NAPANGIWI NA LANG ako ng marinig ko ang click na 'yun. Tsk! Ayaw talaga akong kausapin ng pamangkin. Psh! Minsan talaga, pabebe 'tong pamangkin ko. Napabuntong hininga na lang ako. Baka masama pa talaga 'yun loob niya sa akin. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Tumalikod na lang ako sa may pintuan at pumunta sa may kusina. Napaupo lang ako sa upuan sa may malaking mesa na nasa kusina at napangulambaba. Psh! Huminga na lang ako ng malalim. Alam ko, may kasalanan rin naman ako eh. Hindi ko siya pinakinggan and worst, may nasabi at nagawang akong hindi maganda sa kanya.
Kasi naman! Napangunahan ako ng pagkataranta at pag-alala sa kanya kanina. Nang pumunta kasi kami ng palengke ni Simon, may nakausap akong tinder at sinabing na dapat na maging maingat ang pamangkin ko dahil may balak na gumanti si Juan kay Sam. At iyon, nagmadali akong umuwi dito sa bahay 'tapos pagdating ko, nakabukas 'yung pintuan at walang tao. 'Tapos ang nakakainis 'yung washing machine... haysssttt....
Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa ulo ko. Matawagan ko nga ang kapatid ko. Baka matulungan ako ng kapatid kong 'yun. Kukunin ko na sana ang cellphone ko ng may naramdaman akong may tao sa likuran ko. Mabilis na napatingin ako sa likuran. "Simon?" gulat na tawag ko sa pangalan niya. Napakunot ang nook o ng makita ko si Andrew sa likuran niya na para bang nagtatago.
"Father..." tawag ni Simon sa akin. Napatingin ako sa mukha niya. Ang seryoso ng mukha niya ah! Umupo ako ng maayos at tumingin sa kanya
"Hmmm..." sabi ko at bigla niyang hinawakan ang braso ni Andrew at pinapunta sa harapan niya.
"May sasabihin ho si Andrew...." seryoso at madiin na saad ni Simon. Napatingin ako kay Andrew na ngayon ay nakayuko at kinakati ang ulo. Minsan, itong si Andrew, napaka-weirdo!
"Anong sasabihin mo, Kyle?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagkati nung ulo niya. 'Tapos dahan-dahang siyang nag-angat ng tingin at alanganing ngumiti sa akin.
"Ahmmm... Ano... Father kasi..." nahihirapan na sabi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Wow! Ngayon ko lang nakitang ganito ang batang 'to! Palagi ko kasing nakikita nakangiti itong si Andrew gamit 'yung 'devilish smirk', sabi pa ng mga babaeng humahanga sa kanya!
Si Andrew, masasabi ko na isa ang batang 'to sa pinakasikat na lalaki dito sa buong San Vicente! Paano bang hindi, matalino at gwapo ang lalaking 'to. Hindi lang halata, pero matalino ang batang 'to. Graduate siya ng med tech at cum laude siya. 'Tapos ngayon nag proceed siya ng medicine. Oo! Mag do-doctor ang lalaking 'to! Buti nga at may scholarship si Andrew kaya kahit... alam niyo na... Nakakapag-aral pa rin siya. 'Yun nga lang tatanga ang lalaking 'to minsan. Isip bata pa kasi kahit 23 na at dependent masyado kay Simon. Akala ko nga nagbago na 'to pero hindi pa pala. Pero ngayon, hindi na siya isip bata... I think... Napabuntong hininga na lang ako. Hay naku... Andrew!
"Andrew, umayos ka..." madiin na sabi ni Simon. Bakit parang tinatakot yata ni Simon 'tong si Andrew. Ang magkapatid talagang 'to!
Mabilis na tumingin siya kay Simon. "Kuya wait lang! Sasabihin ko na! Excited lang?" sabi niya kay Simon 'tapos tumingin sa akin. "Father, I want you to know, Sam is a good girl." napatitig ako sa mukha niya ng sinabi niya 'yun. "She... " Nanlaki ang mata ko sa mga sumunod na sinabi niya. And damn! Ang laki ng kasalanan ko kay Sam!
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
Romanzi rosa / ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam