"SAM, IKAW BA TALAGA 'TONG TUMATAWAG?" hindi makapaniwalang tanong ng kuya ko sa kabilang linya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yun o ipagmalaki. 5 years. Limang taon ng huli akong tumawag sa kanya kaya siguro nagtataka talaga siya kung bakit ako napatawag sa kanya. Huminga na lang ako ng malalim ulit,
"Oo kuya Harry ako 'to..." malumanay na sagot ko sa kanya. Hindi agad siya sumagot siguro shock.
Sino bang hindi?!
Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako close sa mga kapatid ko. Bukod sa hindi naman talaga kami close, hindi pa kami sa iisang bubong nakatira. Sa condo kasi ako nakatira dahil nagpa-practice akong maging INDEPENDENT na tao, 'tapos sila, nagtatrabaho sa abroad.
Si kuya Edward nga lang siguro ang matatawag kong close sa mga kapatid ko dahil siya lang ang malakas na umuwi dito sa Pilipinas at tuwing napapa-trouble ako, laging siyang nandiyan para tulungan ako.
"Ba't napatawag ka Sammy?" tanong niya. Inilipat ko sa kabilang tenga 'yung telepono ko at umupo sa kama ko. Ito na... Road to being mayaman! Napangiti ako sa naisip ko!
"Kuya..." simula ko. "Kuya may kaibigan kasi ako, may problema siya---
"SAMANTHA!"
"Ahhhh!" napatili ako ng biglang bumukas ang pinto ko. Masamang tinitigan ko ang tito ko.
"Tito!" inis na sigaw ko sa kanya. Nakakadalawa na siya ha! Gusto niya ba akong mamatay sa niyerbos?!
"Sino 'yan?" seryosong tanong niya sa akin habang nakatitig sa cellphone ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa kanang kamay ko.
"Ahm si kuya..."alanganing sagot ko sa kanya. Si kuya naman talaga 'to pero bakit kinakabahan ako? Shunga lang?!
"Sinong kuya?" seryosong tanong niya 'tapos lumapit pa siya sa akin.
"Harry..." sagot ko sa kanya. Huminto siya sa paglapit sa akin at pinangnikitan ako ng mata. Tss! Tusukin ko mata niya eh!
Mabilis na kinuha niya ang cellphone ko at sinagot ang tawag ko. Napatingin ako ng masama sa kanya. Tsk! Walang manners! Tapos tsismoso pa! Inis na inirapan ko siya ng mapatingin siya sa akin at padabog na sumampa sa kama ko.
Ano naman kaya ang gagawin niya sa cellphone ko?
"Oo ako na 'to Harry..." rinig kong sabi ni tito. "Wala... Wala namang problema dito, nag-iinarte lang 'tong si Samantha.." napangiwi ako sa sinabi niya! Wow ha! Ako, nag-iinarte?! Kailan ako nag-inarte?! My Ghad! Aish! Sipain ko 'tong lalaking 'to eh! "Sige... Sige... Sabihin mo sa nanay mo na okay lang ang lahat dito..." at 'yun ang huling linyang nasabi ng tito ko dahil may biglang nagpaputok ng baril at namatay siya sa harapan ko. The end! Charot lang!
Pinatay niya ang tawag ng matapos niyang sabihin 'yun at binalik sa akin ang cellphone ko. Ngumiti ako sa kanya ng inabot niya ang cellphone ko. Buti na lang talaga hindi mind reader 'tong tito ko dahil kung mind reader pa 'to, lagot na talaga ako! Pero feeling ko naramdaman ni tito na may naisip akong hindi maganda tungkol sa kanya. Pinangnikitan ako ng mata eh!
"Sam ha..." mapanganib na tawag niya sa pangalan ko. "Sinasabi ko sa 'yo, kung ano man 'yang masama mong plano tigilan mo, makuha ka sa pananakot Samantha."dugtong na pananakot niya. Napalunok na lang ako.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
Genç Kız Edebiyatı"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam