SAM'S POV
"SAM, congratulations..." masayang bati sa akin ng kaklase ko. Ngumiti lang ako sa kanya at nag thank you. Kaka-anounce lang kasi kung sino ang top 10 sa batch namin at kung sinu-sino ang Valedictorian, Salutatorian, First honorable mention at so on so forth. Kaya nga kino-congratulate ako ng mga plastick kong kaklase dahil first honourable ako. Peste lang talaga 'tong mga kaklase ko, ang plastic-plastick! Nung sinabi sa akin ng teacher ko na first honorable ako pero tentative pa lang, ini-etchapwera ako pero ngayon.... Hayssst! Ewan!
"Sino ang magsasabit ng medal sa 'yo?" tanong ng isang kaklase ko. Nawala ang ngiti sa labi ko sa tinanong niya. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at tinaas ko ang isang kamay. Sinampal ko siya ng sobrang lakas sa mukha niya. Napatulala siya sa ginawa ko.
"What the hell?!" galit na tanong niya sa akin. Nagsilapitan ang mga kaibigan niya at dinaluhan siya. Tinulungan nilang makatayo si Ann. Pangalan ng pesteng classmate ko. Masamang tumingin sila sa akin. "Bakit ka ba biglang nanampal?" tanong sa akin ni Ann.
Walang kaemosyong-emosyong tumingin ako sa kanya. "Gusto ko eh..." sabi ko sa kanya sabay talikod sa kanila. Naglakad na ako palayo sa kanila. Ayokong i-waste ang time ko sa kanila!
"Tsk! Tingnan mo nga 'tong isang 'to..." rinig kong sabi ni Ann. Hindi ko siya liningonan dahil parang alam ko na ang sunod na sasabihin niya. Mabilis na naglakad ako dahil hindi ako martyr at baka mapaaway lang ako.
"Siguro walang pupunta sa kanya sa graduation..." rinig kong sabi ng kaibigan niya. Naikuyom ko ang dalawang kamay ko. Shit! Napatigil ako sa paglalakad. Damn it! Bakit ako tumigil sa paglalakad? Gagalang Sam?! Dapat hindi kamagpa-apekto sa mga losers na 'yan! Dapat dumiretso na lang ako papuntang dorm. So what kung may multo dun? May holy water naman akong dala-dala na ninakaw ko sa chapel! Pwede ko namang ipanlaban sa mga pesteng multo na 'yun!
"Siguro nga..." mataray na sabi ni Ann. Lumingon ako sa kanila na nakataas ang isang kilay ko. "Eh wala namang dumadalaw sa kanya tuwing visiting day eh..." nakangiting sabi niya at tumawa 'yung mga kaibigan niya. Sige! Pagatawanan niyo lang ako mga inggitera!
"Kawawa naman..." sabay na sabi nila sa akin.
Tsk! Ang lame nilang mambully ha! Atsaka, bakit ang lakas ng mga hinayupak na 'to na i-bully ako?! Pwera ba wala 'yung mga siga kong kaibigan dahil busy sa pagpa-pirma ng form sa guidance counselor namin para maka-graduate sila. Tsk! Turuan ko nga 'to ng leksyon! Na 'wag na! Totoo naman kasi eh...
"Hoy Ann..." tawag ko sa kanya.
Tumigl sila kaka-chika dun at tumingin silang lahat sa akin.
"Ano?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam