Eleven

3.6K 100 4
                                    

Sam's POV

Define hacienda?

           According to my schema, ang hacienda ay isang napakalawak na lugar na sa gitna ng malawak na lugar na 'yun, ay may isang napakamalaking mansyon. May makikita kang pananim gaya ng tubo, palay o mais! Ito rin ay isang lugar na pangangarapin ng isang tulad kong mamana sa kanilang magulang... 

               Source: http:SamanthaGuevaraMaganda.com.ph

Ngayon?

Ang pinakahirap na tanong na pwede kong ibigay sa mga madlang people in the wattpad world. Mali ba ang schema ko o napag-iiwanan lang talaga ako sa mga uso ng mga hacienda sa probinsya gaya nitong nakikita ko sa harapan ko o baka naman talaga na iba ang definition ni Simon sa salitang HACIENDA?! 

Send your answer and comment to: SamanthaGuevarapinakamagandangbabaesabuongmundo.com.ph

Pero dahil sa hindi ako mahintayin na tao! Gagawa muna ako ng freedom wall sa utak ko kaysa naman hintayin ang sagot niyo!!

LETCHE! Asar! Bwisit! Tang-ina! Peste! Gago! Tarantado!

Ine-expect ko pa naman na may bandang sasalubong sa amin 'tapos sa harap ng Hacienda may karatulang nakalagay na 'Welcome Senyora Samantha' pero wala! At ang nakakainis pa, ang sumalubong sa amin ay isang umiiyak na maid dahil sinesante nung amo niya! Hiningnan pa nga kami ng limang libong pesos para pamasahe papuntang Maynila! May nagsabi kasi sa kanya na bagay sa kanya ang maging artista kaya makikipagsapalaran siya doon...

Galing lang diba?!

Pero guys!

Hindi lang halata. Mga matatalino lang kasi ang nakakaalam na isa 'yung napakaganda at napaka-heartwhelming na sobrang napaka-unique na pag welcome sa amin sa pesteng... ahm... hacienda? Nakaugalian na 'yun dito... Pramis maniwala kayo sa akin!

Napatingin ulit ako sa harapan ko at napangiwi.

BWISIT!

Excited na excited pa naman ako kanina 'tapos ito lang ang makikita ko?!

Para  akong nasa isang shooting ng isang horror movie! Walang katao-tao sa pesteng Hacienda na 'to! Peste! Nasaan ba dito 'yung mga trabahante nila? Diba hacienda 'to?

'Tapos wala pa silang pananim?

Seriously?!

Malaki at maganda nga ang mansyong na nasa harapan ko pero dude, baka pagpumasok ako dito makita ko 'yung katropa ni Anabelle at Chuckie! Baka nga nandito 'yung mga pangit na lalaki sa Wrong turn eh!   

Sobrang napakatahimik at sobrang napakapangit! Ew! Yuck!  Tumingin ako kay Simon na ngayon ay nakatutok sa mga halaman na sobrang tuyo sa may paanan nya. Tinitigan ko ng mabuti 'yung halaman na 'yun.

Wow! Diba naghahanap ako ng pananim? Pwes nakita ko na ang hinahanap ko! Mais na lanta! Oo inaamin ko ignorante ako sa mga bagay-bagay dito sa probinsya pero kilalang-kilala ko ang mais! 

"Anong nangyari dito?" malungkot na tanong ni Simon. Napatingin ako sa mukha niya. Sobrang lungkot ng mukha niya. Alam niyong nakakaawa? Siya 'yun eh. Gusto ko sana syang i-comfort  pero hindi niyo ma-erase sa masama kong utak na mainis sa lalaking 'to! Paano ba naman kasi? Anong tingin nya sa akin agriculturist? Paano ko malalaman ang nangyari sa hacienda nila?!

Bwisit!

"Andrew!" nakakunot na noong saad nya. Bigla syang naglakad  papasok sa mansyon kaya naiwan ako sa labas...

"Hoy!" tawag ko sa kanya pero hindi sya nakinig sa akin. Lintek!

Napalunok ako ng biglang humangin ng malakas. Damn it! Napatingin ako sa paligid ko at napayakap sa sarili ko.

Ngayon... Papasok ba ako sa loob o hindi? 

Paano kung pagpasok ko doon nandoon si Chuckie na may dalang kutsilyo na gusto niya akong patayin? Pero kung dito naman ako... Napatingin ulit ako sa paligid ko at wala  sa sariling napayakap sa sarili ko ng mahigpit. Baka biglang lumabas na mga ewang lalaki dito na tulad nung mga pangit na lalaki sa wrong turn o 'di kaya naman, may mga adik na lalaki ang lumabas dito at ma-I spit on your grave pa ako!

Ano ang gagawin ko? 

'Pssssst!'

Shit!

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko!

Oh no!

Pangit na lalaki sa wrong turn o adik na lalaki sa I spit on your grave? Sino? Sino ang pesteng nag psst! Psst! na 'yan?!

"Simon..." wala sa sariling sambit ko sa lalaking 'yun. "Hoy...." tawag ko. Shit na malupit! Bakit ba tinatawag ko ang lalaking 'yun? As if maririnig nya ako?!

Pssst!

Napasinghap ako at napatakbo ng mabilis papasok sa mansyon! Bwisit! Bwisit! Kung sino man ang engot na nag-psst! pst! na 'yun HUMANDA sya sa akin! Nagulat ako doon ha!

Pero! Let me clarify myself!

I'm not scared, scare or will scare! Nganga kayo sa grammar ko noh?!  Ngayon, alam nyo na kung bakit 'Balikdictorian' ako!  Translation kasi nung sinabi ko ay 'Hindi ako natakot, takot o matatakot! '

Psh! Hindi naman totoo  ang mga 'yun eh!!

Kathang-isip lang sila!

In english... Fiction... Yata? Non-fiction? Kainis naman oh! Nakalimutan ko! Lumalabas na makakalimutin tuloy ako! Ghad! Fairytale na nga lang!

Napabuntonghininga na lang ako at tiningnan  kung saan na akong parte ng mansion napadpad! Sala! Nasa sala ako! At sobrang napakagandang sala! Hindi ko nga lang alam kong ito ba 'yung tinatawag na proper o improper na sala! Ang dami kasing arte eh! Pero... Lakas maka-prinsesa ng sala!   Napatigil ako sa pag-o-obeserve ng may kumuha ng attensyon ko. Nakakasilaw kasi eh! Wala sa sariling linapitan ko 'yun!

Nalaglag ang panga ko ng mapagtanto ko kung ano 'yun! Isang malaking family picture na may frame na ginto! at para masiguro kinuha ko 'yung cellphone ko na may maliit na kutsilyo na keychain at kiniskis sa frame... GINTO nga! Pero hindi 'yun 'yung isyu! Nasa pesteng picture frame lang naman si Simon!-  I mean sa family picture! Naka-smile siya at may kaakbay na isang lalaki na naka-smile rin! May matandang babae at lalaki na nakaupo sa isang mamahaling upuan sa may harapan nila at may napakagandang haciendang background sa likuran nila!

Hell!

Ano ang ibig sabihin nito?!

Napalunok ako habang tinitigan ang nakangiting mukha ni  Simon. Okay don't panic! Sabi nya sa akin bahay ng kaibigan niya... Bakit kasama siya sa family picture? Family picture ba talaga 'tong nakikita ko? Baka naman pala joiner si Simon at naki-apid sa family picture! Napatingin ulit ako sa paligid ko. Wala naman ibang picture frame eh! Tinitigan ko 'yung lalaking kaakbay ni Simon. Okay... Hindi sila magkamukha! Tinitigan ko rin 'yung mga matanda... Hawig ng slight kay...

"Sam dito ka lang muna!"  napapitlag ako at muntik ng mapasigaw ng bigla na lang sumulpot si Simon at nagsalita sa likuran ko! Tinitigan ko sya. Tinalo pa nya yata ang sumali ng fun run na 3k lang ang sinalihan sa itsura nya! Mukha pa syang paranoid!

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko sa kanya habang tinitigan ko siya. "At ano ang nangyayari?!" wala sa sariling dugtong ko. As in! Naguguluhan na ako rito! 'Pag ako nainis nanakawin ko 'tong picture frame at tatangalin ko 'tong frame na ginto at ibebenta ko para magkapera ako!

"Mamaya ko na lang sa 'yo sasabihin ang lahat! Kasi ako mismo hindi ko alam ang nangyayari ngayon! Kailangan ko pang sundan 'yung katulong namin! Nawawala kasi 'yung laman ng vault ko!" hysterical na sabi nya at tumakbo sya paalis sa harapan ko. Naiwan akong nakatulala doon! 

Vault ko?

Katulong namin?

So kanila talaga 'to?!


AN: Sorry guys kung sobrang tagal akong naka-update busy kasi ako sa school eh!

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon