Simon's POV
"Okay lang ba ang kwartong 'to?" tanong sa akin ni manang-Ano nga ulit pangalan niya? Nakalimutan ko eh! Teka, natanong ko ba ang pangalan niya? Parang hindi ko maalala na tinanong ko ah! Hindi kasi ako nakikinig masyado sa pinagsasabi niya. Busy kasi ako sa pagtingin sa kabubuuan ng kwartong tutuluyan ko. Binusisi ko iyon ng mabuti dahil dito ako hanggang isa o dalawang buwan o sobra pa doon. Tingin ko bago lang siya rito, hindi ko kasi siya kilala eh...
Tumango na lang ako sa kanya. Si Father na lang ang tatanungin ko tungkol sa pangalan niya.
"Sige iwan na kita hijo..." paalam niya sa akin. Tumango lang ulit ako sa kanya. Lalabas na sana siya sa kwarto nang may natandaan ako.
"Ahhh, nanay, nasaan po si father?" tanong ko sa kanya.
Tumigil sa paglalakad si manang at tumingin sa akin. "Si father ba kamo? Ay hijo! Ayun nasa bahay niya. Dumating kasi ang pamangkin niya eh! Pero baka mamaya nandito na 'yun..." Napatango na lang ako. Kung ganun, magkikita na kami ni Father Ismael! Sa wakas! Napangiti ako ng malaki... Napakarami ko kasing ikukuwento sa kanya. Napahimas ako sa batok.
Ilang taon na ba ang lumipas ng huli kaming magkita?
5 years?
6 years?
7 years?
Napailing na lang ako. Humiga ako sa kama ko. Grabe! Wala pa ring nagbago rito. Ako lang yata ang nagbago. Kasi noon, isa lang akong payat na sakristan pero ngayon ilang araw na lang, oordinahan na ako bilang pari. Ang saya!
Bumangon ako sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Sinuot ko 'yung white t-shirt na dala ko at nagsuot ng cargo short. Lumabas ako sa kwartong tinutuluyan ko. Gusto kong makita kung ano ba ang mga pinagbago-kung meron man sa simbahan. Hindi ko kasi siya nasuri kanina eh.
Walang pinagbago ang simbahan. Aside sa kulay ng pintura ng simbahan, wala na.
Napangiti ako. Hindi pa rin pala siya nagbabago!
Kaysa gamitin niya 'yung pera sa offering para ipaayos ang simbahan, ginagamit nya 'yun para makatulong sa mga taong naghihirap dito sa lugar na 'to. At maghihitay lang siya sa mga taong may mabubuting puso na mag donate o 'di kaya mag initiative na mag paayos sa simbahan.
Kaya nga siya ang idolo ko eh... Kaya heto ngayon ako...
Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong babae sa fountain ni Virgin Mary na parang.... naghihilamos?
Totoo ba 'tong nakikita ko?!
Kinusut-kusot ko ang mata ko!
At oo, tama nga ang nakikita ko! Hindi ako namamalikmata!
Nandoon ang hose ng gripo sa bandarilya ng fountain at doon siya sumasalok ng tubig!
Jusko! Napa-sign of the cross ako sa wala sa oras. Bigla kasing hinubad noong babae ang suot niyang jacket at halos makita ko na ang kaluluwa niya dahil sa suot niyang damit! See through 'yun na itim at 'yung dibdib lang niya ang tinatakpan ng damit niya! 'Tapos sobrang iksi pa ng short niya at nakatuwad pa ang babaeng 'yun dun sa fountain. Juskong mahabagin! Inilagay niya pa ang jacket niya doon kay Virgin Mary!
Naliligaw ba ang babaeng 'to?!
Hindi yata sa simbahan punta niya eh...
Nanlaki ulit ang mata ko nang umalis siya sa may fountain at lumapit sa may gripo. Biglang tinanggal noong babae 'yung hose ng gripo na malapit sa pinagtitirikan ng kandila. Pinaagos niya muna ang tubig sa gripo pagkatapos ay sinalod niya ang buhok niya sa tubig na para bang naliligo!
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam