Thirty-two

2.3K 62 5
                                    



SAM's POV



"SAM..." halos mabulunan ako ng kinakain ng marinig ko ang boses ng tito ko sa may likuran ko. Kumakain kasi ako ng pagkain dahil peste gutum na gutom na ako! Hindi ko alam kung ilang oras ako nasa kwarto at gumagawa nung pinapagawa ng boss ko 'tapos nakatulog pa ako. Nagising na lang ako dahil nagwawala na ang alaga kong ahas sa tiyan ko!

Kapag, hindi talaga kinuha ng boss 'yung drinawing ko, hindi na ako mag re-renew sa kanila! Bahala sila sa buhay nila!

Linunon ko muna 'yung nasa bibig ko at uminom ng tubig 'tapos liningon ko si tito. Naitaas ko pa ang isang kilay ko ng makita ko ang tito ko na titig na titig sa akin. Oh.... Ano ang ginawa ko? Wala naman akong ginawang masama ngayong araw? Kaya bakit ganito siya nakatingin sa akin? Omo! Nanlaki ang mata ko! Nasaksak ko ba si Simon ng natutulog ako? Lintek! Pero hindi naman ako nag s-sleep walking and ..talking?! "Bakit?" kinakabahan kong tanong. Hindi siya sumagot imbes, lumapit siya sa akin 'tapos umupo sa may upuan na nasa tabi ko. Nang makaupo siya sa at tumitig ulit siya sa akin. Ehh! Ano ba talaga ang ginawa ko? Wala naman diba? Well, meron pala, 'yung kay Carla! Pero naman, hindi nila alam ang ginawa ko, kasi kinat ko 'yung part na torture scene! Kaya impossible niyang malaman 'yun! Kaya ano ang ginawa ko? Kinakabahan kasi ako sa tito ko! Kung makatitig parang killer ako!

Naman oh!

I never killed someone! Well, I bullied a lot of people before but hindi naman umabot sa masamang kalagayan. 'Yung tipong, magpapakamatay sila dahil sa mga mean things na sinabi ko sa kanila o di kaya naman ginawa. Atsaka impossible naman din niya 'yung malaman! Duh! Wala na nga akong contact sa mga 'yun! Siya pa kaya!

Huminga lang ng malaming si tito 'tapos may binigay sa aking apel. Kunot ang noong inabot ko 'yun. Love letter? Kanino galing? Napalabi ako. Kay Simon ba?

Excited na binuksan ko ang sulat ko at ganun na lang ang pagkadismaya ko kung mabasa ko kung ano 'yun. Tsk! Hindi love letter! Invitation letter galing sa Singapore? Asar naman oh! Para saan naman kaya 'to? Tinuloy ko ang pagbabasa. Sinasabi sa letter ko, iniimbitihan ako na maging isang judge sa isang competition.---painting competition! Binasa ko kung saan sa Singapore ihe-held at sino ang may pasimuno ng pagpapaasa sa akin?

"Asar!" inis na sigaw ko sabay hampas nung papel sa mesa.

Lintek! Ang sakit ng kamay ko pero hindi ko pinahalata na masakit! Nakakahiya kaya! Hindi kasi nag-iisip eh! Hindi ko inalis ang kamay ko dun! Ang sakit pa eh!

Pero... Napatingin ako sa papel na nasa mesa.

Ang hinayupak na sinalihan kong competition noon! Actually, wala akong balak na sumali noon sa competition nila pero nagkaroon ako ng....basta sumali ako nun dahil naengganyo ako sa premyo! Ang laki kasi! Pero pagkatapos nun, nainis ako sa kanila! Inutusan kasi nila ako na gumawa pa daw ng maraming painting dahil mag o-organize daw sila ng exhibit at 'yung painting kong nagpanalo sa akin sa competition na 'yun, ini-auction nila! Kaya naging instant sikat ako nun eh at mayaman!

"So you are a professional painter..." sabi ng tito ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Ahm... Ako ba ang sinabihan niya? Huminga siya ng malalim 'tapos ay tumingin sa mesa. "'Tapos you are a graphic artist..." mapaklang ngumiti ang tito ko at tumingin sa akin. "Ano pa ang hindi ko alam sa 'yo..." malungkot na sabi niya. Napatulala ako sa sinabi niya. Ahm! Hindi ako ready! Pwedeng kumanta ng bahay kubo?

One two three sing!

~Bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari! Singkamas at talong! Bataw ,sitaw at patani! undol patola, basta bahay-kubo!~

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon