'Welcome to San Vicente Mental Hospital'
Napanganga ako sa karatolang nasa harapan ko. San Vicente Mental Hospital. Mental Hospital? Hospital ng mga baliw? Oh God! Papasok kami diyan? Uwi na lang kaya ako?
"Tara na, Sam..." mahinang sabi sa akin ni Andrew at hinila niya ako papasok sa mental hospital. Nagpahila na lang ako sa kanya kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi kung aayaw ako, ano na lang ang sasabihin niya? Ako kaya ang sumama sa kanya. Naman oh, pagminamalas ka nga naman!
"Andrew, sino ang pupuntahan na'tin dito?" tanong ko sa kanya. Huminto siya sa paglakad pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Humarap siya sa akin at ngumiti. Sasagutin na sana niya ang tanong ko sa kanya ng may biglang lumapit sa amin-akin pala at yinakap ako ng mahigpit. Napatulala na lang ako. Ano 'to?!
"Hey!" rinig kong sigaw ni Andrew sa taong yumakap sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya. Oh God!
"A...A...An..Drew..." kinakabahang tawag ko sa kanya habang hinihila ang kamay niya. Please alisin niya ang taong nakayakap sa akin. I think, MAMATAY NA AKO SA HIGPIT NG YAKAP NIYA AT KABANG NARARAMDAMAN KO!! Pilit namang inaalis ni Andrew ang pagkakayakap ng kung sinong Ponchio Pilato sa akin.
"Bitawan mo siya!" sigaw pa ni Andrew habang pilit na inaalis ang kamay na nasa bewang ko ng taong nakayakap sa akin. God! Ba't ayaw niyang matanggal?! Tuko lang siya?! Wala sa sariling napadasal ako ng Our Father!
"Asawa ko!!!" rinig kong sigaw ng taong nakayakap sa akin. Kailan ako nag-asawa? Napaisip ako. Wala akong natatandaang pinakasalan kaya... Nanlaki ang mat ako ng hinaplos niya ang buhok ko 'tapos hinalikan ang buhok ko. Kinilabutan agad ako. Shit na malagkit! "Miss na miss kita asawa ko..." napalunok ako. Oh God! Nasaan na ako sa Our Father?! Atsaka.... 'Yung boses ng lalaking nakayakap sa akin... Mas nanlaki ang mata ko. Oh God no! Sana mali ang nasa isip ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Halika na asawa ko, gawa tayo ng baby..." napasighap ako at kinilabutan ako ng bogga-bongga sa sinabi niya!
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" histerikal na sigaw ko at pilit na kumawala sa taong nakayakap sa akin pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sa akin. "Oh God! Bitiwan mo ako!" Ginalaw ko ang kamay ko para sana suntukin siya kaso naipit ang kamay ko sa mga braso niyang nakayakap sa akin. No! Ayoko! I dream to walk in the aisle with my virtue on and with my future husband! Kaya no way! Pumiglas ako. Pero bakit hindi matinag-tinag ang lalaking 'to! God! "Andrew, help me! Andrew!" sigaw ko sa kanya.
"I'm trying Sam pero ang lakas ni lolo!" sigaw niya sa akin. Napatigil ako sa paglaban ng masamang nilalang na nakayakap sa akin sa sinabi ni Andrew. Lolo? What? May matandang tulad niya ngayon? Oh my gosh! Bumalik ulit ako sa paglaban sa kanya! "Asan na ba kasi ang mga nurses dito?!" rinig kong sigaw niya.
"Asawa ko, 'wag ka ng pakipot pa..." malambing na sabi niya sabay halik sa buhok ko. Oh my gosh!
"Andrewwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!" mahabang sigaw ko! Napapikit ako at pilit na kumakawala! Jusko! Ayoko! Please tulungan niyo ako. May narinig akong lumapit sa amin. Oh my gosh! Nandito na ang katropa niya! Katapusan ko na! Bye-bye virginity! Ahhhhhhhhhhhhhh!!!! Mama! Papa! Kuya!!! Tulong!!!
"MA'AM SORRY PO TALAGA..." sinamaan ko lang ng tingin ang nurse. Sorry? Kainin niya ang sorry niya! Muntik na akong ma-rape ng sira-ulong 'yun! Bwisit! Hindi na lang ako nagsalita kasi baka may masabi pa akong hindi maganda at umabot pa sa tito ko. Ako na naman ang lalabas na masama. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang sarili ko. Shit! Muntikan na talaga! Buti na lang talaga dumating ang mga doctor at nurse ng mental hospital na 'to para pigilan si Isko a.k.a. rapist ko na gawin ang masamang bagay na 'yun sa akin. Sabi kasi ng nurse na nasa harapan ko. Nakawala daw si Isko sa kwarto niya at hinanap nila sa buong hospital. Hindi daw nila akalain na aabot sa may entrance si Isko kasi sobrang layo na daw nito sa kwarto ng matanda....
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam