ANDREW's POV
NAKAKAPANIBAGO!
'Yan agad ang nasabi ko ng ma-realize ko na nakakapanibago talaga ang babaeng 'to ngayon! Gumigising siya noon ng nine ng umaga, kumakain ng 12 para sa lunch, manonood ng TV 'tapos matutulog ulit, gigising lang kapag may meryenda, kukwento 'tapos matutulog ulit pagkatapos ng hapunan. Pero ngayon, heto siya sa harapan ko, busy na nag da-drawing-painting pala sa canvass niya. Take note, alas kwatro pa ng umaga!
"Sam..." tawag ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Wow! Hangin lang ako? Concentrate na concentrate kasi siya sa ginagawa niya! Baka naman gusto niya akong tulungan sa mga gawaing bahay at paglilinis ng ginawa niyang kalat. Kasi ewan ko ba sa babaeng 'to at ang hyper! Hindi lang mga pader ang pinagtripan niya pati na ang mga sabon na ginagamit namin dito. She carved it! At 'yung sabon na sa sobra sa pinag carved niya, nasa sahig at winawalis ko ngayon!
Napailing na lang ako at napatingin dun sa mga sabon! Wow! Parang ayaw ko tuloy gamitin! For God's sake, ano bang nakain niya ngayon? At gumaganito siya?
Tsk! Edi siya na ang magaling sa arts!
Iba talaga ang trip ng babaeng 'to but aaminin ko, 'yung food na hinanda niya kahapon, hindi masama. She can cooked naman pala, kaya naman, siya na lang ang bahala dun! 'Wag na ako! Hindi naman sa nagrereklamo ako, nakikitira lang din naman ako dito pero kasi, malapit na pasukan namin, 'tapos mag o-OJT ako and I'm scared, baka gumana naman kasi ang pagka-engot ko at bumagsak ako kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti! Mahal kaya ang programa ko! Nakakabaliw na, masakit pa sa bulsa!
"Andrew..." napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin-Nakatitig pala ang tamang salita. Napakunot ang noo ko ng tumingin siya sa akin ulo hanggang paa. Pagkatapos nun ay tumitig siya muna sa tiyan ko 'tapos ay sa mukha ko. Kinilabutan ako. Kasi... Feeling ko, may masamang mangyayari! May masamang balak sa akin ang babaeng 'to! Kami lang kayang dalawa ang nandito sa bahay kasi sila father pumunta sa kabilang bayan, bumili ng... Ewan! Basta para kay kuya 'yun! Napalunok ako ng biglang binaba ni Sam ang canvass niya at nakita ko kung ano ang nandoon.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
Romanzi rosa / ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam