Twenty-Six

2.2K 61 8
                                    

Sam's POV

"Okay ayos na ang lahat, Sam!" masayang sabi ni Andrew. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Kagagaling lang namin dun sa kaibigan niya. Kinuha namin 'yung giveaways para sa binyag ni baby Andi bukas! Ang bilis ng araw noh?! Kainis! 

"Salamat Andrew ha..." nakangiting sabi ko. Pwe! Ang hirap maging mabait pero ang kapal naman ng mukha ko kong susungitan ko si Andrew diba? Hindi kami close pero tinutulungan ako ng sirang 'to! Pero-I need to be vigilant! 

'Samantha's guide for pagiging mandurugas number 1' Tandaan, lahat ng bagay na hinihingi sa tao ay may kapalit kaya baka may ipapagawa sa akin ang mokong na 'to na hindi katangap-tanggap sa lipunan, mapapatay ko talaga siya! 

'Wag niyo ng itanong kong kailan ko naisip ang guide na 'yun, madi-disappoint lang kayo sa akin!

Napatigil kami sa paglalakad dahil may mga pesteng lalaking naka-suit ang lumabas sa simbahan. Anak ng! Mga mafia! Lagot! Inihanda ko ang sarili ko para sa isang madugong pakikipaglaban! Well, nanood kasi kami ni Andrew ng 'My wife is a gangster' kagabi kaya may hang-over pa ako, pasensya na!

Napakunot ang noo ko ng lumabas si Alicia na karga-karga si baby Andi na may dalang pacifier na nakabalot sa cellophane. May nakita din akong papel sa ilalim nung cellophane. Shitttttttttttttttttttttttt! Parang may clue ako sa bagay na 'yun ha! Pero... Napatingin ako kay Alicia! Ang gagang 'to, 'wag niyang sabihin sa akin na may pinagawa siya? Eh ano na lang...

Lumapit ako sa kanya.

Biglang tumingin sa akin si Alicia. Nawala ang ngiti niyang pinapakita dun sa lalaki at nakita ko siyang napalunok! 

"'Sup!" bati ko sa kanya. Pinigilan kong mapangiti! I did sound cool right? Hahaha! Ang galing! Ako na talaga! Pero back to reality! 

Napalunok ulit siya kaya lumapit ako sa kanya.

"Sino siya?" tanong ko kay Alicia sabay tingin dun sa lalaki. Parang namumukhaan ko ang matandang hukluban na 'to!  Parang kamukha niya 'yung sira-ulong lalaking humihingi ng piso sa may Luneta ah!

"Sam..." bati sa akin nung lalaki. Oh! Kilala ako ni matandang hukluban? Oh well, sikat naman talaga ako! "You look good..." nakangiting sabi niya sabay tingin sa akin ulo hanggang paa. Grabe siya oh! May ganun agad! Sipain ko kaya siya! "By the way, Sam, thanks for the effort for the giveaways pero ako na ang bahala dun." sabi niya sabay tingin kay baby Andi. "And Andrea love it!" masayang sabi niya! Parang nablanko ang utak ko sa sinabi niya. Ano daw?

"What?" mahinang tanong ko.

"You heard it kaya please 'wag mo na akong paulitin pa." sabi niya sabay pasok sa kotse niya! Naikuyom ko ang kamay ko. Damn! Kilala ko na ang lalaking 'to. Tsk! Bitter pa rin! Bakit?

Once upon a time, may babaeng shunga-shunga named Samantha Guevara. Lumabas sa isang hotel room na naka-suot ng lingerie dahil naghahanap ng signal para ma-contact ang nanay niyang baka lang 'concern' sa kanya kung nasaan siya 'tapos may isang lalaking manyakis siyang nabangga at napagkamalan siyang prosti nito. Tama kayo! Ang lalaking tinutukoy ko  ay ang magaling na lalaking 'to! Hindi pa dun nagtatapos ang kwento ko, akala ng lalaking 'to, easy to get si shunga-shunga! Hindi niya alam na black belter ito kaya na-hospital siya nang magpumilit siya at hinarass niya ang shunga-shungang babae.  Ang eksidenteng 'yun ay naging usap-usapan dahil lintek na tadhana, kaibigan pala ng tatay ng shunga-shunga ang manyakis na binalian niya ng buto! Hindi lang 'yun, hiniwalayan ng misis niya ang manyakis na lalaki at ang babaeng shunga-shunga ang naging salarin pero hindi 'yun ang naging isyu! Ang babaeng shunga-shunga na si Samantha ay naagrabyado dahil ayon sa tsismis na kumakalat ay kabit daw sya ng manyakis na 'yun! 

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon