SA dami-daming ng damit na pinagpilian ko kanina, ang sinuot ko ay Duterte shirt!
Ito na kasi ang tawag sa mga damit na checkered ngayon eh!
Tsk!
"Ahmmm, Sam, bakit ka nakahawak sa braso ko?" inosenteng tanong sa akin ni Simon. Tumingin lang ako sa kanya. Nakahawak kasi ako sa braso niya at siya naman parang hindi komportable sa ginagawa ko. Lihim na napangiwi na lang ako. Sorry. Tiis-tiis muna Simon sa kaartehan ko.
"Baka mawala ako...." Sagot ko na lang sa kanya.
"Eh, bakit ka din nakahawak sa akin?" tanong ni Andrew. Tumingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kong naiinis ba 'tong isa 'to o hindi. Wala kasi akong mabasang expression sa mukha niya. Poker face lang kasi siya eh.
Huminga na lang ako ng malalim.
"Baka mawala ka?" patanong na sabi ko sa kanya. Wala kasi akong masabi na pwedeng idahilan eh. "Ikaw pa naman ang magbabayad ng lakad natin..." alanganing dugtong sa sinabi ko. Tumingin ako sa nilalakadan namin. Sinamaan ko ng tingin 'yung babaeng masamang nakatingin sa akin dahil sa inggit! Hawak ko ang braso ng dalawang lalaki na 'to at nasa gitna nila ako 'tapos magkadikit-dikit pa kaming naglalakad na tatlo dito sa may peryahan. Ha! Mamatay kayo sa inggit sa akin!
HINDI AKO NAGTSATSANSING! I'm just vigilant! (Char umi-English ang gaga!) Kasi, may nakalimutan akong mahalagang bagay! I hate peryahan! Damn it! Sa lahat ng pwede kong makalimutan 'yun, pa! Seriously?! Inu-una kasi ang landi eh! Makurot ko nga singit ko mamamaya sa bahay!
Actually, hindi naman ako galit, takot, to be exact! Sa mga peryahan kasi may malaking tsansa na may Makita akong clown, and hell! I hate clowns! Kumikidnap at nag re-rape 'yun ng mga bata, dalaga at matandang babae! I know I'm acting childish pero 'yun talaga ang rason ko kung bakit ayaw ko sa kanila! Sila nga ang dahilan kaya never akong nakakain sa istablisyemento ng mga Jollibee at McDo eh! Feeling ko kasi bigla na lang gagalaw 'yung Jollibee at McDonald na figure 'tapos kukunin niya ako, re-rapin 'tapos itatapon sa Ilog Pasig! Arghhhhhhhhhhhhh!!!
Ano ba ang iniisip ko?!
Gaga ka, Samantha! Mas lalo mong tinatakot ang sariili mo! Hay! Ang sarap iuntog ang ulo ko sa pader!
Hindi naman kasi-I mean bakit may clown sa peryahan? May nakita kasi akong clown kanina sa may entrance gate na nagbababilib sa pag-from nung balloon! Seriously?! Diba sa birthday party lang sila present?!
Huminga lang ako ng malalim.
Kalma lang Sam! May kasama ka! Dalawang makikisig at nag-gwagwapuhang mga lalaki! Handa 'yang sapakin ang pesteng mga clown, (kung meron man dito) ng dalawang 'to!
Biglang humigpit ang hawak ko sa mga braso nila kaya tumingin ang dalawa sa akin.
"Are you okay?" sabay na tanong nila.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam