Forty

2.2K 73 6
                                    



SIMON's POV

"DIBA dapat nagrereklamo si Sam ngayon dahil sa ginagawa niya?" wala sa sariling tanong ko kay Andrew habang nakatingin kay Sam na nag-aarange sa bahay namin. Nasa hacienda kasi kami ngayon dahil sinabihan ako ng kuya ni Sam na okay na daw ang lahat at amin na ulit 'to kaya nandito kami at inaayos ito. Napagdesisyunan kasi namin ni father na kapag natapos akong ordinahan ay magkakaroon ng kaunting salu-salo at dito sa bahay namin 'yun gagawin. Maliit lang kasi ang bahay ni father eh kaya baka mapuno 'yun kapag oras na ng pagkain.

"Tsk! Ewan ko diyan, kuya! Parang timang! Ang OA lang kasi!" inis na sabi ni Andrew sa akin. Hindi ko kasi alam ang nangyari dahil maaga kasi akong umalis para makipagkita sa kuya ni Sam kaya hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari?" curious na tanong ko at tumingin ako sa kanya.

"Tumawag daw kasi 'yung si Lyka at sinabing hindi na daw nito isasali ang ginawa niyang nu-" biglang napatigil sa pagsasalita si Andrew at tumingin sa akin.

"Nu..." napalunok siya at tumingin kay Sam.

"Nocturnal...?" alanganing sabi niya. Eh? May ganun ba? Well, wala naman akong alam sa mga ganyan, bahala na nga! "Argh! Ewan basta may hindi isasali sa ginawa niya kasi parang alanganin at 'not so her' daw pero ang gaga mali ang pagkakaintindi..." sabi ni Andrew.

Kahit hindi masyadong na-explain ni Andrew, parang nakuha ko naman ang gusto niyang ipunto. So, misunderstanding lang pala lahat ng 'to. "Ano ba ang pagkakaintindi niya?" tanong ko.

"Pangit daw ang gawa niya. Kaya ayan, parang baliw ang babaeng 'yan!" sabi niya sabay punta sa dingding na pipinturahan niya. Napag-usapan kasi naming dalawa para madali ang pag-aayos sa bahay, may mag-aarange, may magpipintura at maglilinis ng bahay. Akala nga naming, hindi sasali si Sam pero nag prisenta nga siya kanina na siya na daw gumawa lahat. Napailing na lang ako. Tatapusin ko na lang muna 'tong ginagawa ko 'tapos kakausapin ko si Sam.





SAM's POV

"SAM..." hindi ko pinansin ang tawag ni Simon sa akin. Bahala sila sa buhay nila, may ginagawa kasi ako. Mga design na pwedeng ilagay sa malaking dingding nila. "Sam..." tawag ulit sa akin ni Simon. Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Kainis! Ang kulit!

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Okay ka lang ba?" concern na tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim. Huhulaan ko 'to, tsinismis ni Andrew ang nangyari sa akin ngayon kaya ganito siya sa akin. Hayss. Mga lalaki, mas tsismosa pa sa mga babae! Kainis! 'Yan tuloy, hindi ako maka-emote ng wagas!

Hindi na lang ako sumagot. Eh kung alam naman din niya, ano pang silbi kapag sinabi ko pa ang sagot ko? Bumalik na lang ulit ako sa ginagawa ko kanina.

"Pwede ba akong umupo sa tabi mo?" Tumango na lang ako. Umurong ako kaunti para makaupo siya nasa sofa kasi ako nakaupo. Asan si Andrew? Lumabas at bumili ng pagkain namin. "Alam mo, Sam, nung bata ako, ayaw kong maging pari..." sabi bigla ni Simon kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa ... Tiningnan ko ang tinitingnan niya. Nakatingin siya sa family picture nila. "Gusto ko kasing i-manage ang hacienda noon eh. Tingin ko kasi ako lang ang may kakayahan na gumawa nun. Kasi kung si Andrew ang mag ma-manage, baka malugi lang dahil hindi naman ito ang gusto niya. Bata pa lang kasi kami, bukang bibig niya na magiging doctor siya. 'Tapos si Carla naman, hindi mapagkakatiwalaan." Seryosong sabi niya sabay tingin sa akin. Tumitig din ako sa kanya. Hindi mapagkakatiwalaan si Carla ha? Pero bakit nakipag-sex siya sa babaeng 'yun?! Tsk! Umirap lang ako sa kanya at bumalik sa ginagawa ko kanina.

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon