Sam's POV
MAY mga tao talagang hindi mo maintindihan kung bakit bigla na lang nagagalit sa 'yo, wala ka namang ginagawang masama sa kanila infact concern ka pa nga sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako. This day really sucks! Alam niyo 'yun, concern kayo sa kaibigan niyo 'tapos para siyang sira, bigla na lang naninigaw. Hay... Perks of being a seminarian?
Tsk!
I just rolled my eyes at lumapit sa tindahan na nasa labas ng bahay-ampunan. Hindi ako bibili, tatambay lang. Jusko! Ang init na nga, 'tapos eto pa... Ang sarap bumili ng sobrang lamig na softdrinks kaso wala akong cash na dala, alangan naman gamitin ko 'yung card ko? Ano tanga lang?!
"Hay, buhay..." at huminga ako ng malalim. Pumunta kaya ako kay Andrew baka may malamig na soft drinks sila. Tama! Tumayo ako sa pagkakaupo at ready n asana akong maglakad papunta kung nasaan si Andrew ng makita ko ang sasakyan ni Alicia...
Mabilis na tumaas ang kilay ko. "Ano ang ginagawa ng kotse niya dito?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Akala ko ba mamaya pa siya. Minsan nakakabwisit rin 'tong babaeng 'to! Hindi maayos kausap! Bigwasan ko kaya siya pagkababa niya? Tama!
Nagmamadaling pumunta ako sa kotse niya at ng bumukas 'yung pintuan sa likuran niya agad na pinuntahan ko 'yun-Dun kasi ang paboritong upuan ni Alicia. Hinanda ko ang kamao ko nang makita ko ang lumabas dun... Naiwan sa ire ang kamao ko.
Nagulat kasi ako sa nakita ko. Fuck! Hindi si Alicia 'to! Si... Anong ginagawa ng gungong na 'to rito?!
"Sammy..." masayang bati niya sa akin. WOW LANG!
Sammy?
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Mabilis na hinawakan ko ang batok niya gamit ang kaliwang kamay ko at sinutok ko siya ng maraming beses gamit ang kanang kamay ko. "How dare you! Wala kang karapatang tawagin ako sa palayaw na 'yun, you bastard!" at hinampas ko ang ulo niya sa pintuan ng sasakyan.
Bwisit! Bwisit! BWISIT!
"Samantha!" sigaw ni Alicia. Lumapit siya sa amin. Tinulak niya ako at dinaluhan ang taong binugbog ko. "Ayos ka lang, babe?" tanong niya. Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Alicia. Babe? Wow! Ang kapal din ng babaeng 'to?! Tumingin ng masama sa akin si Alicia. Tinaasan ko lang din siya ng kilay. Ano makikipagsuntukan siya sa akin? Handa siyang magkapasa ang mukha niyang alaga ni Dra. Belo?
"Bakit mo binugbog si Dylan?!" sigaw niya sa akin. Tumayo siya at tinulak ako. Dun ko lang namalayan na may mga tao pala sa paligid namin. Mga kasama nila. Pero damn... Tinulak ako ng babaeng 'to??! Ang babaeng parang hindi nanganak dahil sa sobrang payat!
"Hindi naman sana siya ang susuntukin ko..." matapang na sagot ko. Totoo naman eh! Siya ang susuntukin at 'yun naman talaga ang plano ko, kaso iba ang lumabas eh, kaya I changed my mind. I WANT TO KILL HIM! Tumingin ako kay Dylan na pilit na tumatayo habang sapo ang tiyan niya. Buti nga sa 'yo gago!
Tumingin ako kay Alicia. Hindi pa kami 'tapos! "Ikaw sana Alicia... Ikaw sana ang susuntukin ko pero ng makita ko ang gagong 'to!" madiin na saad ko sabay turo kay Dylan na ngayon ay nakatayo na at hindi makatingin sa akin. "Gusto kong patayin siya..." May napagtanto ako sa sinabi ko. Mali... Tinitigan ko siya, 'yung titig na magpapatakot sa buong kalamnan niya at maramdaman ng taong nakapaligid sa amin. "I want to kill the both of you..." mapanganib na sabi ko. "Really, Alicia... Alam mo naman ang ginawa ng lalaking 'yan sa akin diba? 'Tapos ngayon... Dinala mo pala talaga siya rito na alam mo narito ako..." may diin ang mga salitang binibitawan ko.
Nakita kong napalunok si Alicia at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Alam ko ang ginawa niya...." Sabi niya sa mahinang boses. Binaba niya ang tingin niya. "Pero..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam