagkibit balikat.

"Wala akong iniisip!" sagot ko sa kanya.

Tinitigan lang ako ng tito ko na parang hindi sya naniniwala sa sinagot ko. Aba't! Wala naman talaga akong iniisip! Kanina meron, pero ngayon wala na!

Savior's block!

Ito yata ang tawag dito eh! Nag-iisip kasi ako kanina kung ano ang dapat kong gawin para hindi matukso si Simon sa mga higad na 'yun pero hanggang ngayon wala akong maisip-Meron pala! Gusto ko ng ice cream!

Oh 'di ba ang galing! Ang layo ng ice cream sa pagtulong ko sa aking new found friend na si Simon.

Naramdaman kong may umupo malapit sa akin kaya tiningnan ko kung sino 'yun at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si tito. Kinuha nya 'yung notebook na nasa harapan ko at binuklat 'yun. Tsk! Tsismoso! "Bumalik ka na pala sa pag da-drawing?" tanong nya sa akin. Kumunot agad ang noo ko sa sinabi nya.

Bumalik sa pagda-drawing? Nababaliw na ba sya? Kailan ba ako tumigil sa pagda-drawing? Hindi kaya ako tumigil! Ano lang...Nagpahinga muna ako. Wala akong maisip na dapat i-drawing kaya siguro nasabi nya 'yun! Pero wait lang, paano nalaman ng paring 'to ang tungkol doon? May connection ba sila ng nanay ko?

MALAMANG!

Hindi naman siguro malalaman ng mama ko kung nasaan siya kung wala silang kontak diba?!

Tiningan ko 'yung notebook ko!

Lintek!

Hindi ko namalayan na may na-drawing pala ako doon. Ice cream! Ice cream ang nadrawing ko sa pesteng notebook na 'yun! Kinuha ko na lang 'yung notebook sa kanya. Tumayo ako at iniligay sa upuan 'yung notebook at inupuan ko 'yun. Para hindi nya na 'yun pakialaman pa. TSISMOSO!

"'To, bili tayo ng ice cream..." sabi ko sa kanya. Ahhh! Gusto ko talaga ng ice cream! Sobrang init kasi ng panahon ngayon eh! Buti na lang talaga at nakapalit na ako ng damit kung hindi, ewan ko na lang! 'Yung usual na damit ko, short at sleeveless! Ang adik kasi nung matanda 'yun eh, pinasuot sa akin 'yung sobrang taas na palda at white t-shirt. Tuloy, para akong inosente sa damit ko kanina!

"Wala akong pera!" sabi nya sabay tayo. Eh?! Sinamaan ko sya ng tingin. Walang pera? Katatapos lang kaya ng misa kaya may collections sila! Kaya ano ang pinagsasabi nya? Aish! Pari na pari nagsisinungaling sya.

"'To-

"Sam, hindi akin ang perang 'yun..."putol nya sasabihin ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Wala pa kaya akong sinasabi! "Sam sa simbahan lahat ng perang nakita mo kanina sa offering kaya kung ano man 'yang tinatakbo ng utak mo, please lang tigilan mo 'yan..." naitikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi nya. Napangiwi na lang ako. Ang harsh nun ah! Naglakad sya paalis sa akin!

Aish!

Sumandal na lang ako sa upuan...

Ice cream!

Ice cream!

Ice cream!

Gusto ko ng ice cream!

Pero hindi ako makabili ng ice cream!

Ano ang gagawin ko?

Ano ang gagawin ko?

Napanguso ako habang nilalaro 'yung buhok ko. Marami namang paraan para makabili ako ng ice cream. Pero ang tanong, may pera ba akong pambili? Wala! Walang-wala! Kahit piso wala ako! Naman oh! Jowain ko na lang kaya 'yung nagbebenta ng ice cream? Tyak ako na, ilan man ang ice cream na kainin ko, libre!

Umupo ako ng maayos.

Tama-No! Hindi tama 'yun! Ayokong maging ganun ang love story ng first boyfriend ko.

Shucks!

Ano ang gagawin ko?

Gusto ko talaga ng ice cream...

"May problema ka ba?" napagpitlag ako ng may magsalita sa gilid ko. Napatingin agad ako at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng si Simon ang nandoon... Bwisit! Nakangiti pa talaga sya?! Ano?! Tuwang-tuwa sya sa itsura ko kanina ng magulat ako? Aish! Binatukan ko sya. Tarantado eh!

Napa-aray naman agad sya at napahawak sa part ng ulo nya na binatukan ko. Bwisit! Bigla-bigla na lang kasi sumusulpot eh, 'tapos nanggugulat pa! Kaya deserve nya 'yun.

"Sabi mo?" tanong ko sa kanya. May sinabi kasi sya kanina eh. Hindi ko narinig kaya gusto kong ulitin nya!

"Sabi ko, may problema ka ba?" madiing tanong nya.

Ahhh ganun? Umiling lang ako sa kanya. Akala ko naman kung ano ang kailangan nya... Magtatanong lang pala. Atsaka wala akong ganang mag story telling sa kanya! Tinatamad akong ibuka ang bibig ko at mag-isip ng sasabihin ko!

"Ba't ang lalim ng iniisip mo?" curious na tanong nya sa akin. "Hindi mo nga napansin ang pag-upo ko dito eh..." parang disappointed na sabi nya. Kunot ang noong tumingin ako sa kanya. Tama ba ang interpretasyon ko sa sinabi nya o nagiging assuming na naman ako... Nakikipag-flirt ba sya sa akin?

Kung oo, EW! Semenarista ka 'tol! Okay na 'yung halik! Kaya 'wag na nating dagdagan pa!

Kung hindi, ASSUMERA na ako!

Maliit na bagay, pinalalaki! Sus!

Bakit ba kasi ang kulit nya? Bakit hindi na lang nya sya makuntento sa iling? Tsk! 'Yan tuloy may naiisip akong hindi maganda! Ako pa naman ang number one na assumera sa bahay na 'to!

Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa kanya. Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sa kanya diba? Sige na nga sasabihin ko na sa kanya. "Gusto ko ng ice cream..."

Ngumiti sya sa akin... Kaya ngumiti rin ako. May nafi-feel ako, ililibre nya ako? Sigurado ako doo- "Edi bumili ka..." sabi nya. Napangiwi na lang ako. Lahat ng magagandang visions ko para sa ice cream ay bigla na lang nawala! Aish! Sakalin ko kaya sya! Ba't ba napaka-kuripot nila dito!

"Wala akong pera!" mataray na sagot ko sa kanya.

"Edi, humingi ka kay fathe-

"Wala rin syang pera!" putol ko sa sasabihin nya. Ta-tanga rin 'to eh! Edi sana may ice cream na ako ngayong kinakain kung binigyan man ako ng pera ni tito! Psh! 'Di ginagamit ang utak! Bobo!

"Ahhh..." nasabi lang nya.

Tumingin ako sa kanya. May na-isip ako!

"Ikaw, pwede ba akong magpalibre sa 'yo?" nakangitig tanong ko sa kanya. Nagpa-cute pa ako.

"Hindi!" Napangiwi na lang ako. No effect 'tol! MANHID sya!

Nanlaki ang mata ko sa na-realize ko! Manhid pala sya eh! Kaya pwedeng hindi ko na sya tulungan! Bwisit! Tumayo ako at kinuha 'yung notebook na inupuan ko.

Tinitigan ko 'yun. Wala pala 'tong silbi eh! Asar!

Manhid sya! Manhid!

Nakapakagat na lang ako sa labi ko. Asar! Makaalis na nga dito! Maghahanap na lang ako ng mapagkikitaan, para makabili ng ice cream!

Piniko ko 'yung notebook at inilagay sa bulsa ng short ko! Ready to go na ako!Tumingin ako kay Simon. "Hoy! Semenarista!" sigaw ko sa kanya. Napapikit sya dahil doon. Dahan-dahan nyang dinilat ang mata nya 'tapos tumingin sya sa akin

"Bakit?" naguguluhang tanong nya. Parang natatakot nga sya sa akin. Psh! Grabe ha!

"'Pag hinanap ako ng tito ko sabihin mo, naghahanapbuhay ako!" sigaw ko sa kanya at ngumiti. Pagkatapos ay nagmartsa paalis doon! 18 na ako kaya pwedeng-pwede akong maghanap ng trabaho at mag-aplay! 'Tapos viola, magkakapera na ako

AN:


Sana magustuhan nyo po  ^___^


Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon