Simon's POV
"Ako na ho ang bahala dito, tito..."magalang na sabi ng kapatid ni Sam na si Harry sabay tago nung video na kinuha ni Sam kanina. Tumango lang si father sa kanya. "Ah nga pala po, nasaan si Sam?" tanong niya. Napalingon ako sa kanila. Nasa simabahan kasi kami. Si father, nakikipag-usap kay Harry, ako, nagpupunas sa altar at si Andrew, busy sa pagbabasa nung librong binili niya kanina. Kailangan niya daw kasing i-refresh ang knowledge niya sa medical world! Napailing na lang ako! Minsan talaga 'tong si Andrew, nagiisip ng kung anu-ano para lang makaiwas sa mga gawain!
"Nasa kwarto niya, nagkukulong! Ewan ko dun, pagkatapos i-confront si Carla, umuwing bad trip!" sagot ni father. Napatango na lang ako sa sinabi ni father. Kung ganun, badtrip nga si Sam! Kasi akala ko kanina, ginudoodtime lang niya ako pero sa mga sinabi ni father ngayon, badtrip nga siya!
Ano naman kaya ang ginawa ni Carla? O di kaya ano ang sinabi niyang hindi maganda? Knowing Carla, gagawa 'yun ng paraan para lang makaganti sa mga umaapi sa kanya kaya sigurado ako, prinovoke niya si Sam. Actually, Sam and Carla, pareho sila ng personality, palaban! 'Yun nga lang, si Carla, baliw na nga, masama pa ang ugali! Sobrang sama! Siya 'yung klase ng tao, mananaksak sa likuran mo kapag nakatalikod ka! Ganun siya!
"Hey, kuya, tingin mo may sinabi si Carla na hindi maganda kay Sam?" tanong sa akin ni Andrew. Nakikinig din siguro 'to sa usapan ng dalawa. Tumingin ako sa kanya 'tapos tumango. Ngumiwi lang si Andrew sabay sinirado nung librong binabasa niya. "Gusto kong makita 'yang pesteng Carlang 'yun at para maturuan siya ng leksyon." Wala sa sariling nabatukan ko si Andrew.
"Bumalik ka na lang sa pag-aaral mo." sabi ko sa kanya. Naghahanap lang siya ng gulo sa gagawin niya eh! Nandito na ang kuya ni Sam na handang umayos ng lahat at sa legal na paraan!
"Ah ganun po ba..." malungkot na saad ni Harry. Tsk! Nung nandito sila, hindi nila pinapansin si Samantha. 'Tapos ngayon, umaarte sila! Nakakainis sila ah!
"Bakit ba, ano ba ang kailangan mo kay Sam?" tanong ni father sa kanya. Parang nararamdaman din ni father ang inis na nararamdaman ko ngayon.
May kinuha si Harry sa bulsa niya kaya napatingin kami ni Andrew kay Harry. We are waiting too sa kung ano ang ibibigay ni Harry kay father Ismael. Napakunot ang noo ko ng may makita akong papel.
"Papel?" mahinang tanong ni Andrew na katabi ko ngayon. Siniko ko na lang siya. Hindi ba siya makihintay kung ano 'yun?
Binigay ni Harry 'yung papel kay father na nakalukot pa. Inayos 'yun ni father at kunot ang noong binasa 'yung nakasulat sa papel. Maya-maya lamang ay manghang-manghang tumingin si father kay Harry.
"Judge for painting competition in Singapore?" manghang tanong niya. Tumango lang si Harry kaya napakunot ang noo ko. Ano ang nangyayari sa kanila? Tumingin ulit si father dun sa papel at tumingin kay Harry ulit. "Kukunin si Sam bilang judge sa isang prestigious painting competition..." hindi makapaniwalang sabi niya. "At sa Singapore pa?" dugtong pa niya.
Napanganga ako sa sinabi ni father. Ano daw? Si Sam, magiging judge sa isang prestigious painting competition? Anong theme? Gothic?
Tumango lang si Harry.
"No way..." sabay na sabi namin ni Andrew. Si Sam? Ganun ang level niya? Judge? Judge?Nagkatinginan kami ni Andrew. Gulat na gulat ang mga itsura namin!
"She..." hindi natuloy ni Andrew ang sasabihin niya habang nakatingin sa akin. Pero kahit hindi niya natapos ang sasabihin niya, na-gets ko pa rin kung ano ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam