SAM'S POV
~BAHAY kubo kahit munti wikiwik! tsug! Tsug! Santa baby, santa baby whoot! Love me like you do-- "Asar!" inis na sigaw ko sabay bangon sa pagkakahiga sa kama ko! Oo inattempt kong mag-remix ng tugtog gamit ang utak ko kasi... 'Yung feeling na wala kang maisip gawin?! 'Yung feeling na gusto mong mag-isip pero blanko! Blanko ang utak ko! Ano ba ang dapat gawin ko ngayong araw? O ano ba ang dapat kong isipin?! Ito 'yung nararamdaman ko eh! Pabagsak na humiga ako sa kama ko ulit. "Kausapin ko na lang kaya si simsimi?" tanong ko sa sarili ko. Tsk! Napangiwi ako. Noon, okay na kausapin si simsimi pero ngayon, nonesense na siya! Hindi na kasi uso! "Mag dubmash na lang kaya ako? O 'di kaya i-try 'yung musically ba 'yun? O di kaya naman mag video na lang ako tungkol sa hugot-hugot?!" Tsk! Napangiwi na lang ulit ako. Kapagod kaya 'yun!
Patagilid na huiga ako at inisip ang nangyari kahapon. Sally... Bwisit siya! May ginawa pala siyang ganun?! Bakit hindi ko alam?! Pahamak talaga ang babaeng 'yun! Pero kahit na ganun siya... Napangiti na lang ako at bumangon ulit.
"Panibagong araw, panibagong buhay!" malakas na sigaw ko sabay baba sa kama ko at patakbong pumunta sa kusina. "Magandang buhay everyone!" masiglang bati ko sa kasamahan ko. Napapikit pa ako dahil feel na feel ko ang pag greet sa kanila kaso... pagdilat ko nakita ko ang mukha ni Simon. Nawala ang ngiti ko. Carla and Simon? Mabilis na umirap ako at pumunta sa bakanteng upuan na katabi ng tito ko! Hindi maganda ang araw ko! Panira kasi siya!
SIMON's POV
Mabilis na kumunot ang noo ko ng makita ko ang pag irap ni Sam sa akin. Hindi kasi ako pwedeng magkamali! Is she angry? At sa akin siya galit? Pero wala naman akong ginawa sa kanya? Kahapon pa siya ah. Napailing na lang ako. Baka imagination ko lang 'yun!
"Kuya ano ang ginawa mo?" bulong na tanong sa akin ni Andrew. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko lang imagination na galit sa akin si Sam? Napansin niya kasi eh! Nagkibit balikat na lang ako at tumingin kay Sam na busy na busy sa pagsubo ng pagkain. Nang mapatingin siya sa akin ay umirap ulit siya at nag si-sign na tutusukin niya ang mata ko gamit ang tinidor na hawak niya.
Galit nga sa akin!
"Aherm!" si father. Napatingin ako sa kanya-kami sa kanya pala. "So, Simon, malapit ka ng ordinahan bilang pari..." simula niya. Ahhh. Nanlaki ang mata ko! Tama! Ilang araw na lang pala. Sampu? No! Twelve days na lang! Bakit nawala sa isip ko 'yun! Ah tama! MArami pa la ang nangyari sa nakalipas na araw! Tumango na lang ako kay father. "At ikaw naman Andrew, pasukan na naman sa susunod na buwan kaya pupunta ka na naman sa Maynila..." sabi ni father kay Andrew at gaya ko, tumango lang si Andrew.
"Baka pagkatapos ORDINAHAN si kuya, luluwas ako pa-Maynila...." sagot ni Andrew.
Tumango si father at tumingin kay Sam. "At ikaw Sam, ano ang balak mo sa buhay mo?" tanong niya. Napatingin kami kay Sam. Tumigil siya sa pagsubo at mayabang na ngumiti sa amin.
"Ako?" mayabang na tanong niya sabay ngiti sa amin. "Pupunta akong Singapore kasi mag ju-judge ako dun. Mag ju-judge ako ng isang prestigious competition... Next-next week!" sabi niya na parang nang-iinggit siya sa amin.
"Tsk!" si Andrew. "Ano naman ngayon, 'wag kang mag-alala pagkatapos kung pumunta ng Maynila, magkikita tayong Singapore dahil dun ako mag o-OJT!" Napailing na lang ako. Hindi talaga magpapatalo ang isang 'to! But bilib rin ako kay Andrew. Alam niya sa simula pa lang, wala na siyang laban kay Sam. Sam is... Napakataas niya sa amin at hindi namin siya basta-bastang maabot. Hindi nga lang halata. Hindi ko tuloy matukoy, humble ba siya o hindi!
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam