Fifty

1.4K 36 4
                                    

No back read and edit after kung itransfer siya sa word kaya sorry for typos error. 




Sam's POV

DAHAN-dahan kong dinilat ang mata ko nang may maramdaman ako na parang may humahaplos sa legs ko. Napapikit ulit ako ng biglang sumakit ang mata ko at ulo ko sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi naman kasi maliwanag pero ang sakit ng mata ko at parang may kung anong mabaho na nabara sa ilong ko na nagpapasakit sa ulo ko. Damn!

"Hmm..." ungol ko ng ginalaw ko ang kamay ko pero hindi ko ito magawa! Anong nangyayari? Parang nakagapos ako?! Nagising ako bigla at nawala ang sakit sa ulo ko! What the! Na-Christian Grey ako?! Ay mali pala! 'Yung babae pala daw ang ilagay ko... Ano nga ulit pangalan nun... Ahh tama...Kristi! AKA Missphantomfang!

"Gising ka na pala, miss beautiful..." kinilabutan agad ako ng marinig o 'yun. That voice... It is so familiar! To the point na hindi ko pa nakikita ang mukha niya, nasusuka na ako. Kasi naman pati 'yung boses niya nakakasuka na at alam ko na grabe 'yung mukha niya! Pero kaninong boses nga 'yun?

Mulawin, ravena, bampira, alien o lobo ba ang may-ari nun? Mabilis na ginalaw ko ang binti ko nang may humawak sa legs ko.

Masamang tumingin ako dun sa hinayupak na 'yun. Biglang napawi ang pagkunot ng noo ko at naguguluhang tumingin ako sa nakita ko.

Si... Sino nga ulit ang mokong na 'to?

Mag-isip ka, Sam! Sinetch itey na pangit, mataba, pangit ulit, mataba ulit at mukhang walang gagawing matino sa buhay!

Damn!

Ito 'yung unang nakaaway ko dito sa San Vicente ah! 'Yung manyakis sa carinderia! Juan ba ang pangalan ng lalaking 'to?! Hindi ko na siya matandaan eh! Extra lang naman kasi siya! Pero anong ginagawa niya dito?

Nanlaki ang mata ko ng akma niyang hahawakan ang legs ko. Damn it!

"Ano ang gagawin mo?!" sigaw ko ng akma niyang hahawakan ang legs ko ulit. Hindi siya nakinig at nakita ko lang siyang ngumisi. Damn it! Gusto kong kumuha ng gunting at guntingin ang nguso niya! "Don't touch me! Lalo na kapag ang gagamitin mong kamay sa paghaplos sa legs ko ay 'yang magaspang mong kamay!" nanlilisik na sabi ko sa kanya. Bwisit siya! Ano, masasayang lang sa wala ang gluta, moisturizer at lotion na ginastos ko sa legs kong 'yan?! Ang gaspang pa naman ng kamay niya!

Alam ko kasi... ew... he touched me before!

Nawala ang ngisi niya at napalitan 'yun ng mapanganib na tingin.

"At talaga lang may oras ka pang manlait, baka nakalimutan mo kung ano ang sitwasyon mo?" napatingin ako sa paligid ko nang sabihin niya 'yun. Nasa isa akong kwarto na 'yung mga bintana naka sirado at nilagyan pa talaga ng mga tabla para hindi na 'yun mabuksan.. Uh-oh! Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko. Damn! Kaya pala hindi ko 'to maigalaw kasi nakatali 'yun at damn, walang lakas 'yung mga kamay ko. 'Yung tipong inunan mo 'yung kamay mo kaya paggising mo parang lantang gulay...

Bwisit!

Ano ba ang nangyari sa akin at naging ganito ang sitwasyon ko?

Isip.... Mag-isip ka ng flashback Samantha!

Patay!

Nasa panganib yata ako!

Wala akong magawang flashback pero ang natatandaan ko, umiinom ako sa isang bar. Pagkatapos, lumabas ako sa bar kasi pinagkaguluhan ako ng mga boys kasi sobrang ganda at hot ko 'tapos nun... May tumakip sa bibig ko at si... Damn!

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon