Sam's POV
Years Ago
ILANG taon na ba ang lumipas? Apat? Lima? Hindi ko na alam. Kasi bakit ko aalalamin kung ilang taon na ng mangyari 'yun? Ano mag ce-celebrate ako ng anniversary sa pagkatanga ko?! No way!
Nasaktan lang ako hindi ako baliw! At lalong hindi ako masokista! Life goes on dapat ang peg ko!
"Miss Guevara..." napalingon ako ng may tumawag sa apelyido ko. Masyadong makapal ang accent niya para sa isang Amerikano. At tama nga ako. Isa siyang Italyano! Tinuro niya ang camera niya na para bang sinasabi niya na gusto niyang kumuha ng litrato ko.
Tumango lang ako.
Nag picture taking kaming dalawa.
"I love your works." Sabi niya pagkatapos ng picture taking namin. "Especially the... painting ... will be auctioned tonight..." nahirapan akong intindihin ang sinabi niya dahil kinakain niya ang mga salitang sinasabi niya.
Tumango na lang ako. Ayokong maging rude!
"Thank you..." sabi ko. Ugh! Bakit nate-tense ako! Kasi ba dahil mukhang manyak ang isang to at hindi ko siya pwedeng sapakin kahit kating-kati na ako dahil baka ma headline ako! At mapasama pa ang career ko?! Asar!
"I'm Alberto by the way..." sabi niya sabay lahad ng kamay niya. Kahit na ayokong tanggapin, ginawa ko pa rin.
"Hi Alberto." Nakangiting sabi ko sakanya. Naramdaman kong pinisil niya ng mariin ang kamay kong hawak niya. Ugh again! Bwisit... Handshake lang friend! Pwede ba! Shit! Gusto kong umalis dito! Gusto ko na talagang umalis.
Nasaan ba kasi ang manager slash organizer ng exhibit ko?! Siya dapat ang narito eh!
Oo nasa exhibit ako. At exhibit ko 'yun. Nasa New York kasi ako ngayon. Dito kasi ginanap ang exhibit ko. Sikat ako eh! Lalo na rito sa America! Actually dito na ako nakatira after kung gumaling sa pilay ko. Nag-aral rin ako dito!
"Ahm..." binawi ko ang kamay ko kay Alberto. "I have to go. I need to find Betty... My manager." Sabi ko sabay alis. Hindi ko na siya hinintay na tumango basta umalis na lang ako.
Ayoko talaga nito! I mean gusto ko ng exhibit kaso ayoko 'yung tinatanong nila ako about sa painting ko kasi ang totoo... Hindi ko alam ang title ng mga painting ko.
Basta binibigay ko na lang kay Betty ang gawa ko tapos ini-story ko sa kanya kung ano ang inspirasyon ko sa paggawa nun at viola siya na ang gagawa ng title or caption! Hindi kasi talaga ako magaling sa ganun! Noon pa man hanggang ngayon! Si Sally kasi ang gumagawa ng bagay na 'yun noon eh.
Huminga na lang ako ng malalim.
Imbes na pumunta doon sa function hall ng hotel, sa may exit ako dumiretso.
Aalis na lang ako. Uuwi na ako.
Sold na rin lahat ng painting ko eh. Kaso gusto ko ring malaman kong sino ang nakabili noong paborito kong gawa para sa exhibit na to!
Nakakainis naman!
Bakit ba ang komplikado ko!
Aish!
Kaya imbes na pumunta doon sa may exit door. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa daanang dinaanan ko kanina at naglakad pagbalik.
Shit!
Nakalimutan ko.
Huminto ako. At tinitigan muna ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng black dress na hindi naman masyadong seksi. Sleeveless siya na above two inches above the knee atsaka kita ang beautiful likod ko. Naka-messy ponytail ang buhok ko pero may mga baby bangs sa mukha. Inayos ko ang buhok ko tapos yung damit ko at pinagpagan ko ang sapatos na suot ko.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam