Last Chapter

2K 44 5
                                    

Kristi: This is the last chapter guys. Please enjoy reading. ^__^

Sam's POV

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

"Ahhhhhhhhhhhhhh!" inis na napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sinabi ni Simon! "What the hell?! Bakit hindi ako pinapatulog ng mga salitang 'yun?! Damn it! Paano ako gagaling kung magpupuyat ako?! Atsaka, 'yung smooth skin ko, baka maapektuhan sa pagpupuyat ko! Tsk!" inis na sabi ko at sinipa ko 'yung unan na nasa gilid ko-syempre 'yung ginamit ko 'yung walang pilay baka mas lumala pa ang pilay ko. Hindi ko rin hinulog ang unan kasi ako rin naman ang pupulot nun eh kung mahuhulog man 'yun! Ano ha-haselin ko pa ang sarili ko?! Shunga lang!

Bwisit naman oh!

Hindi ako pinapatulog nung sinabi ni Simon! Bakit ba?! Hindi ako mapakali!

Nakakainis!

Atsaka, sabi naman ni Simon, alam na niya ang gagawin niya-and hell! Ano ba ang gagawin niya?! Tutuloy ba siya sa pagpapari o hindi?! Bwisit! Bakit ko ba prinoproblema 'yun?! Ano bang pakialam ko roon?! May komisyon ba akong makukuha kung magpapari si Simon?! Ano manager niya ako?! Humiga na lang ulit ako sa kama ko! Matutulog na lang ulit ako!

Pinikit ko ang mata ko at nag-imagine ng maraming sheep at nagsimulang magbilang pero imbes na 'yun ang ma-imagine ko puro mga salitang....

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

'Ayoko ng maging pari.'

"Asar!" sigaw ko ulit at dinilat ang mga mata ko! "What the hell is wrong with me?!" frustrated na tanong ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim.

Okay, Sam. Relax my friend! Ano naman ngayon kung hindi maging pari si Simon? Ano ngang magiging effect 'yun sa 'yo? Sa buhay mo? Wala naman diba?! Wala naman-Fuck!

Napatingala ako sa kisame ng kwarto ko.

Actually, hindi ko alam ang maramdaman ko! Nakagat ko ang labi ko. This is just unacceptable! Sabi niya magpapari siya! Bakit ngayon nagbago?! I mean dapat kung sa chess kumbaga touch move na! Kapag nakapagdesisyon ka na i-move 'yung pawn dapat hindi na baguhin pa, kaya bakit niya binago ang desisyon niya?!

Nakakainis siya!

Ano pinapaasa niya ako?! At bakit naman napasok sa utak ko na pinapaasa niya ako?! May kami ba?! Shunga ka na Samantha! Syempre meron kayo-kayong mga babaeng mahihilig sa gwapo! Tanggap ko naman na magiging pari siya eh kahit hindi acceptable! Ang gwapo niya kaya! Kaunti na lang ang bilang ng mga lalaking gwapo tapos.... Aish! Sayang ang lahi niya kung nagkataon!

"Sally, help me." mahinang usal ko sabay kuha noong unan ko at yinakap 'yun ng mahigpit. Napapikit ako at mabilis na dinilat ang mata ko 'tapos kinanta ang lagi naming kinakanta.

Nang mainlove ako sa 'yo

Kala ko'y pag-ibig mo ay tunay

Pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon