Forty-five

1.9K 57 14
                                    


Sam's POV


HINDI KO ALAM ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot na na-e-exccite! Bata pa lang kasi ako pangarap kong maging power ranger! Power ranger pink to be exact! Gusto ko kasing puksain ang masasamang tao at maging superhero! Last last week, nagawa ko na siya! May napuksa akong masasamang tao 'yun nga lang binabalikan nila ako ngayon! And damn! Hindi ako natutuwa kasi wala naman akong phone na katulad na ginagamit ng power ranger tuwing nagtatransfor sila eh at wala rin akong powers! Asar!

Napatagilid na lang ako ng higa at yinakap ng mahigpit ang unan ko. I'm scared! Gusto kong umuwi! Magtago sa Maynila, lalo na sa bahay ng magulang ko! Doon kasi safe ako doon! Try lang nilang pumasok sa subdivision namin, patay sila! Kapitbahay pa naman sila Pacquiao! Yeah! Sa Forbes kami nakatira!--- I mean ang mga magulang ko.

Pero kapag umuwi ako, paano kong sila tito, Simon at Andrew ang balikan? Hindi ko alam ang gagawin ko! Oo, inaamin ko hindi ko kapamilya ang dalawang 'yun kaya dapat hindi ko na pinoproblema sila pero kasi lang napalapit na sila sa akin kaya ayoko na may masamang mangyari sa kanila at ako pa ang magiging dahilan!

"Bwisit!" inis na sabi ko. Nakakainis ang sitwasyon ko!

"Grabe, Sam! Diba dapat kapag bagong gising nagdadasal hindi nagmumura?" mabilis na napatayo ako ng marinig kong may magsalita sa likuran ko! Nakita ko si kuya Edward. Shit! Anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong ko sa kanya. Don't tell me, sinabi ni kuya Harry sa kanya 'tapos papauwiin na rin niya ako tulad ni tito! Pero nagkausap na kami ni tito ng masinsinan nun ah!

Hindi niya sinagot ang tanong ko imbes ay umupo siya sa gilid ng kama ko. "Sam, diba may utang ka sa akin?" tanong niya sa akin. Naitaas ko ang isang kilay ko. Oo, may utang ako sa kanya. Ang utang na tinutuloy niya kasi ay 'yung mga panahon na nililigtas niya ako tuwing nato-trouble ako! 'Yung tipong nakukulong ako at siya 'yung pumapiyansa! "Gusto ko ng maningil." Madiin na sabi niya at tumingin sa akin 'tapos ngumiti.

Pinangnikitan ko siya ng mata. "Ayokong umuwi!" sigaw ko sa kanya at tinapon ko sa kanya 'yung unan na yinayakap ko kanina. Sinalo lang ng lalaking 'yun ang unan ko.

Tiningnan niya 'yung unan ko. "Seriously, Sam?! Power ranger?!" tumatawang tanong niya sa akin. "Hindi ka pa naka-move-on sa mga taong mascot na 'to!" lumapit ako sa kanya at sinapak siya.

"Umalis ka dito!" inis na sigaw ko sa kanya. Bwisit siya! Tumawa lang siya.

I told you, I love power ranger at walang pwedeng mangokray sa kanila lalo na sa harapan ko. Biglang nagseryoso ang kuya ko at tinitigan ako.

"Sam, what's your plan now?" seryosong tanong niya. Huminga na lang ako ng malalim. Sinabi nga ni kuya Harry sa kanya.

"Kuya, wala talaga akong plano. I just don't want to leave here..." honest na sagot ko sa kanya. Wala naman akong rason para magsinungaling sa kanya.

"Really Sam?" hindi naniniwalang tanong niya. Huminga na lang siya ng malalim at tumingin sa akin. Tinap niya ang ulo ko at hinaplos ang buhok ko. "Napamahal na talaga sa 'yo ang mga mokong na 'yun." Kumunot naman ang noo ko.

"Ano ba 'yang sinasabi mo kuya?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan! Atsaka, ano ba talaga ang sadya niya dito?!

"Sam, hindi mo siguro napapansin pero kapag nagugustuhan mo ang isang tao, napaka-clingy mo sa kaniya." Sabi niya. Ano daw?! Ako clingy?! Goodness! Mabilis na tinapik ko ang kamay niya.

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon