Sam's POV
"KUYA isang bucket pa ng r-red horseeeeee*hik*?" order ko dun sa waiter na inorderan ko kanina. Tumango lang sa akin si kuya at bumalik dun sa may counter para kunin 'yung order ko. Wow! Ang bilis niya. I like this place kahit I don't know where I am right now. Basta naglakad-lakad lang ako at jackpot may nakita akong resto bar. Alam niyo ba 'yun?'Yung restaurant na nagiging bar tuwing gabi?Eto 'yun eh. Pero kahit sa gabi pa ang bar nila, nag se-serve sila ng inumin! Kaya party-party! Mabilis na inilapag ni kuya inorder ko kaya napangiti ako tumingin sa kanya.
"K-Kuya *hik* ang galing mo dahil *hik* diyan, a-ano ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Shit may tama na yata ako kasi bigla na lang dumadalawa ang ulo niya.
Pinakita niya sa akin ang nameplate niya kaya napatawa ako. "Hahaha! *hik* Ang tanga ko m-may nameplate ka pa-pala! *hik*" at hinila ko ang damit niya para mabasa ko ng mabuti ang nakalagay sa nameplate niya. "E-E..d.win... Edwin ang pangalan mo..." tumingala ako sa kanya. "Gagamitin ko ang pangalan mo sa manga *hik* na gagawin ko." Nakangiting sabi ko at tinapik-tapik ang mukha niya. Hindi naman siya nagreklamo at imbes ay nginitian lang ako. Oh my gosh! Ang cute niya! Sa sobrang cute niya gusto kong basagin ang boteng hawak ko at 'yung bubog ng bote ay isasampal ko sa mukha niya para hindi na siya maging cute! "You will be the hero of my story, gusto mo 'yun?"nakangiting alok ko sa kanya.
Alanganing ngumiti ang waiter sa akin at tumango.
"S-salamat ma'am...?" sabi niya.
Napatawa ako.
Mukha siyang tanga!
Kinuha ko 'yung cellphone ko parasana isulat ang pangalan ni Edwin sa reminder ko kaso buwisit! Ang raming miss call at messages galing kay tito, Andrew at Simon. Tsk! Kaya pala vibrate ng vibrate ang phone kokanina. Akala ko kasi dahil sa open ang wifi ko bigla na lang nag download ang cellphone ko ng mga app na parang porn! Kainis! Magkaka-virus ang cellphone ko nito!
But seriously?
Anong nakain nila at gyenira nila ang phone ko ng text message at tawag.
Ahhh.Maybe nag text si Alicia kay tito sa kung ano ang nangyari kanina kaya tinext ni tito ang dalawang 'yun para i-check ako.
F*ck them!
Wala sa sariling binigay ko ang cellphone ko sa waiter.
"Edwin sa 'yo na 'to...." Sabi ko sabay bigay sa kanya. Mabilis na binalik niya sa mesa ang cellphone ko. Napatingala ako sa kanya. "Uy, binigay ko na sa 'yo ang cellphone ko, bakit mo sinauli?" ayaw niya ba ng cellphone ko?
"Pero kasi ma'am bawal-"
Lintek!
Hinawakan ko ang kwelyo niya gamit ang dalawang kamay ko. "Kunin mo na kung ayaw mabasag iyang mukha mo." Madiin na sabi ko. Gago siya! Chumuchoosy ka pa ha! I-phone kaya cellphone ko! Tumango lang siya ng maraming beses.
"Oo ma'am kukunin ko po..." tarantang sabi niyaat nagmamadaling kinuha 'yun sa akin. Tsk! Ang dali naman palang kausap. Kinuha ko 'yung bote ng red horse at nilagok 'yun. Nakaka-tatlong bote na ako ng maalala ko 'yung nangyari kanina.
Dylan and Alicia huh?
'Tapos Dylan and Alicia is equals Andrea...
"Bwisit!" I hissed.
Napatawa ako sa kamiserblahan ko kaya hindi nakapagtataka na pumatak ang luha ko sa mga mata ko.
Lintek lang talaga!
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam