SIMON's POV
NAPAKUNOT ANG NOO KO ng pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ko nakita ko si Sam sa may mahabang sofa at nakaupo doon na parang wala sa sarili. Nakatingin lang siya sa may kisame.
Pabagsak na nilakad ko ang isang paa ko para sana maramdaman niyang may tao kaso hindi umobra. Hindi lang niya 'yun pinansin-o 'di kaya hindi din niya talaga narinig.
Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Sam..." tawag ko sa kanya. Hindi ulit siya natinag. Lumapit ako sa kanya. Nang nasa may harapan niya ako bigla siya nag-angat ng mukha sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya. Ala-una na kasi ng umaga and hindi pa siya natutulog. Siguro hindi pa siya makaget-over sa birthday celebration niya. Alas onse kasi natapos ang celebration namin eh at masaya kami at sigurado ako, pagod na siya kaya bakit hindi pa siya natutulog?
"Simon..." tawag niya sa akin. Umupo ako sa may tabi niya.
"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Pagiging tanga mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at manghang tumingin sa kanya.
"Bakit mo naman pinoproblema ang pagiging tanga ko?" manghang tanong ko sa kanya habang pilit na nilalabanan ang pagtawa ko sa kanya. Sometimes, nakakamangha talaga din ang isang 'to.
"Tingin mo ba talaga hindi ako natulog?" pagod na pagod na tanong niya. I think, inaantok pa 'to. "Natulog ako kaso nagising ako at hindi na ulit makatulog." Sabi niya sabay taas ng dalawang binti niya may sofa at inilagay ang ulo niya ang baba niya sa may tuhod niya."Bakit?" curious kong tanong ko sa kanya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"Lagi kasi kitang naiisip." Nakangiting sabi niya sabay tawa. Napatulala ako sa sinabi niya. Halong gulat ang nararamdaman ko at... Bigla siyang nagseryoso. "Actually kayong dalawa ni Andrew." Seryosong sabi niya. "Andrew asked me before kong gusto ba kita, at ngayon nasagot ko, oo. Oo gusto kita." Napalunok ako at hindi makahinga sa sinabi niya.
GOD HELP ME! Hindi ko alam ang gagawin ko sa pangyayaring 'to! Ito 'yung unang beses na may nag-confess sa akin at hindi basta-basta lang ang taong nag co-confess sa akin ngayon! She is Samantha! Pamangkin ni father Ismael!
"Pero ngayon naguguluhan ako, Simon. Nanaginip kasi ako, at ang panaginip ko, nag ka people power revolution daw ulit dahil hindi nanalo si Duterte kaya nagkagulo ang buong bansa. Sumali ako, ikaw, si Andrew at si tito sa people revolution 'tapos binombahan tayo ng mga militar. Nakaligtas ka, ako at si tito pwera kay Andrew pero sinabi mo, iwan natin siya kaya sinapak kita..." mahabang salaysay niya sa panaginip niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at napatawa ng mahina. Buti na lang siya si Samantha. Pero di nga, seryoso? People power dahil hindi nanalo si Duterte? Napatawa na lang ako ng mahina sa sinabi niya. "Ang totoo niyan, naisip ko lang..." bigla siyang tumingin sa akin. "Gusto ba talaga kita?" seryosong tanong niya na napatitig sa akin sa mukha niya. Puno ng kuryusudad ang mukha niya. 'Yung tipong mamatay siya kapag hindi niya malaman ang sagot s atanong niya. Bigla niyang binalik ang baba niya sa may tuhod niya kaya ako naman ay tumingin sa may dining table. Hindi ba, namamanhid ang paa niya sa posisyon niya? "Kasi kong gusto kita, bakit nagalit ako sa panaginip ko ng sabihin mong iwan na'tin si Andrew kaya tinulak kita at namatay ka 'tapos sinagip ko si Andrew..." mahinang tanong niya.
Napapikit na lang ako at huminga ng malalim.
"Sam..." tawag ko sa kanya. "Baka si Andrew talaga ang gusto—" napatigil ako sa pagsasalita ng tiningnan ko si Sam ay nakahiga na siya sa sofa na para bang fetus. Napailing na lang ako. Tulog na siya! Tumayo ako at inayos ang pagkakahiga niya. Napupo ako sa sahig para maayos ang buhok niyang nagkalat sa mukha niya.
"Hmm..." rinig kong sabi niya habang natutulog. Napangiti na lang ako at tumayo. Yumuko ako kinarga ko siya. Baka mahulog pa kasi siya sa sofa eh. Atsaka, mas comfortable sa kama kaysa rito baka sumakit lang ang leeg niya.
"Ang bigat mo, Sam..." mahina kong sabi ng makarga ko siya. Inilagay ko ang isang dalawang kamay niya leeg ko para hindi siya mahulog. Naglakad na ako papunta sa kwarto niya at habang papunta dun hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya. Napangiti na lang ako. She's pretty. No doubt it! Nang nasa may tapat na ako ng kwarto niya ay binuksan ko 'yun at pinasok siya. Inilagay ko siya kama niya at kinumutan.
Napatingin ulit ako kay sam na mahimbing na natutulog sa kama niya. "Sam, Masaya ako na makilala ka..." mahinang sabi ko sabay alis sa kwarto niya.
SAM's POV
DAHAN-dahan kong dinilat ang mata ko ng mag-ring ang phone ko. Inis na sinipa ko ang kumot ko na ewan kong bakit nakakumot ako. Hindi naman ako nagkukumot kapag natutulog eh! Ano kaya ang nakain ko?! Pikit ang matang hinanap ko ang cellphone ko at ng mahanap ko 'yun ay sinagot ko. "Hello..." nakapikit na sagot ko. Dahang-dahang bumangon ako sa kama at inayos ang sarili ko.
"Sam..." naidilat ko ang mata ko ng makilala ko ang boses na 'yun. Damn! Siya na naman?!
"Ano, may ire-request ka na naman?!" inis na tanong ko sa kanya.Siya kasi 'yung pesteng kaibihan kong request ng request sa akin ng nude painting!
"Hindi, ano kasi 'yung painting na pinapagawa ko na pinadala mo, hindi na daw nila isasali sa collection mo..." napakunot ang noo ko. Ang tinutukoy niyang painting, ay 'yung ginagawa ko, 'yung kaming dalawa ni Andrew. Tinapos ko kasi siya kahit na alanganin 'tapos ano daw, hindi nila kukunin?! Ipapatay ko kaya sila kay daddy Duterte? Magiging president na kaya 'yun ng bansa na tin? 'Tapos isusumbong ko siya sa baby loves ko na si Sandro Marcos! Oh my God! Ang gwapo niya! Pero, back to reality.
"Bakit?" inis na tanong ko sa kanya.
"Kasi parang napilit yata kita na gawin 'yun kaya rumeflect sa ginawa mo...And It's not so you..." napatulala ako sa sinabi niya. "Sam..." tawag niya sa akin. Iniabsorb kasi ng utak ko ang sinasabi niya eh at isa lang ang na-realize ko.
"Sinasabi mo ba Lyka na pangit ang gawa ko?" tanong ko sa kanya.
"What?! No!" defensive na sagiot niya. "Walang tulak kabigin sa mga ginawa mo Sam it's just.... It's not so—
"Shut up!" inis na sigaw ko sabay off ng cellphone ko. It's not so you? Pampapalit lang 'yun sa salitang pangit! Bwisit! Bwisit! Bwisit! "Lunukin niyo ang mga sarili niyo! Mga hayop kayo!" inis na sigaw ko.
-------
Andrew's POV
"ANDREW anong nangyayari sa pamangkin ko?" tumingin lang ako kay father ng tanungin niya sa akin 'yun.
Nagkibit balikat lang ako sa kanya 'tapos tumingin ulit kay Sam. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta para siyang natalo sa pagka-presidente sa inaasta niya ngayon! At nakakabahala ah! Hindi naman siya ganiyang kagabi! Ang saya niyan eh pero ngayon... ewan!
"Samantha!" tawag ni father sa kanya. Tumingin lang sa kanya si Sam.
"Hmmm." Sabi nito
"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ni father sa kanya.
Tumayo sa pagkakaupo si Sam at lumapit sa tito niya. Nagulat ako ng bigla siyang yumakap kay father. INCEST! Narinig ko ang paghikbi ni Sam kaya napatitig ako sa ulo niya. Nakasubsob kasi ang mukha niya sa dibdib ni father eh.
"'To sabi ni Lyka, pangit daw ang mga painting ko..." umiiyak na sabi niya. Tumingin sa akin si Sam at lumipat ng yakap sa akin. "Andrew, sabi niya wala daw akong future..." umiiyak na sabi niya. Napatingin muna ako kay father na walang ka-emosyong-emosyong nakatingin sa akin. Napalunok na lang muna ako at yumuko 'tapos hinaplos ang buhok ni Sam.
"Hindi totoo 'yun, Sam..." sabi ko na lang sa kanya. Marami akong gustong sabihin pero kapag naalala ko na nasa tabi ko lang si father at tinitingnan niya ako, hindi ko kayang sabihin ang nasa utak ko! Napapalunok na lang ako. Damn!
AN: Enjoy reading everyone! Malapit na ang final exam namin sa summer.... Whooo! Fourth year na ako! Yay! And hello research at hi thesis, okay bye! Ahhh! Good luck to myself!! Sana matapos ko na 'to bago magsimula ang first sem. kasi busy-busyhan na naman ako niyan! Again, enjoy reading everyone
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
Chick-Lit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam