Forty-six

1.6K 47 3
                                    


Sam's POV

"HOY, Andrew ayusin mo 'yang paghuhugas ah." Nakangisi kong utos sa kanya. Tumingin lang siya sa akin ng masama pero hindi siya nagsalita. Malamang! Takot lang niya sa akin noh! Tumalikod ako sa kanya at ngumiti ng sobrang tamis sa sarili ko!

Sarap mag status sa FB ng:

HashtagFeelingEvil!

HAHAHAHAHA!

Alam kung masama manamantala pero paminsan-minsan lang naman eh. May favour kasing hiningi sa akin si Andrew at 'yun ay gumawa ng mural sa pader ng isang orpahanage sa may kabilang bayan at kung may time pa pwede ba daw magface painting sa mga batang nandun.

Hihindi sana ako kasi kapagod 'yun pero biglang nagliwanag ang mundo ko ng sinabi niya na gagawin daw nya lahat ng gusto ko kaya ayun umu-oo ako! HAHAHAHAHA! KAya ngayon isa akong reyna! I'm the queen of the world!

Tumikhim ako at lumingon sa kanya. "Pagkatapos mo diyan paki plantsa naman ng mga damit—aray!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may bigla na lang humila ng buhok ko at may pumingot sa tenga ko.

"Sumusobra ka na Samantha!" inis na sabi ng tito ko na bigla na lang sumulpot! Binitawan niya ang tenga ko at sinamaan ako ng tingin. "Andrew tigilan mo 'yan! Ihanda mo na lang 'yung gagamitin mo para bukas sa medical mission niyo!" sabi ng tito ko kay Andrew. Tumingin naman ako kay Andrew agad. Paano 'yung hugasin kong aaalis siya?!

"Hoy!" tawag ko sa kanya.

"Samantha!" sigaw ng tito ko sa pangalan ko. Inikot ko lang ang mat ako at tumingin sa kanya na nakangiti.

"Bakit po tito?" inosenteng tanong ko sa kanya.

"Tumigil ka na ha!" sabi niya at pinandilatan pa ako. Tsk! Wala na! Ako na ang manghuhugas ng pltao at pinggan! 'Tapos ako din 'yung mamalantsa ng damit!

Napa-pout na lang ako.

"Ingudngod ko 'yang nguso mo sa pader eh!" sita ng tito ko. I just rolled my eyes. Shit! Minsan naiisip ko mahal ba talaga ako ng tito ko? Bakit hindi niya ako sinusuportahan? "Nga pala Samantha anong ilda-drawing mo sa pader ng Angel Baraquel?" tanong niya sa akin. Tinutukoy niya 'yung bahay ampunan na pupuntahan namin ni Andrew. Napasip naman ako.

Ang totoo niyan....

"Wala pa 'to!"

Tinitigan niya ako at sinapak. Napa-aray naman ako.

"Sam, nakita mo ba ang pader ng bahay ampunan na 'yun?" Umiling lang ako. "Pwes para sabihin ko sa 'yo magaling kong pamangkin, kalahating hektarya ang laki nun..."

"What?!" malakas na tanong ko sa kanya. Seriously, kalahating ektarya?

"Bingi ka ba Sam?" huminga ng malalim ang tito ko. "Hindi lang kasi bahay-ampunan 'yun. Dahil sa mahirap ang bansa natin ang Angel Baraquel ay bahay ampunan slash tahanan ng mga batang na-abusado at mga batang hindi tinatanggap sa presinto dahil sa salitang 'menor de edad' sila..." dugtong tito ko. Napatango ako.

"Ganun?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya.

Lagot! Problema 'to! Kalahating ekarya anong gagawin ko? Anong idadrawing ko sa pesteng pader na 'yun? Isang araw lang ang medical mission nila Andrew eh kung ganun kalaki-kalapad rather ang pader nila, aabutan ako ng isang linggo kung ako lang mag-isa!

Nag brainstorm agad ako. Mga ilang Segundo lang ay may naisip na akong ida-drawing sa pader na 'yun-'Wag na kayong magtaka, genius 'to! Ang gagawin ko bukas, gagawa na lang ako ng outline 'tapos 'yung mga bata na lang ang magkukulay ng ginawa kong outline pero syempre iga-guide ko 'yung mga bata sa kulay na ilalagay nila!

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon