Years Ago
'DEAR TITO,
Tito, malapit na ang graduation namin. Mag hi-higschool na ako sa wakas at sobrang excited na ako!'
Napatigil ako sa pagsulat at napangiti. Malapit na ang graduation... Yes! Sa wakas makakalabas na ako sa impyernong eskwelahan na 'to at sisiguruduhin kong hindi na ako sa Catholic school mag-aaral. HAHAHA! Nagsulat ulit ako.-Syempre pa-good girl ang tono ng sulat ko WITH MATCHING HUGOT!!
'Grabe! Alam niyo po tito, ang saya ko. Kasi kaunting pannahon na lang, magiging genetic engineer na ako. May good news din pala ako 'to, third honorable mention ako 'tapos meron pa akong special awards! Yup! Awards! Kasi madami 'to. Meron akong award na hall famer in poster making contest-ako kasi ang palaging nanalo tuwing may poster making sa school. Meron rin akong award na 3rd place feature writing contest in national level, athlete of the year, dahil sa pagiging captain ko sa taekwondo team ng school at higit sa lahat, champion ako sa Math quiz bee na ginanap dito sa school nung second quarter! Akalain mo 'yun?! Kaya ako 'yung pinadala sa district level but... I screwed up in the district level eh. Ika-5 ako 'tapos top 3 lang ang kinuha nila para sa division level! Ang saklap 'to noh? Everyone is disappointed sa naging kalabasan ng quiz bee na 'yun. Kaya pagkatapos nun, hindi nakakapagtaka na binubully ako ng mga kaklase ko dahil naka-tsamba lang daw ako nung ginanap 'yung quiz bee sa school. Kasi sino ba naman ako? Si Samantha Guevara? Naging champion sa math quiz bee? Impossible! Ang bobo ko kaya sa math! Baka nga talaga tama ang mga kaklase ko na tsumamba lang talaga ako. Ikaw 'to, ano sa tingin mo, nakatsamba lang ba ako? Pero, aminin ang galing ko!
Napangiti na lang ako sa sinusulat ko. Okay lang ba 'to? Baka imbes na ma-impress si tito, mayabangan pa siya sa akin. Pero kasi, ito ang gusto kong isulat! Bahala na nga si Batman!
'To, sana makapunta ka sa graduation ko ha? Marami akong medals at gusto ko ikaw ang magsabit nun sa akin. Nga pala, March 24 ang graduation namin. Miss na miss na kita 'to.
Love, Samantha'
Wala sa sarili nayakap ko ang sinulat ko. Pinikit ko ang mata ko at taimtim na nagdasal habang hawak-hawak ko ang kwintas ko. 'Lord sana...sana...sana! Haplusin niyo ang matigas na puso ng tito ko para lumambot at ma-touched siya sa sulat ko 'tapos utusan niyo ang mga angels niyo na papuntahin siya sa araw na 'yun. Kahit lang sa araw na 'yun. Promise, kakalimutan ko ang mga araw na hindi siya sumipot sa visiting day, sa mga na araw gusto ko siyang makausap sa telepono pero wala siya at siyempre sa mga panahon na nagmukha akong tanga sa harapan ng mail box ko kasi wala akong sulat na natanggap mula sa kanya.' Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko.
Tsk! Ang sama ko! Nakikipag-bargain ako sa Kanya! Napangiti ako ng mapakla. Siguro, tama nga ang sabi nila na marami ka talagang magagawa na hindi mo inaasahang kaya mo palang gawin lalo na kong desperado ka na at ako, desperada na ako.
Atsaka, kunting-kunti na lang, gusto ko ng magalit sa Taong nasa Taas. Kasi baka ginagawa lang Niya akong tanga. Hindi naman kasi siguro Siya totoo. Kasi kong totoo Siya, why... Why ... Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nangagalaiting kinuyom ang kamay ko 'tapos huminga ng malalim. Relax, Sam isipin mo lang baka tinitest ang faith mo sa Kanya. Nagbilang na lang ako ng isa hanggang sampu at nang ma-relax ako ay dinilat ko ang mata ko at ngumiti ng matamis. There... Smile Sam even you are hurting inside because no one will ever dare to do this for you. No one will ever help you. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa sarili mo kaya dapat maging matatag ka, matapang ka kasi wala kang aasahan. Hindi ang nanay mo, ang tito mo kundi sarili mo lang talaga. At sa mga tao ngayon, tsk! Imbes na tulungan ka, unuwain ka, they will just---
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
أدب نسائي"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam