Forty-four

2.1K 65 16
                                    


Andrew's POV




"BAKIT ANG DILIM?" sabay na tanong naming tatlo. Kakauwi lang naming sa perya, nanood pa kasi kami ng fireworks at kumain na din kami ng dinner dun sa may barbequehan kaya gabi na nang makauwi na kami. Napatingin ako sa kasama ko. Nakatingala lang din sila sa bahay. Tsk! Ang dilim kasi ng bahay ni father. Impossible namang brown out dahil may ilaw naman sa kabilang bahay. So ano, naputulan kami? Eh, kakabayad ko lang kahapon ah! Naman oh! Humanda sa akin 'yang Meralco! Kailangan ko pang gawin 'yung pinapa-research sa akin nung prof ko noon! Kainis! Inuuna ko kasi ang lakwatsa kaya eto, namomroblema ako!

"Baka may surprise si tito...." Rinig kong sabi ni Sam. Tumingin ako sa kanya. Surprise?

"Wala namang birthday eh... " sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin 'tapos tinaasan ako ng kilay. "Katatapos lang sa 'yo, ano 'to, uulitin 'yung birthday mo, artista ka?! Artista ka?!" inis na tanong ko sa kanya. Asar! Nakakainis naman talaga! Ang dalawang 'to, kanina pa ako, inaasar! 'Tapos pag-uwi ko, ganito pa?! Asar talaga! Wala bang pwedeng pang good vibes?!

"Baka wala pa si father..." sabi ni Simon. Sa kanya naman ako tumingin. Nasa gitna kasi ako ng dalawa, nasa kanan ko si kuya sa kaliwa naman si Samantha. Tsk! He's wrong!

"Wala siyang misa ngayon kuya kaya impossibleng wala siya sa bahay ngayon..." sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi. Ako kaya ang nagsusulat ng schedule niya sa misa kaya alam ko kung saan siya pumupunta o 'di kaya kung magmimisa ba siya o hindi! Kaninang umaga, oo meron siyang misa pero ngayon, wala na!

"Hoy, Andrew ah, nahahalata ko, ba't ang init mo yata ngayon, galit ka pa rin ba kasi inasar-asar ka namin kanina!" sita sa akin ni Sam. Tsk!

"Pansin ko nga Andrew..." segunda naman ni Simon!

Aish!!!! Ganun? May ganun? Pinagtutulungan nila ako? Asar! Hindi naman ako asar ah... Tsk! Sabihin ko na lang kaya sa kanila ang problema ko? Sige na nga! Huminga muna ako ng malalim at....

"Kasi—

"Samantha!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may biglang sumigaw ng malakas sa may likuran namin. Asar! Epal! Lumingon 'yung dalawa dun sa sumigaw pero ako, hindi! Epal! Epal! Epal! Nakakainis ang epal na bagong dating! Someone kill that epal!

"Tito!"

"Father!"

Sabay na sigaw nilang dalawa. Natigilan ako. Joke lang 'yung sinabi ko kanina! I-erase na natin 'yun.... Pero...Kumunot naman ang noo ko. Si father Ismael? Nasa labas? May misa siya ngayon, ba't hindi ko alam? Lumingon ako dahil naramdaman ko na nasa tabi ko na siya. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil nakita ko siyang hingal na hingal 'tapos naka-short lang siya na pang bahay at naka-sando at yakap-yakap niya ang pamangkin niya. Okay... Napatingin ako sa gilid ko, may mga pulis. Dalawang pulis! Kasama niya ba 'to?

"'To, anong nangyayari sa 'yo..." gulat na tanong ni Sam kay father. Nakakapanibago din kasi si Father. Nakakapanibago na nakakaba at nakakatakot!

Hindi sinagot ni father ang tanong ni Sam imbes ay tiningnan niya ang pamangkin niya na may pag-aalala ang expression sa mukha. Okay, anong nangyayari? Kinakabahan na din ako sa kinikilos ni father ah!

"May nangyari bang masama sa 'yo? May nanakit ba sa 'yo?! Sam, sagutin mo ako?!" tarantang tanong niya.

Umiling lang si Sam at yinakap siya ni father ulit. Huminga naman si father ng malalim na parang okay na siya. "Thank God..." rinig kong sabi ni father.

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon