Two

10.6K 187 9
                                    

10 HOURS AGO

SAM'S POV

"Kuya isang order pa!" sigaw ko kay kuya bartender pagkababa ko ng beer ko. Yup! Beer! Pang mayaman lang kasi ang wine at 'yung mga pesteng sobrang mahal na inumin na 'yan! Mahirap lang ako! Tumingin lang sa akin si kuya bartender at tumango. Ngumiti lang ako sa kanya at nag-okay sign. Good!

Damn!

Kailangan kong magparty-party ngayong gabi dahil bukas wala na ako sa SIYUDAD kundi nasa BUKID na ako! Aalis kasi at papunta sa ewang lugar kung nasaan ang pariwala kong tito Ismael.... Hahaha. Napangiti na lang ako ng pinalitan nila 'yung music na pinatugtog nila. Tinaas ko 'yung hintuturo ko at parang baliw na winagayway 'yun. Tsk! Feeling musician ako!

"Miss ito na ang order mo..." napatingin ako sa harapan ko. Si kuya bartender! Hawak nya 'yung beer na inorder ko! Nginitian ko lang si kuya bartender. "You like that song?" Napanganga ako sa tanong nya. Sosyal! English speaking siya! Pero... Wala akong planong makipagkwentuhan sa kanya... Tanga eh! Sa tingin nya, kung hindi ko gusto 'yung kanta, ikakaway ko ba 'yung kamay ko? I just rolled my eyes. Tumango lang ako sa kanya at kinuha 'yung beer ko. Agad na kinuha ko 'yung pera na nasa bulsa ko at binigay sa kanya 'yun lahat...

Yup lahat! Mabait kasi si kuya sa akin eh... Kahit mukha akong hindi 18 years old, binigyan niya pa rin ako ng drinks! 'Yung ibang bar kasi kailangan ko pang magpakita ng ID para maniwala silang 18 na ako!

"Kuya bayad ko..." sabi ko sa kanya pagkalagay na pagkalagay ko sa pera doon sa counter... Bumaba ako sa upuan at tumingin sa kanya.

"Ahh... Miss, sobra 'tong bayad mo..." sabi nya sa akin.

"Edi sa 'yo na ang sobra..." nakangiting sabi ko sa kanya sabay talikod. Ang daming arte! Kunin nya na lang kaya 'yun! Buti nga binigyan ko siya ng ganoon! Hmp! Umalis na ako pero binitbit ko 'yung isang beer na binili ko! Syempre 'yung may laman!

"~The best day of my life~" kanta ko habang naglalakad. At no! 'Yun linyang lang 'yun ang kinakanta ko at sinasabay ko 'yun sa original na kanta...Eh, sa 'yung lang ang alam kong linya sa kantang 'yun eh.. Kinanta ko 'yun hanggang makalabas ako sa bar. Napangiti ako. Galing! Hapon pa pala! Tsk! Dapat pala mas nagtagal na lang ako sa loob. Tsk! Tsk! Mamaya pa kaya akong nine thirty aalis eh...

"~The best day of my life~" kanta ko ulit pagkalabas na pagkalabas ko sa bar. Tinaas ko 'yung bote ng beer na bitbit at winagayway. Napatigil ako sa paglalakad at ngumiti. "Cheers!" sigaw ko habang nakatingin sa puno. Wala na! Lasing na ako! Ilang bote ba ng beer ang ininom ko?

Kainis naman oh! Amoy beer din ang hininga ko.

Iinumin ko na sana 'yung beer nang may humawak sa kamay ko at kinuha 'yung beer ko.

"Uy!" sigaw ko sabay huli nun pero nailayo na nung kung sino ang beer ko. Inis na lumingon ako sa likuran ko at handang makibakbakan sa Ponchong Pilatong kumuha ng beer ko. Pero... ganun na lang ang kabang naramdaman ko ng makita ko ang kuya ko doon... Lintek!

"Kuya Edward..." kinakabahang tawag ko sa pangalan nya.

"Ano 'to, Samantha Guevara?" galit na tanong nya sabay 'tapon nung beer sa lupa. Napatingin ako sa beer na binili ko...Sayang! Kaunti pa kaya ang naiinom ko. "Hapon na hapon, umiinom ka!" galit na sabi nya sa akin. Napalunok ako. "Pasok sa loob ng kotse!" ma-owtoridad na utos nya sabay turo sa kotse nyang nasa tabi lang nya. Agad na pumasok ako doon. Sumunod naman siya!

Padabog na pumasok sa kotse si kuya Edward.

"Ghad Samantha! Hindi ka ba titino?!!" tinakpan ko lang ang tenga ko ng marinig ko syang nagsimulang maglitanya. Naman oh! Hindi man lang nya ba ako na-miss?! Bakit litanya agad?! Wala man lang bang kiss at hug?! Kainis naman oh!

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon