Thirty-four

1.9K 61 7
                                    


ANDREW's POV

"HOY, ANDREW, mali ang pag-arange mo! Hindi pantay 'tong isang painting at 'yang sinasabit mo..." inis na tumingin ako sa kanya at sobrang pinipigilan ko ang sarili kong ihambalos sa mukha niya ang painting na dala ko. Maang na tumingin siya sa akin. "Anong tinutunganga mo? Gawin mo na ang inuutos ko!" parang reyna na utos niya. Inis na binagsak ko 'yung painting na 'yun. Okay lang naman kasi na gawin ko 'yun! Fake kasi 'yun! Binili ko dati sa may Luneta at rinegalo ko kay Carla dahil gusto niya ang ganung painting pero dahil bwisit siya, wala ng sense ang painting na 'yun! 

"Diba, dapat tinutulungan mo ako?" madiin na tanong ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng isang kilay. 

"This is your house at bisita ako at ang bisita ay hindi pinapakilos o pinapagawa ng gawaing bahay!" nakangising sabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag tirisin ang babaeng 'to! Bwisit! Nakakainis na siya! Napatingin ulit ako sa kanya. Professional painter? Graphic artist ng isang malaking kompanya na gumagawa ng video game? Tsk! Talaga bang totoo ang mga bagay na 'yun? Baka pinagtitripan niya ako-kami pala! Hindi kasi 'yun pwede! Hindi kasi halata! Hindi halatang professional painter siya at graphic artist! Kainis!

"Alam mo, malaki ang bahay niyo..." napatingin ako sa mukha niya ng sabihin niya 'yun. Nakatingala siya sa buong sala ng bahay namin. Oo nasa mansion kami. "Kaso ang pangit ng design! Lakas maka-horror!" nandidiring sabi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Kung makareklamo ha! Pero tama naman siya! 'Yan kasi palaging sinasabi ng mga kaibigan ko kapag dinadala ko sila dito sa amin. Lumapit si Sam sa may dingding at tinuro niya 'yun. "Itong kulay ng pader niyo, palitan niyo 'to ng kulay na may buhay para kasing pang design sa mga punerarya. At dapat 'yung mga painting niyo, palitan niyo na! Nakakahiya kayo! Ang laki ng bahay niyo pero ang mga naka-display sa mga dingding peke!" galit na sigaw niya.

Napanganga ako sa sinabi niya. Alam niya?

"You can tell?" maang na tanong ko sa kanya. Paano niya nalaman? Hindi naman kasi halata eh! Kamukhang-kamukha sila nung original!

Tumango lang siya. Napapikit ako. Lagot ako. Mabilis na dinilat ko ang mata ko. Kapag nalaman 'to ni kuya, lagot ako. Ang totoo kasi niyan, lahat ng mga paintings na naka-display sa bahay namin, fake! Paano ko alam? Ako ang pinabili ng mama at papa ko ng mga painting na 'yan kaso nga lang 'yung perang binigay nila sa aking pambili, nagastos ko dahil sa mga sapatos kaya bumili na lang ako ng fake na painting! I hope na hindi sana ako multuhin nila mama at papa pati na rin sila nanay at tatay. Tumingin sa akin si Sam.

"Andrew, may tanong ako?" seryosong tanong niya. Napakunot ang noo ko. Bakit bigla siyang sumeryoso?

"Ano naman ang tanong mo?" curious na tanong ko sa kanya. Lumunok muna siya 'tapos ay tumingin sa akin. Oh. Parang seryoso siya?

"Dati ba... nung hindi pa....mayrelasyonbashhjkl" napakunot ang noo ko ng sabihin niya 'yun. Ano daw ang sinabi niya? Hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Alien ba ang babaeng 'to?!

"Ano?!" tanong ko. "Hindi kita maintindihan!" dugtong ko. Umi-alien siya eh!

Huminga siya ng malalim bago magsalita sa akin ulit. "Sabi ko, dati ba nung nandito pa kayo sa bahay na 'to nila Carla, Simon at mga magulang mo at ni Simon... may napansin ka bang kakaiba kina Simon at Carla? Dati?" nahihiyang tanong niya.

Naitaas ko ang kilay ko. Kailan pa 'to nahiya sa akin? Siya kaya ang pinakanumber one makapal ang mukha na kilala ko ngayon! I smell something fishy!

Well, napaisip na lang ako sa sinabi niya. Kakaiba kina Carla at kuya? Dati? Like relasyon? Napaisip ako ng malalim. Natatandaan ko nun, lagi silang pinapares! Mapa-Reyna Elena, nung prom at nung debut ng gagang 'yun! Pero sa lahat ng okasyon na 'yun, nandidiri si kuya na parang napipilitan at si Carla lang ang masaya-Damn! Bakit hindi ko napansin 'yun dati?! Dapat napansin ko na ilag na ilag si kuya kay Carla! Dapat mapansin ko 'yun at para matanong ko at malaman ang rason ni kuya kung bakit ganun siya. Bwisit! Ang tanga ko!

"Oo yata!" nakasimangot na sagot ko. Napasinghap si Sam sa sinabi ko. Wow, amy ganung reaction? Hindi pa ako pinatapos! Napatingin ako sa kanya. Para siyang nababaliw dahil nanlalaki ang matang nakatitig sa sahig. Nakahawak din siya sa buhok niya at sinabunutuan ang sarili niya!

"Kung ganun..." sabi niya. "Ahhhhh!" mahabang sabi niya sabay padyak-padyak sa harapan ko. "T-totoo?! Totoo ang sinabi ni Carla?!" malakas na sigaw niya sabay iyak. "Hind pwede 'to!" sabi niya at para siyang nagta-tuntrams na one year old sa harapan ko.  Inis na sinapak ko siya! Kung makaarte wagas! Pero umaarte lang ba siya? Knowing this girl, parang timang! Akala mo kung ano na ang nangyayari sa kanya 'yun pala, umaarte lang pero...

"Sa isip ni Carla!" sabi ko. Bigla siyang napatigil sa pagngawa at tumingin sa akin. 

"Ano?" tanong niya.

"Simula pa lang kasi, ilag na si kuya kay Carla 'tapos si Carla naman, parang lintang nakadikit kay kuya." seryosong sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanya. Parang nakahinga siya ng maluwag. Tumayo siya bigla at tumingin sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko-dalawang kamay ko. 

"Tingin mo, kayang makipag chuchu ni Simon kay Carla?" curious na tanong niya. Ano daw?

"Makipag-chuchu?" tanong ko sa kanya. Ano ba 'yun? Nagulat na lang ako ng bigla siyang namula at nag-iwas ng mukha sa akin. Napatulala na lang ako. Damn! Ang ganda ng babaeng 'to! 

"Makipag-sex..." mahinang sabi niya na para bang hiya-hiya sa sinabi niya. Hindi agad ako naka-react! Ano daw?! Makipag-sex? The hell! Napatawa na lang ako bigla.

"Hoy! 'Wag kang tumawa!" inis na sigaw niya sabay batok sa akin pero hindi ako napatigil sa pagtawa. It's just like... She looks like a stupid virgin ng sabihin niya ang word na 'yun! Well, I think she is! Nakipag-chuchu? Tumawa ulit ako!

"Can't help it!" pinigilan ko ang tumawa pero natatawa pa talaga ako. Napatigil lang ako sa pagtawa ng tuluyan ng siniko niya ang tiyan ko kaya napa-igik ako. Bwisit! "Ang sakit!" sigaw ko.

"You deserve it!" inis na sigaw niya. "Hindi mo sineseryoso ang tanong ko eh." sinamaan ko siya ng tingin. 

"Ano naman ngayon sa 'yo kung meron mang nangyari sa kanila?!" inis na tanong ko sa kanya. "Personal na buhay na nila 'yun!"  dugtong ko pa. Para kasing timang eh! Alangan namang itanong ko sa kuya 'yun! Like, duh! Ang awkward ng topic na 'yun! Knowing na magiging pari siya!

"May pakialam ako..." mahinang sabi ni Sam. PArang na-freeze ang pag-ikot ng mundo ng sabihin niya 'yun. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Don't tell me... Nag-angat ng mukha si Sam sa akin at nagsalita siya. "Carla said na kay Simon daw ang batang pinalaglag niya at I don't know.... I don't know kung ano ang nangyayari sa akin Andrew..." frustrate na sabi niya. "Galit na galit ako kay Simon ng malaman ko 'yun at feeling ko kapag narinig ko ang phrase na 'hindi si Simon ang ama nung bata na pinlaglag ni Carla' magiging maayos na ang buhay ko." dugtong niya. "So please, Andrew, tell me the truth..." pagmamakaawa niya.

"Sam, do you like Simon?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa tinanong ko at bigla siyang nagwala!


-------


AN: Update again! But maiksi! Enjoy reading everyone!

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon